Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 159 - Chapter 54

Chapter 159 - Chapter 54

"Inuutusan ko kayong mga magigiting na manlalakbay na imbestigahan ang pangyayaring ito. Kung maaari ay libutin niyo ang buong mundo hanggang sa kasulok-sulukang bahagi nito at hanapin ang pinagmulan ng misteryosong huni ng ibon. Masyadong nakakaalarma ang bagay na ito para ipasawalang-bahala na lamang." sambit ng hari habang makikita ang determinasyon sa mukha nito. Maging siya ay naaalarma sa kakaibang panguauarong ito. Naniniwala siyang tama ang orakulo, balang araw ay lilitaw ito at maglilikha ng pagbabago ngunit mabuting pagbabago ba ito o masama?! Kung masama man ay dapat na itong puksain ngayon pa lamang.

"Masusunod po mahal na hari!" sabay-sabay na wika ng dalawampong adventurer.

"Makakaalis na kayo!" sambit ng hari na siya namang biglang pagyuko ng mga ito at nawala na parang bula.

Ipinagpatuloy nila ang kanilang diskusiyon habang bitbit pa rin ng kanilang puso ang pagkabahala sa misteryosong kaganapan. Mayroon sa kanilang puso na naghahangad na malaman ang maaaring pinagmulan ng misteryosong huni ng isang ibon.

________________________________________

Sa loob ng Martial Awakening Hall ay naupo lamang si Van Grego na parang estatwa. Maya-maya pa ay biglang nagkaroon ng pagbabago ang kaniyang pisikal na anyo. Ang kanyang maiitim at mahahabang hibla ng buhok ay unti-unting naging kulay puti hanggang sa kadulo-duluhan nito. Ang kaniyang kilay maging ay naging kulay puti rin. Ang kaniyang balat ay naging kasingputi ng niyebe. Nagkaroon ng kakaibang awra ang pumalibot sa kaniyang katawan ngunit agad rin itong nawala.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pares na mata ni Van Grego. Naging kulay puti rin ang mata nito ngunit ngunit ang kaniyang pilikmata ay nanatili lamang kulay itim. Nang obserbahan nga ni Van Grego ang kaniyang sarili ay nagulat at mangha rin siya. Hindi niya aakalaing mayroong kakaibang abilidad ang kaniyang sariling Martial Soul upang baguhin ang kaniyang pisikal na anyo.

Mabilis niya ring pinalabas ang kaniyang sariling martial soul sa kaniyang likuran. Mabilis niyang itong sinuri at inobserbahan ngunit lubos na lamang ang kaniyang dismaya ng makita ang napakaliit na ibong kulay puti maging ang lebel nito at rank.

"Hindi ko aakalaing isa lamang 1st Level Huang Rank itong aking Martial Soul. Ngunit isa ka nga bang mahinang Huang rank lamang?! Hindi ako naniniwala." sambit ni Van Grego habang animo'y kinakausap niya ng munting ibon na sa palagay niya ay isa itong kalapati sa kaniyang likuran.

Ngunit walang naging tugon ang maliit na puting ibon. Mistula lamang itong inosenteng ibon na walang paki sa kaniyang paligid.

"Hindi ako naniniwalang mahina ka lamang. Siguro ay dapat kitang palakasin. Ngunit sa papaanong paraan?" sambit ni Van Grego. Agad na siyang tumayo upang umalis na sa lugar na ito. Nag-kowtow pa siya ng tatlong beses upang magbigay-galang sa mahiwagang lugar na ito.

Agad namang bumukas ang pintuan ng subukang itulak ni Van Grego ang pintuan.

Maya-maya pa ay nagulat na lamang siya ng biglang lumitaw sa kaniyang harapan si Biyu Narxuz.

"Okay ka lang ba Van? Hindi ka ba naapektuhan ng malakas na lindol?!" sambit ni Biyu.

"Okay ako noh tsaka anong lindol? Wala nga akong naramdamang pag-uga ng lupa sa loob ng Martial Awakening Hall noh."Nagtatakang sambit ni Van Grego. Wala naman talaga siyang naramdamang lindol.

"Wala ba? Eh ang misteryosong huni ng isang nilalang? Pakiwari ko ay isa iyong huni ng dambuhalang ibon, grabe yung sakit ng ulo ko dahil sa nakakakilabot at malakas na huni nito. Hindi ko alam ngunit alam kong lahat kami ay nakarinig nito." wika ni Biyu habang may halong pagtataka na nakatingin kay Van Grego kung nagsasabi ito ng totoo.

"Ah alam ko na, dahil sa misteryoso at malakas na protective barrier kaya hindi ka man lang naapektuhan ng lindol o nakarinig ng misteryosong huni nito. Tunay nga ang sinasabi ni Sect Master na napakahiwaga ng Martial Awakening Hall." dagdag ni Biyu habang namamangha sa lugar na ito.

Mabilis rin nitong isinagawa ang pagselyo sa pintuan ng Martial Awakening Hall ngunit nanatili lamang na nakatikom ang bibig ni Van Grego.

Hindi na nakapagsalitang muli si Van Grego at parang may kung ano'ng bumundol sa kaniyang dibdib na pakiwari niya'y kinakabahan siya  hanggang ngayon. Ngayon ay sigurado na siya sa kaniyang naging assumption.

"Hindi ko aakalaing hindi pala ordinaryo ang aking sariling Martial Soul. Ngayon ay siguradong palalakasin ko ito sa abot ng aking makakaya." sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang makikita ang namumuong determinasyon sa kaniyang isipan.

Nilisan na nila ang lugar na ito. Mabuti na lamang at hindi na siya tinanong ni Biyu kung ano ang kaniyang Martial Soul dahil halos alam niyang walang interesado sa martial soul. Hindi nila alam kung ano ang panggagamitan nito o ang kahalagahan nito. Naglakad silang muli sa pasikot-sikot na pasilyo at maya-maya pa ay pumasok sila sa isang silid na pamilyar na pamilyar sa kaniya.

Bigla namang yumuko sina Biyu at Van Grego ng makita nilang muli si Sect Master Soaring Light tsaka umupo sila.

"Ikaw ba yan Van Grego?! Bakit naging ganyan ang iyong anyo? Bakit naging sobrang puti ng balat mo maging ang iyong kilay, mata at buhok ay naging kasingputi ng niyebe?" Nagtatakang sambit ni Sect Master Soaring Light sa malaking pagbabago sa anyo ng binatang si Van Grego. Hindi niya pa rin mahanap ang sagot matapos ng kanyang masusing pagsusuri sa kabuuan ng nasabing binata.

"Uhm master, yun nga po ang aking pagtataka. Siguro normal lang ito dahil nga medyo ngayon ko lamang nagising ang aking Martial Soul." sambit ni Van Grego habang makikita sa mata nito ang nakatagong agam-agam.

"Ah oo nga eh, kagaya lamang nitong estudyante at direct disciple ko na si Biyu, nagbago rin ang kaniyang buhok at ibang mga features nito dahil sa paggising niya noon ng kaniyang Martial Soul, dugyutin pa naman ito noon hahaha." natatawang sambit ni Sect Master Soaring Light habang nakikipag-usap kay Van Grego.

Namula naman sa hiya si Biyu Narxuz sa iwinika ng kaniyang master. Kinalimutan niya na at ibinaon sa kailaliman ng kaniyang isipan ang nakakahiyang gawi niya noong musmos na bata pa lamang siya.

"Master naman eh, kinalimutan ko na nga po iyon tapos ibinabalik niyo pa eh." pagrereklamo ni Biyu habang hindi mapigilan nitong mapanguso na animo'y batang inaapi.

Natawa na lamang si Van Grego at si Sect Master Soaring Light sa inasal ni Biyu Narxuz.

"Oh Van siya nga pala maiba tayo, bakit naparito kang muli? May kailangan ka pa ba? Kung meron man ay handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya." mahinahong sambit ni Sect Master Soaring Light.

"Ah wala naman po Sect Master, nais ko lang pong tulungang resolbahin ang problema niyo patungkol sa panghihimasok ng Hybrid Cult Black Organization." magalang na sambit ni Van Grego.

Animo'y parang nabingi naman si Sect Master Soaring Light sa sinabing ito ni Van Grego maging si Biyu ay hindi rin makapaniwala.

"Totoo ba ang sinabi mo Van, sa papaanong paraan? Handa akong bayaran o gantimpalaan ka ng kahit na ano kapag totoo ang sinasabi mo." Nagagalak na sambit ni Sect Master Soaring Light. Mayroong kung anong umusbong na pag-asa sa kaniyang puso.

"Ano'ng paraan yan Van, handa rin ang pamilya namin o ang Fire Lotus Family gawin ang lahat upang gantimpalaan ka rin. Napakalaki ng utang na loob namin sa'yo. Hindi nga namin alam kung paano kami makakabawi sa'yo." tapat na wika ni Biyu habang kaharap nito si Van Grego. Kung totoong may solusyon sa pagpigil sa masamang gawa at hangarin ng Hybrid Cult Black Organization ay makakaalis siya ng mapayapa upang doon mag-aral sa Central Region. Kahit hindi permanenteng solusyon ay maaaring ilang taon mula ngayon ay makakaya niyang protektshan ang kaniyang sarili at ang lahat ng mamamayan ng mga tao rito.

"Oo Sect Master at Biyu, Ngunit maniniwala ba kayo kung sasabihin kong may kinalaman ito sa inyong Martial Soul?! Sambit ni Van Grego sa nag-aalinlangang boses.

Nagulantang naman sina Sect Master at Biyu sa kanilang narinig. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ng binatang si Van Grego.

"Papaanong nagyari iyon. Wala ni isang nakakaalam ng paggamit ng Martial Soul na ito. Maging ang aking ninuno ay walang impormasyon ukol dito kaya papaanong nangyari iyon?!" sambit ni Sect Master Soaring Light habang unti-unting pagtamlay ng boses nito.

"Nagkakamali ka siguro Van, walang anumang paraan upang magamit ang Martial Soul. Tanging ang alam lang namin ay napapalakas nito ang buong aspeto ng katawan at kaluluwa ng aming sarili liban doon ay wala na kaming alam pa." sambit ni Biyu habang makikita rin ang lungkot sa boses nito.

"Porket walang nakakaalam sa inyo ay hindi ko alam ito. Noong labing-isang taon pa lamang ako ay sinubukang kong lisanin ang aming lugar na isa lamang maliit na bayan malayo rito. Sa aking paglalakbay ay aksidente akong napadpad ng aking mga paa sa isang napakalumang kuweba, doon ay may nakita akong isang makapal at napakalumang libro ngunit napreserba pa rin ito ng maayos. Noong una ay ayaw ko pa sanang buksan o basahin ito ngunit may nag-udyok sa akin na tingnan man lang ang nilalaman nito. Sa kaing pagbabasa ay nagulat rin ako sa nilalaman nito. Isa itong mahalagang manual na tumutukoy sa iba't-ibang klasipikasiyon ng mga Martial Soul at kung paano ito palakasin. Masasabi kong isa ktong complete manual." sambit ni Van Grego sa kalmadong paraan. Mabilis na lumitaw sa kamay niya ang isang makapal at lumang libro na sinasabi niyang isa itong manual.

Agad naman itong ibinigay ni Van Grego kay Sect Master Soaring Light. Nag-aalangan man Ito ay tinanggap niya ang nasabing lumang libro.

Agad namang sinuri ni Sect Master gamit ang kaniyang divine sense. Hindi rin mahirap basahin ang mga ito dahil mayroong photographic memory ang mga martial artists kung kaya't peace of cake lamang ang mga ito sa kanila. Isa pa ay nasa Martial Sacred na siya ngunit ang talentong meron siya ay napakahina lamang kumpara sa bagong henerasyon.

"To-totoo nga, hindi ko aakalaing sobrang laki at sobrang halaga pala ng Martial Soul ng bawat isang martial artists. Ito ay espesyal na biyaya para lamang sa mga lahi ng mga tao. Hindi maaari, hindi ko aakalaing isa pala ito sa nawawalang talaan ng Human Race." sambit ni Sect Master Soaring Light.

Napatayo naman bigla si Biyu at mayroong napakalaking tanong sa kaniyang isipan.

"Master ano po ang sinasabi niyo? Ano ba ang nakasulat sa lumang librong iyan at halos hindi kayo makapaniwala sa nababasa niyo tsaka ang Martial Soul ay napakahalaga?!" Nagtatakang sambit ni Biyu na animo'y hindi niya alam kung nahihibang na ba ang kanilang Sect Master.

Maya-maya pa ay inilahad ni Sect Master ang nasabing lumang librong kani-kanina niya pa lamang nalaman kung ano ang nakapaloob rito.

"Hawakan at suriin mo ang nasa loob ng lumang librong ito gamit ang iyong divine sense upang maniwala kang isa itong lumang tala ng ating mga ninunong kapwa mga Human Race." sambit ni Sect Master na puno ng kumpiyansa at may kislap sa pares ng mga mata nito.

"Talaga po ba?! Maaari po bang mangyari iyon?! Tsaka Van totoo ba ang sinasabi ni Master?!" sambit ni Biyu Narxuz.

Agad namang binatukan ni Sect Master Soaring Light ang kaniyang direct disciple na si Biyu Narxus.

"Talagang ang kulit mo talagang bata ka, kunin mo na nga tong lumang librong ito ng malaman mo. Ako nahihirapan sa iyo eh hahaha." sambit ni Sect Master Soaring Light natatawa.

Nagkaroon pa ng mahabang diskusyon at pagtatalo ang mag-master na ito. Bigla na lamang nalungkot si Van Grego dahil naaalala niya ang kaniyang master at ang kaniyang sarili kina Sect Master Soaring Light at Biyu Narxuz. Kung buhay pa ito at hindi ito nagbalak ng masama sa kaniya ay sigurado siyang masaya silang naglalakbay pareho sa mundong ito.

Nagising lamang ang diwa ni Van Grego ng biglang sumigaw si Biyu Narxuz na ngayon ay hawak-hawak nito ang nasabing libro habang sinusuri ito ng sarili nitong divine sense.

"Totoo ba talaga ang nababasa ko sa librong ito?! Papaanong nangyari ito?! Totoo ba talagang malakas rin tayong mga Human Cultivator?!" sambit ni Biyu Narxuz habang hindi mapigilan ang paghugis bilog ng kaniyang bibig na animo'y magkahalong gulat at mangha sa kaniyang nalaman sa nilalaman ng lumang libro.

Matapos nito ay napatingin silang dalawa sa binatang bagong balik lamang sa lugar na ito. Yung mga tingin nila ay parang nagsasabing "Tao ka pa ba? Bakit ang swerte mo?!"

Hindi naman alam ni Van Grego kung matatawa siya o maiiyak sa ekspresyong ibinibigay ni Biyu Narxuz at ni Sect Master Soaring Light.