Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 150 - Chapter 45

Chapter 150 - Chapter 45

"Aba'y aasahan ko ang iyong sinabi. Sana lang ay huwag mong hayaang pangunahan ka ng iyong emosyon. Mahirap kapag nakalaban mo ito sapagkat ang mundo ng martial arts ay napakakomplikado at napakasalimuot. Hindi maaaring pairalin lamang ang iyong damdamin dahil iyan ang tatalo sa iyo. Karamihan sa mga malalakas na martial artists ay sariling interest at hangarin ang sinusunod at tinatahak. Pero ano ba ang iyong totoong layunin bata?" Puno ng pagtatakang sambit ni Master Vulcarian. Masyadong napuno ang kaniyang kaisipan ng mga katanungan. Bilang alilang lubos at galing sa napakaliit na kontinente ng hyno na maihahalintulad lamang sa maliit na isla ay nakapagtataka sa isang batang musmos katulad ni Van Grego na tahakin ang daan bilang isang martial artists. Para sa kaniya ay pwedeng mamuhay lamang ang batang si Van Grego ng normal gaya ng mga ordinaryong tao na mamuhay, magkapamilya at tumandang kasama ang kaniyang magiging pamilya. Bilang isang martial artist ay isang napakakomplikado at napakahirap tahakin upang umunlad. Mahaba man ang buhay na dadagdag sa iyo ay madalas pa ring kailangang mag-ensayo, magpaunlad ng sarili at lumakas.

"Gusto kong lumakas Master, hindi upang maging panginoon ng mga lupain kundi ang tuklasin ang aking tunay na pagkatao. Hindi ko man ginustong maging martial artists ngunit ganon ang aking naging kapalaran. Napadpad ako sa isang ordinaryo at napakahinang martial family clan, ang aking tadhana ay hindi na maaaring magbago lalo pa't napatunayan kong ang buhay ay paiba-iba ng takbo, minsan nasa itaas minsan naman ay nasa ibaba ka. May aalis at merong darating na mga tao sa buhay mo. Napatunayan kong ang tadhana ay mapaglaro minsan at ito mismo ang gagabay at magpapaintindi sa iyo ng totoong kahulugan ng buhay." Mahabang sagot ni Van Grego. Masyadong napakamisteryo ng tadhana kung saan ay hindi mo alam kung paano ito gagalaw sa pamamagitan ng mga tao at mga nilalang. Pagtatagpuin kayo nito at minsan naman ay paghihiwalayin kayo ng landas.

"Maiba tayo master, mayroon akong bagay upang tugunan ang aking pagpapaunlad sa konsepto ng apoy. Ito po oh." Masyang sambit ni Van Grego habang may dinukot siya sa kaniyang interstellar ring sabay pakita ito sa kaniyang kamay. Isa itong maliit na vial na naglalaman ng kulay pulang likido.

Gamit ang divine sense ay sinuri ni Master Vulcarian ang nasabing bagay na ipinakita ni Van Grego.

"Hindi maaari ito, paano ka nagkaroon ng Blood essence ng isang makapangyarihang nilalang?! Kung hindi ako nagkakamali ay blood essence ito ng Vermillion Bird na siyang pinaniniwalaang nahahanay sa bloodline ng isang maalamat na phoenix!" Hindi makapaniwalang sambit ni Master Vulcarian.

"Master, ano pong ibig niyong sabihin? Kakaiba po ba ang blood essence ito? Gaano po ba kalakas yang sinasabi niyong Vermillion Bird na yan?!" puno ng pagtataka ni Van Grego. Hindi niya lubos maisip kung gaano kalakas ang isang Vermillion Bird pero ang marinig ang maalamat na nilalang na phoenix ay masyado atang napakakakaiba ng dating nito sa kaniya. Ni minsan ay wala siyang nakitang ibon na kagaya ng Vermillion Bird. Akala nga niya ay kwentong bayan lamang iyon.

"Ang Vermillion Bird ay isang napakalaking ibon na kayang gunawin ang isang maliit na isla o hatiin ang mga kalupaan sa mga atake nito. Ang mga ito ay mayroong klasipikasyon batay sa dami at kalidad ng blood essence ng mga ito. Alam mo naman na ang blood essence ng mga nilalang ang pinagmumulan ng kanilang mga kapangyarihan lalo na ng mga martial artists. Kapag ginamit natin  ang ating blood essence sa ating katawan ay nasusunog ang mga ito at mahirap ng ibalik o marestore. Kaya nga masasabing isang emergency saver ang ating blood essence kapag nasa ibayong panganib tayo dahil magagamit natin ito ngunit may kaakibat rin itong masamang resulta dahil hindi ito nagreregenerate at magbubunga ito ng panghihina ng ating katawan. Kung masaid natin ang blood essence natin ay mahihirapan na tayong magpatuloy at umunlad pa lalo kaya dapat maging maingat ka bata." Sambit ni Master Vulcarian.

"Opo master, tatandaan ko po ang inyong mga naituro sa akin." sambit ni Van Grego. Naalala niya rin kung paano ginamit ng mga nasagupa niyang martial artists ang kanilang blood essence at kung paano lumakas at naging makapangyarihan ang mga ito. Pero kaakibat rin pala nito ang kanilang ibayong panghihina lalo pa't konting oras lamang ang epekto nito upang lumakas ngunit ibayong hirap at pagkaantala ang maaaring idulot nito sa mga martial artists.

"Alam mo naman bata na ang lahat ng bagay sa mundong ito at sa ibang mundo ay kailangan mo ng lakas at makipagsapalaran upang matamo ang mga bagay na gusto nating makamit kaya't hindi na nakakapagtakang mayroong magtatagumpay at mayroong masasawi. Kaya, dapat wag mong pangunahan ang bagay-bagay at maging maingat sa iyong magiging kilos at mga desisyon. Siya nga pala, dahil mataas ang kalidad ng Vermillion Bird Blood Essence na nasa iyo ay kailangan mong tapatan iyan ng Blood Essence ng isang makapangyarihang nilalang na may kinalaman sa pagpapataas ng iyong konsepto sa tubig, ito ay walang iba kundi ang Blue Luan.

"Blue Luan?! Sigurado po ba kayo Master? Sinabi niyo nga pong walang matatagpuan ditong kahit bakas ng Vermillion Bird sa mundong ito pero ang Blue Luan, nagpapatawa po ba kayo?!" Sambit ni Van Grego habang hindi alam kung matatawa o maluluha.

"So paano mo nakuha ang Vermillion Bird Blood Essence bata?!" Puno ng kuryusidad na sambit ni Master Vulcarian.

"Kay Binibining Mystica po Master, ma----!"Sambit ni Van Grego ngunit pinutol agad siya ni Master Vulcarian.

"Sa uod na iyon?! Sigurado ka bata... hindi maaari!" sambit ni Master Vulcarian na animo'y litong-lito.

"Master, ano po ang ibig niyong sabihin?!" sambit ni Van Grego habang nagtataka sa tono ng kaniyang master.

"Ikukuwento ko sa'yo bata ang maliit na detalye na alam ko patungkol sa kaniya. Si Binibining Mystica na sinabi mo ay kilala sa tawag na Mystic Ice. Ang kaniyang angkan ay tinatawag na Python Clan, isa ito sa malaking angkan ng Martial Beasts ng mga ahas. Siya ay kaisa-isang babaeng ahas na may dugong Royal Blood. Kung tutuusin ay maaari siyang ipatalsik at gawing ordinaryong mamamayan lamang ng kanilang angkan dahil sa babae nga ito, dahil mga kalalakihan lamang ang kanilang maaaring maging pinuno. Ngunit hindi ito nangyari sapagkat si Binibining Mystica ay biniyayaan ng kakaibang abilidad at kapangyarihan na kilala noon pa man sa kanilang lahi. Mayroon siyang Ancient Ice scale, pinaniniwalaang siya ang itinakda bilang magiging reyna ng Pythin Clan at magiging reyna ng mga Martial Beasts ng Middle Realm!" Sambit ni Master Vulcarian sa malakas na boses sa pamamagitan ng mindlink nila ni Van Grego.

Nang marinig ito ni Van Grego ay parang bomba ito sa kaniyang pandinig at nakabuka ang kaniyang bibig dahil sa isa ito sa malaking rebelasyon para sa kaniya. Alam niya na ang Middle Realm ay higit na mas malaki at malawak kumpara sa maliit na mundong ito. Isang buong realm kumpara sa maliit na mundo o planetang ito, isang nakakatawang pagkukumpara. Si Binibining Mystica ay isang Royal Blood na galing sa malaking angkan ng Python Clan at magiging bagong reyna ng Martial Beasts sa Middle Realm sa hinaharap? Isa iyong karangalan para sa katulad ni Van Grego na isa lamang ordinaryong nilalang.

Ngunit ang namamanghang ekspresyon sa mukha ng batang si Van Grego ay napalitan ng pagkalito at pagkabalisa.

"Ngunit master, paano niyo iyon nangyari? Bakit nandito siya sa mababa at maliit na mundong ito?! Ano ba ang nangyari?!" Sambit ni Van Grego habang litong-lito siya at hindi niya alam ang pagkakasunod sunod ng pangyayari. Kahit sabihan pa siya ng kaniyang master na chismoso o kung ano pa man ay hindi niya hahayaang maging mangmang siya at walang alam sa nangyayari sa mataas na mundo.

"Nakakalungkot man isipin bata ngunit ang Python Clan ay matagal ng binura sa mapa ng Middle Realm. Isa na lamang silang malagim na kasaysayan sa mundong iyon." Malungkot na saad ni Master Vulcarian.

"Hindi maaari iyon Master, paanong nangyari iyon master, napakalaki ng angkan ng Python Clan sabi mo pero nabura lang sila ng ganon na lamang?! Pinaglololoko mo ba ko master?!" sambit ni Van Grego at hindi mapigilang magtaas ng boses ito.

"Nasabi ko na ang dapat mong malaman bata, hindi ko maaaring sabihin sayo ang buong detalye sapagkat ang bata-bata mo pa at wala ka pang lakas at kapangyarihang ipagtanggol man lang ang iyong sarili. Sa ngayon ay magpalakas ka pa baka sakaling matulungan mo si Mystic Ice sa hinaharap." sambit ni Master Vulcarian sa mababang tono. Ayaw niyang makipag-argumento pa sa batang disipulo niya. Kaoag nalaman nito ang detalye ng nangyari at aksidente nilang masagupa ang kaalyansa ng malakas na angkang mortal na kaaway ng Python Clan ay siguradong matutunton lamang nila si Mystica at iyon ang pinakaayaw mangyari ni Master Vulcarian lalo pa't maging siya ay baka matagpuan ng kaniyang mga mortal na kaaway at iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. Wala naman siyang pakialam sa munting uod na iyon pero ang layunin niyang makabalik sa lugar niya ang kaniyang pangunahing mithiin.

"Naintindihan ko po Master. Siya nga po pala master, totoo po bang mayroong Blue Luan dito sa mundong ito?!" Tanong ni Van Grego habang kumikislap ang mata nito tandang nagagalak ito upang makakita ng personal ng isang Blue Luan.

"Hahahaha... Wala!" sambit ni Master Vulcarian sa mataas na boses. Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Van Grego na ngayon ay nakasimangot na halos hindi maiguhit ang mukha.

"Wala naman pala master eh, paasa po kayo!" Napipikong sambit ni Van Grego. Alam niyo yung pakiramdam na umasa ka tapos wala naman pala.

"Bata, kung meron mang Blue Luan sa mundong ito ay siguradong maihahalintulad iyon sa paghanap natin ng kayamanang nakabaon sa napakalawak na desyerto. Ang punto ko dito ay maaaring wala dito sa mundong ito ang Blue Luan sa kasalukuyan ay maaaring napreserba o napasakamay ng iba ang mga Blood essence nito. Hindi mo ba alam na noong unang panahon ay konektado ang lahat ng karagatan sa matataas na mundo maging dito sa napakababang mundong ito. Ang Blue Luan ay kilala bilang isa sa mga nilalang na mahilig maglakbay sa mga malalayong lugar, maging sa lower Realm na ito ay napuntahan na rin nila ang mga ito. Pero sa kasamaang palad, mayroong naiiwan, naliligaw o kaya ay piniling manatili sa lugar na kanilang nagustuhan kung kaya't dito ay permanenteng nanirahan ang mga ito. Nagkaroon sila ng mga bloodline mula sa iba't-ibang martial beasts na naririto sa mundong ito. Kaya hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang lahi ngunit hindi lamang natin napapansin." mahabang salaysay ni Master Vulcarian gamit ang mindlink.

"Ganon pala yun Master pero paano po natin iyon malalaman? Saan po tayo maghahanap? Sa desyerto po ba kung saan nakabaon ang kayamanan?!" sambit ni Van Grego habang nakapalumbaba.

"Pinipilosopo mo ba ko bata?! Makakatikim ka talaga sakin hmmp! Buti natanong mo sakin kung saan tayo maghahanap, walang iba kundi sa Desolate Water Island! Charraannn!" Sambit ni Master Vulcarian na animo'y tuwang-tuwa. #it'spaybacktime.

Nang marinig ito ni Van Grego ay halos manlaki ang mata nito hindi dahil sa pagkamangha kundi sa ibayong takot.

"Master, sabihin mong nagbibiro ka lang. master, master? MAAAASSSSSTTTTTEEEERRRR!!!!!" sambit ni Van Grego habang mahahalata sa itsura nito ang takot.

"Oh, napano ka bata? Parang nakakita ka ng multo ah!" mapang-asar na sambit ni Master Vulcarian.

"Pwede po bang pass nalang muna ako diyan master? Masyado kasing delikado ng lugar na yan eh." sambit ni Van Grego. Alam niya kasing napakadelikado pa para sa kaniya ang lugar na iyon lalo pa't tanging Martial Ancestor pataas lamang ang maaaring makalabas ng buhay doon. Parang kinitil niya na rin ang kaniyang sariling buhay kapag pumunta siya roon.

"Kung yan ang gusto mo bata. Naalala kong malapit ka na pala sa Level 3 ng konsepto ng Apoy at Tubig. Maaari mo ng pasimulan ang pagpu-fuse ng dalawang konsepto ng magkaibang elemento (apoy at tubig) kaso nga lang ay imposible lamang ito kapag may mataas kang persepsyon at talento para magtagumpay ka at tanging pagpapalakas ng elemental affinity kagaya ng pagtransplant ng blood essence ng malalakas na nilalang na may kaugnayan sa nasabing konsepto at elemento ay magiging mataas ang success rate ng nasabing elemental fusion. Okay, sige bata... Kaya mo yan, pahinga muna ak-------!" Mahabang pagkakasabi ni Master Vulcarian ngunit pinutol agad ito ni Van Grego.

"Uy master, parang hindi ka naman mabiro eh. Alam mo namang biro lamang iyon. Alam ko namang may mabuti kang puso upang turuan at gabayan ako para sa aking ikauunlad." Nakangiting sambit ni Van Grego habang naniningkit ang mata.

"Parang napipilitan ka ata bata eh, sige aal----!" sambit ni Master Vulcarian ngunit mabilis namang sumagot si Van Grego.

"Master, parang di ka naman mabiro eh, joke lang po yun noh. Malakas ka kaya sa akin." sambit ni Van Grego habang matamis na nakangiti.

"Okay, sabi mo eh hehehe..." sambit ni Master Vulcarian sa kakaibang tono.

Lihim namang natakot at umasim ang mukha ni Van Grego. Alam na alam talaga ng master niya ngayon kung paano siya i-blackmail.

"Wait for my revenge master hehe...!" sambit ni Van Grego sa kailaliman ng kanyang kaisipan.