"Bakit hindi na lamang si Wong Jianguo ang ipinalit sa pwesto ama kung pareho naman pala kayong anak ng dating Head Chief? Hindi ba maaaring ganon na lamang iyon?!" Seryosong saad ni Wong Ming na animo'y hindi niya alam kung bakit kay Wong Jianguo na lamang ipinasa ang pwesto sa halip na sa ama nito.
"Hindi maaari ang iyong sinasabi anak. Masyadong maitim ang budhi ni Wong Jianguo at maaaring ito pa ang ikakabagsak ng ating pamilyang kinabibilangan kung mapasakanya ang titulo bilang susunod na pinuno ng Wong Family. Kitang-kita mo naman kung saan nagmana ang suwail at hambog nitong anak. Hindi ko nga aakalaing ang lakas ng loob nitong saktan ka dahil na rin sa kunsintidor nitong ama." Seryosong sambit ni Head Chief Bengwin habang makikitang tila may inis sa boses nito.
"Talagang malakas si Wong Xianliang at masasabi kong hindi ko napaghandaan ang mga surpresang atake nito. Isa pa ay limitado lamang ang aking galaw dahil sa maraming ayaw sa akin kaya ang cultivation resources ko ay hindi gaanong karami kumpara sa natatamasa ni Wong Xianliang na maraming may gustong ito ang papalit sa pwesto." Seryosong saad banan ni Wong Ming habang kitang-kita sa mata nito ang kalungkutan. Alam niyang sampid lang siya sa pamilya Wong at hindi niya kailanman ipipilit ang sarili niya sa mga nilalang na ayaw din sa kaniya.
Ang mga cultivation resources niya ay tunay ngang maliit lamang kumpara sa natatamasa ni Wong Xianliang. Ito ang privilege na nakukuha ng anak ng mga opisyales na nananalaytay ang dugo ng mga Wong. ng nakukuha lang kasi ni Wong Ming ay ganoon lamang parehas ng mga ordinaryong miyembro ng Wong Family kaya ganon na lamang siyang atakehin ni Wong Xianliang sa mismong mansyon nila.
"Pasensya na anak. Talagang ramdam mo ang agwat ni Wong Xianliang sa iyo pagdating sa mga bagay-bagay ngunit palagi ka pang hinihikayat at pinaglalaruan ng batang suwail na iyon." Hinging-paumanhin naman ni Head Chief Bengwin sa kinupkop nitong si Wong Ming. Kahit na isa siyang Head Chief ay malaki pa rin ang gampaning dapat niyang gampanan.
Naiinis man si Wong Ming sa nais ipahiwatig ng ama-amahan niya ay pinanatili niyang kalmada ang isipan niya lalo na at namumuro na rin talaga si Wong Xianliang sa pinanggagawa nito sa kaniya. Kung hindi dahil sa ama niyang isang Head Chief ay matagal na niyang pinatulan at nilampaso ang pesteng anak ng kumakaaway sa ama niya.
Alam niyang si Wong Jianguo lamang ang may lakas ng loob na labanan ang ama niya upang patalsikin ito sa pagiging bagong pinuno nito ngunit hindi niya hahayaang mangyari iyon kahit sa panaginip man lang niya.
"Wag kang mag-alala ama, masyado pang maaga upang patulan ko si Wong Xianliang. May araw din ito sa akin lalo na at palagi niya na lamang akong bini-buwiset." Sambit ni Wong Ming sa ama nito habang kakikitaan pa rin ng inis ang sinabi nito.
"Ganyan nga anak. Alam kong lalakas at hihigitan mo si Xianliang sa hinaharap. Naniniwala ako sa iyong kakayahan." Seryosong saad naman ni Head Chief Bengwin kay Wong Ming halatang buo ang suporta nito rito.
Napatango na lamang si Wong Ming sa isinaad ng ama-amahan nito lalo na at naniniwala siyang magagawa nitong patikimin ng hagupit ng kaniyang itinatagong inis ang pesteng anak ni Wong Jianguo na si Wong Xianliang.
"O siya, pumunta na tayo sa mismong tribo nila at maya-maya lamang ay lulubog na ang haring araw. Delikado pa naman ang lugar na ito kung gabi dahil maraming pagala-galang mga mababangis na magical beasts." Seryosong wika naman ulit ni Head Chief Bengwin habang mabilis nitong tiningnan si Wong Ming at tiningnang mabuti ang kapiligiran.
Mariing iginiya naman ni Wong Ming ang mga mata niya at doon niya napatunayang tama ang ama niya. Mistulang papalubog na nga ang haring araw at maaaring malagay pa sa peligro ang buhay nila kung hindi sila makakahanap ng ligtas na lugar sa loob ng malawak na kagubatang ito ng Ashfall Forest.
Napatango muli si Wong Ming na halatang sang-ayon din ito sa gustong mangyari ng ama-amahan niya. Ang unang dapat alalahanin nila ay ang kaligtasan nila kaysa sa iba.
Mabilis namang naglaho ang pigura ng dalawang mag-ama sa kinaroroonan nila habang mistulang naging anino sa hanging naglalakbay ang mga pigura nilang tila binibilisan ang pagpunta nila sa direksyon kung saan naroroon mismo ang tribong nais puntahan ni Head Chief Bengwin, ang Black Clover Tribe.
...
Hindi nagtagal ay nakita ni Wong Ming at ni Head Chief Bengwin ang sarili nilang nasa isang malaking tarangkahan ng sinasabing tarangkahan ng Black Clover Tribe.
Kitang-kita ni Wong Ming na Walang pag-aalinlangang hinila ni Head Chief Bengwin ang isang kahoy pababa na parang isang traditional na doorbell.
Mabilis na narinig ni Wong Ming ang isang napakalakas na tunog na nagmumula sa loob. Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay hudyat iyon upang malaman ng mga nasa loob na merong nilalang sa labas.
CRRRRREEEEAAAKKKKKK!
Isang malakas na tunog ang narinig ni Wong Ming maging ng ama-amahan nito habang makikitang tila bumaba ang nasabing tarangkahan at lumapag ito sa lupa.
Labis namang namangha si Wong Ming sa sistemang ito ng Black Clover Tribe. Hindi niya aakalaing ganito rin ang pamamaraan nila sa pagprotekta ng tribo nila.
Bumungad sa mismong mga mata ni Wong Ming ang napakagandang estraktura ng nasabing malamansyong mga gusaling pagmamay-ari at ginawa mismo ng Black Clover Tribe.
"Sinong mag-aakalang higit na napakalakas at napakagandang pagmasdan ng Black Clover Tribe sa malapitan. Nakakamangha ang pamamaraan ng pagpapatayo ng mansyong tila hindi kumukupas ang kagandahan nito." Sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mata nito ang labis na mangha at kagalakan lalo na at mukhang walang binatbat ang makabagong pamamaraan ng pag-istilo ng mansyon nila sa Wong Family.
May kalumaan at nilulumot man ang iilang bahagi ng mansyong nakikita niya sa labas ng tarangharan ay kitang-kita naman na hindi ito tinipid sa mga materyales. Isa pa ay mayroong mga disenyo siyang nakikitang kakaiba at hindi pamilyar na mga simbolong nakaukit na alam niyang hindi ito simpleng dekorasyon lamang ang layunin nito ngunit may malalim na mva kahulugan.
Ngunit agad namang naantala ang pagmamasid ni Wong Ming nang mabilis niyang naramdaman ang tila mga yabag ng mga paang papalapit sa kanila ng ama-amahan niya.
"Sino kayo at ano ang ginagawa niyo sa labas ng Black Clover Tribe?!" Seryosong sambit ng isang nilalang na nakasuot ng baluti habang makikitang may hawak itong mahanang espadang mahigpit nitong hinahawakan. Agaw pansin ang tila itim na simbolo ng isang clover leaves sa kaliwang dibdib nito.
Nagkatinginan naman si Wong Ming at ang ama-amahan nitong si Head Chief Bengwin matapos nilang marinig ang sinabi ng bagong mga dating na nilalang.