Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 166 - Chapter 61

Chapter 166 - Chapter 61

Isang normal na gabi lamang para sa lahat ng nilalang ang kasalukuyang araw at oras lalo na para sa mga Hybrid Race ngunit hindi nila alam na ang gabing ito ay mayroong kahindik-hindik na panganib ang naghihintay sa kanila.

Sa isang silid kung nagkakaroon ng pulong ang mga Hybrid Sect Master patungkol sa mga bagay-bagay lalo na ang nangyari noong nakaraang dalawang taon mula ng pagpaslang sa isang Sect Master at ang pagkaubos ng mga disipulo nito maging ang napinsalang limang Sect na dahil sa sobrang pagkawasak ay napilitan ang mga ito na iwan ang sarili nilang mga Sect upang sumali sa labintatlong natitirang Human Sect.

Nandito ngayon sa isang malaking bulwagan ang labing-walong Sect Master Hybrid Race. At kasaluluyan silang nasa mainit na diskusyon. Ang imbes na malamig na gabing ito ay mistulang nagkakainitan ang mga ito.

"Ano'ng sabi mo Sect Mistress White Crow?  Aatras ka sa ating napagkasunduan?!  Alam mong hindi basta-basta napuputol ang napagkasunduan natin.  Sa oras na tumiwalag tayo sa Hybrid Cult Black Organization ay siguradong nasa alanganin na ang ating sariling buhay dahil sa blood contract na nilagdaan natin." sambit ni Sect Master Black Crow.

"So, ang sinasabi mo ay patuloy lamang tayong maging sunod-sunuran sa kanila?! Naniniwala akong babalikan tayo ng lahing tao na mga yan... Hindi ko alam kong ano ang kahihinatnan natin!" sambit ni Sect Mistress White Crow na siyang namumuno sa White Crow Sect.  Makikita ang matinding guilt nito sa nangyaring iyon. Sa oras na malaman kasi ng mga Human Sect Masters na nilabag nila ang treaty at may kinalaman sila sa pangyayaring dalawang taon na ang nakakalipas ay siguradong hindi nila makakayanan ang galit ng mga ito. Siguradong hahatulan sila, na lahat ng mga Hybrid Sect ay puro mga taksil at mga walang hiya. Ano pa ang halaga nito kung mawawalan sila ng sariling pagmumukha sa harap ng mga tao maging sa lahi nila.

"Hahahaha... Sigurado ka ba sa sinasabi mo Sect Mistress White Crow?! Natatakot ka ba sa kanila? Eh di hamak na labintatlo na lamang ang natitira nilang Sect na nangangahulugang sobrang hina na nila kumpara sa ating mga Hybrid Sect. Ang pagbangon ng limang nawasak na Sect ay lubhang napakaimposibleng mangyari sa kasalukuyan. Ang kanilang kabuuang lakas ngayon ay walang binatbat sa atin, sigurado akong natatakot na ang mga iyon sa oras na gumawa tayo ng hakbang upang paslangin sila." nakangising sambit ni Black Crow habang mayroong ipinahihiwatig na kung anong mas malaking bagay.

Agad naman siyang tiningnan ng masama ni Sect Mistress White Crow habang pinaningkitan sila ng mata. Halatang hindi siya sang-ayon sa sinabi nito. Magsasalita pa sana ito ngunit bigla na lamang nagsalita si Sect Master Black Wolves na siyang ikinabahala ng iba dahil napakatahimik lamang nito ngunit himalang nakisawsaw siya sa usapan ngayon.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Sect Master Black Crow?! Kung ako sa'yo ay mas mainam na umupo ka na lamang sa tabi kaysa gumawa ka ng pangahas na aksyong ikapapahamak nating lahat. Hindi mo ba inilagay sa kokote mo na sa susunod na linggo ay magkakaroon na ng selection para sa bagong estudyante na irerecruit ng Raining Cloud Sect sa Central Region kaya umayos ka nang iyong gawi at wag mo kaming idamay sa kawalanghiyaan mo!" seryosong sambit ni Sect Master Black Wolves habang pinipigilan lamang nito ang magalit.

Napatawa naman ng pagak si Sect Master Black Crow sa sinabi ni Sect Master Black Wolves ngunit pinipigilan niya lamang at kinikimkim lamang sa kaniyang sarili.

"Ah yan, diyan kayo magaling eh pero ang duduwag niyo naman pala hahaha... Anong pakialam ko sa mga iyon porket galing sila sa Central Region ay hindi ibig sabihin niyon ay inferior tayo sa kanila. Isa lamang silang malaking eskwelaha so what diba?! Ito na ang oras para wakasan natin ang pakikipaghatian ng Arnigon Continent laban sa mga lahing tao!" sambit ni Sect Master Black Crow habang animo'y nakaisip siya ng plano na isa siyang henyo.

Nabalot lamang ng katahimikan at tiningnan lamang siya ng labimpitong kapwa niya Sect masters na animo'y para siyang isang baliw.

"Tama ang sinabi nila Sect Master Black Crow, wag muna tayong gagawa ng aksyon na ikakapahamak nating lahat. Isinasaalang-alang natin ang kapakanan at kaligtasan ng ating lahi kaya wag kang magpadalos-dalos. Kung sa tingin mo ay may lugar ang maling desisyon ay yun ay ang pagharap natin sa magiging bunga ng ating makasariling desisyon. Nakakalimutan mo rin bang halos lahat ng Sect sa Central Region ay puro mga tao at pili lamang ang mga Hybrid Sect doon. Ang eskwelahan ay walang diskriminasyon o lahing pinipili basta mayroon lamang clear records ang mga estudyante nito lalo na ang backgrounds nito. Ang sinasabi mong pakikipaglaban sa Central Region ay nagkakamali ka ng iyong inaakala. Mayrokng hawak ang jsang napakalakas na Human Sect doon na mayroong protector na isang napakalakas na Warrior kaya kung ako sa'yo wag mong maliitin ang lahing kaya tayong burahin sa mundong ito sa isang iglap lamang." sambit ni Sect Master Vampiric Bat. Bilang inatasang pinuno ng Hybrid Sect ay layunin niyang ipaintindi o ipaunawa sa lahat ng mga kapwa niya sect master na hindi sa lahat ng bagay o pagkakataon ay umaayon sa lahat. Kailangan rin nating magpadala sa agos at wag lumihis dito dahil iyon minsan ang ikakapahamak natin o maging ng iba. Minsan ay kailangan nating i-set aside ang makasariling gusto para sa ikabubuti ng lahat dahil kung magiging makasarili tayo ay hindi lamang ikaw ang mapapahamak kundi marami rin. Kaya minsan nakakalimutan nating alamin ang bagay na mas nakakalamang sa atin dahil sa self proclamation. Hindi ibig sabihin na malakas ay walang mas malakas sayo. May punto naman ang sinabi ni Sect Master Black Crow ngunit masyado niyang ipinukos ang kaniyang sarili sa loob lamang ng kontinente without knowing the outside consequences kagaya ng Central Region lalo pa ngayon na nagrerecruit ang mga ito. Kung gagawa sila ng gulo sa kasalukuyan ay siguradong pag-iinitan ang kanilang lahi ng mga lahi ng mga tao. Siguradong babalik ng luhaan ang kanilang mga disipulong tinuturing nilang genius at maapektuhan ang kanilang cultivation sa hinaharap. Isa ito sa hindi nila hahayaang mangyari.

Bigla na lamang napatahimik si Sect Master Black Crow at napayuko. Hindi siya bubo o mangmang para hindi niya maintindihan ang sinabi ni Sect Master Vampiric Bat. Ang kaniyang sinabi ay may punto ngunit nakalimutan niya ang kakayahan at kapangyarihang taglay ng Central Region. Hindi pa man siya nakakapunta rito ay alam niyang dito talaga matatagpuan ang mga totoong mga eksperto sa martial arts. Medyo naging selfish siya at narrow-minded dahil sa pangyayari ngayon na nakalimutan niyang mga lahing tao rin ang karamihang namumuno sa Central Region. Naintindihan niya rin na masyado siyang impulsive o padalos-dalos ng desisyon.

Magsasalita pa sana siya ngunit bigla na lamang mayroong napakaraming sound transmitting talisman ang lumitaw sa ere sa kinaroroonan nila.

Agad namang binasa ng mga Hybrid Sect Masters ang nilalaman ng sulat gamit ang kanilang divine sense. Nang malaman nila kung ano ang nilalaman ng mga ito ay nahintatakutan sila. Isa itong napakaseryosong sitwasyon. Makikita rin na mabilis na ipinasa ang sulat sa kanila at mayroon pang bakas ng sariwang dugo na alam nilang dugo ito ng kanilang lahi.

"Hindi maaari ito!" umiiyak na sambit ni Sect Mistress White Crow habang makikita ang labis na panibugho niya dahil sa nilalaman ng kaniyang sulat.

Maging ang ibang mga Hybrid Sect Masters ay tulala lamang sa ere habang hindi nila malaman kung ano ang maaari nilang gawing ngayong alam nilang malapit na silang bumagsak at mawala ang lahat ng kanilang pinaghirapan.

...

Flashback...

Lingid sa kaalaman ni Van Grego ay noong nawalan siya ng malay at napasailalim sa napakahabang panaginip ay nagkaroon ng kakaibang reaksiyon ang kakaibang tanim na animo'y puno na ngayon ay nasa loob na ng kaniyang sea of consciousness sa hindi malamang dahilan. Maya-maya pa ay nagliwanag ito at lumabas ang pitong mga bangkay na walang iba kundi ang Undead Cultivators na kasalukuyang nakasakay sa higanteng unggoy na walang iba kundi ang Primal Golden Ape na masasabing nahahanay sa mahinang Warrior Beasts ngunit ang lakas ng mga ito ay lubhang mapangwasak lalo na sa laki ng mga ito at lakas ng kanilang katawan.

Nakasuot ang pitong mga Undead Cultivators ng kulay itim na balabal habang tanging mata lamang nilang nag-aapoy lamang ang makikita rito.

Ang Primal Golden Ape ngayon ay dumoble ang laki at animo'y mas malaki at higante sila kumpara sa napakataas na mga establishimento ng mundong ito. Masasabi mong kakaiba rin ang mga Primal Golden Ape dahil mayroon silang mga kakaibang rune symbols sa kanilang katawan kagaya ng mga Undead cultivators.

Ang larawan ng pitong Undead Cultivators habang nakasakay sa pitong Primal Golden Ape na nahahanay sa Warrior Beasts. Ang lakas ng mga ito ay hindi pangkaraniwan at lubos na kakatakutan ng sinuman.

"Alam niyo na ang gagawin niyo, ang paslangin ang lahat ng mga masasamang Hybrid Cultivators ayon sa inuutos sa atin ng makapangyarihang may likha sa atin. Bawat Sect ay walang maiiwang buhay. Tanging ang mga batang musmos lamang at mga inosente ang maaari nating buhayin. Kaunting oras lamang ang ibinigay sa atin at dapat ay hindi tayo mabigo" seryosong sambit ni Nimbus na siyang tumatayong pinuno ng pitong undead cultivators.

Sinang-ayunan naman ito ng Undead Cultivators maging ng Primal Golden Ape. Maya-maya pa ay biglang may kakaibang skills na ginawa si Nimbus. Unti-unting nagkaroon ng pabilog na animo'y magic circle ang kanilang paanan. Kakaiba ito sapagkat walang nagbago sa kanilang kasalukuyang antas o awra na nilalabas ngunit kapansin-pansin ang pagliwanag ng kakaibang apoy na nagsisilbing mata ng anim na undead cultivators maging ni Nimbus. Ang mata naman ng mga Primal Golden Ape ay mistulang naging matingkad na gintong kulay at mayroong mumunting liwanag sa parteng eyelids ng mga ito. Walang duda, isa itong Supporting Eye Skill: Evil Purification. Dito malalaman kung mamamatay-tao o  masasama ang mga Hybrid Martial Artists base sa murderous intent at aura nito. Sa pamamagitan ng Evil Purification na isang supporting eye skill ay madali nilang malalaman kung sino ang inosente at kung sino ang nagpapanggap lamang na inosente.

Maya-maya pa ay nahati ang pitong undead cultivators sa pitong direksiyon at magkahiwalay na sinuong ang walang kamalay-malay na mga Hybrids.

...

Maraming mga nakakakilabot na sigaw ang maririnig sa paligid ng bigla na lamang may malaking bagay ang bumulusok papunta sa mataas at matibay na pader ng White Crow Clan na siyang paunang panangga nito. Ang dating napakatibay na pader na inaakala ng mga White Crow Clansmen ay animo'y naging papel lamang ito dahil bigla na lamang nawasak ito na ikinagimbal ng lahat.

Nabulabog ang inaakala nilang mapayapang gabi para sa kanila dahil sa pangyayaring ito.

Nagsilabasan ang mga ito papunta sa pinangyarihan. Dito ay nabalot ng takot ang lahat sa kanilang nasaksihan. Unti-unti nagtipon ang mga ito sa lugar kung saan kitang-kita nilang wasak na wasak ang pader. Maya-maya pa ay nakita nila sa malayo ang isang nakakatakot na dambuhalang nilalang na ngayon lamang nila nakita sa buong buhay nila. Ang anyo nito ay parang mabalahibong halimaw na mahahalintulad sa lahi ng mga gorilya ngunit ang laki nito ay malahigante. Gamit ang divine sense ng mga hybrid cultivators ay nakita nila ang isang nakabalabal na itim na nilalang. Wala silang makitang kahit na ano maliban na lamang sa kulay pula nitong matang animo'y nagbabagang apoy.

Halos nangilabot ang lahat sa kanilang nakita lalo pa't hindi nila malaman kung ano ang lebel ng cultivation ng mga ito. Sigurado silang hindi pangkaraniwan ang mga ito upang pumunta rito upang mambulabog.

Maya-maya pa ay naglakas-loob ang isang lalaking may hawak na malaking espada. Nakalabas na ngayon ang pares ng puting pakpak nito na hindi ordinaryo kumpara sa ibang mga mamamayan ng White Crow Clan.

"Ano ang iyong sadya ginoo upang bulabugin ang lugar namin sa gabing ito... Kung aalis ka rito ng mapayapa ay kakalimutan ko ang nangyaring ito. Ako nga pala si Jeorge Liran, isa sa mga White Crow Military." sambit nito habang pinapakita niyang maging kalmado sa harap ng kakaibang nilalang na nakatago sa loob ng itim nitong balabal.

"Hahaha, total nagpakilala ka naman ay magpapakilala rin ako, ako si Starum... Nais ko lang namang bawasan ang miyembro ng angkan niyong ito. Iharap mo sakin ngayon din mismo ang mga kriminal at mga masasamang nilalang kung ayaw mong magkagulo pa rito at hindi ko maipapangakong magiging maingat ako sa aking gagawing paspaslang sa sinumang masamang nilalang." sambit ng nakakatakot na boses.

Hindi nakatiis ang isang malaking lalaking cultivator na may hawak na isang  malaking palakol na sarili nitong sandata na makisali sa usapan.

"Ano'ng kakayahan mo upang sabihin ang salitang iyan. Isa ka bang bayani para gawin iyan... Walang kwenta, umaasa ka lang naman sa iyong alagang halimaw. Ubusin o paslangin ang masasamang nilalang dito sa aming angkan, nagpapatawa ka ba?" sambit nito habang makikitang galit siya rito. Magpapakasasa na sana siya sa magagandang dilag ngayong gabi ngunit naudlot pa ng nilalang na ito.

Hindi rin mapigilan ng iba na sumabat sa usapang ito.

Oo nga, hindi mo alam na marami kang makakalaban sa oras na gumawa ka ng gulo rito sa aming angkan. Hindi lamang kami ang iyong makakalaban kundi ang lahat ng mga Hybrid Sect.

"Hahaha... Nagpapatawa siguro ang bansot na nilalang na iyan at talagang inuutusan pa tayo ng mga ito hahaha..." nakangising sambit ng isa pang cultivator.

"Walang kwentsng nilalang! Di niya alam ang sarili niyang lugar dahil hindi niya siguro alam ang sarili niyang limitasyon kaya napagdesisyunan niyang ihatid ang buhay niya sa ating mga kamay hehe..."

"Kaya nga eh, ano bang pakialam namin sa iyo ha, hindi mo ba alam na masyado kang mayabang at bilib sa sarili mong kakayahan para pumunta rito."