Ilang minuto na lang ay dismissal na nung mapansin namin ang oras.
Dumaan kami sa room nila na dito lang pala sa building na ito. Kinuha lang niya ang bag niya, ngayon papunta na kami sa room ko.
"Grabe, di ko napansin ang oras." Sabi ko habang naglalakad kami kaya natawa siya.
"Kaya nga eh. Imagine, 4 hours nasa rooftop lang tayo. Di ka ba gutom? Ako kasi nagugutom na. 4pm na rin." Sabi niya dahilan para tumunog ang tiyan ko.
"Natapon pagkain ko kanina eh." Sabi ko.
"Dahil sa naka-away mo? Gusto mo resbakan ko na?" She said that made me laughed so hard.
"Wag na. Hayaan mo na yun. Di niya deserve ang atensyon ng kaibigan ko." Sabi ko.
"Kino-consider mo na talaga akong kaibigan ah. Sabagay pareho naman tayong walang kaibigan kaya okay na rin yun." Sabi niya kaya tumango ako.
Pagdating sa room ay saktong nag-bell na. Nakita ko pa ang paglabas ng prof namin sa last subject kaya tumalikod ako.
Thank god at di niya ako napansin.
"Yan kasi cutting pa." Dinig kong pangangasar ni Cindy kaya natawa ako at ganun din siya.
"Parang ikaw hindi ah." Nakangusong sabi ko.
"Oo nga ano." Sabi niya at natawa nanaman kami.
"Wait lang ah. Kunin ko lang bag ko." Nakangiting sabi ko kaya tumango siya.
Pagpasok ko ay naghahanda na ang mga ka-block mates ko pero natigilan sila nang makita ako. Pero di ko sila pinansin at nakangiti pa rin.
Kinuha ko ang bag ko at inayos ang gamit ko na naiwan sa mesa. Notebook lang naman yun.
Nakatayo rin si Jax but I didn't pay my attention to him.
"Elvira, sor–" di na niya natapos ang sasabihin niyang ng talikuran ko siya at tumakbo na palabas ng room.
"Let's go! Kain tayo." Yaya ko kay Cindy.
"Bakit libre mo? Biro–"
"Yeah my treat. I don't accept no for an answer so let's go na." Pagputol ka sa sasabihin niya at hinila na siya.
"Hoy nagbibiro lang naman ako!" Pagprotesta niya pa pero nagpapahila pa rin naman siya.
"But I'm serious. Free ka naman today di ba? Sabi mo day-off mo ngayon so wala kang ibang gagawin. Samahan mo na lang ako kasi may pupuntahan akong store para kunin yung gusto kong perfume." Sabi ko.
Wala na siyang nagawa kundi ang tumango kaya natawa na lang ako sa kaniya.
Paglabas ng gate ay nagiintay na yung driver ko kaya pumunta kami doon.
Pinagbuksan ako ng driver ng pinto at nagtaka pa siya habang nakatingin may Cindy.
"She's my friend po." Sabi ko kaya napangiti ito. "It's my first time to bring a friend po di ba?" I asked while smiling kaya tumango siya.
"Hello po. Nice to meet you po." Magalang na bati ni Cindy na di ko alam na may ganyan pala siyang side.
"Hello rin sayo." Sabi ng driver ko na si Kuya Oscar.
Sumakay na kami sa backseat kaya sinara na niya ang pinto at umikot papunta sa driver's seat.
"You know na po kung saan." Sabi ko kaya tumango ito.
Mabilis lang naman kami sa Prada branch eh kaya yun na muna pupuntahan namin. Tapos kakain kami pagkatapos.
JAX DE AVILA'S POV
Pagalis nung babae na di ko pa rin alam ang pangalan ay masama akong tinignan ng mga tao sa paligid.
Bakit? Tama naman ako ah. Tama naman ako di ba? Tama nga ba ako?
Nakita ko pa ang pag-iling ng mga tao na parang disappointed sila.
May lumapit sakin na mga lalaki at disappointed rin ang mukha nila.
"Maling mali ka. Sobra." Sabi ng isa sa kanila.
"Ganun lang siguro yun pero never pa namin nakita na nakipag-away yun." Sabi ng isa at umalis na sila.
May mga babae naman na sumunod sa kanila.
"Mahirap lang rin kami at kami pa ang namba-bash sa kaniya pero never niya kaming pinansin o pinatulan manlang." Sabi ng isa sa mga babae.
"True. Ngayon lang rin siya nanakit. Maybe she's a brat pero never siyang nakipag-away." Sabi ng isa rin.
"Humble siyang babae kasi never niya nabanggit na anak siya ng isang bilyonaryong tao. Confident lang siya na maganda siya na totoo naman. Hindi lang siya maputi kasi maganda pala talaga siya di lang namin yun nakita noon kasi akala namin sa kaniya, porket mayaman siya ay nangaalipusta siya gaya ng iba." Sabi rin nung ikatlong babae.
"At lastly. Since di ka niya nasagot sa tanong mo kanina kung sino siya. Kami na bahala. Siya lang naman si Elvira La Cuesta, ang anak ng isang magaling at matalinong doctor but sadly she died, pero her Dad is still there and spoiling her and giving her whatever she wants. And her Dad is the multi billionaire in the whole world and the owner of La Cuesta Airlines and Cuesta Hospital. In short she's the heiress of La Cuesta clan in Spain. Pero di niya yan sinabi di ba? Maling mali ka talaga." Sabi rin nung babaeng nasa gitna at umalis na rin.
Napatingin naman ako sa pagkaing nagkalat at kasalukuyang nililinis na.
Wala sa sariling bumili na lang ako ng biscuit at tubig at umalis na papunta sa room.
Wala pa siya sa kinauupuan niya kaya umupo na muna ako doon sa upuan ko.
Lumipas rin ang oras at wala pa rin siya. Nakalimutan ko na ring tawagan si Elena.
Sakto naman na pagtunog ng bell at paglabas ng prof ay ang pagpasok ni Elvira. Feeling ko lalo akong naguilty nang makita ang mugto nitong mga mata pero nakangiti naman ito.
Natigilan rin ang mga kaklase namin. Niligpit lang niya ang gamit niya at handa na umalis pero nagsalita ako.
"Elvira, sor–" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang talikuran niya ako at umalis.
May hinila siyang babae at natawa pa siya.
Mukhang mali nga yata talaga ako sa mga sinabi ko.
Pagsuot ko ng bag ko ay napangiwi ako nang maramdaman ang sakit sa balikat ko kung saan hinampas niya ako.
"Ikaw? Sino ka ba? Hindi ka rin naman kagwapuhan. Matangkad ka lang. Hindi ka na nga gwapo, maitim ka pa, ang panget pa ng ugali mo. Hindi ko nga alam kung bakit may girlfriend ka eh!"
Bigla ko naman naalala ang sinabi niya kanina dahilan para bumalik ang inis ko lalo na nung maalala ko na sinampal niya ako.
Siguro nga mali ako sa sinabi ko. Pero mali rin naman siya sa sinabi niya. Kaya bakit ako mag-so-sorry?
Wala akong pake kung sino man siya. Kahit anak pa siya ng bilyonaryo wala akong pakealam.