Ang Desolate Water Island ay isa sa maituturing na Forbidden Area sa West Region ng mundong ito. Masasabing ang lugar na ito ay misteryosong lumitaw sa malawak na katubigang malapit sa Kontinente ng Arnigon o mas kilala sa tawag na Bat Continent. Napakakakaiba ng lugar na ito sapagkat dito nagtatagpo ang maalat at matabang na tubig at mayroon ding iba't ibang densities ng tubig kung kaya't bawat lugar ay may iba't ubang klaseng kulay at lalim ng tubig. Ang kailaliman ng bawat lugar ng katubigan ay walang eksaktong lalim. Ang islang ito ay animo'y butas-butas Kung kaya't kailangan ng iabyong pag-iingat hindi lamang sa iyong tinatapakan kundi maging sa mga nilalang na nakatira mismo sa ilalim ng katubigan maging sa mga lupang ito. Mayroon ding mga solid N lupa na matatapakan hanggang sa kaloob-looban nito at mayroon ding mga mayayabong na puno kung saan ay tumatakip at hinaharangan ang pagpasok ng init sa kaloob-looban ng lugar.
Kasalukuyang nakasakay si Van Grego sa isang maliit na bangka. Tanaw niya ang maliit na isla na tinatawag na Desolate Water Island. Hindi naman ito kalayuan Mula sa kontinente ng Arnigon. Maliit lang ito kumpara sa Hyno Continent ngunit napakasukal nito kumpara sa kontinenteng kinagisnan ni Van Grego. Sa bawat sagwan ni Van Grego ay ibayong ingat ang kaniyang ginagawa. Binili niya ang maliit na bangkang ito sa mababang presyo lamang. Sampong tanso lamang ito lalo pa't may kalumaan na ito tanda na rin ang bakas ng pagkakaroon ng malilit na bahay ng mga anay rito at iba pang mga marka ng iba't-ibang insekto. Isa pa ay halos display na lamang ito ng isang nangangalakal. Wala rin ang gustong pumalaot lalo na sa katubigang malapit sa Desolate Water Island. Masyadong delikado para sa indibiduwal lalo na sa mga ordinaryong mga tao na gusto lamang maghanapbuhay. Isa pa ay hindi lamang sila ang nilalang na nabubuhay rito kasama pa riyan ang mga hybrid na ayaw na ayaw silang makasalamuha.
Kasalukyang tirik na tirik ang araw ng matanaw ni Van Grego mula sa dikalayuan ang kabuuang itsura ng Desolate Water Island. Hindi rin ito masyadong malayo sa Arnigon Continent kung kaya't mabibilang na parte o bahagi pa rin ito ng nasabing kontinente. Napakaganda ng lugar na ito at maikukumpara sa isang natatanging paraiso ngunit nagbago bigla ang reaksyon ng batang si Van Grego ng masuri niya ang gumagalaw na mga bagay o mas mabuting mga kakaibang uri ng mga nilalang na hindi pa tukoy kung ano-ano ang mga ito.
Habang papalapit ng papalapit siya sa munting isla ay ibayong panganib naman ang nararamdaman ni Van Grego. Ngayon ay mas kitang-kita niya kung ano ang mga nilalang na ito. Halos lahat ay purong mga Water-Type Beast, halimaw na may taglay ng natural na elemento na walang iba kung hindi ang tubig. Mayroong malalaki, malahigante sa laki, meron ding katamtaman lamang at meron ding maliliit lamang. Namanghang lubos si Van Grego dahil hindi niya lubos aakalain na sa ganitong estado ng lugar ay marami pa rin ang patuloy na nabubuhay rito isama pang law of jungle ang sinusunod rito. Isa lamang ang ibig sabihin nito, bawat isang nilalang na naririto ay hindi dapat baliwalain lakas kahit ano pa ang itsura ng mga ito o laki ng mga ito.
"Giant Water Spider, Violet Devil dogs, Winged Elephant... Nakakamangha ito master, hindi ko aakalaing kayang-kayang mamuhay ng mga ito sa ganitong klaseng lugar!" sambit ni Van Grego habang manghang-mangha sa kaniyang nakikita.
Ngunit bigla na lamang natigilan si Van Grego ng makita niya ang nakakapanindig-balahibong pagbabago sa lugar ng Violet Devil Dogs na kilala bilang isang isa sa mga scavenger beasts.
Nakita niya kung paano gumalaw ang lupang tinatapakan ng Violet Devil Dogs sa mabilis na paraan. Para itong pabilog na bagay na siyang biglang nilamon ang mga Violet Devil Dogs. Maya-maya pa ay tumiklop ito at animo'y humigpit ng humigpit hanggang sa pumormang lutos at sa bawat petals niyo ay tumutulo ang napakapula at napakasaganang dugo na walang iba kung hindi dugo ng Viet Devil Dogs. Bigla rin itong lumubog pailalim sa kailaliman ng lupa.
"Pa-paanong n-nangyaring ito? Hindi maaari!" sambit ni Van Grego na gulong-gulo ang isipan. Kahit siya ay hindi alam ang buong pangyayari at sa bilis ng pangyayaring ito. Kahit siya ay hindi niya inaasahan ang mga ito.
"Ignoranteng bata, hindi lamang mga halimaw na iyon ang nabubuhay rito kundi maging ang mga napakadelikado at mapamuksang mga halaman ay nakayang mamuhay rito kasama ang mga martial beasts. Sigurado akong isa iyong mutated martial plant na nakatagpo ng sarili nitong swerte at nagpasailalim sa special mutation. Kung ordinaryong halaman lamang iyon ay kayang-kayang tumakas ng mga Violet Devil Dogs, kung minamalas ka nga naman hahahaha!" sambit ni Master Vulcarian habang binibigyang detalye nito ang buong pangyayari kani-kanina lamang.
"Pasensya po master, hindi ko aakalaing pati mga halaman rito ay napakadelikado na kayang gawing hapunan ang mga martial beasts o ordinaryong beasts rito. Ngunit kung hindi ako nagkakamali ay isa lamang iyong ordinaryong brown lotus ngunit napakagrabe naman ang reaction time nito at ang dambuhalang paglaki nito." sambit ni Van Grego Habang magkahalong pagkamangha at pagkabahala.
"Tama ka bata, ang halaman na iyon ay walang iba kung hindi ang brown lotus at ngayon ay isa na itong mutated brown lotus. Kapag ipinakita na nito ang kaniyang totoong itsura ay nangangahulugan lamang ito na mag-uunder na ito sa stage 3 na walang iba kundi ang reproduction. Kapag mangyayari ito ay siguradong ang lugar na kinaroroonan nito ay magiging sarili na nitong teritoryo at ang mga anak nito ay magiging hukbong sandatahan nito." Sambit ni Master Vulcarian na animo'y nababahala rin.
"Master, kung hindi ako nagkakamali ay kapag nagreproduce ang isang brown lotus ay kaya nitong magreproduce ng milyon milyong mga bagong silang na mga brown lotuses. Kapag nangyari ito ay siguradong sila na ang pinakamarami at may pinakamalakas na nilalang sa Desolate Water Island. Hindi lamang iyon, nabasa ko rin na kayang-kaya nilang mabuhay mapalupa o mapatubig man." Sambit ni Van Grego sa nababahalang boses.
"Tama ka, kapag nagpatuloy ang pagdami ng brown lotus ay magiging parasite sila sa lugar na ito lalo na sa Arnigon Continent pero ang lubos mong ipinagtataka ay kung paano ito nagmutate ng sobrang tindi hindi ba?isipin mong mabuti bata hehehe..." Sambit ni Master Vulcarian na malademonyo sa isipan ni Van Grego.
"Siguro ay may kinalaman ito sa pagkatagpo nito ng isang makapangyarihang bagay katulad na lamang ng Blood essence. Kung hindi ako nagkakamali ay may kinalaman ito sa buto o bangkay ng yumaong malakas na nilalang lalo pa't ang mga buto nito ay mayroong nakaimbak na mga blood essences isa pa ay matatagpuan lamang ang mga brown lotus sa mga libingan o mga ancient battlefield o mga digmaan." sambit ni Van Grego habang inaanalisa ang mga bagay-bagay na patungkol sa pinagmulan ng brown lotus at lokasyon nito.
"Tama ka diyan bata, hindi maipagkakailang isa ka ngang napakatalinong alchemist. Ngunit nakalimutan mo atang hindi pangkaraniwang brown lotus nasaksihan natin kani-kanina lamang hehe..." makahulugang sambit ni Master Vulcarian.
Nag-iisip ng mabuti ang batang si Van Grego kung paano nangyari ito at paano lamang ito nagkaroon ng ekstraordinaryong brown lotus. Nang Biglang nagliwanag ang mukha ni Van Grego.
"Hindi maaari... Master, kung hindi ako nagkakamali ay may kinalaman ito sa Blue Luan Blood Essence lalo pa't kapansin-pansin ang animo'y tubig na malagkit sa paa ng mga Violet Devil Dogs kung kaya't hindi agad sila nakaalis sa pangahas na bitag ng Mutated Brown Lotus." sambit ni Van Grego habang namamangha sa kaniyang natuklasan.
"Tama ka bata, nagkaroon na ng water attribute ang brown lotus dahil sa mutation nito. Ang nakakamangha pa rito ay mayroong high grade Blue Luan Essence ito. Ngunit kailangan muna nating iwasan ang lugar na iyon, doon muna tayo pupunta sa malawak na water pools." Sambit ni Master Vulcarian gamit ang mindlink.
"Opo master!" sambit ni Van Grego habang mabilis na inilihis ang direksiyon ng bangka patungo sa mga water pools.
Maya-maya pa ay narating ni Van Grego ang lokasyon ng mga water pools. Maingat siyang nag-obserba sa paligid at marami siyang natuklasang mga bagay-bagay rito. Nasanay siya sa kagubatan ngunit ang lugar na ito ay hindi niya nakasanayan kung kaya't medyo inaanalisa at inoobserbahan ang lugar na ito.
Ang mga water pools ay may iba't ibangkulay ng tubig kung saan ang bawat water pool ay animo'y mga butas-butas ngunit punong-puno ito ng tubig. Mayroong malinaw, malabo at ang iba'y sobrang dilim. Hindi rin tukoy ang lalim ng mga ito at halos konti laamng ang mga halaman at mga hayop na makikita rito.
"Mag-iingat ka bata, kahit na nakakamangha ang lugar na ito sa iyong mata ngunit ang ibayong panganib rito ay hindi basta-basta. Isa itong forbidden area ng Arnigon Continent dahil sa nababalot nitong misteryo." sambit ni Master Vulcarian.
"Opo Master!" sambit ni Van Grego. Alam niya na ito ng una pa lamang. Kahit ang pagpunta niya palang rito ay marami na siyang naririnig na bagay-bagay tungkol sa islang ito dahil walang tao ang nakabalik rito ng buhay at ang mga misteryosong penomena na nangyayari rito lalo na kapag maalon ang tubig. Maraming haka-haka tungkol sa islang ito na siya namang kinokonsidera ni Van Grego.
"Gamutin mo ang movement technigue mo bata at pumunta tayo papasok ng gubat, hindi mo alam ang mangyayari sayo kapag nagtagal pa tayo sa mga water pools na naririto. Ang mga mahihinang hayop na nakikita mo rito ay pawang mga pain lamang yan ng mga halimaw na nakatira sa tubig." sambit ni Master Vulcarian na puno ng babala.
Hindi na tumugon si Van Grego at mabilis na tinungo ang kapatagang lugar na papasok ng kagubatan.
"Pawang mahihina lamang ang bloodline ng mga nilalang na makikita mo rito bata sa kapatagang ito idagdag pang napakanipis ng mga energy fluctuations sa lokasyong ito." sambit ni Master Vulcarian habang pinag aaralan niya ang bawat beasts na nakakalat sa paligid ng batang si Van Grego.
Tanging tango lamang ang naging tugon ni Van Grego ukol dito. Masasabi niyang pawang malalakas naman ang mga Martial Beasts na nakikita niya kagaya na lamang ng Yellow Tailed Turtle, Poison Spider at iba pa kung kaya't iiwasan niya na lamang ang mga ito lalo pa't wala siyang mapapala kung lalabanan niya ang mga ito.
Ipinagpatuloy ni Van Grego ang paglalakbay papasok ng masukal na kagubatan ng Desolate Water Island. Hindi rin siya nangangamba na atakehin siya ng mga halimaw na ito dahil mataae ang attainments niya sa konsepto ng tubig, nasa threshold na siya ng level 3 kung saan narereduce na ang alinmang atake ng 90% kaya ang pakikipaglaban sa kaparehong attribute ay magreresulta lamang sa draw o patas ngunit lamang pa rin siya dahil alam niya ang konsepto ng tubig pwera na lamang kung makakasagupa siya ng higit na malalakas na Martial Beasts.
Ilang oras din ang paglalakbay ni Van Grego ng mapansin niyang halos kokonti na lamang ang kaniyang nakikitang Martial Beasts hanggang sa wala na siyang makasalubong na higit niyang ipinagtataka.
"RRRRRROOOOOOOAAAAAAARRRRR!!!!"
Isang napakalakas na atungal ng hindi pa kilalang nilalang ang biglang umalingawngaw sa paligid. Maririnig ang mumunting pagyanig ng kalupaan na tinatapakan ni Van Grego at papalakas pa ang mga yabag nito.
"Kung sinisuwerte ka naman bata, mayroong dalawampong Blue Luan blood essences ang paparating na halimaw hehe..." malademonyong sambit ni Master Vulcarian sa pamamagitan ng mindlink.
Maya-maya pa ay biglang lumitaw sa hindi kalayuan ang isang halimaw. Makikita sa mukha ni Van Grego ang gulat at pagkamangha.
"Papatayin ko ba to Master? Di hamak na mas malakas ang halimaw na ito kumpara sa nakita natin kanina eh!" Maktol ni Van Grego. Halatang medyo takot siya sa nakikita niyang martial beasts ngayon.
"Papatayin mo ba o papatayin mo?!" sarkastikong sambit ni Master Vulcarian.
"Oo na nga lang, wala naman akong pagpipilian eh." pasarkastikong tugon ni Van Grego.
Mabilis na ginamit ni Van Grego ang kaniyang movement technique at bumuo ng Fusion Fire Whip. Ang elemento ng apoy ay natural na kaaway at kahinaan ng tubig maging ng mga Water-Type Beasts.
Nang makalapit si Van Grego sa kinaroroonan ng kalaban niya ay nagulat siya sa kaniyang nakita. Isa pala itong Two-headed Giant Crocodile. Pero ang hindi niya sukat akalain ay tatlong beses na malaki ito kumpara sa ordinaryong Two headed Giant Crocodile ang kaliskis nito ay halos kulay berde ngunit ang iba ay kulay asul. Ang mga kuko nito ay sobrang haba at matatalim maging ang mga ngipin nito ay ilang centimetro ang haba.
"Kaya pala, isa lamang ang ibig sabihin nito, napasailalim ito sa mutation dahil sa Blood Essence ng Blue Luan." sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang.
"Crocodile Jump!"