BAAAMMM!
Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang bumagsak sa lupa na nagdulot sa kaniya ng pagkaramdam ng sakit lalo na at rinig niya ang paglagapak at pagkamudmod ng katawan niya sa maalikabok na lugar na ito.
Kinusot ni Wong Ming ang mga mata niya lalo pa't napuwing siya matapos ng pangyayaring ito.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang babagsak siya sa lugar na tila isang nakakasulasok na pook puntahan.
Hindi naman nagtagal at bumalik naman sa normal ang wisyu niya ngunit may kaunting hilo siyang nararamdaman. Ramdam niyang parang dumaan siya at ng kung sinumang nilalang sa isang teleportasyon. Ramdam niyang hindi ordinaryong nilalang ang may kagagawan nito.
WOOOHHHHHH!!!!
HAHAHAHAHA!!!!
EYYYYYAAAAHHHHH!!!
Samu't-saring mga hiyawan at sigawan ang naririnig ni Wong Ming sa mga oras na ito. Napakalakas at kung tahimik kang tao na gusto ng katahimikan ay walang lugar o espasyo rito ang dapat mong kalagyan.
Nagtataka man ay mabilis na tumayo si Wong Ming at saka inilibot niya ang kaniyang sariling paningin.
Napakaliwanag at tila secluded ang lugar na ito ngunit kakikitaan na malawak talaga ang lugar na kinaroroonan niya. Kitang-kita sa mata niya ang pagkamangha ngunit nakakaramdam din siya ng panganib sa pook na ito.
His new to this place at alam niyang maling kilos niya lamang ay maaari siyang pagtulungan ng mga ito.
"O mabuti naman at ayos naman ang lagay mo. Diba sabi ko sa'yo isa ka lamang ordinaryong nilalang, isang hangal na pilit kinatatakutan ng kapatid ko ngunit hindi mo ko mauuto taga-labas!" Sambit ng nilalang na nakasuot ng kulay itim na balabal habang makikitang nakasuot ito ng kulay itim na maskarang may disenyo ng isang silver plated na kahugis ng dahon ng clover tree.
Pilit inalala ni Wong Ming ang nasabing nilalang at agad naman niyang naalala ang nasabing nilalang na tumangay sa kinalaban niyang isang demonic tamer kung hindi siya nagkakamali.
Mabilis namang napangisi ng malademonyo si Wong Ming habang nakatingin sa gawi ng nasabing nilalang na sa pagkakatanda niya ay kapatid ito ng malakas na nilalang na nakasagupa niya.
"Ah ikaw pala ginoo, naalala nga kita. Sa pagkakatanda ko ay ikaw yung tumakas na nilalang bitbit-bitbit mo ang natalo kong kalaban na walang iba kundi ang lampa mong kapatid!" Nakangising wika ni Wong Ming habang kitang-kita sa tono ng pananalita nito ang mapanghamong salita.
Hindi niya ginusto ang pangyayaring ito pero hindi siya magpapatalo at kailanman ay hindi siya maaaring magpatalo lamang sa mga nilalang na sarili lamang nila ang iniintindi at pilit siyang kinakalaban.
Hindi siya takot sa mga ito dahil ang mas nakakatakot ay ang kapangyarihang nakakubli lamang sa kaloob-looban niya na gustong kumawala. Wong Ming can feel it at alam niyang hindi maaaring kumawala ito dahil alam niyang magkakaroon ng delubyo ang buong Ashfall Forest kapag nagpatalo siya sa emosyong maaaring maglibing sa lahat ng mga nabubuhay rito sa hukay kasama na rito ang ama-amahan niya. Ayaw niya ng ganon.
Paano niya nalaman? Dahil ikinwento mismo ng ama-amahan niya at ng magiting na manggagamot ng Golden Crane City ang lahat sa kaniya. There's something evil inside him and those energies in his half-dead body could kill anyone.
Paano nalang kung malaman ng lahat na siya ang mismong dahilan kung bakit ang magiting na n------...
Bago pa makaisip ng malalim si Wong Ming ay ramdam niya ang kakaibang sakit ngunit nag-uumapaw na enerhiyang umalpas sa kanang kamay niya. Agad niyang tiningnang mabuti ito at doon niya napansin ang tila nagbabago ang mga ugat niya sa kamay na nagiging kulay itim.
Halos manginig naman si Wong Ming at manlupasay sa sakit nang maramdaman niyang tuloy-tuloy at tila buhay ang mga ito ngunit agad niyang itinago ito as if nothing's unusual happening inside his body.
Pilit niyang pinapahinahon ang sarili niya or else he will regret it later just like what his father says.
Mabilis na nagsalitang muli ang nasabing nilalang mula sa hindi kalayuan na siyang dahilan ng pagkapunta niya sa lugar na ito. Kitang-kita niya ang tila kakaibang kinikilos ng dinala niyang nilalang sa loob ng malawak na arenang ito.
"Nanginginig ka ata binatang taga-labas?! Hehe... Mukhang takot ka atang mabawian ng buhay sa mga oras na ito. Wag kang mag-alala dahil bubuhayin pa kita. Kailangan ko lang ilabas ang inis ko sa pagmumukha mo!" Sambit ng nakaitim na balabal na nilalang habang makikita ang pangisi nito.
BANG!
Isang malakas na pagsabog ang naganap matapos ang hindi inaasahang pagtawid ng espasyo ng nakaitim na balabal na nilalang patungo kay Wong Ming dahilan upang tumalsik sa malayo ang nasabing binata.
AHHHHH!
Isang impit na sigaw ang pinakawalan ni Wong Ming lalo na at ramdam niya ang sakit sa buong katawan niya lalo na sa mismong pisngi niyang tinamaan ng malakas na suntok ng nasabing kalaban niya.
WOOOHHHHHH!!!!!!!
Isang malakas na hiyawan ang narinig ni Wong Ming mula sa di kalayuan na mula sa mga nanonood na mga nilalang sa labas ng arenang ito.
He don't want to hurt anybody at baka pagsisihan niya ito. Kailangan niyang pawalain ang poot na nararamdaman niya bago siya lumaban pabalik sa kalaban niya or else mapapaslang niya ito ng hindi sadya.
Hindi pa man nakakatayo mula sa pagkakabagsak si Wong Ming ay naramdaman niya ang paghila ng buhok niya paangat sa ere habang ramdam niya ang paghigoit ng hawak ng nilalang na ito kahit na nakatalikod siya mula rito.
"Hinding-hindi ko mapapalampas ang ginawa mo taga-labas lalo na sa mismong alaga ng kapatid kong pinatay mo. Pagbabayaran mo iyon lahat-lahat!" Galit na wika ng nakaitim na balabal na nilalang habang mabilis nitong ibinagsak ang pagmumukha ng hindi lumalabang si Wong Ming.
BANG! BANG! BANG!
Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang sakit ngunit pilit niyang pinapakalma ang sarili niya. Ramdam niya ang tigas ng makakapal na buhanging tumatama sa kaniyang mukha pati sa ulo niya.
Hindi niya hahayaang lamunin siya ng emosyon niya kahit na sinasabi ng utak niya na paslangin ang nilalang na kinakalaban siya.
PAHHHHH!!!!
Parang papel na itinapon na lamang si Wong Ming sa gilid matapos na mapagod kakalampaso sa kaniya ng nasabing kalaban niya.
WOOOHHHHHH!
Umugong na naman ang samu't-saring hiyawan ng mga manonood sa labas ng arena matapos masaksihan ang one sided battle na labis nilang inaasahan. Ang kakatwang pangyayari pa rito ay wala man lang referee o taga-awat sa labanang ito.
"Hindi mo gugustuhing kalabanin ako binata. Pero teka, bakit tinatago mo ang kamay mo?! Mukhang meron kang itinatago taga-labas?! Kayamanan ba iyan?!" Pumo ng pagtatakang tanong ng nakaitim na balabal na nilalang habang napapansin nitong may kakaiba sa ikinikilos ng binatang nilampaso niya ng paulit-ulit.