Tunog ng baril at sandata ang umalingaw-ngaw sa buong isla ng Mactan. Hagul-gol at sigaw ng mga taong naglalaban lamang ang karaniwang maririnig. "Sugod!! Sigaw ng isang lalaking may matipunong katawan habang binibigyan ng hudyat ang mga kasama nito upang salakayin ang mga nag-ngangahas na sakopin ang kanilang isla. "Boom!! Isang malaking pagsabog ang sumalubong sa mga mandirigma na naglalayong salakayin ang malaking barkong pandigma. "Huwag ninyo silang hayaan makalapit" sigaw namn ng kapitan habang nagpapaputok ng kanyang baril. "Wag kayong matakot, ang mga indiong yan ay walang mga alam sa pakikipag laban. Mas malakas ang ating armas kaya wala tayong dapat ikabahala." Atras!! Tumakbo pabalik sa isla ang mga indio upang maghanda ng muling pagsalakay." Nagtawanan naman ang mga dayuhan sa kanilang nasaksihan. Isa-isa silang bumaba sa barko upang lusobin ang mga indio. Ang hindi nila alam ay naghahanda pala ang mga indio ng mga sibat at palaso na may lason. Habang papalapit na sa baybayin ang mga dayuhan ay sinalubong sila ng isang surprisang pag atake ng mga indio. Bagaman makabago ang sandata ng mga dayuhan ay wala silang magawa sa dami ng mga katutobong mandirigma. Naging matindi ang paglalaban ng magkabilang panig. Di mabilang na mga bangkay ang nakalutang sa mga mababawng bahagi ng tubig. Tila kinulayan ng dugo ang maputing buhangin ng isla at ang masangsang na amoy ng dugo ang bumalot sa buong lugar. Pagod at malalim na paghinga ng dalawang pinuno. Kapwa'y nagtamo ng malalalim na sugat sa kanilang mga katawan. Isang palaso ang tumama sa tuhod ni Magellan na naging daan upang magkaroon ng pagkakataon si Lapu-lapu na wakasan ang kanyang buhay. Nang makita ng mga dayuhan ang nangyare sa kanilang pinuno ay nagpasya silang umatras at bumalik sa Espanya. Ilang saglit pa ay dahan-dahang napaluhod si Lapu-lapu at itinurok ang itak sa lupa. Marami ng dugo ang nawala sa kanya kung kaya't unti-unti na siyang nahihilo at nawawalan ng malay. " Ama!!! Sigaw ng isang binatilyong patakbong lumalapit sa kanya.