5:00pm na..Ngunit wala pa si Hunter. Kanina pa naiinip si Mara kakahintay sa kapatid. Lakad paroon at lakad parito...
"Nagugutom na yata aq?"," Kanina pa sumasakit ang tiyan at puson ko"
"why????why?????why until now wala pa si Kuya Hunter", naiinip na wika ni Mara.. sabay dampot ng bag sa sahig at upo sa upuan..
Maya't maya ay tatayo..
" Mara?", bakit hindi ka pa umuuwi? tanong ng kaniyang guro..
"hininhintay ko po kasi si Kuya",sagot naman ni Mara.
" ah..ok",Mauna na ako saiyo..Bye...
"Bye po Ma'am"..
5:30pm na....
Nakalimutan ni Hunter na sabay pala siya ni Mara uuwi.. Nagkayayaan ang magkakaibigan at kaklase na maglaro ng basketball total malapit na ang anniversary ng kanilang school at the same time practice or exercise na rin na masasabi..
" Mauna na ako umuwi sainyo Buddy",Sabi ni Jake..Nagchat kasi si Karla..Mag-didinner dae kami sa labas with Tita Kennedy.. sabay dampot ng bag at takbo na palabas ng gymnasium..
"Bakit ngayon pa nalowbat itong cp ko?"anas ni Hunter..sabay pasok at kuha ng extrang damit sa locker upang makaligo..
Lakad, takbo ang ginawa ni Jake para hindi mapagalitan ng ina.. Palagi kasing nakasilent mode ang cp ni nito.. Online Games ang kinakaabalahan palagi..
Malapit na siya sa may school gate, Napansin niya si Bansot na Mara na nakahiga sa bench.. Akala niya natutulog ito. Agad niya itong nilapitan at sabay tapik sa balikat.
"Bansot, bakit dito ka natutulog?",pinalayas ka ba sainyo? kawawa ka naman"pang aasar ni Jake
Naalimpungatan si Mara.. sabay sabi
"Kuya?????"" Puwede ba Tandang Goliath, tigilan mo ako and wag mo nga akong kausapin"..Hindi tayo close.. pagmamaldita ni Mara..
" Kahit kailan talaga, walang kapreno preno yang bunganga mo" bahala ka nga sa buhay mo..sagot naman ni Jake.
sabay alis ..
" Wait....Wait.. Tandang Goliath!!!!" Nasaan si Kuya?Nakita mo ba ang Kuya ko?..sigaw na tanong ni Mara habang hinahabol si Jake..Ngunit hindi siya pinansin ni Jake..Kaya sa sobrang inis ni Mara.Binato niya ito ng kanyang sapatos...
Hindi pinansin ni Jake si Mara kahit naririnig niya ito..
" Bahala ka diyan bansot" nangingiti na bulong ni Jake nang biglang....
boooogshhhh!!!!!
"Aray ko!!!!", nakita niyang may sapatos sa likod niya..Alam niya kung sino ang may-ari nito at kanino ang sapatos na iyon..walang iba kundi kay bansot..
" Ano bang kailangan mo bansot?","sumusobra ka na.!"...asik ni Jake
" Tinatawag ka kasi ayaw mong sumagot"..
" Kanina ko pa kasi hinihintay si Kuya. Sabi Niya kasi sabay kaming uuwi" wika ni Mara habang nakahawak ang kamay sa tiyan..
"Nandoon pa ang tropa sa gymnasium..Kung gusto..puntahan muna lng,para makita mo ang hinahanap mo..Hindi iyong nambabato ka ng sapatos..
" hmmmp! salamat "sabay talikod at lakad papunta sa gymnasium.
" Himala", Alam mo pala ang salitang salamat..pang-aasar ni Jake..
Ngunit.. napangiti ito ng may nakita siyang pulang dugo sa palda ni Mara..
"Bansot!", "Bansot" tawag ni Jake..
Ngunit hindi siya nito pinapansin.. Alam niyang naririnig aiya nito kaya hinabol ito ni Jake..
Naririnig niyang tinatawag siya ni Tandang Goliath,ngunit binabalewala niya ito.. gustong gusto niya na kasing makauwi sa bahay Kasi ang sakit na nga ng kanyang puson at tiyan..
Nagulat siya ng biglang hawakan ni Jake ang kanyang kamay at para siyang nakuryente .. Ganoon din ang naramdaman ni Jake kaya agad niyang binitiwan ang kamay ni Mara.
" Bakit ba!?"..asik nito
" May ano ka?"Nahihiyang wika ni Jake.
" Pano ko sasabihin kay Bansot na tagos na Siya" .." Baka mamaya, magalit na naman ito sa akin...
"Ano? naiinip na sagot ni Mara.
"May ano ang palda mo"..sabay turo ni Jake
"Ano nga? Agad tiningnan ni Mara at nagulat siya ng makitang mayroon ngang dugo.. Bigla siyang namula sa hiya sabay tago nito kay Jake. Alam niyang normal sa isang babae na datnan buwan buwan ng regla ngunit bakit ngayon pa..sa mismong harapan pa ni Jake at nakita pa nito..
Nakita ni Jake ang pamumula ng mukha ni Mara..Kaya hindi niya na ito inasar bagkos ay may kinuha sa bag..Isang jacket na kung saan may nakasulat na Jake Lee sa likod..
"Para saan ang jacket na ito?"Nalilitong tanong ni Mara Kay Jake.
Hindi alam ni Mara ang gagawin ng mga oras na iyon kaya siya na lang nagsuot nito kay Mara at sabay hawak sa kamay ng dalagita.
Pinaupo niya ito sabay wika ng..
"Dito ka lang Mara, Hintayin mo ako at may bibilhin lang ako"Malumanay na pakiusap ni Jake
Walang nagawa si Mara kundi ang tumango na lang..
Agad tumakbo si Jake palabas ng school at pumasok sa isang pinakamalapit na convenient store.. Agad siyang nagtanong sa isang tindera kung ano ang ginagamit kapag mayroong buwanang dalaw.
"Ate, ano po ang ginagamit kapag mayroon buwanang dalaw."Iyong girlfriend ko po kasi mayroon ngayon..
" ah" nakangiti na ibinigay niya ito kaya Jake.
Pagkatapos makabili ng sanitary napkin.Agad niyang pinuntahan si Mara at ibinigay dito.. Hinila niya ito kung saan ang pinakamalapit na comfort room..
Ngunit...Hindi alam ni Mara kng paano ito gagamitin.. kaya nakayuko siyang nagtanong Kay Jake.
"Paano ito gagamitin...
???????????????????????
Kahit nahihiya at namumula na si Jake. iKinuha niya ito sa kamay ni Mara at ipinakita kung paano gamitin. Agad na tumalima si Mara papasok ng comfort room at ibinigay kay Jake ang bag at mga aklat..Agad naman itong kinuha ni Jake Kay Mara.
" Salamat" nakayuko na sabi ni Mara
" Walang anuman at isinuot muli Kay Mara ang jacket"sagot nito..Ako ng magdadala nitong mga gamit mo".
" Naku..huwag na.. Ako na lang.. Nahihiyang sabi nito.
" Ako na".. giit nitong muli
Hindi na lang umimik si Mara at naglakad na sila pabalik sa bench..
" Halika, doon muna lang hintayin si Hunter sa 7/11..Bili tayo ng makakain.. Nagugutom na kasi ako..anyaya ni Jake.
Agad naman na pumayag ito at sabay silang naglakad papunta sa 7/11 upang makabili ng makakain..
" Maupo ka na muna doon,ako na lang ang bibili ng foods natin para kapag lumabas na si Hunter..Madali mong Makita.." Sabi ni Jake
"Okay" Malumanay na sagot nito..
Hiyang-hiya si Mara sa nangyari sa kanya ngayon.. Hindi niya alam kung papano pakikitunguhan si Jake ngunit nalaman niya na mayroon naman pala itong itinatago na kabaitan sa katawan..
Napapangiti na lamang si Jake habang nagbabayad sa counter.. Pasulyap sulyap Siya kay Mara na hanggang ngayon ay nahihiya sa kanya..
"Kainin mo muna ito..para hindi na sumakit ang tiyan mo..kanina ko pa kasi naririnig na nagsasalita ang tiyan mo.."
Agad naman nito kinuha ang pagkain na inabot ni Jake..Ngunit napansin ni Mara na hindi pa nakakapagbihis man lang ng damit si Jake..Basang- basa na ito ng kaniyang pawis..
Agad niya itong pinuna.
"Jake,Hindi ka ba magpapalit ng damit mo?sita ni Mara..Kanina pa yata yan basa. Baka magkasakit ka?
Nagulat si Jake sa sinabi ni Mara.
" Mamaya na lang"sagot ng binatilyo"
"Ngayon na.." pangungulit ni Mara."Please"..
Binitawan ni Jake ang kinakain nito..Kinuha ang bag at inilabas ang extrang damit nito.Hinubad ang damit at hindi man lang pinansin ang mga taong naroroon. Laking gulat ni Mara ng makita niya ng malapitan ang katawan ni Jake agad namula ang dalagita..Parang walang nangyari, agad kinuha ni Jake ang binitawan na pagkain at hindi sinasagot kung sino man ang tumatawag sa kanyang phone..Ayaw niyang palampasin ang ganitong pagkakataon..
Pagkakataon na hindi sila ngaaway ni Mara.