Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 161 - Chapter 56

Chapter 161 - Chapter 56

Habang sinusuri ni Van Grego ang Martial Soul ng mga ito ay kapansin-pansin talaga na mas malakas ang Martial Soul ni Sect Master Soaring Light dahil kulay kahel ito kumpara sa Martial Soul ni Biyu Narxuz na kulay pula na noon niya pa nalaman kung anong antas ang Martial Soul nito na isang 8th Level Huang Rank ito dahil sa walong sinag na makikita mismong espada. Sa lagay naman ni Van Grego ay nakakasigurado siyang mas malakas at nakakatakot ang kapangyarihang taglay nito. Nakita niya ang isang sinag na nakatatak sa dibdib ng Martial Soul nito na isang Soaring Light Ape.

"S-sect M-master, isang First Level Xuan Rank ang iyong Martial Soul. Base na rin sa sinag na nakikita ko sa bandang tiyan nito at kulay kahel nitong awra na napakalakas." sambit ni Van Grego na namamangha. Ngayon lamang kasi siya nakakita ng isang Xuan Rank Martial Soul. Kahit sino naman na makakita nito ay mamamangha ngunit alam ni Van Grego na medyo napaglipasan na ng panahon si Sect Master Soaring Light at kahit gaano man kalakas ang Martial Soul nito ay hindi na siya sobrang lalakas pa. Kung bata pa lamang ito ay siguradong magkakaroon ito ng malalaki at mararaming achievements ngunit matanda na ito kaya unti-unting nagdecline ang anumang talentong meron ito. Para kay Van Grego ay isa itong malaking kasayangan.

Natuwa naman si Sect Master Soaring Light ngunit bigla rin itong nalungkot dahil naalala niya ang kaniyang nabasa sa loob ng manual na kahit napakalakas pa ng Martial Soul ng isang martial artists ngunit kapag napaglipasan siya ng panahon ay balewala ang lahat ng ito.

"At ikaw naman Biyu Narxuz ay isang 8th Level Huang Rank. Siguro ay alam mo na ang ibig kong sabihin." sambit ni Van Grego na pilit na ngumiti. Hindi niya pinakitang malungkot siya sa resulta dahil alam naman ng lahat na hindi talaga lahat ng Martial soul ay pare-parehas. Kung minsan ay hereditary ito o nagkakaroon ng fusion ng genes ng inyong mga magulang kaya masasabing suwertehan lang ito. Medyo malaki rin kasi ang agwat ng lakas ng klase ng Martial Soul mula sa Huang, Xuan, Di at Tian.

Medyo naging malungkot rin si Biyu Narxuz ngunit hindi niya pinahalata ito. Medyo nalungkot rin siya para sa kaniyang Master na si Sect Master Soaring Light. Agad niyang iwinala ito. Maya-maya pa ay bigla na lamang siyang nagsalita.

"Van, maaari ba naming makita ang iyong Martial Soul?" sambit ni Biyu Narxuz upang ibahin ang usapan. Medyo may kuryusidad din sa kaniyang isipan.

"Uhm ah... Eh... O-oo n-naman." pautal-utal na sambit ni Van Grego habang napakamot na ito ng batok. Medyo napangiwi rin ito saglit ngunit hindi naman iyon nahalata ni Biyu Narxuz at ni Sect Master Soaring Light.

"May problema ba Van?!" sambit ni Biyu Narxuz. Nahalata niya kasi na hindi mapakali si Van Grego. Medyo na-curious na talaga siya sa maaaring maging Martial Soul ni Van Grego.

Hindi nagtagal ay ipinalabas ni Van Grego ang kaniyang Martial Soul. Isa itong napakaliit na ordinaryong puting ibon na animo'y isa lamang uri na nahahanay sa mga kalapati. Lumilipad-lipad lamang ito pabalik-balik sa ere. Mayroong kulay pulang awra ito at ang makikita ang isang sinag sa dibdib nito. Sinuri din nila Biyu Narxuz at Sect Master Soaring Light ang Martial Soul ni Van Grego at nabigla na lamang sila sa kanilang nalaman.

"Isang 1st level Huang Rank lamang ang iyong Martial Soul aking disipulo? Paano iyon nangyari Van Grego? Hindi ako makapaniwala sa naging kinalabasan ng iyong sariling Martial Soul." sambit ni Sect Master Soaring Light habang makikita ang lungkot sa mukha nito. Nakikita niya kasi na mas malaki ang potensyal nitong maging isang malakas na martial artists sa hinaharap ngunit ang martial soul nito ay isa lamang 1st level Huang Rank. Kung hindi niya nalaman ang kahalagahan ng Martial Soul ay siguradong babaliwalain niya lamang kahit ano pang klaseng rank ang meron sa martial soul ng binatang si Van Grego ngunit hindi. Medyo malungkot siya sa naging resulta as well as na-disappoint siya sa naging resulta nito.

"Kaibigan kong Van, ano ba ang nangyari bakit naging ganyan ang resulta ng iyong Martial Soul? Pero okay lang kaibigan, hahanap akoo tayo ng paraan upang masolusyunan iyan." sambit ni Biyu Narxuz na sobra ring lungkot. Alam niyang maaapektuhan nito ang future achievements ni Van Grego.

"Uhm, okay lang ako Sect Master at Biyu Narxuz. Hindi na kailangan pa tsaka siguro ay makakahanap ako ng solusyon sa hinaharap." sambit ni Van Grego habang pilit siyang ngumiti sa mga ito. Medyo nasaktan rin siya sa sinabi ni Sect Master Soaring Light lalo na kung paano ito ma-disappoint pero alam niyang normal lamang iyon dahil lakas talaga ang kailangan mo sa mundong ito at naiintindihan niya ang hindi natutuwang ekspresyon sa mukha ni Master Vulcarian, yung nasayangan siya at nalungkot sa parte niya.

"Oh siya nga po pala Sect Master at Biyu Narxuz, mayroon po akong ilang mga Martial Spirit na naririto sa akin. Pwede po kayong mamili ng nababagay sa inyo. Kaya nga lang po ay nasa Peak Martial Emperor Realm pababa lamang ang mga Martial Spirit na meron ako." magalang na sambit ni Van Grego na makikita ang pagiging mahinahon nito.

Halos lumuwa naman ang mata nina Sect Master Soaring Light at Biyu Narxuz sa sinabing ito ni Van Grego. Masyadong bago lamang kasi ang narinig niyang ito. Alam na nila na ang Martial Spirit ay siyang magiging pundasyon ng kanilang martial Soul upang lumakas ito at magamit ito sa mga labanan. Galing ang martial spirit sa mga Martial Beasts na nagcucultivate st patuloy na lumalakas dahil sa kaya nitong humigop ng mga Heaven and Earth Qi. Ang mga Martial Beasts na naririto sa mundong ito ay tanging mga Demonic Beasts lamang. Ang mga wild beasts ay masasabing walang mga Martial Spirit dahil hindi ito nagcucultivate.

Hindi naman mahalaga kung gaano kalakas ang Martial Spirit, ang mahalaga lamang ay kung compatible ito sa iyong sariling Martial Soul kung saan ay lalakas ang ito ng higit pa sa inaasahan mo.

"Mga isang daan na Martial Spirit lamang ang aking nakolekta sa buong paglalakbay ko sa mahigit tatlong taon kong paglisan rito sa Soaring Light Sect. Kapag nakapili na kayo Sect Master ay humanap kayo ng karapt-dapat na magmay-ari ng mga Martial Spirit partikular na rito ang mga disipulo ng Soaring Light Sect. Kailangan natin ng malalakas na indibiduwal upang tulungan tayong makahanap at maglakbay sa loob ng  Black Twin Mountains upang mag-hunt ng malalakas na Martial Beasts." dagdag na sambit ni Van Grego habang nag-iisip ng magandang plano para dito. Masyado kasing delikado kung sila lamang tatlo ang mangha-hunting ng mga Martial Beasts upang kunin ang mga Martial Spirits ng mga ito. Kahit nga siya na dumaan lamang sa paanan ng dalawang bundok na ito ay ingat na ingat upang di siya makagambala noon ng Martial Beasts. Pero ngayon na isa na siyang Martial Emperor Realm at masasabing may solidong pundasyon ng katawan at martial arts ay masasabing handa na siyang sumagupa sa malalakas na mga beasts na nasa loob ng Twin Black Mountains ngunit walang nakakaalam kung ano talaga ang nakatago sa pinamasukal na parte nito.

Sa totoo lang ay napakaraming Martial Spirits na nakuha at itinago niya sa loob ng Myriad Painting na ngayon ay buo niya ng nakokontrol dahil na rin sa bukas na rin ang kaniyang dantian. Ang kakaibang puno na tumubo sa loob ng kaniyang dantian ay misteryosong lumipat na sa sea of consciousness niya. Hindi niya alam kung para saan ang kakaibang halamang iyon pero alam niyang may panggagamitan siya nito balang araw kapag natuklasan niya kung ano talaga ito. Medyo naging okay na rin ang kaniyang pakiramdam lalo na sa kaniyang kontrol sa sarili niyang emosyon.

Ang isa pa sa nakakamanghang bagay na natuklasan niya ay kaya na niyang palabasin sa loob ng kaniyang dantian ang Myriad painting at bubuksan niya ito upang doon mag-ensayo at minsan ay naisip niyang unti-unti niyang galugarin ito.

Minsan na niyang natuklasan at napuntahan ang isang lugar kung saan ay masasabing isang Beasts Graveyard, doon ay napakayaman at napakakapal ng Heaven and Earth Qi kung saan ay nagimbal siya sa kaniyang nakita, maraming nakakalat na mga malalaking buto maging ng malalaking piraso ng mga bungo ng mga yumaong Martial Beasts ngunit ang nakakatakot rito ay buhay na buhay ang mga Martial Beasts rito. Nalaman niyang nagkaroon ang mga ito ng spirit nourishment dahil sa mayamang Heaven and Earth Qi. Ang lakas ng mga Martial Spirit na nandirito ay hindi bababa sa lakas ng Martial Emperor Realm Expert. Paano pa kung buhay ang mga ito? Siguradong kahit Earthen Realm Experts ay kayang makipagsabayan sa mga ito.

Tanging mga Martial Spirits lamang ang naririto sa napakalawak na Graveyard at walang kahit na sinuman ang maaaring tumapak rito. Noong isang pagkakataon nga ay nasaksihan ng binatang si Van Grego kung paano higupin ng isang Martial Spirit na maihahalintulad sa napakalaking gagamba na hindi alam ni Van Grego kung ano ang lebel ng kapangyarihan nito ang isang malaking Giant Stone Bull. Nahintatakutan nga siya kung paanong animo'y naging papel lamang ang malakas na depensa ng Giant Stone Bull at kung paano hinigop ng misteryosong gagamba ang sariling Martial Spirit ng Giant Stone Bull. Maging ang ibang mga Martial Beasts ay nahintatakutan rin at mabilis na nilisan ang lugar na ito.

Kahit sabihin pa ng binatang si Van Grego na pagmamay-ari niya ang buong artifact na tinatawag na Myriad Painting ay hindi niya pa rin mapagkakailang isa itong self-proclaim lamang dahil kahit pagmamay-ari niya ito ay wala siyang nakuhang kahit na ano dito lalo na ang naglalakasang mga Martial Spirit sa lokasyon ng nasabing malawak na graveyard. Isa iyon sa death zone ng Myriad Painting kung saan nakabantay lamang ang mga Martial Spirit ng mabibiktima nito. Buti lamsng ay hindi siya pumasok agad dito, wala siyang natandaang pumunta rito si Master Vulcarian dahil siguro sa sobrang panganib rito o wala siyang kaintere-interes dito.

Ang mga martial spirit na nakolekta niya ay hindi galing sa loob ng Myriad Painting kundi sa mga nilabanan niyang mga Martial Beasts sa mga kagubatang ginawa niyang training areas. Kung doon siya sa loob ng Myriad Painting nakipag-sparring sa mga Martial Beasts ay siguro ay naging hapunan na siya ng mga ito. Ilang beses kasi ang agwat na boundary niya at ng mga Martial Beasts doon. Kung meron mang mahihina ay sigurado siyang pagtutilungan siya ng mga ito upang gawing hapunan.

Ngunit natigil ang pag-iisip ni Van Grego sa mga bagay-bagay na ito ng biglang nagsalita si Biyu Narxuz.

"Pupunta tayo sa Black Twin Mountains at doon tayo manghu-hunting ng mga Martial Beasts? Napakaimposibleng misyon naman iyan kaibigan kong Van Grego, alam mo ba kung ano ang nakatagong niallang sa pinakapusod nito?!" sambit ni Biyu Narxuz na halatang natatakot pumunta sa Black Twin Mountains.

"Hahaha oo naman, ngunit wala tayong pagpipilian hindi ba Sect Master Soaring Light?!" makahulugang sambit ni Van Grego at mabilis niyang hinarap si Sect Master Soaring Light.

Agad namang napag-isip-isip si Sect Master Soaring Light sa mga sinabi ni Van Grego at medyo nagkaroon nga siya ng pag-aalinlangan dahil dito.

"Tama ang sinabi ni Van Grego, Biyu. Dahil kulang at sobrang gahol na tayo sa oras dahil malapit na ang araw kung saan aalis kayo rito upang mag-aral sa Central Region. Isa pa ay humaharap pa rin tayo sa malaking banta ng Hybrid Cult Black Organization. Kung ako ang tatanungin ay mahirap na maglakbay tayo ng malayo tsaka baka makatunog ang organisasyong ito dahil nakakalat pa rin ang mga galamay nito sa Human Sect na kalahi natin." sambit ni Sect Master Soaring Light habang makikita sa ekspresyon nito sa kaniyang mukha ang pagiging sobrang problemado nito.

"Kaya susugal tayo Master?! Alam mong isa itong suicidal act para  sa atin at mahigit isang daan lamang tayo ngunit ang mga malalakas na nilalang na naroroon ay mas madami pa rin ang bilang kaysa sa atin kahit sa lakas ay walang-wala tayo.