ELVIRA LA CUESTA'S POV
What a bad luck, the guy who bumped at me earlier is my block mate.
I wince when I hear him saying i love you to someone he was talking through his old phone.
"Bakit? May angal?" Mayabang na sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Ang corny niyo." Sabi ko na lang at nilabas ang latest model ng iPhone ko.
Napatingin pa ito sa cellphone ko at sa cellphone niya.
I smirked. Poor guy. Kawawa ka naman.
I don't have a boyfriend because my standards for men are so high. They can't even reach it kahit babaan ko pa for them.
Lalo na itong lalaking nasa tabi ko.
Bakit ba kasi katabi ko ito? Kung alam ko lang na pagbalik ko galing sa restroom ay uupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko edi sana naglagay ako ng something doon para walang umupo.
Nag-selfie na lang ako at pinost sa IG ko ang pictures na may caption na; Back to school😴
Ilang minuto pa at dumating na rin sa wakas ang professor namin.
"I heard we have a new transferee student." He said at lahat naman ay napatingin sa direction kung nasaan ako.
They are not nakatingin sakin kundi dito sa lalaking ito.
No wonder halos kakilala ko lahat ng nandito at siya lang hindi, transferee pala.
Tumayo naman ito at tumikhim.
"Hello! Ako nga pala si Jax De Avila. 23 years old from Cebu City." Pagpapakilala nito.
I frowned when I heard his voice again. Di ko pa napansin kanina na malalim pala ang boses niya, idagdag mo pa yung ipit na boses niya kanina habang may kausap sa phone niya.
Mas matanda rin pala siya sakin. 21 pa lang ako turning 22 years old in just a few months.
"That's it?" Tanong ng prof kaya tumango ito.
"How about your parents?" Tanong ulit ng makulit na professor.
"Ahhh... Dati silang farmer sa probinsya. Lumipat kami dito sa Manila para magtrabaho at may malaking kita pero na-bankrupt ang pinagta-trabahuhan nila kaya kasalukuyang naghahanap sila ng pagkakakitaan at ganun din ako." Sabi nito kaya napatango naman ang mga kaklase ko ganun din ang professor na nasa harap.
"Grabe. Ang masipag pala siya."
"Imagine you are studying in the morning and working in the evening."
"He's a hard working man."
Ayun nanaman ang mga bubuyog sa paligid.
"Okay you may sit down now." Sabi nito kaya umupo na siya ulit. "For our first lesson for today is..."
Nagtuloy tuloy ang klase na bad trip pa rin ako dahil katabi ko ang bwesit na ito.
Paano ba naman kasi everytime na may isasagot ako umaangal siya kesyo hindi daw o mali daw.
Unang araw pa lang pero naiinis na ako sa kaniya. Ano pa kaya sa mga susunod na araw.
LUNCH TIME na kaya tumayo na ako at kakain ako sa cafeteria.
Pagdating doon ay may mahabang pila pero di na ako pumila at dumiretso lang sa unahan. Wala namang nagrereklamo kasi kilala naman nila ako. Ayoko sa lahat yung nagiintay.
Pero may epal.
"Hoy! Pumila ka! Napila kami at nagiintay para sa turn namin. Tapos ikaw didiretso ka lang." Sabi ng Jax pala ang pangalan.
"Walang may pake. Wag kang epal." Sabi ko at inirapan lang siya at kumuha na ng metal na tray at binigay iyon sa namamahala ng cafeteria at taga bigay ng pagkain.
Tinuro ko lang ang gusto ko at binigay na niya sakin ang tray.
Papunta na ako sa upuan ko nang may pumatid sakin. Di ako na tumba pero natapon ang pagkain ko.
I gritted my teeth causing my jaw to clenched.
"Sayang di ka natumba." Sabi ng Jax.
Gago ka ah.
Sa inis ko ay hinampas ko sa mahaba niyang balikat ang tray dahilan para mapasinghap siya.
"Epal ka ah! Kanina ka pa sa room. Kung anong isasagot ko sinasabi mong mali. Anong problema mo?!" Sigaw ko sa kaniya.
Naiinis na ako sa kaniya simula pa kanina.
Umalis naman siya sa pila at nilapitan ako.
"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Porket mayaman ka kasi nagre-reyna-reynahan ka na dito. Sino ka ba sa akala mo?! Dyosa?! Hindi ka naman maganda eh, maputi ka lang naman!" Sabi nito.
Para akong tinamaan ng bala na tumagos sa puso ko.
Totoo nga ang sinabi ng iba. Mas masakit kapag lalaki ang manglalait sayo.
Pero I remain cool and pretending that his words didn't affect me.
"Ikaw? Sino ka ba? Hindi ka rin naman kagwapuhan. Matangkad ka lang. Hindi ka na nga gwapo, maitim ka pa, ang panget pa ng ugali mo. Hindi ko nga alam kung bakit may girlfriend ka eh!" Sagot ko dahilan para mawala ang mga ngisi niya.
Lumapit siya sakin pero di ako umatras.
"Siguro nga hindi ako gwapo sa paningin mo. Pero at least may nagmamahal sakin, may girlfriend ako at may nanay at tatay akong ginagawa ang lahat para sakin at pinalaki ako ng maayos. At sa ating dalawa ugali mo ang mas panget at masangsang na parang isda na bulok na."
You're done... You're fucking done!
Sa inis ko ay malakas ko siyang sinampal at umalis doon.
Tinutulak ko pa ang mga taong humaharang sa daanan ko.
Tumakbo ako palabas ng building namin at pumunta sa main building. Umakyat ako papunta sa rooftop, pagkatapos ay sinara ko ang pinto at ni-lock iyon.
"AAAHHH!!! LAGOT KA SAKIN! JAX DE AVILA! MAKAKAGANTI RIN AKO SAYO!" Sigaw ko habang di mapigilang maiyak dahil sa inis.
This is the first time I cried for a guy like him. I never cried again simula nung mawala si Mommy, 5 years ago na. Lumaki akong malakas, brat at walang kinatatakutan.
Pero dahil sa kaniya at dahil sa masasakit na salita niya ay umiyak na ulit ako.
Umiyak lang ako ng umiyak habang naka-sandal sa harang dito sa rooftop.
At dahil ngayon lang ulit ako umiyak ay feeling ko ang dami kong luhang nailabas.
Ilang oras ang nakalipas ay natahimik rin ako sa pagiyak pero ramdam ko ang pamamaga ng mata ko.
Wala sa sariling sumampa ako sa sementong harang ng rooftop at umupi doon habang ang mga paa ko ay relax lang na naka-baba. Kapag nagkamali ako ng galaw ay pwede akong malaglag at mamatay dahil 6 storey ang taas nitong main building.
Umupo ako at nag-lean backwards at tinignan ang langit.
Habang nakatingin doon ay naiiyak nanaman ako dahil bigla kong namiss si Mommy.
"Mom, naririnig mo po ba ako?" Pagkausap ko sa sarili habang nakatingin sa langit.
"Masama po ba talaga akong tao? I mean opo alam kong panget ang ugali ko kasi brat ako gaya ng sabi ng mga tao sa paligid. Pero... Sumobra na po ba ako ngayon?" Tanong ko ulit na para bang may sasagot sa tanong ko.
"Nasanay po kasi ako, Mommy eh. Nasanay akong hindi na pumipila at wala namang nagrereklamo. Siya lang talaga. Pinatid niya pa nga ako eh. Siya naman ang nauna eh." Parang batang pagsusumbong ko habang nakanguso.
"Alam ko po sa sarili ko na hindi talaga maganda ang ugali ko. Wala akong kaibigan at si Dad lang ang kasama ko ngayon. Maldita rin ako at hindi nakikipag-socialize. Judgemental rin ako. Pero never naman po akong nakipag-away eh. Ngayon lang naman po di ba? Pero bakit ganun siya? Ang sakit ng mga sinabi niya sakin." Pagsusumbong ko pa at sumuko.
Muntik pa akong malaglag pero buti naman at hindi.
Tinakpan ko ang mukha ko at umiyak ng umiyak.
"Hoy bumaba ka dyan! Kapag nahilo ka at ma-out of balance dahil sa kakaiyak mo baka ako pa ang malagot." Natigilan naman ako sa pagiyak dahil sa narinig ko.
Nilingo ko yun at nagulat sa babaeng nasa likod ko na dahilan para muntik, as in muntik na talaga akong malaglag pero buti at mabilis ang kamay niya at nahawakan ang uniform ko sa likod ng leeg ko.
"Tignan mo ito, ipapahamak pa ako." Sabi nito at hinila ako papunta sa direction niya, pababa sa inuupuan ko.
Kinakabahan naman ako at mabilis ang tibok ng puso ko. Ikaw ba naman muntik na malaglag at mamatay sino ba namang di matatakot di ba?
"O ngayon mukha kang takot na takot." Pangaasar nito at natawa pa.
Ngumiwi naman ako at sinamaan siya ng tingin.
"O anong kasalanan ko? Makatingin ka naman. Parang kanina lang naiyak ka diyan at nakanguso na parang bata ngayon para kang papatay." Natatawang sabi nito.
Tinalikuran ko na lang siya at huminga ng malalim.
Pumunta naman siya sa harap ko at inoffer ang kamay niya for handshake yata.
"Ako nga pala si Cinderella, pero Cindy na lang. Si Cinderella kasi prinsesa yun. Di na ako astig kapag Cinderella ang tawag sakin kaya okay na yung Cindy." Pagpalawinag nito kaya natawa naman ako.
Tinanggap ko ang kamay niya, "Elvira." Simpleng sabi ko.
"Yung pangalan mo mas tunog astig. Pero ayos lang mas mukha naman akong astig." Sabi niya pa kaya natawa ulit ako. "Wow! Source of happiness mo ako ah." Dagdag niya pa.
Bumitaw na ako at naglakad papunta doon sa upuan na di ko napansin kanina.
"O di ba may upuan naman pero mas pinili mo pang umupo doon sa delikado." Sabi niya dahilan para matawa nanaman ako.
"Alam mo, you are lowkey funny for me. Wala ka pang ginagawa pero natatawa na ako. Ito yata ang first time na natawa ako simula nung namatay si Mommy. Siya lang kasi ang nakakapagpatawa samin ni Dad noon eh. Gaya mo, yung tipong wala pang ginagawa matatawa na kami agad." Comfortable na sabi ko sa kaniya.
Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko.
"Ahh kaya siguro parang kumportable ka na agad kung makipagusap sakin." Sabi niya kaya tumango ako.
"Ano nga palang course mo?" I asked at tinignan ang ID niya.
Cinderella Acosta.
"Nursing. Pangarap ko maging Doctor eh. Kaso mahirap lang kami kaya hanggang nursing na muna. Tsaka na ang med school." Sabi niya. "Mahirap lang kami ah. Baka galit ka samin gaya nung iba." Sabi niya pa.
"Hindi ah. Depende na sa tao yun." Sagot ko.
Tumungin naman siya sa ID ko. "Faye Elvira La Cuesta. Familiar ang apelyido mo. Wait nasa dulo na ng dila ko eh." Nagisip naman siya at hirap na hirap pa siya.
Since gusto niya mag-Doctor baka alam ko na kung ano yung familiar na sinasabi niya.
"Cuesta Hospital."
"Cuesta Hospital!"
Sabay na sabi namin at nagkatinginan pa kami kapagkuwan ay sabay na natawa.
"Oo tama. Yun nga. Dream hospital ko yun eh. Doon ko gusto mag-trabaho someday. Pagaari niyo ba yun?" Tanong niya.
"Pagaari ni Dad." Sagot ko kaya tumango siya.
Nag-kwentuhan pa kami at di na namalayan ang oras.
Nalaman ko na ulila na siya at wala na siyang family. Nasa isang apunan siya nakatira ngayon at nagta-trabaho rin siya para may pera sa araw araw. Scholarship din siya pero monthly daw kasi ang allowance kaya kulang pa sa kaniya yun at nagbibigay din siya sa mga madre na kasama niya sa ampunan para may pangkain sa ibang bata.
I don't know but I am really comfortable when I am talking to her. It feels like I can tell her everything about myself. And now we're friends na.