"Totoo yan noh tsaka alam mo bang maaari mong i-cultivate ang iyong sariling Martial Soul ngunit kailangan mo munang maghanap ng sariling Martial Spirit na compatible sa klase ng iyong Martial Soul." sambit ni Van Grego habang nakikinig naman sa kanya si Biyu Narxuz at Sect Master Soaring Light.
"Martial Spirit?! Ayun sa nabasa ko gamit ang aking divine sense ay makukuha lamang ang mga ito sa mga Martial Beasts na napatay mo o ninyo. Tanging ang mga halimaw lamang na mayroong isang libong taon ang tanda ang nagkakaroon ng mga ito. Mas malakas ay mas maganda. Nagbibigay daw ito ng tatlong unique skills ng nasabing martial beast." sambit ni Sect Master Soaring Light habang nakatingin na animo'y nagtatanong.
"Tama ang iyong sinabi Sect Master Soaring Light. Minsan nga ay apat ang binibigay nitong unique skill kapag napakalakas ng Martial Beast na iyong napatay at naabsorb mo ng tuluyan ang Martial Spirit nito o kung sobrang compatible ng Martial Spirit sa iyong Martial Soul. Karamihan ay dito nagmumula ang mga martial technique at martial skills na isinasalin sa inyong mga lahi o angkan. Dahil nga sobrang tagal ng nabura ang tungkol dito ay halos humina na ang nasabing mga skills kapag ginagamit niyo. sa aking estimasyon ay tanging sampong porsyento na lamang ang effectiveness at kakayahan nito kapag ginawa niyo ito." sambit ni Van Grego habang inaanalisa ang mga bagay na kaniyang nakikita.
"Sampong porsyento?! Eh malakas naman ang aming mga skills dito lalo na ang skill ni Master Soaring Light kagaya na lamang ng Soaring Lion Claw at ang Light Eagle Dance." sambit ni Biyu Narxuz habang halos hindi makapaniwala sa sinabi ni Van Grego na sampong porsyento na lamang ang kakayahan nilang eexecute ang kanilang mga skills at technique.
"Tama ang sinabi ni Van Grego, Biyu. May punto siya sa lahat ng kaniyang sinabi lalo pa at ilang henerasyon na ang nagdaan noong ginawa ang mga technique at mga skills ng ating mga kanuno-nunuan. Kahit ako ay alam kong hindi ko ma-eexecute ng mga skills ng tunay na lakas nito kagaya ng nakatala na kasaysayan mula sa ating ninuno na unang gumamit at nagmamay-ari ng mga skills na nakasulat lamang sa mga scroll ngayon. Kung pagbabasehan ay siguradong skills at techniques nila ang mga ito ngunit gumawa sila ng bersiyon nito kung saan ay pinasimple at ginaya mismo ang kanilang skills. Sa aking palagay ay malaki pala ang papel ng ating Martial Soul." masayang sambit ni Sect Master Soaring Light habang makikita sa mata nito ang pag-asa.
"Kung iyan po ang inyong palagay Sect Master. Nga pala ano nga pala ang inyong Martial Soul?!" sambit ni Biyu Narxuz habang nagtataka.
Agad namang ngumiti ng nakakaloko si Sect Master Soaring Light at mabilis niyang pinalitaw ang kaniyang sariling Martial Soul. Biglang lumiwanag ng napakalakas ang buong sulok ng malawal na silid na ito.
Maya-maya pa ay lumitaw sa harapan nila Van Grego at Biyu Narxuz na hanggang ngayon ay nakabuka pa rin ang kanilang mga bibig.
"Totoo ba itong nakikita ko? Napakalaking klaseng Martial Soul ito at isang buhay na nilalang ito?! Isang Soaring Light Ape!" Sambit ni Biyu Narxuz habang makikita sa mukha nito ang gulat ngunit nangingibabaw ang mangha sa mukha nito.
"Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong klaseng Martial Soul na bibihira lamang dahil isang light attribute ang elemento nito. Halos wala ka ng makikita na ganitong klaseng Martial Soul sa kasaysayan ng mundong ito maliban sa Central Continent. Hindi kaya ang ninuno niyo Sect Master ang pinakamalakas at misteryosong Ancient Family ang isa sa namumuno at nakatira sa Central Region, ang Divine Light Family na matagal ng bumagsak at nanghina ang pwersa?!" sambit ni Van Grego habang hindi makapaniwala sa kaniyang nalamang rebelasyong ito. Akala niya rin ay naubos at namatay ang lahat ng kasapi ng pamilyang ito na maituturing na isang
Halos nagulat naman si Sect Master sa sinabi ng binatang si Van Grego. Hindi niya lubos maisip na mayroong nakakaalam ng kaniyang pinagmulan. Halos manghina ang kaniyang mga tuhod sa impormasyong sinasabi ni Van Grego. Mayroong pangamba at agam-agam ang kaniyang puso dahil rito.
"P-papaanong nalaman mo ang tungkol sa mga Ancient Family lalong-lalo na ang Divine Light Family?! Alam mo ba ang iyong pinagsasabi binata? Maaari kang ipadampot ng mga kawal at sundalo ng central Region sa iyong mga sinasabi!" sambit ni Sect Master Soaring Light habang makikita ang pagiging balisa nito at pagkakagulo ng kaniyang awra at enerhiya sa kaniyang katawan. Isang energy aura leak ito kung saan hindi sinasadyang pagpapalabas ng enerhiya mula sa kaniyang katawan.
Medyo naging komplikado ang enerhiya sa paligid at naramdaman ni Biyu Narxuz at Van Grego ang biglang pagbigat ng enerhiya sa paligid ngunit maya-maya ay bigla na lamang bumalik sa normal. Siguradong natauhan si Sect Master Soaring Light. Bigla na lamang nagsalitang muli si Van Grego.
"Hindi iyon mangyayari Sect Master, isa pa ay kabilang ako sa inyong Sect na pinamumunuan kaya masasabi kong hindi niyo ako isusumbong sa mga iyon." sambit ni Van Grego na animo'y confident na confident sa kaniyang sagot pero nakaramdam din siya ng ibayong takot. Kahit nga si Sect Master Soaring Light na kanina niya pa inoobserbahan ay sobrang nagimbal sa narinig nitong pagsambit sa salitang Divine Light Family na animo'y isa itong pinagbabawal na salita.
Bigla na lamang sumali sa naging usapan ng dalawa si Biyu Narxuz na animo'y gulong-gulo at walang maintindihan sa mga nangyayaring pag-uusap ng dalawa.
"Van Grego, naging kaibigan na rin ang turing ko sa iyo noon pa man mahigit tatlong taon na ngunit paano mo nalaman ang tungkol sa makapangyarihang pamilyang ito na tinatawag na Divine Light Family? At paano mo nasabing napakamakapangyarihan at napakalakas na pamilya ito na naninirahan noon sa Central Region. Tapatin mo nga ako? Isa ka bang martial artist na galing sa Central Region? Hindi kapani-paniwalang dito mo iyon natagpuan at talagang pinagbibintangan mo si Sect Master Soaring Light na isang miyembro ng Divine Light Family?!" dismayadong sambit ni Biyu Narxuz sa sinabi ni Van Grego. Akala niya pa naman ay isa itong maaari niyang maging tunay na kaibigan ngunit sa inaasal nitong pagbibintang sa kanyang naging Master sa kasalukuyan na si Sect Master Soaring Light ay medyo nagdadalawang-isip na siya para rito. Paano kung espiya pala ito galing sa Central Region? Paano kong magsumbong ito ng kung ano-ano? At marami pang mga katanungan ang namumuo sa isipan nito. Madaling maibigay ang tiwala ngunit kapag nasira ang tiwalang ibinigay niya, siyempre masasaktan yung taong nagtitiwala at pinagkakatiwalaan ka. Ganon din sa sitwasyon nila ngayon kung saan medyo nasa alanganin na rin ang kaniyang tiwalang ibinigay sa kaibigan nitong si Van Grego.
"Sa tingin mo ba Biyu ay espiya ako? Kung sana ay naging espiya ako ay noon pa man at gagawa ng katarantaduhan sa rehiyong ito ay sana noon ko pa ginawa. Tsaka layunin ko lamang tulungan kayo at wala akong hinihinging malaking kapalit o puro kaplastikan lamang ang mga ito. Pumunta ba ko rito para manggulo o kung talagang espiya ako ay sana hindi ako humingi ng slot sa maaaring maging estudyante ng Raining Cloud Academy." sambit ni Van Grego ng harapn kay Biyu Narxuz habang makikita sa boses nito ang disappoint at hinanakit. Matagal man siyang nawala rito ngunit hindi niya kayang traydurin ang kaniyang sariling sect.
Napayuko na lamang si Biyu Narxuz sa sinabi ni Van Grego. Masyado siyang insensitive at impulsive sa sinabi nito. Masyado kasi siyang nadala ng kaniyang emosyon dahil sariling master nito ang pinagbibintangan nito.
"Tama na yan Van Grego, tutal may alam ka naman sa Divine Light Family. Paano kaya kung ikwento ko nalang ito sayo. Tsaka ikaw Biyu, masyado kang defensive ni hindi mo muna ako pinagsalita bago ka makisawsaw sa usapan namin. Tsaka tama si Van, isa ako sa miyembro ng Divine Light Family dahil sa mga ninuno kong napiling dito na laamng manirahan sa Western Region. Paano pa ako magsisinungaling o magpapalusot kong alam ko rin namang hindi pa rin bebenta ito sa iyo." mahinahong pag-amin ni Sect Master Soaring Light na animo'y parang normal na lamang ito dahil wala na siyang maitatago pa.
"Master, totoo po ba ang sinasabi mo? Isa kang miyembro ng Divine Light Family?!" gulantang na sambit ni Biyu Narxuz habang animo'y hindi ito naniniwala.
"Oo, tsaka medyo nabiktima at kinagat ko ang pain ni Van Grego. Akala ko ay isa lamang siyang ordinaryong adventurer na tanging pinaboran lamang ng yumaong si Sect Master Spirit Ice o si Princess Levora ng Winter Ice Family. Hindi ko aakalaing marami ka na palang alam sa mundong ito na lingid sa kaalaman namin." sambit ni Sect Master Soaring Light habang palihim na sinusuri ng kaniyang divine sense ang kabuuang anyo ng binatang si Van Grego ngunit wala siyang nakikitang kakaiba rito liban na lamang sa mga napakalumang mga singsing sa mga kamay nito na animo'y gawa lamang sa mga ordinaryong pilak. Wala siyang kaide-ideya rito at wala siyang interes sa mga ito. Liban rito ay wala siyang makitang kahit na anuman pero namangha siya kung paano katibay ang foundation ng cultivation nito na halata naman sa pangangatawan nito. Isa pa lamang itong Peak Martial Emperor Realm Kumpara sa kaniya na isa na matagal ng naging Martial Sacred Realm at liban rito ay masasabi niyang malakas pa rin siya rito ng dalawang cultivation boundary ngunit balang araw ay malalampasan siya ng dalawang binatang nasa harapan niya.
Natahimik na lamang si Biyu Narxuz sa kaniyang kinatatayuan. Ayaw niyang itaas ang kaniyang ulo dahil masyadong nakakahiya ang kaniyang ginawang ito. Sa lahat ng pangyayaring ito ay masyadong nakakahiya ang kanyang ginawa. Unang pagkakataon lamang ito na nangyari sa kaniyang buhay. Gusto niya nalang na bumukas ang lupang kaniyang kinatatayuan at lamunin siya nito ng buhay. May pinanghahwakan siyang dignidad at pride, sino ba namang lalaki ang gustong magmukhang tanga at maging katawa-tawa sa kapwa nito? Mas mabuting ipasabak na lamang siya sa matinding giyera kaysa umamin ng kaniyang kasalanan.
"Pasensya na Sect Master, hindi ko rin kasi aakalain na malaking pabor ang hinihingi sayo ni Sect Master Spirit Ice, kung sana ay hindi ako umalis rito ay siguradong matutulungan ko sana at napigilan ko lamang ang malakihang pinsala ng biglang paglusob ng Hybrid Cult Black Organization." puno ng pagsisising sambit ni Van Grego. Bakas sa mata nito ang lungkot dahil sa kaniyang kapabayaan. Kung sana ay nananatili siya rito edi hindi nagkaroon ng maraming patayan at pagkatalo ng human sect laban sa mga masasamang nilalang na nasa likod ng Hybrid Cult Black Organization.
"Hindi mo kasalanan iyon bata, nangyari na ang dapat mangyari. Ako nga na isa Sect Master ay wala man lang nagawa upang patigilin ang nasabing pagiging agresibo at walanghiyang mga Hybrid Cult Organization. Ang maaari nating gawin ngayon lalo na kayo ay ang magpalakas." sambit ni Sect Master Soaring Light haabng makikita ang pagiging matamlay sa boses nito. Kahit ito ay hindi rin maiiwasan ang malungkot. Gusto man sana nitong tumulong ay malaking dagok naman iyon sa kanila kung sakaling lubusin at atakehin rin sila ng mga ito. Kung siya lang sana ang masusunod at walang malaking responsibilidad at tungkulin sa Soaring Light Sect ay nakipaglaban na siya sa mga ito ngunit ayaw niyang isaalang-alang ang seguridad ng kaniyang sect. Higit na mas marami ang buhay na narito at ayaw niyang pati ang mga ito ay madamay kahit masakit man at labag sa kaniyang kalooban. Ilang araw din siyang balisa at nakaramdam ng labis na konsensya at kalungkutan. Pakiramdam niya ay ang hinang-hina niya.
"Sect Master Soaring Light, wag kayong mag-alala... Sa ngayon ay hindi na po kayo mababalot pa ng takot at agam-agam mga walang hiyang taga Hybrid Cult Black Organization. Ang inyong Martial Soul ang inyong alas rito laban sa kanila kahit pa sabihin nating mayroon pa silang kasabwat na mga malalaking grupo ng tao rito ay makakaya natin silang labanan. Ipinakita niyo po sa akin muli ang inyong Martial Soul maging ang iyo Biyu, ng malaman ko kung anong angkop na Martial Spirit ang nararapat sa iyo." sambit ni Van Grego sa kanila.
"Inuutusan mo ba kami?!" sabay na sambit ni Sect Master Soaring Light at Biyu Narxuz na animo'y medyo nagulat sa sinabi ni Van Grego.
"Ayaw niyo ba?! Edi sige!" sambit ni Van Grego na animo'y aalis na ngunit agad namang sumagot si Sect Master Soaring Light.
"Hindi ka naman mabiro Van, ito na nga po..." sambit ni Sect Master Soaring Light at mabilis na tiningnan ng masama ang kaniyang direct disciple na si Biyu Narxuz.
"Ah... Eh... Oo nga Van, tama, nagbibiro lang kami." sambit ni Biyu Narxuz na animo'y natatawa ngunit agad naman siyang natahimik ng masakit siyang tiningnang muli ni Sect Master Soaring Light. Napatahimik na lamang siyang bigla.
Maya-maya pa ay lumitaw ang Martial Soul ni Biyu Narxuz na isang malaking espada sa kamay nito na nakalutang na mayroong kulay pula habang sumunod namang lumitaw ang Martial Soul na pagmamay-ari ni Sect Master Soaring Light na isang Soaring Light Ape na matingkad na kulay kahel ito.
Nang masuri ni Van Grego ang mga ito gamit ang kaniyang divine sense ay nagulat na lamang siya sa kaniyang nakitang resulta.