Nakahawak lang kasi ito sa kanang braso nito na animo'y may pinoprotektahan o ikinukubli ito. Kung meron man ay gusto niyang makita at makuha ito. Hindi siya tanga upang hindi mapansin ang kakaibang kinikilos nito at sa sobrang dali nitong talunin.
"Wag kang lalapit sakin pakiusap. Wala ito!" Tila nangigninig pang turan ni Wong Ming habang kitang-kita na sinusubukan pa nitong umatras upang lumayo sa kalaban niya.
"Hehehe... Sa kinikilos mo ay alam kong meron nga. Kating-kati na ang kamay kong malaman kung ano ang tinatago mo taga-labas!" Sambit ng nakaitim na balabal na nilalang habang makikitang mabilis itong naglakad patungo sa direksyon ni Wong Ming.
"Hindi! Wag kang lalapit. Wag!!!!!" Tula nahintatakutang wika ni Wong Ming habang bakas sa boses nitong ayaw niyang palapitin sa kaniya ang kalaban niya. Pakiramdam niya ay mangyayaring masama. His hand is really not okay at maaaring malagay sa panganib ang buhay ng nilalang na nasa harapan niya.
Nakita ni Wong Ming na biglang lumitaw sa harapan niya ang nasabing nilalang na kalaban niya dahilan upang mabilis niyang itinaas ang kanang kamay niya bago pa siya hawakan nito.
Sa hindi malamang dahilan ay may kung anong klaseng pwersa ang umalpas sa kamay ni Wong Ming dahilan upang tumalsik ang nakaitim na balabal na nilalang na may itim na maskara.
BANG! BANG! BANG!
Sumabog ang ilang mga parte ng lupa sa arena na siyang naging hudyat upang tumakas si Wong Ming.
Nagulat naman ang lahat sa pangyayaring ito dahilan upang magkaroon ng mahabang katahimikan.
Kitang-kita nila kasi kung paanong nawalan ng malay ang kalaban ng nakaitim na balabal na isang taga-labas. Napansin din nila na bigla na lamang nawala na parang bula ang nasabing nilalang na nilampaso kanina ng nasabing kalaban nito.
Maya-maya pa ay malakas na usap-usapan ang namayani sa malawak na arenang ito habang mayroong pagtataka at hiwaga sa isipan ng mga ito kung paano'ng nangyari na nabaliktad ang sitwasyon nito at ng kalaban nitong walang malay sa loob ng arena matapos ang huling pangyayaring nasaksihan ng mga manonood.
...
Mula sa hindi kalayuang lugar mula sa Black Clover Tribe ay bigla na lamang nagmulat ng mata ang isang matandang nilalang na nakahimlay sa isang nitso. Kitang-kita ang katandaan at bakas ng paglipas ng panahon sa mukha nito.
Ang mata nito ay pulang-pula habang maraming mga hikaw-hikaw sa pisngi nitong nakasabit na animo'y nagsisilbing pagkakakinlanlan nito.
Ngunit ang nakakapagtaka lamang ay itim na itim ngunit mahaba ang buhok nito na sobrang lago. Kung pagbabasehan ay mukhang hindi ito kababakasan ng panghihina. Maging ang pangangatawan nito ay hindi din kababakasan ng panghihina o alinmang sakit.
Mabilis itong bumangon nang tila may kung ano itong naramdaman sa kapaligiran nito.
Mabilis na narinig nang nasabing nilalang ang apat na malakas na yabag ng mga paang tila patungo sa kinaroroonan niya na tila nag-uunahan pa.
"Gising ka na pala Tribal Chief. Hindi ko aakalaing mula sa mahimbing mong pagkakatulog isang taon ng nakalilipas ay napagdesisyunan mong bumangon?!" Masaya ngunit may haping pagtatakang sambit ng kadarating lamang na nilalang na nakasuot ng itim na roba habang makikita ang suot-suot nitong malaki ngunit kakaibang sumbrero.
Mabilis naman siyang nakaramdam ng pagtampal sa balikat nito na siyang ikinasimangot nito.
"Tribal Chief, okay lang po ba kayo?! Kung hindi ako nagkakamali sa iyong sinabi ay isang taon pa ang igugugol mo upang humimlay ngunit bakit napaaga ata?!" Sambit ng babaeng nakasuot ng kulay pulang maiksing palda habang suot-suot ang pantaas nitong kulay pulang damit na labas ang pusod nito. Napakaamo ng pagmumukha nito na parang isang anghel habang makikitang nagtataka rin ito.
Ngunit ang dalawang katabi nitong nilalang na huling pumasok ay tahimik lamang na animo'y nagmamasid lamang sa kakagising nilang Tribal Chief.
Maya-maya pa ay nagtataka silang apat nang napansin nilang sumisinghot sa hangin ang nasabing Tribal Chief nila na parang may sinisinghot ito sa kapaligiran nito.
"Tribal Chief Goren, Bakit po kayo sumisinghot sa hangin?! May mabaho po ba?! Kasalanan po yan ni Venissa kasi di po siya naglilinis ng silid niyo!" Sambit ng nakasumbrerong nilalang habang nakatingin ng masama sa babaeng kita ang pusod na parang sinasabi nitong patay ito mamaya.
"Wag kang maniwala Tribal Chief Goren sa pinagsasabi ng lampang iyan. Palagi ko pong nililinisan ang silid niyong ito. Si Fernodo lamang ang mahilig magdala ng dumi ng mga alaga nitong mga wild dark cats!" Paninising saad ni Venissa habang makikitang galit na galit ito kay Fernodo dahil sa panlalaglag nito sa kaniya.
Ngunit narinig na lamang nila ang pagkabasag ng kristal sa malapit sa pinto dahilan upang mapaatras at umayos sina Venissa at Fernodo sa kinatatayuan nila.
"Mga tanga! Hinding-hindi ako magigising lamang sa simpleng mga bagay na sinasabi niyo ngunit hindi maganda ang mga ginawa niyo. Mapapalampas ko lamang ang ginawa niyo kung gagawin niyo ng tama ang misyong ipapagawa ko sa inyo!" Masungit na saad ni Tribal Chief Goren habang makikitang seryoso ito sa kaniyang sinasabi.
"Sabihin mo lang po Tribal Chief Goren at lubos kong tutupdin ang inyomg ipag-uutos sa akin." Masayang sagot ni Fernodo habang mabilis nitong ibinaba ang kakaibang sumbrero nito at nagbigay-galang sa tribal chief nila.
"Misyon ba Tribal Chief Goren?! Walang problema sa akin ang ipapagawa niyo. Lahat ay kaya kong gawin alang-alang sa ikaliligaya niyo. Sabihin niyo lang at akin iyong isasakatuparan." Confident na turan ni Venissa habang makikitang gustong-gusto nito ang ipapagawa sa kaniyang misyon ng kanilang tribal chief. Gusto niyang bumawi sa pambibintang ni Fernodo sa kaniya.
"Kung gayon ay inaatasan ko kayong tukuyin at dalhin ang nilalang na naglalabas ng evil aura. Napakasarap ng amoy nito at napakatapang ang amoy nito sa hangin. Purong kasamaang enerhiya iyon at naniniwala akong malaki ang benepisyo ng nilalang na iyon upang lumakas ako ng tuluyan hahahaha!!!" Mahabang wika ni Tribal Chief Goren habang makikitang tila takam na takam ito sa kung anumang klaseng dalang kasamaan ng nilalang na naaamoy niya sa malayo.
Kasabay nito ay mabilis na lumitaw sa kanang kamay nito ang dalawang kulay abong mga martial pellets.
Napakaganda ng martial pellets na ito at mabilis itong lumutang patungo sa direksyon ni Venissa at Fernodo.
Walang pag-aalinlangan itong sinalo ng dalawang inatasang nilalang habang may galak ang puso ng mga ito.
"Ano pong klaseng Martial Pellets ito Tribal Chief?" Tanong ni Fernodo habang mabilis na tuminin sa Tribal Chief nila.
"Oo nga Tribal Chief Goren. Kailangan pa ba ang Martial Pellets na ito?! Kayang-kaya kong gawin ang misyon ko ng hindi ito kinakailangan!" Seryosong wika ni Venissa habang makikitang confident ito habang sinasabi ang mga katagang ito.
"Kakailanganin niyo iyan lalo pa't hindi niyo naamoy ang nasabing evil aura ng nilalang na nakakubli sa hangin. Ang misyong aking tinutukoy ay tuntunin ang mismong nilalang na pinagmumulan ng matapang na enerhiyang iyon at iharap sa akin ngayon din!" Seryosong turan ni Tribal Chief Goren habang kitang-kitang nanlilisik ang mga mata nitong sumisinghot-singhot pa sa hangin.
"Masusunod po Tribal Chief Goren!" Malakas na sagot nina Venissa at Fernodo habang mabilis ngunit aligaga ang mga itong lumabas ng silid.
Mabilis na ring lumabas ang dalawang kanina pang tahimik na nilalang matapos ng mga itong nagbigay-galang sa Tribal Chief nila, ang tribal chief ng Fire Demon Tribe.