Chereads / The Perfect Melody / Chapter 3 - CHAPTER 1: Tutor

Chapter 3 - CHAPTER 1: Tutor

Sky's P.O.V

Brrrr. Sobrang lamig ngayong umaga. Dumaan ako sa convenience store para bumili ng iced coffee. Araw-araw ako bumibili ng iced coffee para initin at inumin tuwing tanghali. Weird 'no?

Kinuha ko ang all-time favorite kong iced coffee at nangtungo sa counter para bayaran. Lumingon ako para tignan kung may nakasunod bang tao sa akin dahil baka si Porsche na naman 'yon.

That damn girl.

Wala namang tao sa likod ko at mukhang ako lang ang mag isa ngayon sa store. Dali-dali akong lumabas dahil baka ma-late na naman ako sa pag tap ng I.D ko sa gate.

"Aray!" Bulalas ko nang maramdaman kong may bumunggo sa'kin at nauntog sa baba ko. Ah. Babae.

"Sorry po. Nagmamadali lang," pagmamadali niya.

Tinignan ko ang suot niyang uniform at nakita kong pareho kami ng school na pinapasukan—Ah, that Lindway Academy. Ang paaralang puro bayarin. Halos gumapang na ako sa putikan mabayaran lang tuition ko sa school na 'yon!

"Kuya, sandal-" Narinig kong tawag niya pero hindi ko na pinansin. Baka isa na naman yon sa mga creep na biglang hahanapin ako sa social media accounts ko at tatanungin kung may girlfriend na ba ako.

------

"Sky! 'Di ba naghahanap ka ng sideline? Ayon. May nakausap akong naghahanap ng guitar lessons para sa anak nila," biglang sulpot ni Nina sa tabi ko.

Si Nina ang class president namin. Maganda, matalino, at talented. Friendly siya sa lahat. Close to perfection na pero—nah! Ayoko muna magkaroon ng mga crush-crush na 'yan. Dati na akong binusted niyan ni Nina.

Ouch. Pain. Pighati.

"Oh, tapos?" Walang ganang tugon ko. Tinaasan ko siya ng kilay at sinimangutan.

"B-Baka gusto mo lang. Tyaka nakausap ko na rin naman na yung parents ng student mo. Permission mo na lang kulang." Pagpapatuloy niya.

"Wait. WHA-?! Pinakilala mo na ako agad, tapos sinabi mong kailangan ko na lang pumayag?" Inis na wika ko. Aba. Desisyon ka talaga.

"Yes. Nasa labas na sila ng classroom right now. So get some balls to face those parents. Pera 'yon, Sky!" Ani niya saka hinila ako palabas ng classroom.

Hinarap ko ang parents na tinutukoy ni Nina. Mukha naman silang mababait. Sabi nila, 500 per session, thrice a week at dapat sa bahay nila para makapag focus sa school ang anak nila.

"Pangatlong tutor ka na ni Justin. 'Yong mga nauna, hindi niya kinaya. Masyadong pabaya at hindi sila lahat interesado sa musika," kwento ng ina ni Justin. Musically inclined naman talaga ako at marunong tumugtog. Pero, ba't kailangan pa nila ng tutor sa anak nila kung may YouTube naman para mag aral ng tutorials? Ugh! Wala lang silang magawa sa pera nila, eh. Pero, heh! Pera 'yon.

"Don't worry sir and ma'am. Mapagkakatiwalaan po ako. Sisiguraduhin kong matututo anak niyo sa loob ng ilang linggo," wika ko. Dapat maging sure sila sa'kin. Mahirap na. Baka bawasan pa nila offered price nila sa'kin.

"Sige. Magkita kayo ni Justin sa library mamaya."

Tumango ako at pumasok sa classroom.

Lalaki naman 'yon. Hindi ako mahihirapang makipagusap sa kanya dahil lalaki siya.

Pero kahit gano'n ang nasa utak ko, may feeling talaga ako na bata ang tuturuan ko. Mahirap kasi naman talaga mag aral ng gitara pag maraming nanonood sa'yo. Makikita nila kahihiyan mo.

_________

"Good morning, B-12. Meet your new classmate." Panimula ni Ms. Alonzo. Pumasok naman agad ang bagong student at humarap sa klase.

Teka. Siya 'yong nasa store kanina ah?

"Good morning, classmates. I am Luna Silvonne. Please be nice to me." Wika niya at saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Psssssssst!"

"Psst!"

"Kuya!" Bulong ng katabi ko.

Nilingon ko at tinignan nang masama.

"Sungit! Naiwan mo kasi 'to."

Inabot niya sa'kin ang guitar pick na pendant. Agad kong tinignan ang kwintas na suot ko.

Damn. Oo nga. Akin 'yan.

Kinuha ko agad ang guitar pick na hawak niya. Hindi ko napansin na nawala na pala 'yan dahil sa sobrang stressed ko nitong mga nakaraang araw.

"Wala man lang bang THANK YOU diyan, kuya?" Aniya sa sarkastikong tono.

"Sa'n mo muna 'to napulot?" Tanong ko. Ngumisi lang siya at nag kibit-balikat lamang siya.

Hindi ko na tinanong ulit kung saan talaga niya nakuha 'yon. 'Di ko rin alam kung saan ko naiwan, eh.

Binilin sa'kin ni Ms. Alonzo na i-tour at i-guide si Luna sa school and stuffs. Irregular student si Luna, kaya may ilang subjects lang ang classmates kami. Dahil nga, ako ang kanyang assistant for her first day, kinuha at pinakupkop ko siya sa lahat ng grupo na kinabibilangan ko sa lahat ng subjects. Sabi kasi ni Ms. Alonzo, mahiyain daw 'tong si Luna.

Parang hindi kaya.

------

—Recess time—

"Langit! Sabay tayo mag recess," wika ni Luna.

"Mag-isa ka," walang ganang sambit ko. Tinalikuran ko siya agad.

"Sabi ni Ms. Alonz—"

"Blah-blah. Oo na," putol ko sa kanya. Biglang lumawak ang ngiti ni Luna at agad na kumuha ng pera sa kanyang bag.

Nakita ko ang wallet niya na pink.

Puta. Anak ba ng bilyunaryo 'to?

"Dadalhin mo lahat 'yan? Mga tig isang libo?" Takang tanong ko. Umiling lang siya at kumuha ng singkwenta. Akala ko magpapasikat 'to sa canteen, eh.

Canteen't actually. Ginto mga pagkain niyo Lindway Academy puñeta.

*Exclaims in spanish*

Dinala ko agad si Luna sa canteen. Didiretso kasi ako agad sa library. Baka hinihintay na ako ni Justin do'n.

Binilinan ko si Luna na kapag hindi niya mahanap ang classroom namin, mag tanong-tanong na lamang siya. Pumayag naman siya at gusto niya ring malibot mag-isa ang school.

Maligaw ka sana.

----

Umupo ako sa unahang mesa ng library na kung saan kita ako agad pag papasok mula sa pinto. Nakalapag ang gitara ko sa mesa at mga chord books na nasa library lang din galing.

Naka-abang ako sa pinto. Nakatingin lang ako ro'n para makita ko agad kung sino ang papasok.

"Tagal nama ni Just—"

"Hello, Sky. Hinahanap ko lang si tutor ko," nakangiting wika niya habang nag palinga-linga sa paligid.

"Tutor ng Math?" Tanong ko.

"Guitar lessons," aniya.

What the fu—

"I-ikaw si Justin?" Takang tanong ko. Lumapit ako sa kanya dahil nasita ako ng katabi ko.

"Wait. Ikaw tutor ko?!"

Pinalo siya ng stick ng librarian sa ulo at pinalabas kaming dalawa.

"Iingay niyo." Wika ng librarian at sinarado ang pinto.

"Baka hindi ikaw 'yon. Ibang Justin yata. Dito ko na lang siya hihintayin," wika ko at sumandal sa pader.

"Sige. Hintayin ko na lang din yung tutor ko rito. Sayang akala ko ikaw na," aniya sa malungkot na boses.

Ah. Shit. Baka siya talaga si Justin?

"Luna Justin Silvonne," nakangiting wika niya.

Siya nga ata.

"So ikaw si Justin?" Natatawang wika ko. Sinimangutan niya agad ako at nag walk-out.

"Sige ka. Wala kang guitar lessons JUSTIN. HAHAHAHAHAHA," ani ko habang winawagayway ang book of guitar chords.

Padabog siyang lumapit sa'kin at inabot ang kanyang kamay.

"Nice to meet you," aniya sa sarkastikong tono.

"Ayoko. Marumi kamay mo," wika ko at naglakad na pabalik sa classroom.

Hindi ako makapaniwalang 'yong madaldal na 'yon ay si Justin.

Jusko.

-----