Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 169 - Chapter 64

Chapter 169 - Chapter 64

Mabilis nitong pinaghahampas ng kaniyang mahahabang soul chains si Starum pero todo iwas naman ito. Masyado kasing napakaagresibo at mabibilis ang tila buhay na soul chains. Naghahanap pa ng paraan si Starum kung ano ang gagawin niya upang makahanap ng butas o kung masisira niya ba ang patterns ng Soul chains at matamaan si Commander Ros.

Maya-maya pa ay napangisi si Starum sa kaniyang naisip na paraan.

Nagulat na lamang si Commander Ros ng biglang nawala sa kaniyang paningin si Starum at maya-maya pa ay napangisi siya ng maramdaman niyang nasa likod niya ito. Agad niyang isinagawa ang pangatlo at ito ang pinakamalakas niyang skill sa lahat.

"Soul Chain Skill: Soul Chain Manifestation!"

Agad na pumasok sa katawan ni Commander Ros ang kaniyang Soul Chain na animo'y parte ito ng sarili nitong katawan. Ito ang kaibahan ng soul weapons sa mga man-made weapons na gawa lamang ng isang forger o crafter. Ang soul weapon ay mayroong iba't ibang klase halimbawa na rito ang soul chain na mahahanay sa forbidden weapons dahil gawa ito sa purong soul at soul essence na maaaring mabuo sa pamamagitan ng Blood Bath Ritual o maramihang pagpaslang upang gawing alay o sakripisyo.

"Katana Skill: Swirling Domination!"

Mabilis na umatake si Starum sa likod ni Commander Ros na nagtagumpay siya sa pagtama sa katawan nito ngunit ang mga atake niya ay pawang tunog ng kumakalansing na animo'y gawa sa metal ang likod nito.

"Hindi maaari ito! Bakit parang hindi ito nasasaktan!" sambit ni Starum habang mabilis siyang dumistansya sa kaniyang kalaban nang biglang humarap si Commander Ros sa kaniya at mabilis na lumabas sa likod nito ang mahahabang kadena at sinusubukan siyang hulihin nito.

Mas agresibo ito at kakaiba rin ito dahil mistulang naging matalim ang dulo ng soul chain at ang mas nakakagulat pa ay parang naging parte na ito ng katawan ng kalaban niyang si Commander Ros.

Mas nagulantang at nahintatakutan ang mga mamamayan ng White Crow Clan. Hindi nila alam na noon pa man ay may "Crouching Tiger, Hidden Dragon" pala sa teritoryo ng kanilang angkan. Ang sigurado sila ngayon ay napakalakas ni Commander Ros ngunit naniniwala pa rin silang may pag-asa silang mabuhay kung mapapaslang ito ng misteryosong nilalang na nakaitim na balabal na tago ang itsura at kabuuan nito na nagngangalang Starum. Ngunit may pagsisisi rin sila dito dahil kung hindi dahil dito ay malamang nananahimik sana ang buong gabi nila.

Maya-maya pa ay napangisi na lamang si Starum at mabilis niyang isinagawa ang kaniyang pinakamalakas na skill.

"Katana Skill: Katana Manifestation!"

Biglang nanginig ang kaniyang sariling katana at ang katana mismo ay parang naging parte na rin ito ng kaniyang katawan.

Biglang nagliwanag ang katawan nito at biglang mararamdaman ng lahat ang kakaibang katana intent sa paligid ni Starum na animo'y isa siyang diyos ng digmaan. Ang aura ay patuloy na lumakas hanggang sa biglang nawala ang liwanag at tumambad sa kanila ang kakaibang disenyo sa itim ba balabal na suot ni Starum maging ang sandata nitong katana ay mas lumaki at animo'y buhay.

"Ano'ng klaseng skill ito? Nakakapangilabot ang awrang namumuo sa katawan nito!" sambit ng isang lalaking hybrid cultivator. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong klaseng awra.

"Ito na ba ang panahon ng paglabas ng mga eksperto? Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng labanang ito." sambit ng isang maskuladong white crow habang nasisiyahan siya sa exciting na labanang ito. Para sa kaniya ay isa ito sa pinakaastig at pinakamagandang labanang nasaksihan niya.

Dito nga ay nagbatuhan ng iba't ibang komento ang mga White Crow Clansmen kung saan ay mayroon pang nagpustahan sa labanan at kung ano ang kalalabasan. Marami pa ring naniniwala sa kakayahang meron si Starum dahil ito lamang ang kanilang naiisip na mananalo ito at makaligtas sila sa banta ni Commander Ros na papaslangin sila nito.

Naniniwala silang mananalo ito kahit anuman ang kinalabasan ng labanang ito. Kung matatalo man ito ay siguradong katapusan na rin nila.

Kapwa nababalutan ng kakakibang awra sina Commander Ros at Starum. Kapwa makapigil hininga naman ang tanawing ito sa mga White Crow Clansmen na kung saan ay masusi nilang pinanonood ang magiging labanang ito habang maghalong kaba at excitement ang kanilang nararamdaman sa kasalukuyang kaganapang ito. Hindi nila maiwasang mamangha dahil mayroong kakaibang pangyayari silang masasaksihan ng kanilang pares na mata. Ang dalawang ekspertong ito ay masasabi nilang tunay ngang hindi pangkaraniwan ang lakas na kanilang taglay at barahang tinatago na patuloy nilang ikinamangha.

Ang misteryosong nilalang na nagngangalang Starum ay kasalukuyang nababalutan ng kulay ubeng enerhiya habang makikita ang noble auras nito na animo'y nakakamangha tingnan ngunit nakakapangilabot na Katana intent ang inilalabas ng katana nito na dumadaloy sa buong katawan nito na animo'y bahagi rin ng nassabing katana ang sarili nitong katawan. Bilang eksperto ito sa katana ay hindi malayong mahusay ito sa paggamit ng assassination skill at mga taktika kung saan kayang-kaya niyang lamangan o utakan ang sinuman lalo na pagdating sa attack power ito o yung lakas sa bawat paghampas ng kaniyang katana papunta sa kaniyang kalaban.

Sa kabilang banda naman ay makikitang pinag-aaralan ni Commander Ros ang bawat galaw ni Starum lalo pa't ang mata nito'y sinisipat nito ang maaaring maging surpresang atake ni Starum. Mayroong kulay pulang aurang inilalabas ang katawan nito na pinupuluputan siya ng hindi masukat na haba ng Soul Chains.

Masyadong kakaiba rin at pambihira lamang makakakita ng ganitong klaseng armas lalo pa't karaniwan ay supporting weapons lamang ito kagaya ng sword chains na tanging nagiging disenyo lamang ang kadena o kaya ay yung cannon chain balls na kung saan ay hawakan lamang ang nagiging silbi ng kadena.

Pero ang lahat ng ito ay naging walang silbi sa isang Chain weapon Martial Expert na si Commander Ros dahil ang sarili nitong armas ay ang kadenang hindi pangkaraniwan kundi isang forbidden weapon na tinatawag na soul chains.

Kung sa ibang martial artists ay hindi pangkaraniwan ang armas na gawa sa kadena ay ibahin mo naman ang mga nilalang na tiantawag na Human Demon. Ang kanilang lahi ay karaniwan o pangunahing armas o sandata ay gawa sa kadena dahil na rin lumalakad sila sa demonic path maging sa mga Demonic Cultivation kung saan ay naisasantabi ang kanilang pagiging tao o anumang gawain ng tao.

Ang kanilang pamamaraan sa pagcucultivate ay napangahas at napakabrutal. Sinanay silang mamuhay sa mga napakadilim na lugar at ginawang sanayan nila kung saan ay maraming mga halimaw na gumagala. Tanging ang malalakas lamang ang maaaring mabuhay at ang mahihinang miyembro ng kanilang lahi ay mistulang naging hapunan ng mga halimaw pero ang malalakas na miyembro ng Human Demon ay ginagawang hapunan ang mga halimaw na kanilang napapatay.

Sa anyo at lakas na ipinapakita ni Commander Ros ay siguradong isa siya sa malalakas na nakalabas sa kanilang sanayan at mayroong mataas na posisyon patunay lamang ito na ang pagiging Commander niya ay hindi basta-bastang titulong ibinibigay lamang randomly kundi pinatutunayan ito gamit ang lakas o kapangyarihang taglay nito.

"Hindi ko aakalaing tatagal pa ang isang katulad mo sa labanang ito, masasabi kong napakahusay mo sa iyong paggamit ng iyong Katana at ang manipestasyon mo rito pero kung ikukumpara sa aking sandatang matagal ko nang ginagamit ay lubhang napakalayo mo pa upang mapantayan man lang ako o malampasan!" sambit ni Commander Ros in his very intimidating voice.

"Talaga lang ha? Hindi pa rin mawala yang kahambugan mo sa iyong sariling kakayahan. Akala mo ay abot-langit ang iyong talento at ang pagiging Human Demon hahaha... Ulol!" sambit ni Starum habang mababanaag sa boses nito ang pangungutya.

"Ano'ng sabi mo?! Talagang hinahamon mo ang lahi naming mga Human Demon. Humanda ka dahil ikaw ang makakatikim ng aming mga bagsik na ako mismo ang magpapatikim sa'yo!" galit na galit na sambit ni Commander Ros. Ngayon lamang siya nakakita ng sobrang makumpiyansang nilalang. Alam niyang isa itong lahing tao sa pagitan ng salita nito at mayroong kung anong bagay na makikitaan ng galit sa kanilang mga Human Demon. Hindi ito basta-bastang cultivator kaya hindi siya maaaring magpadalos-dalos pero hahanap siya ng tiyempo upang agaran niya itong mapaslang.

Maya-maya pa ay napangisi lamang si Commander Ros at nagsagawa ng isang sneak attack na siyang hindi inaasahan ng karamihan sa manonood. Mabilis siyang naglaho sa kaniyang pwesto at mabilis na inatake si Starum gamit ang kaniyang soul chain. Isa lamang itong simpleng atake para sa marami pero isa pala itong killing blow kung saan kapag natamaan ka ng soul chain na ito ay mayroon itong paralyzing effect sa kaluluwa mismo ng kalaban.

Agad namang naalarma si Starum sa kaniyang nakitang sneak attack ng mapangahas na si Commander Ros. Hindi man lang siya pinagsalita at ginamit niya ang oras ng kaniyang pag-iisip upang isagawa rin nito ang kaniyang simple ngunit nakakamamatay na atake. Parang nakita niya na itong atake dati pa ngunit di niya man lang matandaan. Tanging ang kaniyang instinct lamang ang kaniyang sinusunod. Napakahirap kasi kalaban ang mga High level figures ng Human Demon dahil na rin sa may mapamuksa silang soul attack sa iba't ibang lebel ng kanilang kapangyarihan at mga kakaibang forbidden weapon na kanilang sariling sandata.

Masyado na kasing matagal ang kanilang pakikipaglaban at malapit na ring mawalan ng bisa ang Cage Trapping Talisman. Ang tanging pag-asa niya lang para manalo sa laban ay sa pamamagitan ng sneak attack. Ngunit paano niya ito magagawa kung ang kalaban nito ay si Starum na eksperto sa assassination skills, balewala lamang itong ginawa niya. Napangisi na lamang si Starum sa kalokohang naiisip ni Commander Ros.

Agad namang naningkit ang mata ni Starum sa papalapit na pigura ni Commander Ros sa kaniya habang siya ay nakatayo lamang sa isang lugar kani-kanina pa na animo'y wala siyang kaalam-alam sa gagawin ng pangahas na si Commander Ros.

Nang makita naman ito ng mga White Crow Tribesmen ay halos magulantang sila at mabilis silang nagbato ng masasakit na salita kay Starum.

"Ano ba ang ginagawa niya?! Kung hindi siya kikilos at tatayo lamang diyan sa kaniyang kinaroroonan ay siguradong katapusan niya na. Kung alam ko lang sana na mangyayari ito ay umalis na ko sa lugar na ito!" galit na turan ng isang matabang babae na halos magpuyos sa galit.

"Masyado siyang kumpiyansa sa kaniyang sarili yang Starum na yan, kung hindi ba naman kampante sa isang lugar at harapin mismo ang sneak attack ng sinasabing Commander Ros na yan hmmp!" pagalit ding sabi ng isang lalaking nasa trenta anyos ang gulang.

"Kung hindi ba naman tanga yang Starum na yan, kung mamamatay siya ay mamamatay rin tayo. Atleast man lang diba, makipaglaban siya ng maayos yung hindi kahanginan ang palaging nasa isip!" sambit naman ng isang matandang lalaking halos bilang na lamang ang panahon nito sa mundo. Kahit na mamamatay siya pero hindi ang kaniyang mga apo o mga anak.

"Mali talaga tayo ng pinanigan, kung hindi ba naman ihain sa harap ng kalaban niya ang buhay niya, mas daig niya pa ang alimango sa pag-iisip!" sambit naman ng isang ginang ng White Crow Clan. Kung hindi ba naman kapalaluan sa sarili ang iniisip ni Starum ay pwede namang idelay nito ang kanilang labanan para makatakas man lang ang ilan sa kanila.

Umulan pa ng sari-saring mga negatibong komento laban kay Starum ang nasa paligid. Kung alam lang nilang hindi ito pinakikinggan lamang ni Starum at pinalalabas lamang ito sa kabilang tenga ay baka laglag-panga lamang sila dito.

Napangisi naman si Commander Ros sa mga narinig niyang pamababatikos kay Starum ng mga mamamayan ng White Crow Clan. Hindi niya aakalaing napuno na ng galit ang mga ito na siyang ikinagalak naman ng kaniyang puso. Bilang Human Demon, layunin nilang sirain ang mga bagay-bagay lalo na ang emosyon ng mga nilalang na para sa kanila'y mga mahihina. Naniniwala siyang tanging ang kanilang lahi lamang ang pinakamalakas sa buong mundo. Hindi siya makakapayag na patuloy laamng silang magtatago sa dilim o sa mundong ito. Gusto nilang makamit ang lahat ng bagay lalo na ang absolute na kapangyarihan.

"Sige lang mga inutil, magalit kayo kanya mga basurang mamamayan ng pesteng lahing ito ng White Crow dahil bilang na lamang ang oras niyo. Uubusin ko kayong papaslangin dahil sa mga peste niyong mga pambabatikos sakin kanina!" sambit ni Commander Ros sa kaniyang isipan habang may malademonyong ngising nakapaskil sa kaniyang mga labi. Bilang may mataas na katungkulan ng Human Demon partikular na rito na isa siyang Commander ay likas lamang na hindi nila matatanggap ang mga insulto at pambabatikos na binabato sa kanila lalo na ang masasakit na mga salita. Wala pang sinuman ang nakakatakas sa kanilang bagsik maging sa kaniya. Ang insultong ito ay maaaring maging heart demon niya sa hinaharap sa kaniyang demonic path cultivation kaya ang pagkitil sa buhay ng mga ito lalo na sa kalaban nitong misteryosong nilalang na nagngangalang Starum ay sapat na upang mawala ang kaniyang nagsisimulang paglaki ng kaniyang heart demon. Hindi niya hahayaang makawala pa ang mga ito sa kaniyang mga kamay. Sisiguraduhin niyang mapapatay niya ang mga ito sa pagitan laamng ng kaniyang sariling kamay at lakas.