Nakakaawa naman ang Tandang Goliath na ito..Habang tahimik na pinagmamasdan. Tumutulo ang pawis sa mukha at nababasa na naman ang kapapalit lang na damit.
"Magpunas ka kaya ng pawis mo Tandang Goliath"sabi ni Mara..
"Mamaya na lang",balewalang sagot ni Jake.
Tumayo si Mara at binuksan ang bag na katabi lng nito.
"Matanda na nga,tatamad tamad pang magpunas",bulong ni Mara.
Nakita naman agad ni Mara ang kanyang hinahanap..Kinuha niya ito at ipinunas sa buong mukha at likod ni Jake . Habang ginagawa ito ni Mara,lihim na naman siyang pinagmamasdan at Napapangiti na lang.
"Oh!,ilagay mo sa likod mo".utos ni Mara
"Huwag na..Malaki na ako", sabay kagat ng siopao.
"Hmp!","Tumalikod ka nga"..
"Huwag na Sabi"..
"Sabi ko, talikod"..
Walang nagawa si Jake kung hindi ang sumunod na lang kay Mara..
"Thanks"...bulong ni Jake..Alam niyang narinig siya nito.
Sa gymnasium...
"Buddy Hunt,kanina pa nagvibrate ang phone mo",sabi ni Blake.
Agad itong kinuha ni Hunter at biglang naalala na sabay pala sila uuwi ng kanyang kapatid. Mabilis na kinuha ni Hunter ang kanyang gamit at patakbong lumabas ng gymnasium.
" Nasaan ka Mara?"... Siguradong mapapagalitan ako nito.. Kung bakit Kasi nakalimutan ko..paninisi sa sarili.
Tatawagan niya na sana ito ng makita niya ito sa harap Ng 7/11 with Jake..Agad niya itong nilapitan at sabay Sabi...
" Mara, sorry ha".."Nakalimutan ko kasing sabay pala tayong uuwi and thanks Buddy Jake.."Himala!!!!!Bakit ka nga pala narito? Bakit magkasama kayo? Kailan pa kayo naging close? Magugunaw na ba ang mundo? or Isang malaking himala ito...?", tuloy tuloy na wika ni Hunter sabay opo at kain..
" Aray naman! Bakit ba Goliath!?"Nakita mong kumakain pa ang tao,ibalik mo nga iyan pagkain.. madamot" reklamo sa kaibigan..
"Tao ka ba?!..parang hindi naman ah..bumili ka nga ng sarili mong pagkain,May pera ka naman diba?, naiinis na wika nito at sabay bulong Ng...
" badtrip..kung bakit kasi dumating pa"..
"Mauna na ako sainyong dalawa".
" Anong nangyari doon",tanong sa katabi
"Ewan ko kuya", Bago ko makalimutan, Bakit ngayon ka lang?Kanina pa kita hinihintay...
siguradong mapapagalitan na naman tayo nito ni Mama..paninita nito sa kapatid.
" Sorry, princess.. Nakalimutan ko..hehehe Nag-kayayaan kasi kaming maglaro ng basketball..","Promise, Hindi na mauulit.. pangako sa kapatid..
" Talaga lang kuya ha"....Halika na kuya uwi na tayo at huwag kalilimutan...You own me this one..
Sa bahay..
" Mara,sorry na"..
"Ewan ko po sa'yo kuya, hmmmmp"...
"Nag- aaway na naman kayong dalawa?",tanong ni Maggie..
"Hindi po ma" ,sabay na wika ng mgkapatid..
"Fine and magbihis na kayo at kakain na tayo..
sandali Mara..pigil nito.."Bakit mo suot ang jacket ni Jake?"
" Kasi Ma...", " Nahihiya si Mara na sabihon sa Ina kaya lang hindi siya nito titigilan hanggat hindi nito sinasabi ang totoo..
"Natagos po kasi ako Ma.." ," Hindi ko po alam ang gagawin..mabuti na lang po Mama,Nandoon si Jake" namumula sa hiya na kwento ni Mara..
" Okay lang yan Mara anak.." may ngiti sa labi na sagot ng Ina.." Magbihis ka na"
" opo Mama"..
Habang umaakyat si Mara patungo sa kanyang kuwarto,hindi maiwasan na hindi niya maalala ang nangyari kanina at lihim siyang napangiti.. Pagdating sa loob ng kwarto agad siyang naligo at nagbihis para makapaghapunan na.
"Ma, mayroon po pala kaming fieldtrip..wika ni Hunter..
" Saan yan? at kailan?"sagot ng ina.."Hmmmmp,totoo ba yan?"
"Maniwala sa'yo kuya ", Nagsisisnungaling ka lang.. Narinig ko kaya kayo na maliligo kayo next week sa beach with your friends".. Liar..buking ni Mara sa kapatid..
" Ika talaga Hunter", mag-uusap tayo mamaya ha..
"Ma, hindi po ako nagsisinungaling", giit ni Hunter..Mayroon po talaga kaming fieldtrip sa school.. Field Trip po sa paglilinis ng room..naiinis na wika ni Hunter.
" hehehehehe", "Bagay yapara as eèn sa'yo kuya"..pang-aasar ni Mara..
* Ah, mabuti yan anak, naman matuto ka", nakangiti na sang-ayon ng Ina.
Sa kuwarto ni Jake..
Hindi mapakali si Jake habang hawak ang handkerchief na ibinigay/pinahiram ni Mara..
" Ano bang nangyayari sa akin?.. Bakit ganito ang nararamdaman ko Kay bansot.? tanong ni Jake sa kanyang sarili..
"Haisssssst",kung bakit siya pa..Nakakainis naman.
"Jake!Jake!Jake",tawag ni Yaya Carmin.Lumabas ka na riyan..Kakain na . Hinihintay ka na sa baba..
"Opo Yaya".."susunod na po".
"Bukas na bukas,isasaoli na kita and iiwasan na..Hay,,!
Tok!Tok!Tok!
" Jake ,anak..bukas pala,may ipapakilala nga pala ako sa'yo.."Sabi ng kanyang ina. Sana pakitunguhan mo naman na maayos yung anak ni Kumareng Carla"..
"Yeah,Opo Ma'am".
"Tama n nga iyan",…kumain na tayo..wika ng Papa ni Jake.
"Heto na naman si Mama". " Mag-uumpisa na naman.."..bulong ni Jake sa hangin.." Dapat bukas makaisip ako ng paraan para maiwasan ko ang babaing iyon"."Saan kaya ako puwede pumunta bukas?..
"Mahal ko, kumusta nga pala yong adaptation papers ni Mara", Hindi maiwasan na tanong sa asawa..
" Ang hindi ko maintndhn mahal ko, may humaharang sa mga papers ni Mara.. Ngayon nga ay nawawala na naman".. Palaging ganito na lang ang scenario..kaya nga pinaiimbestigahan na ni Pareng Nel kung bakit ganito palagi ang nangyayari.. nagtataka na sagot nito sa asawa..
" Bago ko nga pala makalimutan Jake. Bukas, Saturday naman..huwag mong kakalimutan.. dapat manalo tayo sa competition ha".. gumising ka nga naman ng maaga..paalala sa anak.
" Hindi puwede Mahal ko, Maya appointment si Jake bukas with daughter of my friend.." tutol ng Ina.
" Don't worry Pa..maaga akong gigising bukas", nakangiti na sang-ayon ni Jake.
"But anak, you just agreed "...
"Yes Ma,but I can meet her next time"asayang wika ni Jake..
" Aasahan ko yan ha".. last time para kang mantika kong matulog..Galingan mo ha.. pupunta yong mga anak ng kumpadre ko..ipapakilala ko sa'yo..masayang wika nito sa anak..
" Haisssssst, ito na naman tayo.. makikita ko na naman si bansot".. bulong ni Jake sa kanyang sarili..pero nakangiriti naman..na hindi nakaligtas sa tsismosang kapatid..Walang iba si Karla.
" Kuya, dapat manalo naman tayo bukas", ipapakita ko Kay Mara na kahit minsan ay nanalo naman tayo..kung bakit kasi hindi ka sumasama sa amin ni Papa", reklamo nito sa kapatid..
" I'm sorry sis, but this time..we need to win..",tuwang tuwa na sabi ni Jake.. sa wakas makakaiwas na naman ako sa friend ni Mama.. hehehehe " lihim na napangiti si Jake na agad naman napansin ni Karla ngunit binalewala niya ito kasi nangangarap na siya para bukas na mananalo naman ang pamilya niya dahil sasama ang Kuya Jake niya at panalo na siya sa pustahan nila ni Mara..