Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 154 - Chapter 49

Chapter 154 - Chapter 49

Halos nangingitim na ang kabuuang anyo ng batang si Van Grego maging ang fires of life nito ay unti-unti ng humihina na gahiblang liwanag na lamang ang makikita mo rito. Palatandaan lamang ito na hindi na hahaba pa ang buhay nito.

Kalunos-lunos ang kasalukuyang itsura ng kaluluwa ni Van Grego at halos hindi na siya makikilala ninuman dahil sa sobrang pangingitim niya na katulad ng walang hanggang kadiliman.

"Ganyan nga bata, mawalan ka ng pag-asa, hayaan mong lamunin ka ng iyong sariling galit ng dahil sa kagagawan mo hahahaha... Oras na para higupin ko ang sarili mong kaluluwa at mawala ka na sa mundong ito! Napakauto-uto mo, naniwala ka pa sa kasinungalingang sinabi ko na mayroong holy scripture na angkop para sa iyo, na kailangan mong unang matutunan ang konsepto ng Space and Time, na kailangan mong maging bihasa sa iba't ibang propesyon para lumakas at iba na walang ibang ibig sabihin kundi purong KASINUNGALINGAN lamang hahahahaha!!!!" sambit ni Master Vulcarian sa malalim nitong boses.

Mabilis na ngumanga ang nakakatakot na nilalang na gawa sa usok (si Master Vulcarian), ang maliit nitong bunganga ay naging napakalaki at puno ng kadiliman ito na halps wala kang makitang kahit ano. Mabilis nitong sinubo ang nakakaawang kaluluwa ng batang si Van Grego.

"Ngayon lamang ako nakalasap ng ganito kasarap na kaluluwa, sa oras na mahigop ko ng lubusan ang kaluluwa mo ay mapapasakin na rin ang katawan mo maging ang mga pambihirang bagay na nasa pangangalaga mo bwahahaha!" sambit ni Master Vulcarian habang malakas na humalakhak gamit ang nakakatakot nitong boses.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakaramdam ng ibayong takot at misteryosong enerhiya si Master Vulcarian.

Nasa sea of consciousness pa rin siya ng batang si Van Grego at bigla siyang naalarma sa hindi niya malamang dahilan.

Maya-maya ay nagliwanag ang pitong core na pagmamay-ari ni Van Grego maging ang dalawang core na nawalan ng kulay kanina ay bigla na lamang lumutang at kumislap.

"A-anong na-nangyayari, hi-hindi ito maaari... Peste kang bata ka, bakit hindi ka nalang mamatay ng lubusan!" galit na galit na sambit ni Master Vulcarian na animo'y nasisiraan ng bait.

Biglang gumalaw ang siyam na core at biglang pinalibutan nito si Master Vulcarian na siya namang labis na ikinagimbal nito.

"Wag kayong lalapit sakin, hindi niyo ko masasaktan o mapapatay! Sabing wag kayong lumapit sakin eh grrrrrrrrrr!!!!!" animo'y nababaliw na sambit ni Master Vulcarian.

Napapalibutan na siya ng siyam na core at mabilis na lumalapit ang distansya ng mga ito hanggang sa halos ilang pulgada na lamang ang layo ni Master Vulcarian sa mga ito. Bigla na lamang siyang inipit ng siyam na core hanggang sa animo'y sinasakal siya ng mga ito.

"Hindi, hindi maaari... M--ma-magseself-destruct a-ang ka-kaluluwa na-ng b-batang ito!" pautal-utal na sambit ni Master Vulcarian dahil sa magkahalong takot at sakit ng pagkakasakal sa kaniya ng siyam ng core.

Bigla na lamang uminit ng uminit ang temperatura sa loob ng conscousness ni Van Grego na siya namang ramdam na ramdam ni Master Vulcarian. Ang kaniyang sariling kaluluwa ay nakagapos ng mahigpit dahil sa siyam na core na patuloy na humihigpit ng humigpit. Gusto niya sanang tumakas dahil alam niyang nasa ibayong panganib siya ngunit maya-maya pa ay bigla na lamang lumiwanag ang mga core at sumabog ang lahat ng mga bagay na nasa loob ng sea of conscousness ni Van Grego.

"HINDI MAAARI... AAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!" huling sambit ni Master Vulcarian ng malakas hanggang sa nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang buong lugar na ito.

...

Lumipas ang mga araw habang ang animo'y nakaupong katawan ni Van Grego ay wala pa ring reaksyon. Mistula itong estatwang nakaupong animo'y nagmemeditate bakas pa rin ang mumunting paghigop ng katawan nito ng Heaven and Earth Qi mula sa kaniyang paligid maging ang paghinga nito ay nasa normal phase.

Sa loob ng kanyang sea of consciousness ay makikita ang nagliliwanag na mga piraso ng kumikinang na mga bagay. Ang nakakatakot na itsura ng nilalang na pumuslit at gumambala rito ay hindi na makikita sa alinmang sulok rito maging ang kaluluwa ng batang si Van Grego. Halos nagmistulang maliit na kalawakan ang buong lugar na ito.

Maya-maya pa ay unti-unting nagtipon-tipon ang maliliit na mga kumikinang na mga bagay na animo'y mga bituing kumikislap. Dahan-dahan itong nakipag-isa sa gabutil na kapwa mga piraso nito. Makikita ang unti-unting pagporma nito na animo'y isang sanggol na natutulog mula sa loob ng tiyan ng kaniyang ina. Mabagal lamang ang paggalaw ng mga butil na ito na animo'y nagcocompress ito na may parang may binubuong mga porma.

Hindi namamalayan ang takbo ng oras sa labas ng sea of consciousness at sa pagpapatuloy ng kakaibang pangyayari sa sea of consciousness at isang buwan na pala ang nakakalipas.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lamang bumukas ang dalawang bilugang mata ni Van Grego. Pero mababakasan ng pagbabago sa awra at personalidad nito na animo'y binabalot ito ng napakamisteryosong pwersa na hindi mawari.

"New Bizzare Memories Required!"

"Martial Talent Upgraded!"

"New Professions Learned!"

"Artifact Aquired: Myriad Painting Unlocked!"

Nang marinig nito ang sinasabi ng mahiwagang boses sa kaniyang isipan ay mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

Napatulo na lamang ang luha nito kasabay ang tuluyang paghikbi nito.

"Master, bakit nangyari ang lahat ng ito?! Bakit isa kang masamang nilalang! Bakit hindi nalang ako ang nawala?!" sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili.

Bigla na lamang bumuhos ang napakasaganang alaala sa kaniyang utak na animo'y siyang-siya ito ngunit alam niya kung kanino ito. Halos hindi siya makapaniwala sa lahat ng ito maging ang alaalang kasama siya at ang bawat pangyayaring nandoon siya. Ang mga napakasalimuot na mga bagay at nakakapanindig balahibong mga pangyayaring animo'y siya mismo ang kumikilos at gumawa.  Nakita niya ang hindi mabilang na mga alaalang nasa mga nakakakilabot na mga digmaan at labanan ng mga tao at ng mga hindi matukoy na mga nilalang. Ang paglitaw at pagbuga ng napakadelikadong apoy ng mga dambuhalang mga dragon. Ang pagkaabo ng mga bagay at nilalang dulot ng maalamat na ibon na walang iba kundi ang makapangyarihang phoenix at iba't iba pang mga nilalang na ngayon niya lamang nakita. Ramdam na ramdam niya ang pakiramdam kung saan ay naroroon ka sa isang malaking digmaan at malawakang giyera.

Napahawak na lamang si Van Grego sa kanyang ulo habang patuloy niyang nasasaksihan ang nakakakilabot na mga alaala ng kaniyang Master na si Master Vulcarian. Nakita niya rin ang sarili niyang pinatay ang hindi mabilang na mga nilalang maging ang paggamit ng mga pambihirang skills. Ang pinakanakakamangha ay ang pagiging bihasa nito sa iba't ibangpropesyon at paggamit ng mga konsepto. Mayroon nga siyang mga bagay na hindi maintindihan ngunit kalaunay parang natural na natutunan niya ang mga ito.

Ikinalma niya ang kaniyang sarili matapos niyang makita ang lahat ng mga alaalang pagmamay-ari ng kaniyang sariling master. Sa huli ay halos kamuhian niya ang kaniyang sariling master dahil sa kaniyang nalaman. Ayaw niya mang maniwala ngunit nagpapatunay lamang na masama talaga siyang tunay. Marami nga itong kasinungalingang sinabi sa kaniya. Ang pag-aral ng konsepto ng Space and Time ay siyang dalawa lamang sa napakahirap na matutunang konsepto ng mundo. Halos ang nag aaral ng konseptong ito ay namatay lamang dahil sa sobrang katandaan at hindi pa rin malaman ang truth o ang katotohanan mula rito. Ang bawat konsepto ay may nakatagong truth kung saan ay malalaman lamang kapag nagkaroon ka ng sudden enlightenment habang nag-aaral o nagsasanay ka.

Nasayang lamang ang dalawang taon niyang pagsasanay sa konsepto ng Space and Time. Maging ang maitim na balak ni Master Vulcarian sa kaniya ay nalaman niya rin. Ang kaniyang huling breakthrough na ito ay siyang pinaka-vulnerable stage kung saan ay sobrang hihina ang kaniyang kaluluwa at mapapasailalim ito sa ultimate na pagreforge o remold nito. Nalaman niya ang lahat ng mga tinatagong kasamaan nito. Pero ang lubos na gumimbal sa batang si Van Grego ay ang totoong katauhan ng kaniyang master.

Ang kaniyang totoong rank pala ay nabibilang lamang sa Perfect Diamond Rank na kung saan ay mapapasailalim siya sa Life Destruction kung saan ay isang tribulation na siyang taboo existence. Konting pagkakamali lamang ay maaari itong ikamatay at ikapuksa ng isang martial artists. Nalaman niya ring isa itong Ancient Cultivation Level Method na siyang sinadyang iwala at burahin sa kasaysayan dahil sa maraming nangamatay na mga batang martial artists dahil sa pag-attempt nito.

Isa itong taboo existence na siyang ipinagbabawal ng kalangitan dahil ang lahat ng mga perpektong nilalang ay pinupuksa ng kalangitan. Kaya pala siya ginabayan at tinuruan ng pamamaraan ng kanyang master ay para puksain ang sarili niyang kaluluwa at upang palitan siya ng kaniyang master upang ito ang magmay-ari sa kaniyang sariling katawan. Lahat ng mga katanungan niya ay nasagot niya dahil natamo niya ang lahat ng alaala ng kaniyang master.

"Kahit anong mangyari ay hindi ko pa rin maitatangging ikaw ang una kong master, ang nagturo sa akin kung gaano kalupit at hindi makatarungan ang mundong ito." sambit ni Van Grego habang humahagulgol ng iyak.

Maya-maya pa ay pinahid niya ang luhang patuloy na umaagos sa kanyang mata papunta sa kaniyang pisngi.

"SALAMAT SA LAHAT, AKINGGGG MASSSTTEERRRRRRR!!!!!!!" Buong lakas na sigaw ni Van Grego habang namumula pa rin sa kakaiyak ang kaniyang mga mata.

Agad siyang tumayo at tuluyang nilisan ang lugar na ito na nagbigay sa kaniya ng napakapait na karanasan at alaalang hindi niya makakalimutan habang nabubuhay siya.

Pero ang hindi niya mahanap na sagot ay kung paano siyang nabuhay dahil nalaman niyang ginamitan siya ng makapangyarihang Illusion Technique at kinain ang kaniyang kaluluwa ngunit himalang nabuhay pa siya.