Chereads / Quirk Academy / Chapter 1 - Prologue

Quirk Academy

Ciyang9
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

}●{

"Please, dad. Payagan mo na ako." Nakangusong humarap ako kay daddy.

"No." Simpleng sagot niya na mas lalong ikinanguso ko.

"But dad, my enrollment form was approved." Sabi ko habang nakasunod sa kanya. Gagawin ko talaga ang lahat para mapapayag siya.

"Then canceled it. Simple as that." Aniya kaya napapadyak ako sa sahig. Argh!

"Please daddy, i really want to go there!" Humarang na ako sa dinadaanan niya para mapahinto siya.

"Come on, ceiya. I have a lot of works to do. Stop giving me head aches." Sambit niya habang hinihilot ang ulo. Mukhang nakukulitan na siya sakin.

But no, ayokong sumuko. Kailangan ko talaga siyang mapapayag.

"Magpapasama nalang ako kay kuya Clydev, total hindi pa naman siya nagpapa-enroll." Nakangiting sambit ko kay daddy, mas lalong kumunot ang noo niya.

"Nakapag-enroll na ang kuya mo sa canada kaya wala kang magagawa kung ayaw kung pumayag sa gusto mo." Naiwan akong nakanganga doon. Parang gusto ko tuloy umiyak. Kainis.

Susundan ko pa sana si daddy sa kwarto niya pero agad niya iyong nilock dahilan para malukot ang mukha ko. Argh! Bakit kasi ayaw niya nalang ako payagan.

May naisip naman akong paraan kaya dali dali akong tumakbo sa kwarto ni kuya Clev, sure akong matutulongan niya ako.

Kinatok katok ko ng malakas ang pintuan niya, for sure ay tulog siya ngayon but i have no choice. I need kuya clev's help.

"Who the fuck ruined my sleep?!" Inis niyang binuksan ang pinto sabay masama akong pinagmasdan. "What do you want, you monkey?" Tanong niya pero agad na akong pumasok sa kwarto niya.

"I need your help, kuya. Please make daddy to approve my decision." Nakangiting sabi ko sa kanya. Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya.

"Why don't ask kuya creil? I know he can do that." Aniya sabay higa ulit sa kama. Inis ko naman hinila ang paa niya dahilan para mapamura siya.

"Okay but i need you to go with me." Hila hila ko parin ang paa niya kasi ayaw niya paring tumayo.

"Where? In hell? Mauna ka nalang." Tamlay na sabi niya sabay sobsob ulit sa unan. Napairap ako.

"Tatayo ka jan o isusumbong ko kay daddy na umuwi ka na naman ng late kagabi?" Pagbabanta ko. Akala niya siguro hindi ko alam yun, late kaya ako laging natutulog.

Napabalikwas naman siya sa kama kaya napangiti ako.

"You really know how to play games, huh?" Inis na sambit nito sabay punta sa closet niya. Hindi tuloy mawala sa labi ko ang ngisi.

"Sa national bookstore lang naman tayo pupunta. Bibili ako ng school supply." Nakangiti paring sabi ko habang hinihintay siyang lumabas sa closet niya.

"Hindi ka pa nga pinapayagan ni daddy sa desisyon mo tapos bibili ka na kaagad ng gamit? Are you out of your mind?" Silip niya sa pinto ng closet niya. Napairap naman ako.

"Bilisan mo nalang kaya? Tumatakbo yung oras oh." I said while looking at my wrist watch.

"Hintayin mo ako sa labas."

Sinunod ko naman ang sinabi niya, bumaba ako at dumeretso sa labas ng bahay. Tumayo ako sa gilid ng kotse niya dahil yun yung gusto kong sakyan namin.

Feeling ko magiging tagumpay ang plano ko. Ito lang kasi ang naiisip kong paraan para mapapayag si daddy. Pag nakabili na ako ng gamit siguradong wala na siyang magagawa don.

"Sakay na." Ani kuya clev kaya agad na akong pumasok sa passenger seat. "Seatbelt." Paalala niya pa. Ginawa ko naman at tahimik ng umupo don.

Pinaandar niya naman ang kotse hanggang sa makalabas kami sa village, sinadya ko din talaga na si kuya clev ang ipasama ko kasi mabilis kasi siyang magmaneho, unlike sa dalawa ko pang kuya na akala mo pagong kung magmaneho.

Hindi lang umabot ng 10 minutes ang byahe namin dahil walang traffic at isa pa mabilis ang pagmamaneho ni kuya, kulang na nga lang ay paliparin niya yung sasakyan niya eh.

"Dito nalang ako maghihintay." Sabi niya na hindi bumababa sa kotse. Ang bintana lang ang ibinaba niya.

"Samahan mo ko. Kailangan ko ng taga buhat." Inis na sabi ko. Kaya ko nga siya pinasama eh.

"Kailan pa ako naging katulong, ceiya?" Masungit na tanong niya.

"Sasabihin ko nalang kay daddy." Nagkunwari akong kukunin ang cellphone ko sa bag kahit hindi ko naman talaga dala yun.

"Shit!. Okay, okay." Sabi niya habang bumababa. Napangiti naman ako, hawak ko siya sa leeg!

Oras kasi na malaman ni daddy na late siyang umuuwi ay paniguradong ma g-grounded na naman siya. Ilang beses na kasing nangyare sa kanya yun.

Pumasok na kami sa Luna mall. Malaki ang mall na ito at paniguradong maliligaw ka. Kahit nga ako ay naliligaw dito eh, yun din ang dahilan kung bakit nagpasama ako kay kuya clev.

"Saan nga ulit ang Nbs dito kuya?" Tanong ko sa nakasimangot na lalake sa likod ko. Kita ko naman ang pagtaray niya sakin.

"Second floor." Tipid na sagot niya. Tumango nalang ako at nagtungo sa escalator na paakyat. Kita ko naman na sumunod din siya.

"Saan dito kuya?" Tanong ko ulit habang tumitingin sa mga store na nadadaanan namin.

"Seriously, ceiya? Ilang beses ka ng napunta dito tapos hindi mo parin alam?" Inis na sabi niya. Mukhang ubos na ata ang pasensya niya.

"Okay, i will call dad nalang." Pananakot ko, pinaningkitan niya naman ako ng mata.

"Ah come on! Follow me, tsk." Natawa nalang ako sa kanya dahil mukhang sasabog na siya sa inis. Sa lahat talaga ng kuya ko ay si kuya clev ang mainitin ang ulo, at yun yung namana ko sa kanya.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa National bookstore. Agad akong pumasok doon at hindi na siya nilingon pa. Sure kasi akong minumura niya na ako sa isipan niya.

Agad akong pumunta sa mga school supplies, agad din naman akong pumili ng mga notebook doon. Inabot pa ako ng kalahating oras bago matapos sa pagpili, sure akong naiinip na yung isang yun ngayon. So i need to hurry.

Napadaan naman ako sa mga shelves ng libro kaya hindi ko tuloy naiwasan na hindi mapatingin. May bago kaya silang stock? I really need a new book kasi eh. Nabasa ko na kasi lahat iyong nabili ko nung nakaraang buwan.

"May bago kayong stock?" Tanong ko sa babaeng nag aayos ng mga libro. Im sure naman na staff siya roon dahil nakasuot siya ng uniform.

"Wala pa po eh. Next week pa." Aniya na tinangoan ko nalang.

Dumeretso na ako sa counter at binayaran lahat ng nabili ko, pagkatapos ay agad akong lumabas at hinanap ang kuya ko. Taka ko namang inilibot ang paningin ko dahil hindi ko siya makita sa labas ng store.

Saan ba nagpupunta yun? Tsk.

Naglakad ako at palinga linga sa paligid. Nakakabangga na nga ako ng mga tao dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Saan na ba kasi ang lalakeng yun? Hindi ba siya makapaghintay?

Gusto ko sana siyang tawagan kaso naalala kong wala nga pala akong dalang cellphone. Myghad! Where the hell is he? Masyado na ba siyang nainip kaya naisipan niyang iwan ako?

Mamaya talaga siya sakin pag uwi sa bahay. Isusumbong ko talaga siya kay daddy na't makita niya ang hinahanap niya.

Umikot ako at napahalo na naman sa mga tao. Well, hindi na ako na gulat kasi sabado naman ngayon kaya malamang na madami ang tao dito sa mall.

Argh! Asan na ba siya? Pinagtitripan niya ba ako? Alam ba niyang hindi ko kabisado ang mall na ito?!

Napa-angat ang tingin ko sa malaking speaker na nakasabit sa pader. Bigla kasing tumunog iyon at parang may ia-announce.

Hindi ko na sana papansin iyon ng marinig ko ang boses na nagsalita sa mic.

"Goodbye, you little shit."

"Kuya clev!" Inis na sigaw ko.

Hindi ko na pinansin ang mga taong napatingin sakin, duhh! As if i care. Bwesit na lalakeng yun! Kapatid ko ba talaga siya?

Inis akong nagtanong sa guard na nadaanan ko kung saan ang exit, at dahil medjo hindi ko siya naintindihan ay nagpahatid nalang ako sa kanya. Baka kasi pag hindi pa ako magpahatid ay baka maligaw na naman ako.

Kasalanan to ng lalakeng yun! Lagot talaga siya sakin mamaya pag uwi. Ibubulgar ko lahat ng baho niya!

Inis akong nagpara ng taxi, alam kong nauna na ang lalaking yun sa bahay. Hintayin niya lang talaga akong makarating at sasabunotan ko talaga siya nonstop.

"Where's kuya clev?!" Sigaw ko pagkapasok ko ng bahay. Gabi na ako nakarating dahil na stuck ako sa traffic. Kainis.

"Saan ka galing?" Tanong sakin ni kuya clydev habang nakatingin sa mga dala dala ko.

"Si clev ba nandito na?" Tanong ko sa kanya, hindi pinansin ang tanong niya.

"I think he's in his room right now. Why?" Hindi ko na siya pinansin at agad nagtungo sa kwarto ng magaling kong kuya.

"Open the door!" Sigaw ko habang malakas na kinakatok ang pintoan ng kumag. Rinig ko naman ang malakas niyang tawa sa loob.

"Magsumbong kana, wala akong pakealam!" Sigaw niya din dahilan para mapasipa ako sa pintuan niya. Argh! This guy, kung hindi ko lang talaga siya kuya ay baka napatay ko na siya.

Inis naman ulit akong bumaba at naabutan si kuya clydev na tinitingnan ang mga pinamili ko.

"School supply? Nakapag enroll ka na? Anong school?" Sunod sunod na tanong niya. Napaupo naman ako sa sofa, hanggang ngayon ay naiinis parin ako kay kuya clev.

"Is it true na sa canada ka na mag aaral?" Tanong ko. Hindi ko ulit pinansin ang tanong niya.

"Just answer my questions first, kanina ka pa." Aniya na hindi inaalis ang mga tingin sa paper bag.

"Yeah, nakapag-enroll na ako."

"Where?"

"Bakit nga sa canada ka mag aaral?" Tanong ko din. Kita ko naman ang pagsalubong ng kilay niya.

"Sasagutin mo ang tanong ko o itatapon ko tong pinambili mo?" Nakasalubong parin ang kilay niya. Sungit naman ng isang to.

"Quirk Academy." Mahinang sagot ko. Rinig niya naman siguro yun.

"What?! Baliw ka ba? Bakit doon? May powers ka ba?" Sunod sunod na tanong niya na nagulat pa sa sinabi ko.

"Na approved nila yung enrollment form ko, so it means isa na akong student don." Deretsong sagot ko. Sikat ang Quirk academy kaya alam kung alam niya ang school na yun.

"Baliw ka nga. Walang enrollment form ang kinakalat online, imposible yang sinasabi mo." Gulat parin na sabi niya. Napabuntong hininga naman ako.

"Samahan mo nalang ako doon, i cancel mo yung pagpapa enroll mo sa canada." Nakangiting sambit ko, bigla naman siyang napangiwi.

"No thanks, flight ko na bukas." Kibit balikat na sambit nito. Napabusangot naman ako. Ang malas ko naman.

"Tulongan mo nalang ako na ipapayag si daddy?" Nag puppy eyes pa ako sa harapan niya.

"Hell no. Atsaka kahit ako hindi papayag jan sa desisyon mo. Wala ka namang powers tapos papasok ka pa don." Ngiwing sabi niya dahilan para bumagsak ang balikat ko.

Hindi na ako nagsalita at umakyat nalang sa kwarto dala dala ang mga pinamili ko.

Ano nang gagawin ko? Mukhang lahat sila hindi sang ayon sa akin. Kahit din naman lumapit ako kay kuya creil ay paniguradong hindi ako papansinin non. Yun pa? Eh 2.0 version din siya ni daddy. Kainis! Kung nandito lang siguro si mommy ay sure akong mapapayagan ako. Si mommy lang naman kasi lagi kong kakampi eh.

Nasa abroad kasi si mommy dahil may inaasikaso siyang business doon. Nong nakaraang taon pa nga siya nandoon.

Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama. I think the best thing to do is lumayas, lalayas nalang ako dito at pupunta ng mag isa sa quirk academy. Yun lang naman ang choice ko eh.

Pero sure din naman akong hahanapin ako nila daddy, yun pa eh malakas ang pakiramdam non. Kaya nga wala akong takas sa kanya. Naging strikto siya simula nong umalis si mommy. Syempre si mommy lang naman ang kahinaan non, under kaya siya ni mommy.

Napabalikwas ako sa kama ng makaisip ng paraan.

What if tawagan ko ang principal ng quirk academy at sabihing puntahan ako dito para wala na talagang choice si daddy? Sasabihin ko nalang sa kanila na magpanggap na kunwari ay kinukuha na nila ako dahil kailangan ko ng mag aral don. I'm  sure walang magagawa si daddy non!

Pero agad din akong nanlumo sa naisip. Wala nga pala akong contact number sa quirk academy!

Unlucky ceiya! Argh.

Tumingala nalang ako sa kisame at hinintay na antokin ako.

****