Chapter 3 - Bahay

" Kuya Hunter,Bakit hanggang ngayon wala pang ilaw sa bahay natin?"tanong ni Mara sa kapatid. "Naputulan ba tayo Ng kuryente?"." Wala na bang pera sila Mama at Papa?"

" huwag ka ngang maingay bansot"Ani ni Hunter." Pag nahuli tayo ni Mama mayroon kurynte,pero walang cp at grounded pa..kaya wag kang maingay diyan...".Kung bakit Kasi natulog ka sa duyan.. Ang hirap mong gisingin..mabuti na lang pumayag si Pareng Jake na ihatid tayo."pagsisinungaling ni Hunter sa kapatid.

Kaya Gabi na nakauwi ang dalawa kasi nanood pa ng movie at nakatulog sa camp..

"Kuya, ayaw kung Umakyat sa Puno?" Pano kung mahulog ako?" reklamo ni Mara. Dito na lang ako dadaan sa pinto".

" Ok". sabay buntunghininga ni Hunter

Pagbukas pa lang ni Mara ng pinto,biglang nagliwanag ang paligid..

" Kuya, may kuryente na",tuwang tuwa sabi ni Mara.

"Patay!", "gising pa pala ang dragon". biglang bulas ni Hunter.

"At sino ang dragon Hunter?" tanong ni Maggie sa anak na lalaki.

"Hello po Mama",bati ni Mara sa ina." Alam mo po Mama, ang ganda mo po palagi.. kaya siguro nagmana ako sa'yo..

"Inuulit ko Hunter, Sino Ang dragon?" Tanong Ng Ina.

"Mom, I'm sorry it's just my expression"palusot ni Hunter.

"Bakit ngayon lang kayong dalawa? Saan kayo galing?"...tanong ni Maggie sa dalawa.

" Sa hideout po Mom and sorry Po"," Promise po..Hindi na mauulit" sagot ni Hunter .

" Magbihis na muna kayong dalawa at Kumain pagkatapos may pag-uusapan tayong tatlo".

Mabilis pa sa hangin na kumaripas ng takbo ang dalawa..

"DRAGON..!!! Ako!!! OH NO.....! kailan pa ako naging dragon" himutok ni Maggie. "Humanda kayong dalawa sa akin..Buwisit talaga.. ako dragon...?",nakakainis..

ha!ha!ha!ha! tawag ni Nel..

" Anong nakatawa tanda?",asik ni Maggie.. "Narinig mo ang sinabi ni Hunter?", "Makakatikim sa akin Ang dalawang iyon".

"Tama na yan mahal ko","hayaan muna..mga bata Kasi sila"panunuyo si Nel sa asawa.. sabay halik sa labi at sabing.." para sa akin mahal ko Ikaw ang pinakamagandang dragon"..Sabi ni Nel at sabay takbo paitaas sa hagdan..

" Buwisit ka Nel..Isa ka pa..bumalik ka dito"sigaw ni Maggie.

Samantala sa kusina..

"Kuya, galit na galit si Mama",lagot na tayo.." bakit mo kasi tinawag na dragon". bulong ni Mara sa kapatid..

"puwedeng kumain ka na muna Mara at wag mong isipin si Mama..Hindi yon galit.." sagot ni Hunter sa kapatid..

" Mara", tawag ni Hunter

"Ano po Kuya", sagot ni Mara

" itago mo itong pagkain, ilagay mo iyong iba sa drawer..", "siguradong grounded tayo.." bulong ni Hunter.." Bilisan mo Mara habang wala pa si Mama.. " ilagay ko po muna ito kuya sa ilalim ng kama mo,Basta kuya hati Tayo ha".. Ani ni Mara.

" 00 ",sagot naman ni Hunter." Bilisan mo Mara habang may kausap si Mama sa phone"..

Dali-daling umakyat si Mara sa itaas. Habang nakabantay si Hunter. Ganito palagi ang set up dalawa..kapag may ginagawang mali.. grounded at bawal ang cp,bawal lumabas ng kwarto at study all day.

"Kuya, ok na po.." ani ni Mara at masayang kumain ang dalawa..

" Yaya Consing!" tawag ni Maggie.." pakitingnan naman po kung tapos ng kumain yung dalawa at pakisabi po na pumunta sa study room".

"Opo Ma'am Maggie " sagot ni Yaya Consing. "

"Yaya, Salamat po "

Nauna ng umakyat si Maggie sa study room. At nag-iisip kung ano ang punishment sa dalawang makulit na bata.

Kailan pa ako naging dragon sa isip nila.. himutok ni Maggie.

Tok! Tok! Tok!

"Pasok", sabi ni Maggie sa dalawang bata at "maupo kayo rito"

"Mom, sorry po kung umalis kami ni Mara ng walang paalam". "Kasalanan ko po ". hinging paumanhin ni Hunter sa Ina.

"Ma, huwag na po kayong magalit"Ani ni Mara. "Promise po talaga,hinding- hindi na po mauulit..

"Okay" ," Basta magpapaalam sa susunod". "Hunter, Ikaw ang panganay dapat alam muna kung ano ang tama at mali.." " Sobrang nag-aalala kami ng papa niyo" ." Sana maintindhan niyo akong dalawa kung bakit ako ganito mga anak". sabi ni Maggie

"I love you Mama" sabay na sabi ng dalawa..

" I love you too mga anak at Matulog na".." Ang mga bintana sa kuwarto make sure na nakasara bago maturog". paalala ni Maggie

" Yeah/Opo Ma'am"nakangiti na sabi ng dalawa.." goodnight mama".

" Kuya, hindi naman pala galit si Mama ng tinawag mong dragon", sabi ni Mara.

"HUNTER,balik ka dito" tawag ni Maggie." Mara ,mauna ka na sa kwarto mo.. salamat anak Kasi pinaalaala mo sa akin".

" Humanda ka sa akin Mara" galit na wika ni Hunter..

"Bakit kuya?", painosenteng tanong ni Mara pero nakangiti naman..

Mabilis na lumabas ng study room si Mara at tumakbong papasok ng kuwarto ni hunter para kunin ang mga pagkain na nilagay Niya doon..

he!he!he!.."alam kung hindi mo ako kuya bibigyan nito mamaya"..bulong ni Mara.

" Kukunin ko lang naman kuya yung para sa akin"..

Kumuha ng papel at ballpen si Mara at sumulat ng " Sorry kuya😔"..Agad niya itong idinikit sa salamin at lumabas na ng kwarto ni Hunter..

"Aray ko po Mama!",

"Hindi ko na po uulitin"." sorry po Mama".pakiusap ni hunter sa Ina..

"Hindi ka pa nga napapalo, umaaray ka na agad", sabi ni Maggie sabay batok sa anak..

"Hehehe/Aray Ma", reklamo ni Hunter.." kapag galit ka Kasi mama para Kang dragon"wika ni Hunter..

"Isa pa hunter", galit na wika ni Maggie..

Bawal lumabas ng kwarto, Bawal gumamit ng phone ..

" Mama naman"reklamo ng anak.

"50% bawas sa allowance" dagdag ni Maggie..

" May reklamo"...

"wala po Mama"sagot ni Hunter at mabilis pa sa kabayo umalis ng study room..

"MARA!!!!"" kainis naman talaga" "Naku! talagang bansot ka" inis na inis na sabi ni Hunter." May Araw ka sa akin bansot na bubwit.." haisssssst... " kailan kaya magbabago ang isang iyon"

tok!tok!tok

Hindi pinapansin ni Hunter kung sino man ang kumakatok sa pinto. Alam niyang si Mara lang naman iyon..

Kring,kring,kring..

" Parang naririnig ko ang phone ko" tanong ni Hunter sa kanyang sarili.."kaya lang kinuha ni Mama".

kring, kring,kring..

"akin talaga iyon na ringtone"Ani ni Hunter sabay bangon sa kama..

Laking gulat ni Hunter at sabay ngiti ng makita niya ang phone niya na nasa sahig..

" Salamat Mara", sabi ni Hunter.

"Maaasahan ka talaga".