Chereads / Immortal Destroyer [Volume 8] / Chapter 36 - Chapter 4.6

Chapter 36 - Chapter 4.6

GROOOOAAARRRR!

Isang malakas na atungal ng isang nakakatakot na nilalang ang nakikita ni Wong Ming. Kitang-kita niya ang malaking sungay ng nakakatakot na pagmumukha ng nasabing nilalang na maituturing na isang halimaw na.

Nanlalaway ang nagtatalimang mga ngipin at bibig nito na animo'y gutom na gutom ito habang lumalabas ang mga dila nitong tila kakainin ang sinumang nilalang na makikita nito.

Nagtataliman at tila humaba ng husto ang mga kuko nitong hindi na maituturing na kamsy ng isang tao. Maging ang balat nito ay masasabi ni Wong Ming na sobrsng itim at kapap na nito na siyang masasabi ni Wong Ming na tuluyan ng tinakasan ng consciousness ang nasabing nilalang na ito na dati ay isang tao, na si Fernodo.

Walang pag-aalinlangang sinugod siya ng mabangis na halimaw habang makikitang pumagaspas ang tila nagbago ring anyo ng nakakatakot nitong pakpak. Kitang-kita ni Wong Ming ang tila mga talim sa dulo gn pakpak ng nasabing halimaw na gusto siyang gutay-gutayin kung sakaling makapang-abot silang dalawa.

Mabilis na lumitaw ang labintatlong maliliit na mga espada at sa isang iglap ay naging isa itong mahabang espadang pagmamay-ari mismo ni Wong Ming, ang sword needle.

Kitang-kita ni Wong Ming ang paglapit sa kaniya ng mabilis ng dambuhalang halimaw.

Kitang-kita niyang nakatutok sa kaniya ang mga mahahabang kuko nitong gusto siyang pinsalain sa alinmang arte ng katawan niyang gusto siyang patamaan nito.

SSHHHHH! SHHHH! SHHHHH!

Magkakasunod na tunog ang maririnig nang magtama ang mahahabang kuko ng halimaw at ng mahabang sword needle ni Wong Ming kung saan ay kitang-kita na hindi magpapatalo ang binata sa maaaring pinsalang nais idulot sa kaniya ng mabangis na halimaw na siyang kalaban niya ngayon.

HAHHH!

Isang malakas na tadyak ang pinakawalan ng paa ni Wong Ming sa bandang tagiliran ng halimaw dahilan upang mapaatras ito ng ilang dipa.

Ngunit iyon ininda ng mabangis na halimaw na ito bagkus ay naging dahilan pa ito upang magalit ito.

Grrrr!

Nagpakawala ito mumunting tunog na tandang galit ito sa ginawa ni Wong Ming.

Sa pagpagaspas ng pakpak ng halimaw ay anim na naglalakihan at nagtatalimang mga buto ang lumabas at pinakawalan nito sa direksyon ni Wong Ming dahilan upang maalerto ito sa kaniyang sariling gagawin.

Kitang-kita naman ni Wong Ming ang pagbulusok ang mahahabang butong pang-atake ng halimaw na siyang agad naman niyang iniwasan at ang iba ay pinagpuputol niya bago pa siya mapinsala nito.

Ngunit hindi naman alintana ni Wong Ming ang susunod na kilos ng kalaban niya at naramdaman niya lamang ang isang mabigat na bagay na sumipa sa kaniya sa kaniyang likuran na siyang dahilan kung bakit tumalsik siya sa malayo.

BANG!

Bumagsak ang katawan ni Wong Ming sa kalupaan dahilan upang sumabog ang nasabing lupang kinaroroonan niya.

Agad na napatayo si Wong Ming sa pagkakabagsak niya at malalim na nag-isip. Kahit na walang consciousness ang kalaban niyang isang ganap ng halimaw ay mabibilis ang mga kilos at mga atake nito.

Ramdam ni Wong Ming ang banta ng halimaw na ito. Halos mababa lang ng konti ang nasabing Cultivation ng halimaw na ito sa kaniya ngunit ramdam niya ang pambihirang lakas nito.

Kaya mayroong mga ideya ang biglang pumasok sa isipan ni Wong Ming dahilan upang naisip niyang isagaw ito sa makatotohanang pamamaraan.

Gamit ang kaniyang sariling espadang hawak ay mabilis niyang iwinasiwas ito ng malakas patungo sa mismong kalaban niya.

SLASH! SLASH! SLASH!

Sunod-sunod na atake ang ginawa ni Wong Ming na siyang pinatamaan niya ang katawan ng nasabing nilalang na halimaw ngunit sa kaniyang gulat ay hindi nitong nagawang patamaan ang nasabing halimaw.

Mabilis siyang sinugod ng halimaw at pangalawang pagkakataon ay sinubukang muli ng nasabing halimaw sng atakehin muli si Wong Ming sa pamamagitan ng pagpapaulan ng mga mahahabang tinik na gawa sa pambihirang buto ng halimaw.

WOOH! WOOH! WOOH!

Naglalakasang mga tunog ng mga pag-atake ng nasabing halimaw ngunit maigi naman itong sinasalag ni Wong Ming.

Ngunit dahil sa bilis at madaming pamamaraan ang nasabing halimaw na nilalang ay napaatras ng matindi si Wong Ming nang magpaulan ito ng mga naghahabaang mga tinik na gawa sa buto.

TSAK! TSAK! TSAK!

Magkagayon man ay nasangga at naiwasang muli ni Wong Ming na mapaslang o tumusok sa alinman sa katawan niya nang nasabing mga pamatay na atake ng halimaw.

Ang nakakapagtaka lamang ay tila ba gumagaling ng gumagaling ang nasabing halimaw sa uri ng pakikipaglaban nito sa kaniya na animo'y nagiging malakas at matalino ito habang tumatagal.

"Ano'ng uring demonyo kaya ang halimaw na ito?! Hindi ko aakalaing magagawa ng isang nilalang na maging isang uri ng halimaw na kayang balutin ang sarili at handa itong mawala sa sarili alang-alang sa paghihigante upang mapaslang ako. Ano'ng uring tribo kaya ang Fire Demon Tribe?! Hmmp!" Seryosong wika ni Wong Ming sa isipan niya lamang habang umalpas ang kuryusidad sa utak nito. Sino ba naman kasi ang magtuturo ng kademonyohan alang-alang sa tinatawag nilang puminsala sa kapwa nila kaaway. Tinuruan ng mga malalakas ngunit taliwas na mga Cultivation practices para maging karumal-dumal sa harap ng lahat.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Agad na napansin ni Wong Ming na pinaulanan naman siya ng naghahabaang mga tinik na gawa sa buto sa kinaroroonan niya mismo kung saan ay pansin ni Wong Ming ang lakas ng pagkakaatake nito sa kaniya.

Sa isang iglap ay napansin na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang tumalon-talon paatras lalo na at masyadong okupado ang isip niya kung paano niya matatalo ang halimaw na nilalang sa lugar na ito. Lugar kung saan naging isang uri ng halimaw ang kalaban niya at nakamit ang full demon form nito.

Pansin ni Wong Ming na tila ba hindi na napigilan ng sarili niyang atake ang pagiging mabangis at marahas nito. Parang lumalakas ng lumalakas pa ito.

Skill: Sword Needle Clones!

Sa isang iglap ay biglang nagkaroon ng maraming mahahabang sword needles sa ere. Ang kinaroroonan ni Wong Ming ay tila ba napuno ang kalupaang malapit rito ng laksa-laksang bilang ng sword clones.

"Patawad ngunit kailangan na kitang paslangin bago ka pa lumakas pa lalo dahil sa marahas ngunit mabangis mong pamamaraan. Demons without consciousness shall be exterminate." Seryosong sambit ni Wong Ming habang makikita ang lungkot sa mga mata nito.

Nabulag lamang ang mga ito sa kung sino mang nilalang ang nag-utos sa kanilang tugisin siya. Kailangan niyang depensahan ang sarili niya laban sa panganib at ang dalawang nilalang na ito ay halatang nabulag sa paniniwalang kailangan siyang dalhin sa kung saang lugar ang mga itong kumukuta.