Isang malakas na sigaw ang bumulabog sa mga kasambahay. Nagpuntahan ang lahat sa isang kwarto. "Sir, ano po ang problema?" tanong ng kasambahay sa binata na hindi umiimik at nakatingin lang sa kaniyang mga palad. "Binangugot po yata kayo sir, kukuha muna ako ng malamig na tubig" dagdag pa ng katulong. (Sigh) Panaginip lang ba to? tanong niya sa sarili.
May mga ala-ala na bumabalik sa kanyang isip na naging dahilan ng labis na pagsakit nito. Dali-dali siyang pumunta sa isang malaking salamin at nakita niya ang isang maginoong binatilyo. "Kaya pala! Nauunawaan kona ang lahat. Ako ay sumapi sa katawan ng isang binatilyong nagtangkang magpakamatay (nakatingin sa mesa na puno ng sleeping pills). "Ang saklap ng buhay mo Lauro, mayaman ka nga pero ikaw ay inaapi ng sarili mong kamag-anak."
Namatay ang ina ni Lauro nang isinilang siya sa sinapupunan nito. Magmula noon ay pinabayaan na siya ng kanyang ama na isang retired General at sinisisi siya ng lahat sa pagkawala ng kanilang ina. Si Lauro ang bunso sa limang magkakapatid, ang tinuturing black sheep ng kanilang pamilya. Lumaki siya na walang kakampi at laging hinahamak ng kanyang mga kapatid. Naawa si Lapu-lapu at nagpasyang mabuhay muli bilang si Lauro. "Mapalad ka Lauro dahil mukhang dininig ng Bathala ang iyong mga hiling. Ako na labis ang kagustuhang mabuhay at ikaw na may kagustuhang mamatay."