Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 162 - Chapter 57

Chapter 162 - Chapter 57

"Hindi ba alam ni Biyu Narxuz... Sect Master Soaring Light na nahahati ang bawat isang bundok ng Black Twin Mountains sa apat na bahagi?! Siyempre sa unang dalawang boundary lamang tayo. Ang tanging kailangan nating mga kasamahan lamang ay ang may mga malinis na record na may cultivation level na Martial Lord Realm hanggang Martial Emperor Realm na siyang isasama natin na magkakagrupo. Sana nga ay yung magaling o eksperto sa assasination skills at techniques para mabilis tayong makaipon ng mga Martial Spirits." sambit ni Van Grego habang ipinapaliwanag niya ang kaniyang mga plano at estratehiya kung paano nila maiwasan ang maaaring makatunog sa kanilang plano.

"Tama ka Van Grego, ang mga sneak attacks ng mga magagaling sa assassination skills ay masasabing ang mga ito ang may pinakamalakas na damage kumpara sa karaniwang mandirigma. Kung malalaman natin agad kung saan ang weak spot ng mga ito ay siguradong malaki ang maitutulong nila." sambit ni Sect Master Soaring Light.

"Uhm, paano kaya kung isama natin ang mga henyong maraming alam sa mga Martial Beasts Master? Siguradong malaki ang maitutulong nila." sambit ni Biyu Narxuz habang makikita ang saya sa mukha nito.

"Wag mong sabihin Biyu na gusto mong isama natin ang sampong pinakapasaway na mga disipulo na nasa huling listahan ng ranking? Hmmmm." sambit ni Sect Master Soaring Light habang makikita ang di pagsang-ayon. Napakakulit kasi ng mga ito at gusto palagi ng away. Minsan na rin kasing tumakas ang mga ito sa loob ng Sect sa pamamagitan ng pag-akyat sa mataas na mga pader ng sect. Kahit sino ay sanay na sila sa sampong pasaway na magkakaibigan.

"Wag kang mag-alala master, sigurado akong matututunan sila ng leksiyon at mananahimik sa tabi kapag isinama natin sila sa delikadong misyong ito." sambit ni Biyu Narxuz habang makikita ang malademonyo nitong ngiti na ikinangiwi naman nina Van Grego at Sect Master Soaring Light.

Agad namang naisip ni Sect Master Soaring Light kong ano ang balak ng kaniyang direct disciple na si Biyu Narxuz. Nang malaman niya kung ano ang plano nito ay halos hindi siya makapaniwala.

"So, ang gusto mong gawin ay paghiwalayin ang bawat isa sa mga ito at ilagay sa bawat grupo ganon ba?!" tanong ni Sect Master Soaring Light habang nagtataka.

"Yun nga ang plano ko, tingnan lang natin kung hindi ang mga ito magtanda. Siguradong maiihi ang mga ito sa kanilang salawal hahaha..." malademonyong sambit ni Biyu Narxuz habang napangiwi si Van.

"Sino ba yang sampong estudyante na yan? Kung magkakasama ang mga ito ay siguradong isa silang grupo ngunit bakit niyo sila paghihiwalayin? Tsaka parang hindi ko nararamdaman na mabuti ang binabalak niyo sa mga ito ha?! Hahaha..." Tanong ni Van Grego ngunit napatawa na lamang ang mga ito.

Nanahimik na lamang sina Biyu Narxuz at si Sect Master Soaring Light at inayos ang kanilang pagkakakaupo.

"Talagang mag-master talaga kayo, hindi niyo ba talaga sasabihin sa akin ang plano niyo sa mga ito?!" sambit ni Van Grego habang medyo nalungkot siya. Ikaw ba naman yung magdadaldal tapos di ka pansinin o sagutin ng mga to? Oh diba mukha kang baliw.

"Aheemmm, kami na bahala dun kaibigang Van. Everything is under control." cool na sambit ni Biyu Narxuz ngunit nakita ni Van Grego ang palihim nitong pag-smirk.

"Oo nga Van, ang gawin mo ay pumili ka nalang ng grupong sasamahan mo." sambit ni Sect Master Soaring Light.

"uhm, di ko pa pala nasabi sa inyo Sect Master at Biyu, mag-isa lamang akong maglalakbay patungo sa Black Twin Mountains. Bukas na bukas rin ay sabihin niyo ang mga ito at pagplanuhan ang estratehiya ng sampong grupo. Padalhan niyo lamang ako ng Sound Transmitting Talisman kapag nakahanda na ang lahat sa ating paglalakbay." makahulugang sambit ni Van Grego.

Gulantang na nakatingin sina Sect Master Soaring Light at Biyu Narxuz kay Van Grego na animo'y hindi makapaniwala sa sinabi nito.

Nahalata naman ni Van Grego ang pagtingin ng dalawang tao sa kaniya dahil sensitibo ang kaniyang senses lalo na sa tumitingin sa kaniya. Agad namang tiningnan niya ang mga ito.

"Ano'ng tingin yan ha, Sect Master? Biyu?" sambit ni Van Grego na parang wala lang sa kaniya ang sinabi nito. Pero kung alam niya lang ang iniisip nina Sect Master at Biyu sa kanilang isipan ay siguradong matatawa siya sa mga ito.

"Sigurado ka ba Van Grego? Hindi mo siguro alam ang mga nilalang na nakatira rito?!" sambit ni Sect Master Soaring Light na puno ng pag-aalala.

"Oo nga Van, baka mapahamak ka kung mag-isa ka lamang na maglakbay papunta roon. Masyado kasing agresibo at malalakas ang mga Martial Beast na naroroon baka di mo kayanin ang mga ito." pagsang-ayon ni Biyu Narxuz sa sinabi ng kaniyang master.

Nagulat naman si Van Grego sa sinabing ito nina Sect Master Soaring Light at Biyu Narxuz. Pero iniisip niya pa rin na baka bantayan lamang siya ng sasamahan niyang grupo mahirap na at mabuko pa siya ng hindi sa oras.

"Uhm, ehhh... Hindi na po kailangan Sect Master, sanay na po akong maglakbay mag-isa eh tsaka mas mapapabuti po kung ganito yung set-up kasi kung marami tayong grupo mas mapapabuti hindi po ba? Tsaka pwede rin kayong maghiwalay ni Biyu Narxuz Master para naman masanay itong mang-hunting ng mga halimaw. " sambit ni Van Grego habang pasimple niyang ibinabalik ang sinabi ng mga ito. Magkampihan ba naman ang mag-master. Two hits in one stone ang gagamitin niya ngayon... Ang totoo niyan ay kanina pa niya gustong humagalpak ng tawa lalo pa ngayon na kitang-kita niya ang pasimple at palihim na ngiwi ni Sect Master Soaring Light lalong-lalo na si Biyu Narxuz.

"Uhm, masyadong delikado kasi Van kung mag-isa ka lamang maglakbay sa una at pangalawang boundary ng Black Twin Mountains. Minsan kasi ay may naliligaw na malalakas na Martial Beast mula sa ikatlong boundary na may lakad na Peak Martial Sacred Realm kaya napakadelikado talaga."nag-aalalang sambit ni Sect Master Soaring Light lalo na sa kaniyang direktang disipulo na si Biyu Narxuz.

"Oo nga Van, kasi kadalasan ay may phenoma na nangyayari kung saan nagkakaroon ng kakaibang paggalaw ang black soil at kadalasan ay puno ito ng mga patibong o kaya ay pinagtataguan ng mga tusong halimaw." sang-ayon na sa sambit ni Biyu Narxuz sa paunang sinabi ng kaniyang master.

"Medyo pinag-iisipan ko rin yung sinabi niyo at kinokonsidera ko siya ngunit hindi pa rin ang aking sagot. Unang-una ay hindi ko alam mga lugar doon at kung sasama ako ay siguradong magiging ppabigat lamang ako. Medyo mataas din ang Mortality rate na nasa kwarenta porsyento. Kung makikisabay pa ako sa kanila Isa pa yoko Namang bumagal ang ating operasyong ito o maging pabigat pa sa iba."sambit ni Van Grego habang may mababanaag na kakaibang emosyon sa mukha nito na agad ring nawala.

"Maya-maya pa ay mabilis namang umalis si Van Grego sa malaking silid na ito. Hindi na nagtanong pang muli si Sect Master Soaring Light at Biyu Narxuz  at tiningnan lamang ang lilisang pigura ni Van Grego na maya-maya ay nawala na sa kanilang paningin. Napabuntong-hininga na lamang sila.

Ngunit napansin ni Biyu Narxuz na mayroong naiwang isang singsing sa ibabaw ng lamesa na kinaroroonan o kinauupuan ni Van Grego kani-kanina lamang.

"Master, mukha atang may naiwang bagay si Van Grego ah... Nakalimutan niya?!" sambit ni Biyu Narxuz habng nagtataka.

Agad namang nilapitan ni Biyu Narxuz ito at sinuri gamit ang kaniyang divine sense. Masasabi niyang isang top quality interspatial ring ito na katulad sa interspatial ring ni Sect Master Soaring Light na ikinamangha niya.

Maya-maya pa ay may nakita siyang isang daan at tatlong mga sealed boxes na siyang ikinapagtataka ni Biyu Narxuz.

"Ano itong nakikita kong mga sealed boxes Master?! Hindi kaya...?!" gulantang na sambit ni Biyu nang maalala nito ang sinabi ni Van Grego.

Agad namang tumayo si Sect Master Soaring Light at mabilis na sinuri ang nasabing interspatial ring na katulad na katulad ng nasa kanyang pagmamay-ari. Nagulat nga siya nang masuri niya ang napakaraming sealed boxes at mayroong kakaibang enerhiyang bumabalot rito na animo'y buhay ang mga ito.

"Hindi ko aakalaing bibigyan niya tayo ng mga ito ngunit bakit parang ang lahat ng mga ito ay puro malalakas na Martial Spirits?! Tsaka nakita ko rin ang dalawang kakaibang sealed box na nakapangalan sa atin." sambit ni Sect Master Soaring Light habang makikita ang saya sa mukha nito. Matalas kasi ang kaniyang enerhiya sa pagsagap ng mga kakaibang enrhiya sa paligid man o sa mga bagay na kaniyang mahawakan o sa pagsuri dahil isa siyang Martial Sacred Realm Expert.

"Talaga po Master?! So kailangan ko na palang i-fuse ang aking Martial Spirit. Hindi na ko makapaghintay sa madadagdagan ang aktuwal kong lakas sa ibang lebel!" masayang sambit ni Biyu Narxuz habang halatang pinipigilan lang nitong biglang hablutin ang sealed box na para sa kaniya.

"Oo, maski ako nga rin eh... tsaka tayo muna ang unang makakapagfuse ng mga ito at mamaya na tayo pumili ng isang daang miyembro na karapat-dapat na magmay-ari ng mga Martial Spirits sa loob ng sealed box." nagagalak na sambit ni Sect Master Soaring Light. Baka sakaling ito ang solusyon baka makabreakthrough siya sa mas mataas na lebel ng cultivation.

Agad na ring nagpaalam sa isa't-isa ang mag-master at pumasok sa kaniya-kaniyang mga cultivation vip rooms.