Chereads / Lapu at Lauro / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

"Nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" wika ng isang lalaki na nakangiti sa harap ni Lauro. Matagal na tinitigan ni Lauro ang lalaki at naalala niya na nagkaroon din pala ng kaibigan ang dating si Lauro. Sa likod ng maraming pambubully kay Lauro ay may isang kaibigan parin pala siyang nagtatanggol sa kanya noon. Napangiti na lang siya. "Wag moko titigan ng ganyan Lauro. Tumatayo ang balahibo ko sa katawan hahaha". Pasensya na Reymond, natutuwa lang ako na makita ka". Di makapaniwala si Reymond dahil pansin niya ang pagbabago ni Lauro. Nagtanong si Lauro kung paano siya mabilis na nahanap ni Reymond dahil napakalaki ng kanilang paaralan. "Kabisadong- kabisado na kita Lauro noon paman ay ugali mo nang magbasa dito sa library sa halip na gumimik" wka ni Reymond. Matagal na nag-usap ang dalawa. Kakabalik lang pala ni Lauro sa Kolehiyo mula nang natigil siya sa pagpasok dahil sa depresiyon. Naikwento rin ni Reymond kung bakit niya hinahanap si Lauro. Nabalitaan pala nito ang laban nila ni Alex. Habang masayang nag-uusap ang dalawa nabaling ang atensiyon ni Lauro sa isang magandang babae na tahimik na nagbabasa ng aklat. Nahihiwagaan si Lauro sa kanyang nakita, kamukhang-kamukha talaga ang dalaga sa taong minahal niya limang daang(500) taon na ang nakakalipas. Napatingin din ang dalaga kay Lauro at ngumiti. Namumula ang mukha ni Lauro at agad itong tumayo at lumabas ng library. "Hoy Lauro, saan ka pupunta?" ang sabi ni Reymond na dali-daling humabol kay Lauro. Nagtaka si Reymond at tinanong niya kung bakit bigla nalaman lumabas si Lauro. "Yung babae kanina, kilalamo ba siya?" sabi ni Lauro. "Babae? Ahh, baka si Elsa yung tinutukoy mo. Ang ganda no? Hahaha Wag mo na ipagpatuloy kung ano man ang binabalak mo Lauro." Si Elsa ang Campus Bell ng ating paaralan, at marami narin ang nanligaw sa kanya lahat maginoo at mula sa mayamang pamilya pero ni kahit isa walang sinagot ni Elsa. Hahaha" Habang nagkukwento pa si Reymond ay patuloy sa paglakad si Lauro.

"Lauro, hintayin moko" -Reymond.