Chereads / Quirk Academy / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Studyante nga ako dito."

"Patingin nga ng id mo na nagpapatunay na studyante ka dito." Isa nalang at kakalbohin ko na talaga ang guard na ito.

"Transferee nga kasi ako, malamang na wala pa akong id." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Actually kanina pa kami dito sa labas nagtatalo.

"Sus, alam ko ang mga ganyang style. Mas mabuti pang umalis ka na." Pambubugaw niya. Napapikit naman ako sa inis, damn it!

"Id nalang ng dati kong school? Pwede?" Agad ko namang hinalungkat ang bag ko.

"Hindi! Bakit? Ito ba yung school mo dati." Napatigil ako sa paghalungkat ng gamit sabay baling sa kanya.

"Edi papasokin mo na ako. Official student na ako rito." Pag uulit ko pa. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ng guard na ito? Hindi man lang marunong makisama.

"Ewan ko sayo, miss. Sinisira mo lang ang araw ko." Aniya sabay pasok sa guards room. May maliit na kwarto kasi dito na pagmamay ari niya.

Napabuntong hininga ako sabay tingin sa malaking gate na nasa harapan ko. I can't really imagine na nasa labas na ako ngayon ng Quirk academy, pero sa kasamaang palad ay hindi ako makapasok dahil sa guard na nagbabantay.

Hindi ko talaga inaasahan na may guard pala sa labas. Ang buong akala ko kasi ay secure na secure na ang lugar at hindi na nila kailangan pa ng guard pero hindi naman pala. Mukhang ang guard pa na to ang dahilan kung bakit male-late ako.

Humarap ulit ako sa guard na ngayo'y tahimik na nagkakape sa loob ng maliit niyang kwarto, kitang kita ko kasi siya kasi nakabukas lang naman ang bintana niya.

"Tumatanggap ka ba ng voter's id?" Tanong ko. Nagbabakasaling pumayag siya. Bigla naman siyan nasamid at napatingin sakin.

"Pinagloloko mo ba ako? Mukha bang munisipyo itong nasa harap mo?" Inginuso niya pa ang malaking gate na nasa harapan namin. Napa-irap ako dahil hindi talaga siya sumasabay.

"Anong nangyayare dito?" Napatayo bigla ang guard at lumabas sa kwarto niya ng marinig niya ang boses na ngayo'y nasa harapan na namin.

"Ito kasing babaeng to, sir alfred. Nagpupumilit na pumasok eh wala naman siyang id." Sambit ng guard sa kanya na para bang nagsusumbong pa.

Napatitig ako sa lalaking nakatayo samin ngayon, kung hindi ako nagkakamali ay siya si Sir Alfred Washton. Isang teacher sa Quirk academy.

Well, kaya ko lang naman siya kilala kasi nagresearch ako about sa Quirk academy at suddenly nakita ko ang list ng mga teachers doon sa websites na nakita ko. Bawat names kasi ng teacher doon ay may mga picture na kasama kaya malamang na kilala ko itong si sir alfred.

Biglang lumiwanag ang mukha ko nang may pumasok sa isip ko. Agad akong ngumiti kay sir alfred na nakatingin nadin pala sakin.

"Sir alfred, baka naman pwede mo na akong papasokin? Transferee lang ako at wala pa akong id." Nakangiting pakiusap ko. Sana ay gumana ang plano ko.

"If im not mistaken, you're Ms. Ceiya Zalona. Right?" Kunot noong tanong niya. Mas lalong lumiwanag ang mukha ako. This is it pancit!

"Opo! Ako nga si Ceiya Zalona." Maligayang pagpapakilala ko. Nakita ko naman ang pag-ngiti ni sir alfred.

"Alright. Follow me." Aniya sabay pasok ulit sa gate.

Nakangisi ko namang nilingon ang guard na ngayo'y kamot kamot na ang ulo.

"Pano ba yan manong guard, ako ang nanalo. Bawi ka nalang po next life." Nakangiting sambit ko sabay tapik sa balikat niya.

"Sus, nakachamba ka lang." Bulong niya pa. Hindi ko naman na siya ulit nilingon pa, at agad na humabol kay sir alfred.

Life saver of the day : Mr. Alfred Washton

Pagkapasok ko sa quirk academy ay agad akong nalula dahil isang malaking building agad ang sumalubong sakin. Sobrang taas kasi non at feeling ko ay mga nasa 5th floor ang taas niya. Hindi na ulit ako tumingala pa dahil sa taas non.

Sa gitnang bahagi ng malaking building ay may daan pa papasok, yun yung tinatahak namin ngayon ni sir alfred. I think yun yung main entrance ng Quirk academy.

Pagkalagpas na pagkalagpas namin sa main door ay hindi ko na napigilan ang sarili at tuloyan na akong napanganga.

Isang malaking fountain agad ang sumalubong sakin, may malaking balyena sa taas ng fountain kung saan nagmumula ang tubig na rumaragasa. Gusto ko sanang lumapit doon pero lumiko ng daan si sir alfred kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Pinalilibutan ng malaking field ang malaking fountain na yun na sinundan naman ng dalawang magkatapat na malalaking building. Gusto ko talagang sumilip sa fountain pero hindi pwede dahil baka pagalitan ako ni sir alfred.

Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko. Siguro ay titingnan ko nalang iyon pag nagsimula na akong mag aral dito. Pwede naman na sigurong maglibot libot pag nagsimula na ako.

"These building is for the beginner. " biglang nagsalita si sir alfred sa harapan ko. Mukhang ang tinutukoy niya ay ang building na dinadaanan namin ngayon.

Napatingin naman ako sa mga rooms sa building na yun. Nakasarado ang mga pintuan at mukhang ayaw magpa disturbo. Maliban nalang sa mga bintanang nakabukas ng kaunti.

Hindi naman ako sumagot sa kanya at nanatali lang na nakasunod habang nakikinig sa sinasabi niya na about sa Quirk Academy. Dahil sa mga sinasabi ni sir alfred ay narealize ko lang na halos pala ng naresearch ko sa google ay mali mali. Kaunti lang ang tama at yun ang ikinakainis ko ngayon.

Feeling ko ay tinraydor ako ni google.

"Ang building naman na ito ang tinatawag na 2nd level. Dito napupunta ang lahat ng mga natapos sa beginner." Pagpapaliwanag niya ulit matapos namin pumasok sa isang building.

Hindi ko alam kung may balak ba siyang ihatid ako sa magiging room ko o wala. Mukha kasing nag eenjoy siya sa pagpapaliwanag sakin.

"May 25 level ang Quirk academy. Hanggang ngayon ay wala paring nakakatungtong sa 20. At yun ang pinag-aalala ng mga teachers." Naramdaman ko naman ang pag iba ng tono ng boses niya.

Gusto ko sanang magtanong kung bakit pero hindi ko nalang itinuloy nang bigla nalang siyang huminto sa malaking double door.

"Alfred Washton." Sabi niya dahilan para kusang magbukas ang pinto. Napanganga pa ako sandali bago ako pumasok.

Medjo nakakagulat yun ah. Kung hindi lang siguro uso ngayon ang mga automatic doors ay iisipin kong multo ang nagbukas samin.

Inilbot ko naman ang mga mata ko sa loob ng kwarto. Napangiti ako ng makita ang malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng kwartong ito. Dahil gawa sa crystal ang chandelier ay nire-reflect nito ang sinag ng araw na tumatama sa kanya.

May malalaking bintana din ang nasa loob na abot hanggang kisame, ang tanging nakatakip lang dito ay malalaking kurtina din na sigurado akong hindi kayang labhan ng isang tao lang. Mukhang makapal pa naman ang tela.

Napapikit naman ako bigla ng tumama sa mata ko ang reflection ng araw. Kahit naman kasi may kurtinang nakatakip sa bintana ay may mga nakakalusot parin na sinag ng araw. Hindi naman kasi natatakpan ng kurtina ang buong bintana.

"Are you okay, ms. Zalona?" Nag aalalang tanong sakin ni sir alfred. Napansin niya sigurong nakapikit na ako.

"I'm okay sir. Natamaan lang ako ng reflection." Sabi ko sabay turo sa chandelier na agad niya namang tiningnan.

"Sorry for that. Gusto ko na nga yang ipatanggal eh. Delikado kasi." Napatango tango ako sa sinabi niya. Delikado talaga yun lalo na pag tumama yun sa mata mo, for sure bulag ang aabotin mo.

"Anyway, here's your schedule and the key of your permanent dorm, and this is your id." Nakangiti kong tinanggap ang mga iyon. Parang gusto ko tuloy bumalik sa labas at ipakita sa guard ang id ko. Masyado niya talaga akong ginigil kanina.

"Thank you sir." Sabi ko habang nakangiti parin.

"You're welcome as always, ms. Zalona." Nakangiti ding aniya. Tatalikod na sana ako ng may makalimutan akong itanong.

"I have a question sir. Where's the dormitory?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Sa likod ng building na ito ay may makikita ka pang building ulit. Sa likod ng building na yun ay don mo makikita ang dormitory." Paliwanag niya kaya napatango tango nalang ako. Hindi ko siya maintindihan sa totoo lang.

"By the way ms, zalona. Bukas ka na magsisimula sa klase. Magpapadala nalang ako sa mga sub teachers mo na ngayon ka lang dumating." Tumango nalang ako sa sinabi ni sir alfred. Medjo nagugulohan ako sa kanya, hindi ko alam kung teacher ba siya o principal. Para kasing pag mamay-ari niya iyong office kanina.

Lumabas ako sa building na yun at agad na tinungo ang susunod na building. Hindi naman ako nahirapan sa pagpasok sa pangalawang building dahil magkasunod lang naman pala talaga sila. Akala ko ay maliligaw ako pero hindi naman kasi tumalas ang sense of directions ko.

Lalabas na sana ako sa pangalawang building nang bigla nalang may kumalabit sakin. Medjo nagulat pa ako dahil wala naman akong nakitang mga studyanteng nakakalat sa hallway.

"Hello. Are you new here?" Nakangiting tanong sakin ng babae. Medjo nakahinga naman ako ng maluwag dahil ang buong akala ko talaga ay may multong kumalabit sakin.

"Hi? Yes i am." Sagot ko sa tanong niya. Kita ko naman ang pagkislap ng mata niya.

"Really? Then, what's your quirk?" Tanong niya habang excited na hinihintay ang sagot ko.

Napakagat labi naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot. Wala akong quirk or powers. Pumasok lang ako dito kasi trip ko lang!

"Teka, saan nga pala yung dormitory?" Bobong tanong ko dahil alam ko namang nasa likod ko na ang dormitory. Argh! Gusto ko lang talagang ibahin ang topic.

"Nasa likod mo na." Sagot niya habang nakangiti parin. Ngumti naman ako pabalik.

"Thank you." Pwede na siguro akong sumali sa trend na 'The boys are liar' pero pa girl version.

"Ano palang name mo?" Nagulat pa ako ng bigla siyang sumunod sakin. Shock! Huwag niya na sana akong tanongin about sa quirk ko.

"Ceiya. Ceiya Zalona. And you are?" Kinakabahan man ay kailangan kong tatagan. Baka mamaya ay mahalata niya pang umiiwas ako sa kanya.

"I'm lemon! Nice to meet you ceiya. Sana maging magkaibigan tayo." Nakangiti parin siya habang sumusunod sakin.

Medjo hindi tuloy ako makapag isip ng maayos. Baka kasi bigla na naman siyang magtanong.

"I hope so." Sagot ko nalang.

"Anong dorm number mo?" Tanong niya habang umaakyat kami sa 2nd floor.

"234. Saan ko ba makikita to?" Ibinigay ko sa kanya ang maliit na papel kung saan nakalagay ang dorm number ko.

"Omg! Magkasunod lang ang dorm natin. Can't believe it!" Aniya na para bang hindi talaga siya makapaniwala.

Hindi na ako nagsalita pa dahil nag presenta siyang siya na ang bahala sakin. Hinayaan ko nalang siya dahil siya naman ang may gusto.

"Wow." Usal ko matapos makita ang loob ng dorm ko. Hindi siya gaanong malaki at sakto lang siya para sa isang tao.

"Anong wow? Kita mo namang puro alikabok." Angil ni lemon na nakatakip pa sa ilong niya.

Totoo ang sinabi niya. Napapalibutan ng alikabok ang loob ng dorm ko. Kahit ang single bed ay puro alikabok ang nakapa-ibabaw.

"May walis at dust pan ka ba?" Tanong ko sa kanya habang inililibot ang tingin sa kabuoan ng dorm. Iniisip ko kung paano ko ito lilinisin.

"Nako wag mo ng subukang linisin to gamit ang walis at dust pan. Kulang pa ang isang araw bago ka matapos sa paglinis." Aniya.

Napabuntong hininga ako dahil totoo ang sinabi niya. Hindi naman makalat pero madami talagang alikabok at spiderweb ang nakapalibot.

Pumunta ako sa cr para silipin iyon at hindi na ako nagulat ng makitang madumi din ito na medjo mabaho pa. Feeling ko tuloy may gumamit don.

"May kilala akong makakatulong sayo. Wanna know?" Tinaas taas pa ni lemon ang kilay niya habang sinasabi niya sakin iyon.

"Baka kailangan ng bayad." Sabi ko dahil mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Come on, ceiya. Kesa naman linisin mo ito ng mag isa? Babayaran mo lang naman siya ng smack kiss." Mas lalo akong nandiri sa sinabi niya. Jusko!

"Nako, wag na lemon. Mas pipiliin ko nalang na mag linis kesa magbayad ng halik sa stranger." Napapa-iling na sabi ko. Kita ko naman ang pag taray niya.

"Okay. May walis at dust pan ako sa dorm ko. Gusto mong hiramin?" Tumango nalang ako at sinundan siya ng tingin palabas ng kwarto.

Meron naman pala siya tapos kung ano ano pang sina-suggest sakin. May kaunti din pala ang babaeng yun.

Napatakip ako ng ilong ng bigla nalang humangin ng malakas dahilan para magsi-liparan ang mga alikabok.

Dahil don ay napatingin ako bintanang nakabukas na. Nakasarado yun kanina kaya nagtataka ako kung bakit nakabukas na yun ngayon. Pupuntahan ko na sana yun para sana isara ng bigla nalang patakbong pumasok si lemon sa dorm ko.

"O my god. Isara mo iyang bintana, ceiya! Bilisan mo!" Napangiwi ako ng matabig niya ako dahil bigla siyang tumalon sa pagitan ng kama at sinara ang bintana.

Nagtataka ko naman siyang tiningan, ano bang nangyayare sa babaeng to? Akala mo naman nakakita ng multo.

"It's dangerous to go outside. Please, let me stay here for a while." Pakiusap niya. Hinihingal parin siya dahil sa pagtakbo niya kanina.

"Why? May nangyayare ba sa labas?" Takang tanong ko sa kanya. Namumutla na siya at para bang nakakita talaga siya ng multo.

"Unfortunately, yes. May nangyayare nga sa labas at hindi mo gugustohing malaman yun." Aniya na parang natatakot pa. Mas lalo tuloy akong nagulohan.

"Ano bang nangyayare? Can you please explain to me what's going on?" Medjo naiirita na din ako sa kanya. Masyado siyang pa thrill!

"Ugh! Si Clezz at Aron nag aaway sa ibaba." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ano naman kung may nag aaway? Normal lang naman sa school yun diba?

"Ano naman?" Kunot noong tanong ko. Bigla namang umarko ang kilay niya na para bang hindi makapaniwala sa naging reaction ko.

"Anong 'ano naman'? Alam mo ba kung anong quirk nila? Thunder and wind! Delikado ang mga quirk nila at kailangan mong magtago para hindi masaktan! For goddamn sake. Sana aware ka na." Paliwanag niya. Napatango tango ako kasi medjo nagets ko na ang pinupunto niya.

According to my research. There are 10 dangerous quirk's here in Quirk Academy. And the first one is the THUNDER, the second is FIRE and the third is WIND.

Kung iisipin ay parang normal lang naman ang mga yun pero ang totoo ay hindi. Delikado ang mga yun dahil pwede kang mamatay oras na matamaan ka nila. Kaya naman pala nagtatatakbo itong si lemon, takot siguro siyang mamatay.

Napailing iling ako dahil hindi ko na alam ang iba pang info about sa tatlong quirk na yun. Ang alam ko lang ay delikado sila.

"So, sino sa kanila ang may quirk na thunder?" Tanong ko kay lemon na hanggang ngayon ay nasa sulok parin ng dorm ko. Mukhang nawalan na siya ng pake sa alikabok na ngayo'y nakadikit na sa damit niya.

"Ngayon ka pa talaga magtatanong?"

"Of course. Kailangan kong malaman."

"Ang weird mo. Si clezz ang thunder habang si aron naman ang wind. Gets mo na?" Tumango ako sabay talikod. Parang gusto ko tuloy manood sa away nila. Dati pa kasi ako nananabik na makakita ng taong may powers eh.

"Hey! Where are you going?" Sigaw sakin ni lemon.

"Sa baba." Sagot ko sabay bukas ng pinto. Sumalubong sakin ang malamig na hangin.

"Baliw ka ba? Delikado nga diba? Bumalik na tayo sa loob." Sinubukan niya pa akong hilain pero hindi ako nagpatinag. I really want to see the fight between thunder and wind. Sounds interesting.

Nagsimula akong maglakad at hindi inalintana ang malakas na hangin na sumasalubong sakin. Buti nalang talaga at hindi ako katawang kawayan dahil kung hindi ay baka kanina pa ako natangay.

"Balak mo bang magpakamatay?!" Sigaw ni lemon dahilan para mapalingon ako sa kanya. Nakasunod din siya sakin habang sinasalubong din ang malakas na hangin.

"Adventure ang tawag dito, lemon." Pagtatama ako. This is a big opportunity to fulfill my bucket list. Isa kasi don ay ang makakita ng taong may quirks

"Adventure mo mukha mo. Pag tayo napahamak dito, ikaw talaga ang sisisihin ko." Inis na bulong niya. Natawa naman ako.

"As if naman na pinilit kitang sumama."

"Hello? You are my friend now, so kailangan kong sumama." Hindi na ako sumagot at bumaba na ng hagdan.

I can't wait to see a fight.