Chapter 10 - Games

Ang simula ng pinakahihintay ng lahat.. Ang patimpalak ng anim na magkakaibigan..
" Magandang Umaga sainyong lahat mga kapamilya at kaibigan" bati ni Max. Ngayong araw na ito masasabi ko wala muna kaibigan kasi narito na ang nanalo sa Early Bird..Hindi na natapos ni Max ang sasabihin kasi..
Tumayo agad si Maggie at hindi na hinintay na matapos makapagsalita ang emcee agad nitong kinuha ang microphone at..
"Mga amigo at Amiga", Nanalo ako sa pustahan natin..hehhehe wika ni Maggie..
Natawa ang mga kaibigan pero naroon ang panghihinayang na manalo..

"Talagang hindi ka makapaghintay mahal kong kapatid"..natatawang wika ni Max sa kapatid..
"hmmmmmmp",Hindi kita kapatid. Manghihingi ka lang ng balato..nakangiting sagot nito.

Maririnig mo ang tawa ng lahat.. Samantala hindi mapakali si Jake dahil sa chat ni Vanessa na gustong makipagbalikan sa kanya at gagawin ang lahat magkaayos lang sila..

Ang unang laro ay Basagin ang Paso..wika ni Max...
"Okay, Kami na ang mauuna..Sabi ni Mr. Rawat.. Come on sweety... Siguradong atin na ang tagumpay.."Natutuwang wika nito..
"Wag ka naman ganyan kaibigan", reklamo ni Mr. Lee..Maawa ka naman kay Pareng Jaime (tatay ni James),sabay halakhak nito..
"Huwag mo akong minamaliit kaibigan.. Ang mathematics ay hindi pa nagkakamali..sagot nito na nakangiti..
"Tama na ang satsat", nakangiti na sabi ni Max..Umpisahan na...

Tumayo na nga si Glen.Isang palo lang ang kailangan..at ito ay nabasag agad.. Namangha ang lahat..
"Galing mo Kuya Glen"..sigaw ni Mara..
"Thanks Maria",ganting sigaw nito..
Agad nawala ang ngiti ni Mara dahil sa tawag sa kanya na napansin at narinig ng lahat..Biglang tumawa ang lahat..Maliban sa kanyang pamilya na palihim na yumuko..
"Ma!,Pa!Kuya !,pati ba naman kayo..",naiinis na wika nito..
" Hindi ah..Ewan ko sa Mama mo", palusot ni Nel sa anak..
Pero makikita mong nakangiti ang labi...
"Hmmmmmmp"!!!!!.
" Congrats sa Pamilya Rawat", alam naman natin na wala talagang nakakatalo sa kanila Hanggang ngayon.. pagpapatuloy ni Max
Pangalawang laro ay, "BASKETBALL"..
" Kami na ang mananalo diyan..Diba Jake", wika ni ni Atty Yon.. Sa tangkad ba naman nito ni Jake..
Natawa ang lahat..maliban Kay Mara..sabay lingon Kay Jake na walang pakialam sa paligid at busy sa phone..Makikita mong nakangiti na parang baliw habang hawak ang phone..
Gaya nga ng sabi ni Atty Yon.. Sila ang nanalo..Nagpatuloy ang laro Hanggang hapon..Mayroon nananalo at Mayroon natatalo.

Ang hindi alam ng lahat may dalawang tao na palihim na nakamasid sa kanila. Isang babae at Lalaki na nakatingin Kay Mara..Binabantayan ang bawat galaw ng bata..Kahit saan magpunta si Mara, palagi mong makikita na palaging may nakabantay sa kanya..

"Hello Sir!, Opo sir. Binabantayan po namin palagi..Mayroon na po bang nakakaalam kung sino talaga si señorita Mara?..Narito na po sa Pilipinas ang Pamilya ni Mr. Samonte?.",sunod-sunod na tanong ni Eric(Ang watchman ni Mara) nito sa Amo.Habang nakamasid sa bata na tuwang-tuwa na naglalaro ng Manika. Narito po. Kasama ko po si Marga..Bye po.

"Totoo bang narito na sa Pilipinas si Vanessa?"tanong ni Marga (Ang watchwoman ni Mara)..
"Oo", sagot nito at sabay tiim baga.
"Tsk!", Hindi talaga sila titigil hanggat hindi nila napapatay ang bata. Alam na ba nila ang totoong katauhan ni Señorita Mara? tanong nito sa kasama..
"Hindi pa", pero kumikilos na ang mga galamay nito..kaya kailangan natin na mag double ingat..Hanggat maaari Hindi siya puwede mawala sa ating paningin.. kailangan natin makapasok sa kanilang tahanan ng walang nanghihinala..
"Yeah",sabay tango ni Marga sa kausap.. Ngunit paano?????

"Narito na ang mga nanalo..at ihanda na ang bulsa na may kasamang halaga"..natutuwang paala-ala ni Max..

Earl Bird_ Atty. Cruz..
"Kami yon", sigaw ni Maggie at sabay lingon sa mga kaibigan..
"Ibigay na ang napag-usapan at huwag ng mag-dalawang isip pa..Gumising na lang kaya ng maaga next year",patuloy nito..
Mayroong napapangiti, mayroong napapasimangot, mayroong nalugi ng milyones at higit sa lahat nanghihinayang..Pero balewala lang iyon sa kanila kasi ganun talaga ang buhay at iyon kanilang ang napag-usapan and kasunduan..

"3rd Place will receive 10 thousands cash and 5 thousands worth of gift certificates in "J Mall" for each members", goes to Family..., Suspense ni Max.

"Sabihin Muna", sigaw na lahat..
"Goes to Family Clinton"!...sigaw ni Max..
"Ha???????!!!!!!!!", bakit?????? Akala ko pa naman first na kami...bulong ni Blake..
"YES!!!!!!", sigaw ni Glen.. sa nangyari si Glen ang mas natuwa..isipin muna lang na nanalo sa pustahan.. 20 thousands..not bad Diba.... hehehehehe.bulong nito sa sarili..

2nd Place
" Goes to Madam Maggie and Family"..
"Really???????", kami talaga? tanong nito sa sarili..
"Tayo na My love.." Sabi ni Nel.. Nasaan nga pala si Mara. Bakit wala siya rito?
" Nagpaalam sa akin na kukuha ng pagkain".sagot naman ni Maggie.
" Ah ...Kaya pala hindi ko nakikita now" nag-aalala na sabi ni Nel.

And now, the third place... "Tumayo ka na po Atty Max...dahil kayo po ang nanalo this time", sigaw ng Emcee.
"Yesssssssss"! ,sigaw ni Jake sabay sulyap Kay Mara na walang pakialam sa paligid habang kumakain...
Nagpatuloy ang programs batay sa napag-usapan.. Hanggang sa ito ay matapos. masayang mukha ang makikita sa mga nanalo at malungkot naman na mukha sa natalo ngunit ganoon talaga ang buhay ng tao..as long as you know how to be a sport in every situations..
"Bansot! Bansot!", tawag ni Jake kay Mara..
"Bakit ba??????" asik nito kay Jake sabay bato ng beach ball.
"Tagos ka na"!bulong ni Jake sa ears ni Mara.
Namutla si Mara sabay lingon sa likuran ngunit mukha ni Jake na pinipigil tumawa ang kanyang nakita..
"Bastos"! naiinis na sabi ni Mara at sabay takbo papunta kay Hunter na abalang nakikipag-usap sa mga kaibigan..
Naiiling na lang si Nel at ang mga kaibigan nito habang pinagmamasdan ang asaran ng dalawa..
"Balae"! ,sigaw ni Atty Max.. Pang-aasar nito Kay Nel..
"Gago!" sigaw nito sa kaibigan.. Pero boto ako kay Jake pagdating ng panahon...kung sila talaga ang para sa isat- isa.. why not..wika ni Nel . Ngunit makikita mo sa mukha ang pag aalala ng isang ama..