JAX DE AVILA'S POV
"Nay naman eh! Bakit kayo nangutang ng malaking pera?! Kaya ko naman po mag-trabaho habang naga-aral para may pambayad ako sa tuition fee eh. Tsaka may scholarship rin ako, so bakit nangutang pa kayo?!"
"Na-bankrupt na yung kumpanyang pinagta-trabahuhan namin ng tatay mo. Kailangan natin ng pera para may pangkain tayo sa araw-araw." Sabi ni Nanay.
"Oh sige nga? Paano niyo mababayaran yun ngayon? 200 thousands? Seryoso?" Inis na sabi ko.
Masyadong malaki ang 200 thousands. Bilyonaryo ang inutangan nila, alam kong wala lang yun sa lalaking yun pero kahit na. Paano namin mababayaran yun ngayon?
"Wag ka mag-alala, napansin naming wala masyadong mga tindahan dito kaya magtatayo kami ng maliit na sari-sari store dito sa kubo natin, nanay mo ang magbabantay at ako naman na ay maghahanap ng trabaho. Wag mo na alalahanin pa yun. Magaral ka na lang ng mabuti dahil di natin kakayanin kapag nawala ang scholarship mo." Sabi ni Tatay kaya napahilamos ako sa mukha ko kahit walang tubig dahil sa sobrang frustrated na ako.
Umuling na lang ako at umakyat na. Mga bamboo malalaki lang ang hagdan namin at di malaki ang bahay namin. Gaya ng sabi ni Tatay kubo lang ang bahay namin na gawa sa tagpi tagping bamboo.
Pagpasok sa kwarto ay humiga na lang ako sa papag na may sapin lang. Hindi rin malambot ang hinihigaan namin dito.
Di gaya ng mga mayayaman na waldas lang ng waldas ng pera.
"Hinding hindi talaga ako maiinlove sa mga mayayaman. Baka mamaya singilin pa nila ako kapag may binili silang bagay para sakin. Di rin naman ako materialistic na tao." Bulong ko sa sarili ko.
Ang mga mayayaman, salot para saming mga mahihirap lang.
KINABUKASAN maaga akong nagising dahil papasok na ako sa paaralan ko. Nilipat ako sa mas magandang unibersidad dahil sa skolar na nakuha ko.
Kinuha ko na sa sampayan ang uniform ko na nilabhan ko kagabi at mabuti't tuyo na ito.
Maganda ang uniform kaya siguradong pribadong eskwelahan ang papasukan ko.
"Alis na ho ako 'nay." Paalam ko paglabas ko ng kwarto.
"Ha? Kain ka muna nang magkalaman naman ang tiyan mo." Sabi niya.
"Hindi na ho. Malayo pa ho ang paaralan ko." Sabi ko, lumabas naman ito mula sa kusina at may binigay na susi sakin.
"Gamitin mo iyan. Wag ka magalala at second hand lang naman ang binili namin. Kakailanganin mo yan. Para kapag traffic ay hindi ka ma-stock." Sabi niya.
Tinignan ko naman ang susi at nakitang susi iyon ng motor.
"Nay, di ko na ho kailangam ito." Pagtanggi ko at ibinalik ang susi pero kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang susi.
"Kailangan mo iyan. Sige na umalis ka na." Sabi nito at pinagtulakan pa ako palabas.
Paglabas ay sinaraduhan pa ako nito ng pinto. Hinanap ko ang motor at napangaga sa ganda nito.
"Akala ko ba second hand." Bulong ko at nilapitan ang itim na motor.
"Second hang lang iyan. Binenta ng may-ari sa murang halaga dahil kailangan niya ng pera. Inayos ko lang yan at pininturahan. Tinago ko rin para di mo makita." Sabi ni Tatay na di ko alam na lumabas pala.
"Eh mukhang bago pa nga eh." Pagprotesta ko.
"Bago pa nga raw yan, tatlong beses pa lang nagamit ng may-ari. Alam ko mahal yan pero binenta ng may-ari sa sobrang murang halaga kaya binili ko na. Hulog-hulugan naman 5 gives. May mga gasgas lang yan nung binili ko pero pininturahan ko ulit at pina-rehistro sa pangalan mo. Legal yan na binili ng may-ari kaya wala kang dapat ipagalala." Paliwanag ni Tatay at may inabot na helmet.
"Sure ka 'Tay na di ito mamahalin ah." Paninigurado ko pa kaya natawa pa siya.
"Oo nga. Alis na!" Pagtataboy din nito sakin kaya natawa na lang ako at sumakay.
"Alis na po ako!" Paalam ko pa at sinuot na ang helmet at ini-start ang motor.
"Woah!" Gulat na sabi ko nang marinig ang magandang tunog nito.
May lisensya naman na ako at marunong rin ako mag-motor dahil dati nung nasa probinsya pa kami ay nag-mamaneho ako ng tricycle para may pera kami at pinagkakakitaan habang nagsasaka sina Tatay at Nanay.
Inayos ko ang bag ko sa likod ko at nagumpisa na magmaneho.
Naninibago pa ako pero kalaunan ay nagagamay ko na.
Pagdating sa paaralan ay maraming napapatingin na ikinataka ko pa. Pinark ko na muna ang motor sa tabi ng ibang motor na naka-park malapit sa entrance gate at bumaba na.
Pagtanggal ko ng helmet ay inayos ko muna ang buhok ko at naglakad na papunta sa guidance office para kunin ang schedule ng class ko.
Business Administration ang kinuha ko dahil gusto ko na balang araw ay makapag-patayo ng sarili kong business nang maiahon ko sa kahirapan ang mga magulang ko.
Pagdating ko sa guidance ay binigay sakin ang schedule at ID ko na pula ang lace.
Lumabas na ako at hinanap ang room ko. First day of school pa lang kaya ang daming studyante na nakikita ko.
Kaso habang hinahanap ang room ko ay feeling ko naliligaw na yata ako.
"Aww!"
Nagulat naman ako dahil aksidente kong nabangga ang isang babae.
"Pasensya na. Di kita nakita. Naliligaw rin kasi ako." Sabi ko. Matangkad ako at may katangkaran din naman ang babaeng ito dahil hanggang dibdib ko siya. Kaso ay maputi kaya siguradong mayaman ito.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya medyo nainis ako kasi parang jina-judge niya ako sa paraan ng pagtingin niya.
"Next time, look where you are walking so that you can't bumped to someone again, freak." Sabi niya at inirapan pa ako bago ako nilagpasan.
"Kaya nga nag-sorry eh. Taray kala mo naman maganda." Bulong ko pa pero di ko naman akalain na maririnig niya pa iyon.
Nagulat ako at tila natigilan sa paghinga nang hawakan niya ako sa leeg ko at ilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Hindi ko alam kung sadyang malakas lang ba itong babaeng ito o baka nanghina lang ako dahil sa biglaang ginawa niya.
"I am beautiful. And I am confident about that," sabi niya at mas nilapit pa ang mukha ko sa kaniya dahilan para muntik na magkadikit ang mga labi namin kaya medyo inilayo ko ng dahan dahan ang mukha ko sa kaniya. "You are handsome, but you are not my type. You are just someone who will fall in love with me."
Bulong niya pa at itinulak ako at binangga pa ang balikat ko bago umalis.
Napatingin ako sa paligid at may mga ibang studyante na nakatingin pa rin sakin at halatang gulat sa nangyari.
Nakaramdam naman ako ng hiya at umalis doon at tumakbo. Sa di ko alam na dahilan ay nakarating ako sa room ko na kanina ko pa hinahanap.
Pumasok na ako doon ng nakayuko at dumiretso sa pinaka-likod sa may bintana banda.
Nilabas ko ang cellphone ko na lumang model ng Samsung at tinignan ang oras. May kalahating minuto pa bago magumpisa ang klase.
Nagulat pa ako nang mag-ring ang cellphone ko dahilan para mapatingin ang mga kaklase ko sakin kaya agad ko iyong sinagot.
"Hi, Jax! Kamusta sa bagong school mo?!" Excited na tanong ni Elena, girlfriend ko na taga probinsya.
"Elena, namimiss na kita." Nakangusong bulong ko at humarap sa bintana para di ako tignan ng mga kaklase ko.
"Aaahh! I miss you too. Kung sana matalino rin ako gaya mo edi nakakuha rin ako ng skolar para makapunta diyan sa Manila." Sabi niya kaya mahina akong natawa.
"Yan kasi, tatamad tamad ka." Sabi ko gamit ang mababang boses ko at sweet.
Kapag siya ang kausap ko ay para akong bata kung magsalita.
"Hindi kaya! Pero parang ganun na nga." Natatawang aniya kaya napangiti ako kasi feeling ko naka-nguso siya.
"Ano oras pasok niyo? Panghapon ka di ba?" Tanong ko.
"Oo. Mga 1pm. Anong ginagawa mo niyan?" Tanong niya rin kaya tinignan ko ang oras sa schedule ko at lunch time ko is 12 noon.
"12 noon is lunch time namin. Tatawagan kita mamaya."
"Sige sige. Sakto nagaayos pa lang ako niyan." Sabi niya.
"Elena! Bangon na diyan magluto ka na!" Dinig kong sigaw ng nanay niya.
"Jax, ibaba ko na ito. Tawag na ako eh. Alam mo naman yun." Sabi niya kaya tumango ako na para bang nasa harap ko lang ang kausap ko.
"Sige sige. Mamaya na lang ulit. I love you." Nakangiting sabi ko.
Narinig ko pa ang impit na tili nito. "I love you too. Bye bye!" Siya na ang nagbaba pero narinig ko pa bago niya ibaba ang tawag na sumigaw pa siya.
Tatawa tawa naman ako na inilagay na sa bulsa sa loob ng coat ng uniform ko ang cellphone ko.
Napatingin ako sa katabi ko na nakangiwi habang nakatingin rin sakin. Nagulat pa ako nang makita siya na katabi ko.
Malas naman! Kaklase ko pa pala ang babaeng mayabang na ito.