Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 167 - Chapter 62

Chapter 167 - Chapter 62

Maraming mga pahayag ang bigla na lamang umulan laban kay Starum ngunit wala itong pakialam sa sasabihin ng iba. Kalmado niya lamang tinitingnan ang mga ito na animo'y insekto lamang ang mga ito sa kaniyang paningin.

Wala silang natanggap na sumbat sa kanya o anumang salita na siyang ikinagalit ng mga ito.

Nakita ng mga ito na bumaba ito sa lupa at naglakad papalapit sa nawasak na parte ng pader na siyang ikinangisi ng ilan.

"Total ay hinatid mo na rin naman ang iyong buhay dito sa angkan namin, paano kaya kung patayin ka rin namin dito." sambit ng isang cultivator na may hawak na palakol. Tiningnan niya ang ibang mga cultivators habang makikitang galit na rin sila sa misteryosong nilalang dahil hindi man lamang sila pinansin at para sa kanila ay isa itong insulto na hindi nila matatanggap kailanman.

Maya-maya pa ay sabay-sabay ang mga itong umatake kay Starum na siyang ikinangisi ni Starum. Mayroong mga hawak ang mga ito ng iba't ibang uri ng sandata kagaya ng espada, spear, chain at iba pa. Mga sampo ang bilang nila st ang atake nila ay masasabing walang butas o malulusutan. Masasabi niyang eksperto ang mga ito sa paggamit ng kanya-kanya nilang mga sandata.

"Mga inutil, hindi nila alam na hinatid laamng nila ang kanilang sarili sa kanilang kamatayan. Hindi ba nila alam na matagal na kong patay? Ako pa talaga ha, walang kwentang bubwit ng henerasyong ito!" sambit ni Starum sa kaniyang sarili lamang. Kahit na matagal na silang namatay at binigyang-buhay muli ay hindi nila sasayangin ang pagkakataong ito upang paglingkuran ang kanilang Master. Sobrang tagal na nilang nabuhay ngunit ang alaala nila ay tuluyan ng nabura... Lahat ng bagay ay hindi perpekto dahil walang perpekto sa mundong ito, ang lakas lamang ang nagbinigay ng pasya kung sino ang mabuti t kung sino ang masama.

Maya-maya pa ay biglang lumitaw sa kamay ni Starum ang mahabang katana. Bago pa man tumama sa kaniya ang sabay-sabay na atake ng mga ito ay bigla niyang iwinasiwas ang kaniyang katana.

"Katana Skill: Hundred Strikes!"

Biglang nagkaroon ng napakaraming Katana  intent sa bawat wasiwas ng kaniyang katana. Bawat wasiwas nito ay nagkakaroon ng after images ang galaw ng kanyang kamay dahil na rin sa bilis ng kaniyang kilos.

Sa limampong strikes niya ng kaniyang katana ay nagkasira-sira ang mga sandata ng mga ito. Aatras pa sana sila ngunit kasalukuyan silang nasa ere.

Huli na para sila ay umatras dahil ang kanilang sariling katawan ay natamaan ng kakaibang katana intent na may aura ni Starum. Isa pa ay wala silang suot na panangga kaya ang knailang katawan ay madaling nagkapira-piraso sa malalaking hiwa.

Ang kanilang pagkamatay ay napakabrutal kumpara sa normal na mga atake ng mga Cultivators.

Nahintatakutan naman ang iba dahil sa aktuwal nilang nasaksihan ang walang awang pagpatay sa mga ito sa brutal na paraan. Kitang-kita nila kung paano mabilis na nahiwa ang mga balat at laman ng sampong cultivator na kaangkan nila. Maya-maya pa ay maaamoy sa paligid ang masangsang na amoy na dugo. Pawang nakadilat ang mga mata ng sampong cultivator na mayroong nakakakilabot na ekspresyon sa kanilang mukha. Isang hindi nila inaasahang kamatayan ang naging bunga ng kanilang padalos-dalos na aksiyon.

"Hindi ka man lang ba naawa sa kanila Ginoo? Paano mo sila pinaslang ng walang kaawa-awa?!" seryosong sambit ni Jeorge Liran habang may komplikadong ekspresyon sa mukha.

"Aba, aba... Nagsalita ang mapagmalinis na white crow. Wag mong ikubli ang iyong kadramahan dahil kitang kita ko ang iyong murderous intent na kaparehong-kapareho ng sampong cultivator. Kung hindi ako nagkakamali ay mga tau-tauhan mo iyon hahaha..." sambit ni Starum sa kaniyang napakalalim na boses habang bakas sa salita niya ang labis na pangungutya at insulto.

Biglang nagbago ang seryoso at malamoam na ekspresyon nito sa mukha na ngayon ay makikita ang galit na galit nitong ekspresyon sa mukha.

"Hindi ko aakalain na ang galing mong mangilatis. Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang patayin ka mismo at patahimikin ang mga walang kwentang mga Hybrid na naririto. Sa oras na mangyayari iyon ay sa mga susunod na taon ay ako na ang magiging pinuno ng White Crow Clan at ng iba pang mga Hybrid Sect. Papaslangin ko ang lahat ng mga susuway sa akin. " malademonyong sambit nito na ikinagimbal ng lahat ng mga mamamayan ng White Crow Clan.

Mas nabigla silang lahat ng makitang unti-unting nalusaw ang mukha nito maging ang katawan nito at napalitan ng bagong katauhan.

Napasinghap ng malakas ang karamihan. Hindi nila aakalaing may isang misteryosong lalaking nagbabalat-kayo bilang si Jeorge Liran.

"Sino ka?! Bakit hindi ikaw si Jeorge Liran?!"

"Paano ka nakapasok sa teritoryo namin at kailan ka pa narito?!"

"Hindi maaari ito, paanong hindi namin nalaman na naririto ka?!"

Marami pang sari-saring komento ng mga mamamayan ng White Crow Clan ang maririnig sa paligid. Hindi nila alam na may impostor na nakapamuhay roto kasama sila. Nabalot ang kanilang puso ng takot.

Maya-maya pa ay napatigil ang mga ito ng biglang nagsalita ang misteryosong lalaki na kanina'y nagpanggap bilang si Jeorge Liran.

"Ako si Commander Ros ng Hybrid Cult Black Organization. Matagal na kong naririto sa inyong teritoryo mga hangal na nilalang. Ano'ng paki ko sa inyo, matagal na namingg pinag-aralan ang buong lahi niyo maging ang lahi ng mga tao at wala akong paki sa inyo!" sambit ng nagngangalang Ros na sinasabi nitong isa siyang Commander.

"Kahanga-hanga naman, ano'ng mahinang organisasyon naman ang pinamumunuan ng isang insektong katulad mo?! Tsaka sobra atang kahambugan mo pati kahanginan pumasok sa utak mo!" mapangkutyang sambit ni Starum halata sa boses nito ang pagmamaliit sa lalaking impostor.

"Ano'ng sinabi mo?! Insekto? Sino kaya sa atin ang insekto?!" sambit ni Commander Roi.

"Hahaha... Wala daw paki sa Hybrids hahaha, nakakatawang isipin na kinakailangan pa ng lahing Human Deemon na katulad mo ang tulong ng mga hybrids hahaha..." sambit ni Starum habang may mapangutyang tono sa napakalalim nitong boses.

Nagulantang naman Commander Ros sa narinig niya sa sinabi ni Starum habang mas nagulantang ang mga mamamayan ng White Crow Clan sa sinabi nito. Human Demon?! Isang totoong Ancient Hybrid na pinaniniwalaang nagmula sa lahi ng dalawang lahi, ang lahi ng tao at demonyo.

Agad namang nakabawi sa gulat si Commander Ros habang makikita ang komplikadong ekspresyon sa mukha nito.

"Pa-paanong nalaman mo ang aking lahing pinagmulan?! S-sino k-kang p-pangahas na nilalang? Dahil nalaman mo ang tinatagong sikreto ko at ng aming lahi ay dapat kang mamatay at isusunod ko ang lahat ng mga nilalang na naririto. Hindi niyo matatakasan ang inyong kalunos-lunos na kamatayan bwahahahahaha!" parang nasisiraan ng bait na pagkakasabi ni Commander Ros.

Maya-maya pa ay mayroon itong manipis na papel na mayroong nakasulat na kakaibang Runes na agad na nasunog na,siyang nangangahulugang na-activate na ang talisman.

Huli na ng malaman ng lahat na isa pala itong parang hawla na kung saan ay nagkurting pabilog sa buong teritoryo. Ang mga cultivators na gustong tumakas ay sinubukang lisanin ang lugar ngunit kahit anong gawin nila ay hindi nila magawang makaalis sa lugar na ito. Hindi lamang iyan dahil napinsala pa ang mga ito sa hindi malamang dahilan siguro ay mayroong kung anong enerhiya na siyang nagpipinsala sa kanialng katawan kagaya ng uri ng violent qi na siyang pumapasok sa katawan ng sinumang makakahawak sa harang at magkakaroon ng mga pinsala sa katawan nila lalo na sa kaloob-looban ng katawan mga ito. Walang duda, isa itong Cage Trapping Talisman.

Hindi alam ng lahat na mayroong iba't ibang uri ng talisman na kung saan ay mayroong kanya-kanyang gamit at abilidad. Ang Sound Transmitting Talisman ay siyang pinakapamilyar na uri ng talisman kung saan ay kayang-kaya nitong magrecord ng mensahe at kusa itong maipapadala sa espisipikong lugar na kinalalagyan ng nilalang ngunit depende sa distansya dahil mayroong limitasyon ito depende sa layo.

Kumpara sa Cage Trapping Talisman, walang kwenta ang Sound Transmitting Talisman dahil kaya nitong harangin lahat ng bagay na gustong kumawala rito. Mas mataas ang kalidad ng Cage Trapping Talisman na pinagana ng nagpapakilalang Commander Ros ng Hybrid Cult Black Organization. Sa lagay nito ay mas nakampante ito na walang makakatakas. Ngunit mayroong disadvantage ang talismang ito, mananatili lamang ito ng hanggang tatlumpong minuto. Ang talisman ay isang one time use item kaya wala na itong maaaring gamit kapag natapos na ang nasabing oras ng activation nito.

Maya-maya pa ay mayroong maraming bilang ng mga taong bigla na lamang lumitaw sa harapan. Anyong tao man ang mga ito pero sa mata ni Starum ay walang maikukubling kasinungalingan lalo na't kilala noong unang panahon ang lahing ito na siyang nalaman niya sa kaniyang master.

Ang Human Demon ay masasabing mga isinumpang lahi dahil na rin sa kasalanan ng lahing demonyo na umibig sa isang lahing tao. Natural na masasama ang mga demonyo at ang tao ay karaniwan nitong pagkain na siyang itinuturing sila ng tao bilang mortal nitong kaaway. Ang alamat na ito noon ay sinasabing totoo ito pero ang sabihing nagmahal ang demonyo sa isang tao ay purong kasinungalingan ito dahil ginawa lamang ng demonyong iyon na paibigin ang mortal na babae upang madali niyang maloko o malinlang ang mga taong nakapaligid sa babaeng iyon. Kahit na nsgtagumpay ito sa kaniyang plano ay hindi alam ng demonyo na buhay ang babaeng kaniyang nalinlang at nagdadalang-tao ito o masasabing nagdadalang tao ito sa isang hybrid na lahi ng tao at demonyo. Simula nito ay nagkaroon na ng panibagong lahi ng mga Hybrids na walang iba kundi ang Human Demon ngunit patago lamang silang umaatake at doon nga'y naitatag ang Hybrid Cult Black Organization. Wala pang patunay kung saan talaga sila nagmula o kung paano sila hanggang ngayon nakapamuhay kasama ng ibang mga nilalang. Kung malalaman ito ng binatang si Van Grego ay siguradong magkakaroon ng malaking pagbabago sa plano nito sapagkat hindi pa nito alam ang totoong nilalang na miyembro ng Hybrid Cult Black Organization.

Napapalibutan na si Starum ng mahigit isang daang bilang ng alam niyang mga Human Demon ito. May palatandaan din na isang Human Demon ang nagpapanggap na tao sa kanilang bandang palapulsuhan, mayroong maitim na ugat roon na tinatawag na curse vein. Ito ang karaniwan nilang kinu-cultivate upang lumakas sila maging ang kanilang kapangyarihan. Sinasabing kapag lumakas silang tuluyan ay humahaba rin ang curse vein at maaari nilang ikubli ito sa iba't ibang parte ng kanilang katawan. Sinasabing isa rin ito sa isa sa mga weak spots ng lahing ito.

"Kung ako sa'yo kaibigang Starum ay wag kang makialam sa ginagawa ng aming organisasyon dahil hindi mo alam kung ano ang kaya naming gawin!" sambit ni Commander Ros.

Agad nitong tiningnan ang isang daang mga Human Demon at nagbigay ng signal sa mga ito.

Nagkaroon naman ng battle formation ang mga ito at mabilis na umatake patungo sa kinaroroonan ni Starum.

Nagkaroon ng maiitim na awra ang katawan ng mga ito. Kakaiba ang paraan sa cultivation ng mga Human Demon kaysa sa mga Hybrid at Human Race dahil Demonic Cultivation System ang sinusunod ng mga ito at Demonic Path. Kaya normal lamang na mas malakas sila kaysa sa mga ordinaryong martial artist lalo na sa kanilang depensa.

Todo iwas naman si Starum sa mga natatanggap niyang atake mula sa isang daang Human Demon. Tingin niya ay nasa Martial Commander hanggang Martial Emperor ang lakas ng mga ito at hindi basta-bastang ordinaryo lamang kumpara sa mga hybrid cultivators na naririto. Sinubukan nga niyang atakehin ang mga katawan ng mga ito ay sobrang kunat. Hindi siya maaaring magsagawa ng skill sapagkat napapalibutan siya ng mga ito at wala siyang laban kapag tumigil siya sa pag iwas kahit segundo lamang. Masasabi niyang mga eksperto ang mga ito sa pagpatay na siyang patunay na napakakapal ng murderous aura ng mga ito. Siguradong walang awa ang mga ito kung pumatay, kapag nadamay ang inosenteng tao dito at hayaan na lamang na lumaganap ang kasamaan ng Human Demon ay siguradong lalaki at magtatagumpay ang mga ito na sakupin ang Arnigon Continent. Alam niyang hindi layunin ng lahing Human demon ang patayin ang lahat mga nilalang na naririto sa kontinenteng ito. May espesyal na abilidad ang mga ito at ito ay ang hipnotismo at pagbura ng alaala ngunit mayroong limitasyon ito.

Nag-iisip ng paraan si Starum kung paano niya mawawasak ang pormasyon ng mga ito. Napangisi na lamang siya sa kaniyang naisip na paraan.