Chereads / Quirk Academy / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

"Bumalik na kasi tayo, ceiya." Lemon said for the nth times.

"Sisilip lang naman tayo saglit." Bulong ko habang pababa kami ng hagdan. Agad naman kaming nagtago sa malaking posteng nakatayo sa first floor.

Hindi ko na pinansin si lemon na hanggang ngayon ay bumubulong parin sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa dalawang lalaking nakatayo sa harap ng dormitory.

Napatingin ako sa palad ni clezz ng makita ang maliliit na thunder na pumapalibot sa kamay niya. Maliliit lang yun pero mukhang nakakamatay na.

Tiningnan ko din si aron na pinalilibutan ng manipis na hangin pero malakas, hindi man lang siya nilipad.

Mukhang nako-control nga ata talaga nila ang mga quirks nila.

"Balik na tayo, ceiya. Pag nahuli tayo sure akong madadamay tayo."

"May quirk ka naman, kaya mong lumaban." Ngumiti ako sa kanya.

"Hindi ko pa kontrolado ang akin, kaya bumalik na tayo." Bumosangot naman siya kaya natawa nalang ako.

Bumalik ang tingin ko sa dalawang lalake na hanggang ngayon ay masama ang tingin sa isa't-isa. Para bang pinapatay na nila ang isa't-isa gamit ang mga mata nila.

"Why so mad? I'm just hungry." Si aron na mas lalong pinalakas ang hangin na nakapalibot sa kanya.

"It's mine, not yours!" Si clezz naman na mas lalong pinapalaki ang mga bolt sa kamay niya. Mukhang malalim ata ang pinag-aawayan ng mga to.

Nahila ko si lemon padapa sa semento ng biglang tumingin sa direksyon namin si aron. Nakita niya ba kami?

"We're dead, ceiya. Nakita tayo!" Natatarantang bulong ni lemon. Ako naman ay nagsisimula ng kabahan.

"M-mukhang hindi naman." Kinakabahang bulong ko at dahan dahang sumilip para tingnan kung nakatingin parin ba si aron. "Shit." Usal ko matapos kong hindi makita ang dalawang lalake sa field.

"Omg! We have to run, ceiya. Our life is in danger!" Bigla na akong hinila ni lemon pabalik sa hagdan. Mukhang delikado nga ang buhay namin ngayon.

Halos magkan-dapadapa kami ni lemon habang inaakyat ang hagdan. Parehas na kaming kinakabahan ngayon. Malay ko ba naman kasing makikita kami ni aron? Argh!

"Sabi ko naman kasi sayo na dapat nag stay nalang tayo sa dorm. Look, nakita nila tayo." Si lemon na hila hila parin ako ngayon. Napalunok naman ako, kasalanan ko to!

"I'm sorry. Hindi ko naman alam na—"

"Where do you think you're going?" Napasigaw kaming pareho ni lemon nang bigla nalang humarang samin si clezz.

Shock! Saan siya nanggaling? Bakit hindi ko man lang napansin?

Napaatras kami ni lemon ng bigla nalang sumugod samin si clezz na may nag aalab na mga mata. Mukhang galit nga ata talaga siya.

"Napadaan lang kami doon, c-clezz." Utal na sabi ni lemon na hindi man lang makatingin kay clezz.

Napalunok naman ako. Kasalanan ko to kung bakit kami nahuli, kung sana ay nakinig nalang ako kay lemon.

"I don't need explanation. Ayoko sa mga chismosa." Dumagundong sa kaba ang puso ko dahil bigla nalang siyang tumingin sa akin ng masama. Lagot na!

"Oh, gotcha!" Napalingon pa ako sa lalaking kakarating lang. Si aron.

"Sorry talaga, clezz at aron. Hindi namin sinasadyang mapa—"

"Transferee? May mai-bubuga ka ba?" Nagulat ako ng bigla nalang hawakan ni clezz ang baba ko. Tagaktak tuloy ang pawis sa noo ko.

Parang gusto ko na tuloy umalis dito! Malay ko ba kasing ganito ang mangyayare.

Help me dad!

Magsasalita na sana ako pero bigla niyang patapong binitawan ang baba ko dahilan para mapatingin ako sa gilid. Argh, this guy!

"Stupid rat." Rinig kong bulong ni clezz bago bumaba ng hagdan. Sumunod naman sa kanya si aron na pasipol sipol lang.

Napaupo naman ako sa semento dahil kanina pa talaga nanginginig ang mga tuhod ko.

"See? Delikado sila, ayaw mo kasing makinig." Ani lemon na umupo din sa katabi ko.

Pinagsisihan ko na tuloy na bumaba pa ako! Kulang nalang ay patayin ako ng clezz na yun. Nakakatakot ang aura niya, para talaga akong nasakal kanina.

"Balik na tayo." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Mukhang kailangan kong magpahinga ngayon dahil nawala ang lahat ng lakas ko kanina.

Hindi na din naman nagsalita si lemon at sumunod nalang sakin. Mukhang parehas ata kaming natrauma sa nangyare kanina.

Lol, but it's a good experience tho.

Nakakainis lang kasi akala mo kung sino yung clezz na yun. Masyado naman ata siyang sensitive, eh tumingin lang naman kami. Ang OA niya masyado.

Tsk, mukhang hindi ata maganda ang pasok ko dito.

Nong araw na yun ay tinulongan ako ni lemon maglinis ng dorm. Wala din naman daw siyang gagawin kasi hindi siya pumasok sa first day. Atsaka natatakot din daw siya mag stay sa dorm niya kasi baka bigla kaming balikan ng dalawa.

Nagising ako kinaumagahan dahil sa malakas na katok na nagmumula sa pintuan ko. Tamad ko namang pinuntahan yun at binuksan.

Pagkabukas ko ay agad pumasok sa loob si lemon na naka uniform na. Ang aga niya naman ata?

"Hindi ka pa naliligo? 40 minutes nalang at mag s-start na ang first sub." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ha? Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko suot suot ang relo ko.

"7:20 na. 8:00 ang start ng klase." Pagkasabi niya non ay agad ko ng kinuha ang tuwalya ko at pumasok sa cr. Gosh! Napasarap ata ang tulog ko.

Binilisan ko lang ang pag ligo at pumunta na agad sa maliit na lababo para mag toothbrush. Sana ay hindi ako malate sa unang pasok ko.

"Guess what? Kalat sa buong school ang nangyare kahapon." Rinig kong sabi ni lemon. "Nakakatawa ang rason kung bakit nag away ang dalawa." Dagdag niya dahilan para lingonin ko siya.

"Hmm?" Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Tungkol lang naman pala sa pizza. Kinain daw kasi ni aron yung pizza ni clezz kaya ayun, nag away sila." Nabuga ko naman ang laman ng bibig ko. Tf?

"What? Ang immature naman ata." Hindi makapaniwalang sabi ko. Kinuha ko na ang uniform kong nakasabit sa pader.

"I know, right? Nagugulat na nga lang talaga kami kung bakit nag aaway ang dalawang yun. Tapos ang kadalasang rason ay about sa pagkain." Nagkibit balikat siya.

"Akala ko naman kung anong pinag aawayan nila. Muntikan pa tayong nadamay." Napapailing ako ng maalala ang nangyare kahapon.

"Yeah, at dahil yun sa katigasan ng ulo mo. Hindi ka nakinig sakin." Kita ko ang pagtaray niya sakin kaya nginiwian ko nalang siya.

Minadali ko ang pag aayos sa sarili bago namin napag desisyonang lumabas na.

Habang naglalakad sa building ng beginner ay hindi ko naman maiwasang hindi magtaka dahil pinagtitinginan kami ng mga studyante.

"Don't mind them." Bulong sakin ni lemon.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Naiinggit lang siguro sila dahil bagay sayo ang uniform." Bulong niya ulit.

Bagay? Eh hindi nga ako komportable sa uniform nila eh. Naiiksian kasi ako at naiinitan.

Long-sleeved ba naman ang top na pinatungan pa ng blazer na maroon. Ang skirt naman ay hindi na umabot sa tuhod ang taas, hanggang kalahati lang siya ng hita kaya hindi ako komportable.

"Anong level ka na pala?" Tanong ko sa kanya ng mapansing lumiko kami papasok sa building ng beginner.

"Level 3, pero ihahatid muna kita sa room mo." Aniya.

"So, beginner palang pala ako?"

"Yes, bago ka palang naman dito." Napatango tango nalang ako.

So hindi ko pala siya makakasama? Kalungkot naman, wala pa naman akong ibang kakilala dito.

Someone's pov

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at iniluwa ang isang babae. Napabuntong hininga ako dahil nandito na naman siya.

"May mga bagong transferee ngayon."

"So? I'm not interested." Humiga ako sa couch at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Really? What if sabihin ko sayong may iba sa kanila ang quirkless?" Kumunot ang noo ko.

"Paano siya nakapasok?" Napangisi siya sa tanong ko.

"I don't know. Actually, kalat na sa buong school ang about dito."

"Si aiza ba ang nagpakalat?"

"Yeah, at nagpatulong siya kay rica para ipaalam sa lahat gamit ang mind speaking."

Hindi na ako nagtanong pa at umayos nalang sa pagkakahiga. Masakit ang likod ko na para bang inapakan ako ng higanteng elepante.

"What's your plan? Wala ka man lang bang gagawin?" Binasag niya ang katahimikan naming dalawa.

"I don't know, for now."

Kita ko ang pag-ngisi niya bago siya lumabas ng kwarto. Umupo naman ako ulit sa couch ng tuloyan na siyang mawala sa paningin ko. Pumunta lang talaga siya dito para sabihin yun.

Sino naman kayang mga tanga ang papasok dito na walang dalang bala? Hindi ba nila alam kung ano ang pinasok nila? Nilalagay lang nila sa kapahamakan ang mga buhay nila.

Stupid human.

Clev's pov

"Nahanap niyo na ba?" Tanong ni papa pagkapasok namin sa bahay. Kasama ko ngayon si creil.

"No dad." Sagot ni creil sa kanya. Napaupo naman ako sa couch at sumandal.

Saan naman kaya nagpupupunta ang babaetang yun? Kahit kailan talaga sakit siya sa ulo.

"Wala namang nakitang may lumabas nong mga araw na yun dad sa village." Pabuntong hiningang sabi ko. Saan ba nagmana ang babaeng yun at natuto ng lumayas?

"Sumasakit na ang ulo ko. Wala bang boyfriend ang kapatid niyo?"

"Wala. Ceiya's hate boys dad." Si creil na umupo din sa single sofa.

Hindi na ako nagsalita at nakinig nalang sa usapan ng dalawa. Sila lang naman ang nagkakaintindihan eh.

Isang lugar lang naman ang alam kong pupuntahan ni ceiya, at yun ang quirk academy. Anong bang nakain non at gusto niyang pumunta don? That place is dangerous as fvck. Ayoko na ngang marinig ang about sa school na yun.

"Don't stop to find her." Huling sabi ni papa bago siya umakyat sa itaas. Nagkatinginan naman kami ni creil.

"Quirk academy." Bulong niya.

"Hell no! Ayokong pumunta don. Ikaw nalang mag isa"

"Takot ka parin ba?" Kunot noong tanong niya. Napaayos naman ako ang ng upo.

"Me? Scared? Nah, sadyang ayaw ko lang pumunta don." Nag iwas ako ng tingin. Ayaw ko talagang pumunta don.

"I want you to come with me. Alam naman nating pareho na nandoon ngayon si ceiya." Tumayo na ako at iniwan na siya don.

Psh! Sakit sa ulo talaga ang batang yun. Alam niya ng delikado ang paaralan na yun tapos tinuloy parin ang desisyon niya. Kahit kailan talaga wala na siyang ginawang tama.

Kung alam ko lang talaga na lalayas siya ay kinadena ko na siya nong araw na yun.

Ceiya's pov

"Pancake at apple juice nalang akin." Ani ko kay lemon. Tumango naman siya sabay pila.

Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch break na. Buti na lang talaga pinuntahan ako ni lemon kanina sa building namin. Hindi ko kasi alam kung saan ang canteen eh.

"Here." Agad ko ng kinuha ang pagkain ko dahil nagugutom na talaga ako.

"Thank you." Nilantakan ko na agad yun.

"How's your first day? Mahirap ba?" Tanong niya habang kumakain ng burger.

"Hard as rock, lemon. Hindi ko nagets ang mga tinuro."

"Ganon talaga. Pagtiisan mo nalang, malalagpasan mo din ang beginner level." Tinangoan ko nalang siya at kumain ulit.

Naalala ko tuloy yung nangyare kanina. Napagalitan kasi ako ni ms. Viany, mali kasi ang naisagot ko sa tanong niya.

Tinanong niya kasi ako kung ano daw ang strongest quirk tapos ang sagot ko naman ay thunder na ikinatawa ng mga kaklase ko. Napagalitan tuloy ako dahil sa kabobohan ko daw.

Muntikan ko na ngang nasumpa si ms. Viany eh, naiinis kasi ako sa kanya. Malay ko ba sa tanong niya eh bago palang ako dito tapos wala pa akong ka alam alam. Medjo bobo din siya eh.

"Where's the stupid rat?"

Sabay kaming napatayo ni lemon ng marinig namin ang pamilyar na boses. Napalunok ako ng makita si clezz sa hindi kalayuan sa amin na para bang may hinahanap. Kasama niya si aron sa gilid niya na parang naghahanap din.

"Tayo ba hinahanap nila?"

"Malay ko? Takbo nalang kaya tayo." Hindi na ako nakapag react nang bigla akong hilain ni lemon.

"Teka, saan naman tayo dadaan?" Kinakabahang tanong ko.

"Sa likod. May daan don palabas." Nagpahila nalang din ako sa kanya.

From the word STUPID RAT ay parang ako ang hinahanap niya. Yun kasi yung tinawag niya sakin kahapon.

Pero sana naman hindi lang ako ang tinatawag niya non. Kasi kung ako man ang hinahanap niya ay paniguradong patay ako. Wala akong kasalanan sa kanya pero kinakabahan ako pag nanjan siya sa paligid. Dulot siguro ito sa nangyare kahapon.

Nakalabas kami ni lemon ng ligtas sa likod ng canteen. Agad naman kaming dumeretso papuntang dormitory para doon magtago.

"May pasok ka ba diba?" Tanong ko sa kanya habang tumatakbo.

"Hindi talaga tayo makakatakas sa kanila." Hindi niya pinansin ang tanong ko.

"Ha?"

"Dahil to sa nangyare kahapon. Mukhang ikaw ang target niya, ceiya." Kinabahan naman ako sa sinabi niya.

Nakarating kami sa dorm ko at agad na nilock ang pinto at bintana. Si lemon naman ay hindi mapakali sa inuupoan.

"Bakit naman ako ang target?"

"Wait, what's your quirk again?" Napahinto ako sa pag iisip sa tanong niya. Ah, here we go again.

"Bakit nga ako ang target? Dahil ba sa nangyare kahapon?" Hindi ko nalang pinansin ang tanong niya.

"Exactly, ceiya. So ano nga yung quirk mo?" Tanong niya ulit.

Kinakabahan naman akong umupo sa sahig at tumitig sa kanya. Sabihin ko nalang kaya ang totoo? Sabihin ko nalang na wala akong quirk para maintindihan niya din ako? Argh! Ang hirap naman.

"Bago ko sagutin yang tanong mo. Pwede mo bang sabihin sakin kung anong quirk pa ang kasali sa ranking?" Kailangan kong ibahin ang topic para makaiwas.

Sandali naman siyang napatigil bago ulit tumingin sakin.

"The first one is lightning thunder, which is clezz quirk."

"Yung sumunod?"

"Secondly is water. And I don't know who's quirk is that." So mali pala talaga ang na research ko? I hate you google!

"Ano yung third?"

"Fire yung pangatlo. Ewan ko din kung kaninong quirk yun." Napatango ako sa sinabi niya. Mali nga talaga ang nasagap ko sa internet.

"Ganon ba? Delikado naman pala." Tumawa ako para hindi niya mahalatang iniiba ko ang topic.

"Oo nga eh. Dati fire yung nangunguna pero agad din naman yun napalitan ng Lightning thunder simula nong lumakas si clezz."

"Wala ba kayong idea kung sino yung fire?" Bigla tuloy akong nagkaroon ng interest sa fire user.

"Wala eh pero kalat sa buong school na lalake ang may gamit nito."

"Ikaw lemon? Anong quirk mo?" Wala sa sariling tanong. Napapikit pa ako sa kabobohan ko.

"Hindi ko pa gaanong nako-control yung akin. Ikaw? Ano ngang quirk mo?" Sabi na nga ba eh! Ang tanga ko talaga. Nagtanong tuloy siya uli.

"Hindi ko padin kontrolado eh." Pagsisinungaling ko. Wala akong ibang choice kundi ang magsinungaling nalang.

"Really? Or baka quirkless ka talaga?"

Natahimik ako sa tanong niya. Anong isasagot ko? Wala na akong ibang maisip na palusot, kainis. Parang gusto ko nalang maglaho sa harapan niya.

"Hindi ko pa nga control." Pag uulit ko. Sana naman ay tigilan niya na ako kaka-tanong.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"You're quirkless, ceiya."