Chereads / BURYING THE PAST[FILIPINO] / Chapter 9 - EDMUND REYES

Chapter 9 - EDMUND REYES

07

"No. She's my Girlfriend"napaawang ang bibig ng mga empleyadong naririto. "Once you'll talk bad about my girl, you will be thrown out from this company."

Halatang nagulat ang mga taong nandito dahil sa mga binitawang salita ni Cyden. Wala silang nagawa kundi tumango nalang.

"You can go back to your work now,"

Mabilis na umalis ang lahat para tapusin ang naiwang trabaho.

"Let's go" Saad ni Cyden.

Napatiod ako nang biglang hinapit ni Cyden ang baywang ko. Nanigas ako sa sobrang higpit ng pagkahawak ni Cyden,narinig ko siyang tumawa nang mahina ng napansin niyang hindi ako makagalaw.

Nang makarating kami sa office niya,napaawang ang bibig ko sa sobrang laki at ganda.Napansin ko maraming nakasabit na mga paintings, he's really into arts.Pero napansin ko din na hindi pa niya tinatanggal ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa baywang ko.

"Masarap ba sa pakiramdam hawakan ang baywang ko?"binitawan niya agad ang baywang ko at napatawa ako sa galaw niya.

"Just dream on Agent,"

"Just dream on Agent"pang-gagaya ko sa kanya.

"Sit.Make yourself at home ,"

"Oo naman,syempre."

"What do you want to eat?"

"Shanghai with fried rice po,pakibilis please."

Pumunta siya sa may intercom at binanggit ang mga order namin.Ilang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang mga pagkain.Nagsimula na rin kaming kumain dahil sa gutom.Nauna siyang natapos kumain dahil dumating na din lahat ng mga papeles na kailangan niyang permahan.

"Hindi ka ba nangangawit?" hinintay ko siyang sumagot pero hindi siya tumugon. "Bungol ka ba?"

[Bungol is a bisaya word which means 'Bingi']

"Can you just shut up,I can't focus."

Walang akong nagawa kundi tumahimik nalang.Nabuburyo na ako dito,kulang nalang kainin ng sofa ang pwet ko.Hindi ko mapagilang tumitig kay Cyden,kung physical features ang pag-uusapan napaka ideal ni Cyden.For sure, there's a lot of women out there wishing to have a man like Cyden.Napatigil ako sa pagtitig ng tumayo si Cyden at may kinuha sa wallet niya.Naglakad siya papunta sa gawi ko at may inabot,kinuha ko naman ito.

"Keep that."

What the hell,he gave me a wallet size picture of him.Parang gusto kong magpabaril dahil hiya.Nakakahiya ka Leo,nakakahiya.

"You can stare at that picture all day,"

"Feeling mo naman pre,pakulam ko kaya Ito?"saad ko at nailagay ang picture niya sa wallet ko.

Nilibang ko ang sarili ko sa paglalaro nang online games,panonood ng videos at iba pa.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakahintay kay Cyden.

Nagising ako ng may pumitik sa noo ko.It was Cyden,standing in front of me.

"Let's go"

"Tapos ka na?"

"Nope, we'll eat lunch.It'a already 12pm"sabi niya habang nakapamaywang.

"Bakit hindi mo ko ginising agad?"

"Hurry up,I'm hungry,"

"Saan tayo kakain?"

"At the cafeteria" he held out his hand to me,I accepted it.I know it's just part of the act.

We arrived at the Cafeteria. Inevitably they looked at us.I was a little embarrassed.We sat in the relatively unoccupied,Cyden himself lined up and ordered.He came back with a lot of food, he started eating and took a glimpse ,I didn't know how to open my mouth because of the people watching us.

He noticed that I had not eaten yet,he looked at me and sighed.I was surprised when suddenly stood up and spoke.

"Mind your own business.You are all here to eat not to stare at us.I guess you can all eat without watching us.If you can't stop,kindly take your eyes off" His voice thundered.

His voice was serious earlier.Everyone here was almost shaking,Cyden came back to eat as if nothing had happened.

Ang seryoso mo naman koya.

"Eat"agad akong sumubo nang pagkain,baka ako pa ang pagbuntungan ng galit niya.

Tahimik kaming kumakain ni Cyden,hindi na rin tumitingin sa amin ang mga empleyado niya,dahil siguro sa takot nila lalo't na sinabi ni Cyden; Kindly take your eyes off lol.

"Anong oras pala tayo uuwi?" ako na mismo ang nagsalita dahil para kaming namatayan sa sobrang tahimik.

"Around 6pm, why?"

"Wala lang, gusto ko lang magtanong ba't ba?"

"May lakad ka ba?" agad naman akong umiling sa tanong niya.

Pagkatapos naming kumain at bumalik na kami sa opisina ni Cyden upang matapos na niya ang mga natitirang papeles.Samantalang ako ay nakatingin sa malawak na tanawin dito sa office ni Cyden, hindi ko maiwasang maalala ang aking pamilya,kung buhay pa sila ngayon sigurado akong proud sila kung ano ako ngayon, at siguro matutupad ko pa lahat ng mga pangako ko sa kanila.Kung hindi lang sila kinuha agad sa akin.

Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Cyden.

"What are you thinking Agent?"

"Iniisip kong tumalon at mawala dito sa mundong puno nang sakit at poot" umarte ako na para bang nasasaktan.

"What the hell is your problem?"

"Kung tatalon ako dito ngayon mismo,anong gagawin mo?"

"Nothing" napakamot ako nang ulo dahil sa sagot niya. Kahit kailan talaga.

"Cyden, makisama ka minsan,"

"You talk nonsense sometimes but I know you won't do that unless you're stupid."

Pauwi na kami ngayon at medyo madalim na rin.Hindi agad natapos ni Cyden ang mga papeles dahil sa sobrang dami.

"Saan tayo maghahapunan?"

"At my penthouse.We will just order,"

"Okay dude!"

Habang nasa byahe kami ay nakaramdam ako nang tawag ng kalikasan,ang lamig pa ng sasakyan potek.Saktong may nakita akong Gasoline Station.Thank you Lord!

"Pwede bang huminto muna tayo dyan sa mag Gasoline Station?"

"Why?"

"Maglalabas lang ako ng sama ng loob?"

"What do you mean?" halatang hindi niya alam kung ano ang ibig kong sabihin.

"Basta,baka dito ako maglabas nang sama nang loob."

"Okay, just wait"

"Just stay here Cyden."

Lumabas agad ako ng makarating kami sa Gasoline Station.Dali-dali akong tumakbo papasok ng Comfort Room para maglabas ng mga hinanakit at sama ng loob.Ilang minuto ang nakalipas ay tapos na akong maglabas nang sama ng loob.Bago ako lumabas ay naghugas muna ako ng kamay baka kasi may naiwang sama ng loob.

Pagkalabas ko ay may nabangga akong matangkad na lalaki.Muntik na siyang matumba kaya agad ko itong inalalayan.

"Pasensya na po, hindi ko sinasadya"saad ko at tumingala.

Nanigas ako ng makita ang lalaking nasa harapan ko ngayon.Gusto kong tumakbo pero ayaw makisama ng mga paa ko,binalot ako nang kaba dahil sa mga binitawang niyang salita.

"Mag iingat ka" ngumisi ito na para bang nang-aasar.

"Mag iingat kayo" Iyon ang huli niyang sinabi bago pumasok sa CR.

Edmund Reyes.

-----

I'm open to criticisms! Spread love and positivity:> Ily!!!