Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 155 - Chapter 50

Chapter 155 - Chapter 50

Sa isang malawak na lugar na nababalutan ng mga hindi mabilang na piraso ng mga ligaw na mga damo. Makikita ang isang batang nasa edad na labing lima at nalalapit na ang kaniyang kaarawan, ito ay walang iba kundi si Van Grego. Pagkatapos ng mga malulungkot na karanasang narasanan nito ay iginugol niya ang lahat ng kaniyang oras sa pag-eensayo at pagcucultivate. Umaraw at gumabi man ay wala siyang tigil sa pagsasanay ng kaniyang mga abilidad at kapangyarihan.

Ang lahat ng kaniyang mga natutunang mga skills at technique ay pinaunlad niya ng mga ito at mas pinalakas na mga skill na nakuha niya sa mga alaala ng kaniyang yumaing master. Pagkatapos niyang masinsinang inalam ang kaniyang sarili ay wala siyang itinanim na sama ng loob sa kaniyang master. Totoong masama ang kaniyang master ngunit hindi niya iyon pinili o sariling kagustuhan, sino siya para  husgahan ito. Ang kaniyang layunin ngayon ay kung paano siya mas lalong lumakas at mas mapaunlad ang kaniyang sarili. Ang kaniyang edad ay makokonsidera ng isa na siyang binata, kung nasa Grego Clan pa siya sa kasalukuyan ay maaaring nagkaroon na siya ng sariling pamilya dahil ang edad na magla-labing-anim ay isa ng mature na lalaki.

Medyo nag-iba rin ang kaniyang hitsura dahil naging singkit ang bilugan niyang mata dulot na rin ng kaniyang pagbibinata. Mas tumangkad rin siya at naging matipuno rin ang kaniyang pangangatawan. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi rin pinapahalagahan ni Van Grego dahil ang kailangan niya ay lakas at kapangyarihan na siyang sinusunod na batas ng Martial Arts World o Cultivation World.

Pero dahil sa malawak na kaalamang mayroon si Van Grego ay ipinasawalang-bahala niya na lamang ito at tahakin ang pinakadulo ng Martial Arts. Hindi pa panahon upang siya ay mag-asawa dahil bilang isang martial artists, biniyayaan sila ng mahabang buhay habang patuloy silang umuunlad lalo na sa bawat breakthrough nila. Ngayon ay nasa Peak Martial Emperor Realm na siya at patuloy pa rin sa walang kapagurang pagsasanay sa pang araw-araw na pamumuhay niya.

Hindi niya nakaligtaang makipag-sparring sa mga malalakas na mga Martial Beasts upang mas mahasa pa ang kaniyang combat skills. Masasabing isa siyang taong namuhay sa kagubatan, at ang kagubatan ang kaniyang naging tirahan. Ang mga normal na mga martial artists na kaparehong lebel niya ay walang binatbat sa kaniya sa kahit anumang aspeto.

Dahil sa pag-unlad ng kaniyang Martial Talent na nakuha kay Master Vulcarian ay mas bumilis ang kaniyang pagtaas at pag unlad sa kaniyang cultivation. Kahit kalahating porsyento lamang ang inilalaan ni Van Grego sa pagcucultivate ay dalawang beses ang nakukuha niyang resulta. Hindi niya alam kung paano ito nangyari na kahit siya mismo ay hindi makapaniwala.

Halos lahat ng mga propesyon ay pinag-aralan niyang mabuti, ang iba't-ibang konsepto maging ang kaniyang mga pambihirang mga skills at techniques ay mas lalo niyang hinasa sa paggamit ng mga ito.

Ang kaniyang mga bagong skills at mga techniques ay mga general class. Dalawa lamang ang klasipikasyon ng Martial Arts Skills/ Techniques ito ay ang Steady Class at General Class. Ang general class ay ang mga upgradable skills at techniques habang umuunlad nasabing martial artists yun nga lang ay siya lamang ang makakagamit o makakapagsagawa ng isang daang porsyentong lakas nito. Isa pa ay kaya niyang maglagay ng mga iba't ibang konsepto ng alinmang elementong gusto niyang idagdag sa atake niya. Natutunan na rin ni Van Grego ang halos lahat ng elemento kung kaya't medyo naisasabay niya ito sa kaniyang pagpapataas ng kaniyang cultivation level. Ang self-created skill ay nabibilang sa general class lalo pa't isa itong uncomplete skills o technique na maaari pang paunlarin.

Samantalang ang Steady Class naman ay not upgradable at matatawag na isang full class technique. Mayroon lamang isa o tatlong attribute lamang ang maaari mong gamitin upang isupplemento mo sa iyong Martial art technique. Karaniwan itong isang Hierarchial o heriditary technique lalo na sa isang angkan. Malakas man ito o mahina pero pamana ito ng iyong ninuno. Halos kaunti lamang ang posibilidad na umunlad pa ang mga ito depende lamang ito kung mayroon kang abilidad na pag-aralan at baguhin ang mga detalye ng nasabing hierarchial technique at makabuo ka ng panibagong skills. Ang bago mong diskubreng technique na yan ay maaaring paunlarin mo pa na mabibilang na rin sa general class pero kung hindi kompleto ang nasabing skill at nawala ang mga ito ay mahahanay pa rin ito sa Steady skill kahit gaano pa ito kalakas dahil mayroon pa rin itong limitasyon.

Ang Divine water scroll noon ni Van Grego ay masasabing steady class lamang iyon. Kahit sabihin niya pang sobrang lakas ng mga naibibigay nitong skills ay para lamang iyong isang foundation skill o Auxiliary skill. Idagdag pang hindi iyon kumpleto. Sa kasalukuyang cultivation level ni Van Grego ay hindi na iyon angkop para sa kanya ngunit dahil sa napakapambihirang alaala ni Master Vulcarian ay umunlad ang kaisipan at kaalamang meron si Van Grego. Ang lahat ng kaniyang kaalaman ay maikukumpara na sa kaalaman ng Earth Level sa iba't ibang propesyon.

Ang lebel ng sa mga propesyon ay maihahanay sa limang lebel: Common, Royal, Mystic, Earth at Heaven. Ngunit dahil sa mga alaalang natamo niya mula sa kaniyang yumaong master ay direkta siyang nasa Earth Level na noon ay naihahanay pa siya sa pinakamahinang Common Level.

Ang kaniyang mga propesyon ngayon ay purong mga Earth Level na.

At marami pang ibang mga propesyon kaso nga lang ay hindi ito angkop sa mababang mundong ito. Ang propesyong ito ay nangangailangan ng isang malawakang pagsasanay at gabundok na mga materyales upang simulang pag-aralan. Kaya mas makabubuting hindi muna ito pag ensayuhan ni Van Grego at isantabi na lamang muna kahit pa sabihing napakayaman niya sa kaalaman. Kapag nalaman ito ng matataas na mundo ay siguradong hahanapin siya ng mga ito kahit saan pa siya magpunta at iyon ang pinakaayaw na ayaw niya. Magdududa ang lahat ng mga nilalang sa kaniyang pinagmulan at iimbestigahan siya. Kapag nabunyag ang tinatagong sikreto niya lalo na ng kaniyang pambihirang katawan ay siguradong ito na ang katapusan niya.

Ang kaniyang pag unlad sa mga konsepto ay nasa 4th stage na siya. Dahil sa napakarami niyang natutunang konsepto ay natutunan niya ang mga Laws na walang iba kundi ang Law of Five Elements ( fire, water, earth, air and metal) at ang Law of Space and Time na siyang pinakamahirap na Law. Nasa threshold ng level 2 pa lamang siya hanggang ngayon dahil sa napahirap nitong pag-aralan. Kahit halos mag-aapat na taon na ang ginugol niya ay halos wala pa ring pinagbago ang kaniyang pag-aaral. Yung bang parang may nakaharang na malaking bato para pigilan siya sa pag-unlad. Usad-pagong ang kaniyang naging takbo at nananatiling walang pinagbago ito.

Kaya nga sa ilang taon niyang namumuhay matapos ng insidente ng kaniyang master ay todo ensayo lamang siya sa kaniyang mga abilidad maging sa pagcucultivate. Ilang taon rin siyang hindi nagparamdam sa kahit na sinuman. Nanatili lamang siya sa isang tagong lugar na mayaman sa Heaven and Earth Qi.

Ang kailangan niya ngayon ay ang palakasin ang kaniyang mga abilidad at kakayahang meron siya na magiging alas niya upang maprotektahan ang kaniyang sarili. Hindi niya kailanman naisip na sumuko na lamang lalo pa't ipinangako niya na sa kaniyang sarili na magiging malakas pa siya sa hinaharap at hahanapin ang kaniyang totoong ina.

Ngayong taon na ito ay sigurado siyang may malaking pangyayari ang gigimbal sa Arnigon Continent maging sa karatig nitong kontinente. Dahil sa alaala ni Master Vulcarian ay nalaman niyang mayroong malaking sikreto ang bumabalot sa mundong ito lalo na sa mga nakatirang mga kalaban sa ibayong mga dagat.

Ipinagpatuloy ni Van Grego ang kaniyang pagsasanay sa umaraw man o gumabi hindi alintana ang mga araw at oras na lumilipas.

...

Itinigil ni Van Grego ang kaniyang ginagawang pagsasanay at napagdesisyunan niyang pumunta sa bayang malapit dito upang mamili ng mga pangangailangan niya. Plano niya ng lumipat ng lugar upang maglakbay muli upang subuking muli ang sarili upang mahasa pa ang kaniyang sarili sa anumang hamong kaniyang masasagupa.

Minsanan lamang siyang pumunta sa maliit na bayang ito at halos lampas dalawang taong supply ng mga produkto at pagkain ang kaniyang binibili. Kahit papaano naman ay marami siyang ipong mga salapi. Karaniwang currency nila sa bayan ay kapirasong tanso, pilak at ginto pero sa mga malalaking mga bayan rito ay mga Blood crystals ang karaniwang pambayad. Suwerte nga lang at maliit na bayan lamang ito at kukunti lamang ang mga tao rito karaniwan ay mga grupo ng maliliit lamang na mga pamilya at angkan ang naririto. Sila ay mga matatagal na residente rito. Ang bayang ito ay tinatawag na bayan ng Small Wind.

Pinaniniwalaan kasi ng mga matatanda rito na noong panahon ay mayroong kakaibang mga maliliit na ipo-ipong animo'y sumasayaw sa hangin tanda raw na minsan itong dinaanan ng maalamat na ibon na walang iba kundi ang makapangyarihang Roc ngunit sa tagal ng panahon ay halos naging isang kwentong bayan na lamang ito na madalas na pagtawanan ng mga tao.

Upang mapabilis ang pagpunta ni Van Grego sa naturang bayan ay mabilis niyang ginamit ang kanyang movement technique na walang iba kundi Fiery Hawk Movement Technique. Ito ang mas pinaunlad na bersyon ng kaniyang lumang movement technique. May kasama rin itong konsepto ng hangin upang mas mapabilis pa ang kaniyang paglalakbay.

Ilang oras din ang paglalakbay ni Van Grego at sa wakas ay nakarating na rin sa isang malaking pintuan na papasok sa bayan. Malaki na rin ang pinagbago nito magmula ng huling siyang nakapunta rito.

"Kahanga-hanga, hindi ko aakalaing buhay na buhay ang maliit na bayang ito. Sigurado akong binuksan na ng alkalde ng bayang ito ang kalakalan." sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan ang malaking pagbabago sa bayang ito lalo na sa pamilihang ito.

Napansin niyang halos dumami ang mga produktong binebenta rito na siyang masasabi mong marami kang pagpipilian. Ang mga tao ay nagsisiksikan upang bumili ng mga pangangailangan nila.

Nagsimula na ring maglibot-libot si Van Grego at namili ng sangkaterbang mga produkto na kailangan niya sa kaniyang paglalakbay. Panlinis sa kaniyang katawan, mga halamang gamot para sa kaniyang gagawing mga ordinaryong pills. Bumili na rin ng ordinaryong karne ng mga baboy, manok at baka. Baka kasi may madaanan siyang mga palaboy-laboy na mga tao dito na wlaang makain. Iniiwasan niyang kainin ang mga ito sapagkat may mga impurities ang mga ito ngunit halos karamihang mamamayan ng Small Wind ay may normal na mga tao lamang at hindi cultivator kagaya niya. Ayaw niya namang pakainin ang mga ito ng mga niluluto niyang mga Martial Beasts dahil baka sumabog lang ang  katawan ng mga ito dahil sa malalakas na enerhiya sa bataw karne nito.

Ilang oras din ang ginugol ni Van Grego sa pamimili at halos napuno na nga niya ang loob ng ang tatlong Interstellar Ring.

Bago siya umalis ay naisipan niyang gumala muna sa maliit na bayang ito dahil baka matagal siyang mawala rito o di kaya ay hindi na siya makakabalik rito kung kaya't naisipan niyang sulitin muna ang nalalabing oras niya rito.

Habang naglalakad si Van Grego ay marami siyang nakitang mga nakakamanghang bagay katulad na lamang ng mga playground kung saan ay maraming mga batang naghahabulan at nagpapaligsahan.

Nang malampasan niya ito ay medyo napadpad siya sa mga kabahayan, alam niyang ito ang pinakaloob ng maliit na bayang ito.

May nakita siyang nagtutumpukang mga tao sa isang malaking karatula. Sigurado siyang dito nakalagay ang mahahalagang impormasyon hinggil sa mainit na balita mula sa ibang lugar sa labas ng bayang ito.

Agad niyang tinalasan ang kaniyang pandinig upang marinig ang pinag-uusapan ng mga residente rito.

"Noong nakaraan ay puro mga masasamang balita ang naririnig ko tungkol sa mga kaguluhan sa naglalakasang Tatlumpu't-anim na mga sect ngunit ngayon ay isang magandang balita ito. Magkakaroon ng Grand Tournament ang Raining Cloud Academy ng Central Region na nangyayari lamang tuwing siyam na taon. Isa itong biyaya mula sa kalangitan!" mahabang sambit ng isang ginang sa mga kausap nito habang namamangha.

"Oo nga, narinig kong kahit sino ay pwedeng lumahok sa kompetisyong ito ngunit pinangangambahan kong marami ang lalahok dito." sambit ng isang ginang habang malungkot ang ekspresyon nito sa mukha nito.

"Mali ang iyong sinasabi mare, nakasaad sa karatula na ang pwedeng lumahok lamang dito ay ang mga kabilang lamang sa tatlumpu't-anim na mga Sect." kontra naman ng isang ginang habang binabasang maigi ang rules na nakasaad sa karatula.

"Diba ang Raining Cloud Academy ay isa sa makapangyarihan at napakalakas na Academy ng Central Region. Isa pala itong napakagandang oportunidad sa maswerteng mapipili."

"oo tama ka dyan, idagdag pang magiging isa kang outer disciple ng napakalakas na Martial School na ito. Sino ba naman ang hindi gugustuhing mapabilang rito." sambit naman ng isang ginang na animo'y nananaginip ng gising.