Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 164 - Chapter 59

Chapter 164 - Chapter 59

Pagkatapos na malaman ni Van Grego na hindi na kayang magpataas ng lebel ang kaniyang Martial ay pinili niya munang magcultivate muna upang gawing stable ang kaniyang sariling pundasyon sa katawan maging ang kaniyang Martial Soul.

Marami nga siyang natuklasang mga bagay lalo na sa kahalagahan ng Martial Soul. Masasabing kapag mas mataas ang lebel at ranggo ng Martial Soul mo ay siya ring pagtaas rin ng Martial Talent ng isang cultivator. Pinagsisisihan niyang sana noon pa man ay ginising niya na ang kaniyang Martial Soul edi sana ay noon pa siya nakatikim ng benepisyo ng kaniyang Martial Soul ngunit kahit pilit niya mang pagsisihan ito ay huli na para rito sapag ang kasalukuyan at hinaharap ang importante.

Ilang oras din siyang nagcultivate at masasabi niyang stable na ang lahat ng enerhiyang kanina'y sobrang gulo. Kailangan niya ngayon ay kung paano palalakasin ang kaniyang sariling Martial Soul.

Ngunit isang misteryosong pangyayari ang bigla na lamang nangyari sa kasalukuyang nagcucultivate na si Van Grego. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng pananakit ng kaniyang ulo at pakiramdam niya'y parang hinahati ito sa dalawa sa hindi malamang dahilan. Bigla siyang nakaramdam ng energy lock kung saan ay masasabi niyang parang ordinaryong tao na lamang siya dahil ang kaniyang senses ay unti-unting humihina maging ang kaniyang mata ay nanlalabo na pilit niyang manatiling gising ang kaniyang diwa ngunit kahit anong pilit niya ay kusa na lamang siyang sinalubong ng kadiliman.

"Ano'ng nangyayari sa akin, mamamatay na ba 'ko? Bakit nangyayari ito sa akin?" sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang ramdam niyang nakamulat siya ngunit parang pakiramdam niyang nakalutang lamang siya sa isang napakadilim na lugar. Ramdam na ramdam niyang nakalutang siya sa ere habang niyayakap siya ng walang hanggang kadiliman.

Maya-maya pa ay biglang naramdaman niyang parang umiikot muli ang kaniyang sariling katawan lalo na ang kaniyang paningin.

Nagising na lamang si Van Grego sa isang pamilyar na lugar sa kaniya. Nakita niya ang mga naglalakihang mga nilalang sa isang napakagulong digmaan ngunit ang nakakapagtaka lamang ay wala siyang naririnig na tunog o maski sigaw at palahaw. Maraming mga halimaw o Martial Beasts ang naglalaban-laban sa mga taong sa tingin niya ay mga martial artists. Kitang-kita niya kung paano nagkaroon ng napakainit at napakalakas na sagupaan sa pagitan ng mga Martial Artists at ng mga iba't ibang Martial Beasts. Ang mga Martial Beasts na ito ay mahahalintulad sa maalamat na dragon na isang God Beasts. Makikita mo rin ang mga maalamat na mga God Beasts kagaya ng mga Fire Phoenix, Black Turtle at mga White Tiger na lumalaban sa mga hindi mabilang na Martial Artists.

Kakaiba rin ang hindi mabilang na mga Array Formations ang makikita sa paligid ng nasabing Battlefield at mayroong ring mga floating disc na hindi alam ni Van Grego kung para saan ito. Parang nanonood lamang si Van Grego at hindi kasali sa labanang ito na animo'y hindi siya nakikita ninuman.

Inilibot ni Van Grego ang kaniyang sarili at makitang napakalawak pala ng saklaw ng labanang ito o masasabi rin niyang malawakang digmaan ito sa ibang Realms. Hindi niya tukoy kung saan talaga ito o kung nag-eexist ba talaga ang lugar na ito.

Nagkaroon ng lamang ang mga Martial Beasts na naririto dahil sa sobrang laki ng mga katawan at sa napakalakas ng mga atake nito. Sa bawat paglagablab ng natural na apoy ng Fire Phoenix ay siya ring pagtupok nito sa natamaan nito. Ramdam na ramdam ni Van Grego ang kakaibang enerhiya at init ng apoy ng Fire Phoenix. Kung hindi siya nagkakamali ay hindi lamang ito simpleng konsepto lamang kundi isang Elemental Law of Fire. Kung totoong narito siya sa labanang ito kahit na nasa malayo lamang siya ay siguradong abo na lamang siya kahit pa nasa threshold siya ng level 5 ng Concept of Fire ngunit labis naman ang pagkamangha sa kalaban ng mga Fire Phoenix dahil hindi basta-basta ang mga ito na nasusunogsa malapit. Napansin rin niyang masyadong kakaiba ang suit ng mga Martial Artists dahil kayang-kaya nitong i-deflect ang init na nagmumula sa Fire Phoenix.

"Kung hindi ako nagkakamali ay gawa ang mga suit nila at mga baluti ng isang Crafter, hindi ko alam kung anong lebel ng Crafter pero masisiguro kong nasa mataas na lebel ang taglay nitong kaalaman at kakayahan para i-deflect ang natural fire laws ng Fire Phoenix. Kung hindi dahil siguro sa mga espesyal at kakaibang baluti ng mga ito ay siguradong abo na ang mga ito. Pinagmasdan at pinag-aralan ni Van Grego ang kakaibang apoy na taglay nito. Masasabi niyang marami siyang nalaman dito patungkol sa concept of fire.

Maya-maya pa ay biglang nagkaroon ng kakaibang senaryo ang isang napakalaking Fire Phoenix kumpara sa ibang Fire Phoenix na masasabing tumatayo itong lider, unti-unting tumingkad ang kulay nito na kulay pula na kanina'y kulay kahel lamang. Ang mga kalaban nitong mga Martial Artists ay animo'y natigilan.

Ang mata ng napakalaking fire phoenix ay bigla na lamang nagliliwanag na animo'y malaginto ang kulay at animo'y mayroong hinahanap.

Nakita rin ni Van Grego kung paano tumikab ang dambuhalang bibig ng dambuhalang halimaw na Fire Phoenix. Dito ay may namuong ideya sa isipan ni Van Grego.

"Nakakapagsalita ang Fire Phoenix? Hmmm... Hindi malayong mangyari ito dahil napakamakapangyarihan ng nilalang na ito na masasabing isang God Beasts, Gods of all Birds.

Nakita niya ngang bigla na lamang inilibot ng napakalaking Fire Phoenix ang nagliliwanag nitong mga mata na animo'y may hinahanap. Maya-maya pa ay animo'y parang may nakita ang paningin nito na kakaiba.

Agad namang tiningnan ni Van Grego ang tinitingnan ng dambuhalang Fire Phoenix sa malayo at mabilis niyang nakita ang tinitingnan nito. Isa itong martial artists pero pakiramdam ni Van Grego ay parang ordinaryong nilalang lamang ito dahil wala kang masasagap na anumang enerhiya rito ngunit nagtaka siya kung bakit pinagmasdan ito kanina pa ng Fire Phoenix.

Agad na may namuong napakalaking bolang apoy ang bibig ng dambuhalang Fire Phoenix na kasinlaki ng isang dwarf planet. mabilis nitong inihagis sa direksiyon kung saan abalang nakikipaglaban ang martial artists sa mga Martial Beasts na masasabi ni Van Grego na mga Warrior Beasts ang mga ito o kaya ay napakalakas na mga halimaw.

bumulusok sa napakalaking bolang apoy sa kinaoroonan mismo ng martial artist sa napakabilis na paraan. Hindi nagtagal ay napansin din ito ng nasabing martial artist ngunit ilang metro na lamang ang distansya nito sa dambuhalang Fireball.

Biglang may lumitaw sa kamay ng martial artists na ito na isang manipis na papel na mayroong kakaibang rune symbols na masasabi ni Van Grego na isa itong talisman ngunit sigurado siyang napakalakas ito. Maya-maya ay nasunog na ang nasabing talisman at nagliwanag. Maya-maya pa ay lumitaw ang isang dambuhalang kamay na gawa sa napakaitim na usok.

Ramdam na ramdam ni Van Grego ang napakalakas at nakakatakot na enerhiyang namumuo at bumabalot sa nasabing dambuhalang kamay na gawa sa usok ngunit nang madampian ito ng dambuhalang fireball na siyang atake ng Fire Phoenix ay bigla na lamang nanginig ang malaking kamay at nagsimula ng nawasak ito. Mabilis na nakalayo ang nasabing Martial Artists ngunit nahagip pa rin ito ng napakalakas na impact ng aftershock damage nito na kung saan ay tumilapon ng napakalayo ang nasabing martial artists.

"Hindi ko aakalaing napakalakas ng atake ng isang Fire Phoenix. Tunay ngang ang lakas ng isa sa mga God Beasts ay sobrang nakakakilabot. Ngunit anong nangyayari sa mga Martial Artists?!" sambit ni Van Grego na nahihintakutan. Habang namamangha siya sa nasaksihang malakas na atake ng Fire Phoenix ay nakita niyang unti-unting naging malabo ang katawan ng mga martial artists na nakasuot ng parehong suit.

Mabilis na pumunta ang katawan ng mga ito papunta sa nakahandusay pa rin na martial artists kani-kanina lamang.

"Hindi maaari, ang napakaraming mga martial artists ay clone lamang?!" sambit ni Van Grego habang napasinghap pero nagugulahan siya kung paano niyang nakayang pagsabayin ang lahat ng mga clone niya sa pakikipaglaban sa ibang mga kalabang mga halimaw/martial beasts.

Maya-maya pa ay natigilan si Van Grego sa kaniyang pagsasalita ng makita niyang bumangon ang nasabing martial artists na may malakas na cloning technique.

Agad nitong ipinahid ang dugong tumagas sa gilid ng bibig nitong may sugat at malademonyong ngumisi sa harap ng Fire Phoenix. Kapansin-pansin rin ang mga sugat at pasang natamo ng katawan nito lalo na sa kamay. Medyo butas-butas na rin ang suit nito ngunit nananatili pa rin ang kakaibang enerhiya sa nasabing suit ngunit unti-unto na ring humihina ito sa mabilis na paraan.

Muling nagkaroon ng sagutan ang Martial Artist na may cloning technique at ng Fire Phoenix ngunit walang naririnig na anumang salita si Van Grego at tanging tikab lamang ng bibig ang kaniyang nakikita.

Maya-maya pa ay walang ano-ano pa'y mistulang nagalit ang dambuhalang Phoenix ngunit tanging malademonyong ngisi lamang ang makikita sa ekpresyon ng mukha ng nasabing Martial Artist.

Bigla na lamang lumiwanag muli ang pares na mata ng makapangyarihang Fire Phoenix na ngayo'y naging kulay pula. Ilang segundo lamsng ang nakalilipas ng biglang sumabog ang katawan ng martial artist na may cloning technique na siyang ikinagimbal ni Van Grego.

"Totoo ba ang nakita ko kanina, isang pambihirang Eye Skill ng Fire Phoenix?! Kamangha-mangha. Ang lebel ng law of fire ng Fire Phoenix na ito ay umabot na sa nakakakilabot na lebel ng law of fire. Kung tutuusin ay napakamakapangyarihan nito dahil kapag mahina ang kalaban nito ay maaaring mapatay mo ito sa isang tingin lang. Ngunit sinasabing ang Eye Skill ay isang pinakamahinang skill lamang ngunit isang pinakamahirap na skill, upang magawa ito ay kailangan mo ng mataas na konsentrasyon upang ipunin ang iyong enerhiya papunta sa mata. Ang karaniwanag energy channels sa katawan ay siko, kamay, hita, paa at tuhod ngunit kapag ang mata ay nakaya mong lagyan ng enerhiya ay kayang-kaya mong pumtay sa isang tingin man lang ngunit ang panahong ilalaan mo sa pagsasanay ay hindi hamak na mas matagal kaysa sa alinmang parte ng katawan. Tanging ang mga gifted lamang o yung mga malalakas na martial artists lamang ang maaaring magtraining nito dahil isang pagkakamali mo lamang ay maaaring mabulag ka habangbuhay.

Ngayon ay nakita ni Van Grego na unti-unting bumalik sa kulay kahel ang kaninang kulay pula nitong balahibo ng Fire Phoenix.

Maya-maya pa ay bigla na lamang nakita ni Van Grego na may isang misteryosong kamay ang biglang lumitaw at umatake sa Fire Phoenix. Bigla na lamang tumalsik ng napakalayo ang nasabing dambuhalang God Beast.Ngunit gayon na lamang ang gulantang ni Van Grego nang makita niya ang sumunod na pangyayari.

Bigla na lamang nakita ni Van Grego na nagbago ang anyo ang isang dambuhalang Fire Phoenix sa pagiging isang tao.

"Fire Phoenix ba talaga siya o isa ring Martial Artist? Pero isang god Beast ang Fire Phoenix? Hindi kaya Martial Soul niya iyon dahil imposible namang makapatay siya ng makapangyarihang Fire Phoenix dahil hindi sila matatagpuan basta-basta. Kung nakapatay siya ng totoong Fire Phoenix at ginawang Martial Spirit edi sana ay higit na mas malakas ang kapangyarihan niya o siya ang magiging pinakamalakas. At hindi ko aakalaing kaya niya palang makuha ang manipestasyon ng isang Fire Phoenix." sambit ni Van Grego habang hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman. Isang kakayahang maging isang Martial Soul nito ay isang nakakamanghang bagay. Naisip niyang kapag nakaya ng isang Martial Artist na maging isa sa kaniyang Martial Soul ay magiging invulnerable siya sa mga simpleng atake ng kaniyang kalaban. Kagaya na lamang ng isang malakas na martial artist na may kakayahan na paramihin ang sarili. Kahit na clone lamang ang mga ito ay napakalakas at hindi man lang naapektuhan ang totoong martial artists kahit na nangamatay ang kaniyang clone.

"Ibig sabihin nito ay sinanay nila ang kanilang Martial Soul into terrifying degree?! Tsaka nakakaya nilang gawing totoo ang manipestasyon ng kanilang Martial Soul sa nakakatakot na paraan at ang mga skills ng kanilang Martial Soul kung saan ay pwede nilang lagyan ng angkop na konsepto ngunit ang konsepto ng apoy ng Fire Phoenix ay nakakamanghang sobrang init nito. Kung gayon ay malaki ang papel ng Martial Soul sa mga Martial Artists at sa larangan ng pakikipaglaban." sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang namamangha.

Natigil naman sa kakaisip so Van Grego nang biglang nagpakita ang isang nakamaskarang itim na lalaki na balot na balot ang mukha nito. Ang awra nito ay napakaitim na katulad na katulad sa elemento ng kadiliman o Dark Element.

Nakatayo na rin ang babaeng tumilapon kanina ngunit kapansin-pansin ang kagandahan nito kahit na may mga pasa at sugat ito sa katawan maging sa pisngi nito.

Nagpalitan ng mga salita ang dalawa ngunit parang ewan ang mga ito at napatawa na lamang si Van Grego dahil parang baliw ang mga ito dahil wala naman siyang naririnig na tunog sa bawat salita nila.

Nakikita ni Van Grego na sobrang napakasungit ng babae lalo na sa pakikitungo niya sa lalaking ito habang ang lalaki naman ay nakikita niyang napakaarogante nito.

"Oo, magkakaintindihan kayo niyan, isang masungit na babae at isang aroganteng lalaki plus niyo pa yung walang tunog, aba aba..." pabirong sambit ni Van Grego habang makikita sa mukha niya na nasisiyahan sa pangyayaring ito.

Ramdam na ramdam ni Van Grego na galit ang nakamaskarang itim na lalaki dahil ang awra nito sa katawan ay biglang lumalakas gayon din ang awra ng babaeng may fire Phoenix.

Unti-unting nagbagong muli ang anyo ng babae at naging isang Fire Phoenix habang ang lalaking nakamaskarang itim ay naging isang dambuhala at nakakatakot na nilalang. Mayroon itong apat na napakalaking sungay at katawan nito ay maihahalintulad sa isang toro.

Napasinghap naman si Van Grego ng maalala niya kung anong klaseng halimaw ito.

"Isang Demonic God Beasts? Ang Four-Horned Demonic Dark Bull?!" napasinghap na lamang si Van Grego sa mangha. Kaya pala nakaya nitong patalsikin ang dambuhalang Fire Phoenix dahil may malakas din itong Martial Soul. Nahahanay ang Fire Phoenix na isa sa napakalakas na God Beasts ngunit hindi ito totoong Fire Phoenix at masasabing mas bata ito kaysa sa lalaking may Demonic God Beast na martial soul na isang Four-Horned Demonic Dark Bull ngunit masasabi ni Van Grego na mas lamang sa lahat ng aspeto ang nakamaskarang lalaki habang ang babae ay lamang lang nito ang kaniyang Martial Soul na isang Phoenix.

Nanood pa si Van Grego ng mga pagpapalitan ng atake ng dalawang Martial Artists habang pinag aaralan nito ang mga isinasagawa nilang mga atake. Marami siyang natutunan sa mga eksperto ang mga ito sa pakikipaglaban.

Ngunit maya-maya pa ay naramdaman ni Van Grego na bigla na lamang siyang nakaramdam ng panlalabo ng mata at nahihilo siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari hanggang sa bigla na lamang nagdilim ang kaniyang paningin at nawalan ng malay sa nangyayari sa kaniya.