Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 149 - Chapter 44

Chapter 149 - Chapter 44

Hindi namamalayan ang takbo ng panahon at isang buwan muli ang nakakalipas magmula ng matapos ang tournament na idinaos sa Soaring Light Sect. Walang naging balita si Van Grego sa naging takbo at resulta ng nasabing labanan. Itinuon niga ang isang buwang ito sa pagcu-cultivate at pagpapatibay ng kaniyang pundasyon sa katawan maging ang pagpapaunlad ng kaniyang konsepto ng tubig. Kapansin-pansin ang paglakas at pag-unlad ni Van Grego lalo na sa pangkabuuang aspeto ng pagiging martial artists.

Sa isang malaking batuhan sa gitna ng lawa ay makikita ang batang si Van Grego na masipag na nagcucultivate pa rin kahit na tirik na tirik ang araw lalo pa't magtatanghaling tapat pa naman ngunit hindi nito alintana ang init. Kung normal na tao lamang siguro ang nakabilad at nakatunganga buong isang buwan ay siguradong nabaliw na ito o kaya ay namatay na ito sa heat stroke. Hindi biro ang init sa tanghaling tapat at grabeng uhaw ang mararamdaman ng kahit na sino ngunit para sa batang si Van Grego, isa itong mabisang pamamaraan sa makabuluhang pag-eensayo at pagcucultivate. Kasalukuyan siyang nasa kalagitnaan ng pagsasaayos ng kanyang pag-attempt sa ika-limang core ng Diamond Life Destuction Realm. Medyo komplikado ang kaniyang kalagayan lalo pa't mas mahirap ng ilang beses ang kaniyang cultivation system kaysa sa mga martial artists sa mundong ito. Konting pagkakamali niya lamang at magkakaroon ng problema sa pagbuo niya ng kaniyang ikalimang core. Habang papatagal ng papatagal habang tumataas ang lebel ng cultivation ni Van Grego ay papahirap ng papahirap ang kaniyang ginagawang pagpapatibay ng kaniyang cultivation foundation. Kung magpapadalos-dalos siya ng desisyon ay maaaring mag-umpisang muli siya sa pinaunang proseso ng ikalimang core at magkakaroon siya ng soul damage at pisikal na sakit sa kaniyang meridian at lalong-lalo na sa kaniyang dantian. Hindi pa man ito tuluyang bumukas ngunit kapag nasira o naapektuhan ito ay siguradong pagbabayaran niya ito panghabang-buhay. Kaya ingat na ingat si Van Grego sa oras na ito. Hindi rin siya ginugulo ni Master Vulcarian dahil alam rin nito ang maaaring maging bunga ng kaniyang magiging epekto. Ayaw niya itong mangyari at gugustuhin niya na mas mabilis na umunlad ang bata at mas mapadali ang kaniyang pagbalik sa mataas na mundo.

Balot si Van Grego ng kulay asul na enerhiya. Maging ang kaniyang kaalaman sa konsepto ng apoy at tubig ay humalo rin sa kaniyang enerhiya. Kulay pula at kulay berde ang mgs ito. Lahat ng kaniyang itinatagong enerhiya sa katawan ay lumalabas ng kusa dahil na rin sa pag-attempt niya sa  pagtapak sa 5th Core-Diamond Life Destruction Realm. Kung bakit nangyayari ito? Simple lamang ang sagot dahil ang buong potensyal ng martial artist ay naisasama sa susunod niyang lebel ng cultivation. Binabago ang structura ng enerhiya, soul at pisikal na katawan ng martial artists upang maging balanse ang lahat ng bagay-bagay na bumubuo sa buong pagkatao nito. Kaya nga hindi nakakapagtaka na mas malakas at matibay ang pangangatawan ng  mga martial artists kaysa sa mga ordinaryong tao o mga ordinaryong nilalang.

Unti-unti tumingkad at kumapal ang enerhiyang bumabalot sa katawan ni Van Grego.  Hindi maipagkakailang nasa late stages na siya kung saan ay kaunting oras na lamang at malalaman kung magtatagumpay siya sa pag-breakthrough o hindi. Ito lamang ang dalawang kahihinatnan ng prosesong ito, walang pagpipilian ang sinuman lalo pa't likas sa tao ang hindi makontento gayon din ang ibang mga nilalang. Gusto nilang makawala sa gapos o kadenang gawa ng kalangitan upang kontrolin nila ang kanilang magiging kapalaran ngunit mangyayari kaya na magtagumpay ang sinuman o mayroon bang nakawala sa kamay ng kalangitan at nakontrol ang kanilang kapalaran o ng mga taong nasa paligid nila? Palaisipan pa rin ito lalo pa't oras at panahon ang kalaban ng lahat ng nilalang na nabubuhay maging ng mga bagay-bagay sa mundong ito.

Patuloy lamang ang katawan ni Van Grego sa paglabas ng kaniyang mga enerhiya. Hindi niya alintana ang kaniyang kapaligiran. Pinukos niya ang kaniyang sarili sa kaniyang meridian habang maingat na pinapadaloy ang mga enerhiya sa kaniyang meridian at sa 360 acupoints niya.

"Hindi ako maaaring mabigo, masyado na kong mabagal sa pag-unlad ng aking cultivation level. Kahit na may malakas ako sa pakikipaglaban ay may limitasyon pa rin iyon, konti nalang..." sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lalo pa't hindi basta-bastang pagbreakthrough lamang ang gusto niya, dapat ay perfect breakthrough dahil makakaapekto sa kaniya kung simpleng pagpapataas lamang ng lebel dahil magiging marupok ang kaniyang pundasyon sa katawan na magreresulta ng paghina ng kaniyang pangkabuuang lakas. Hangga't maaari ay dapat niya o nilang gawing perpekto ang kanilang nasabing pag-breakthrough. Hindi ibig sabihin na kung bata ka pa na may maraming potensyal at mataas ang talento sa pagtahak sa daan tungo sa Martial path ay maaari ka ng magpadalos-dalos ng pagbreakthrough dahil baka sa kalagitnaan ng kaniyang edad ay baka tumigil na ang kaniyang pag-unlad at hanggang doon na lamang ito. Hindi lamang talento, kayamanan, lakas at kapangyarihan ang kailangan, importante din ang masusing pag-iisip pag-unawa at pagdesisyon ng naaayon.

Mas pinag-igihan pa ni Van Grego ang pagkontrol sa mga enerhiya sa kaniyang katawan. Kahit na ikumpara ang kapal ng enerhiyang nakapaloob sa katawan ni Van Grego kaysa sa mga martial artists na may antas na Martial Knight ay mas mayaman at makapal ang enerhiya nito sa katawan. Mayroon na ring Essence Energy at Soul Energy/ Spiritual Energy ang katawan nito na humahalo sa makapal na Astral Energy. Yun nga lang ay kaunting Essence Energy at Spiritual Energy ang mayroon si Van Grego dahil di pa tuluyang bukas ang kaniyang dantian kung saan ang iniimbak ang mga enerhiya.

Tagaktak ang mga butil ng pawis sa Iba't-ibang parte ng katawan nito hindi dahil sa nakakapasong init ng araw kundi sa paghihirap na nadarama ni Van Grego. Naalala niya ang sinabi ni Master Vulcarian na madali ang unang tatlong stages ng Bawat Diamond Life Destruction (1st core-3rd core) dahil na rin sa body o katawan lamang ang pukos nito pero sa sa  ikaapat hanggang anim na stages ay Energy naman ang pukos nito kung saan masusubukan ang abilidad at kakayahan ng mga martial artists sa pagkontrol ng enerhiya. Balewala rito ang galing sa pakikipaglaban o ang pisikal na lakas. Ang pinakaimportante rito ay kung paano mo ikontrol at pasunurin sa kamay mo ang enerhiyang mayroon ang katawan mo. Dito mo masusubukan kung gaano ka kabihasang gumamit ng enerhiya. Sa Pito hanggang sa siyam na stages o ang Late phase ang pinakamahirap. Dito masusubukan kung gaano kalakas ang iyong kaluluwa. Masasabing napakadelikado ito dahil dito ay maaaring magkaroon ka ng soul damages na siyang permanenteng sugat. Mayroong mga gamot na pwedeng i-supplement o gamitin para gumaling ngunit matagal na gamutan ang mangyayari dahil ang mga Spiritual Pill ang pinakamahirap gawin at hanapin dahil bibihira lamang ang mga Spiritual Alchemist. kahit ordinaryong alchemists nga ay mahirap na hanapin ano pa kaya ang isang ekstraordinaryong propesyon o nilalang kagaya ng Spiritual Alchemist? Kahit ang paglitaw ng Spiritual Alchemist na siyang maalamat na nilalang ay magdudulot ng matinding digmaan at kaguluhan, sila ay ipinanganak na mayroong espesyal na Alchemy Body, sila ang mas pinapaboran ng kalangitan. Hindi maituturing na Spiritual Alchemist ang mga gumagawa ng mga Spiritual Pill na mga Alchemist lalo pa't ordinaryong alchemists lamang sila, wala silang spiritual alchemy physique na kayang komontrol ng iba't-ibang alchemic properties at high grade spiritual herbs. Kahit anong talento pa meron ang isang indibiduwal na ordinaryong alchemists ay wala silang binatbat sa ipinanganak na mismo para maging Spiritual Alchemist. Kung kaya't ingat na ingat ang bawat martial artists upang di mapinsala ang kanilang sariling kaluluwa.

Habang tumatagal ay mas lalong pinagbuti ni Van Grego ang kaniyang pagkontrol sa enerhiya upang kompletuhin ang proseso ng pagkabuo  ng maliit na core. Unti-unting nabuo ang maliit na piraso na animo'y bato sa kaloob-looban ng katawan ni Van Grego. Sa liit nito ay hindi ito mapapansin ninuman at mapagkakamalan na isang impurities dahil na rin sa kapangitan ng kulay nito kung kaya't hindi nababahala si Van Grego na makita ito ninuman ngunit palagi pa rin siyang nag-iingat. Para masigurado niya na hindi malalaman ang kaniyang sikreto ay ikinukubli niya ito malapit kaniyang dantian na bahagyang nakabukas. Sa pamamagitan nito ay hindi siya mahihinalaan ninuman. Kung paano niya naikukubli ang apat na maliliit na core ay simple lamang, naililipat niya ito sa kahit saang parte ng kaniyang katawan. Isa pa ay gawa ang maliliit na core sa purest energy na taglay lahat ni Van Grego. Habang lumalakas siya ay lumalakas rin ang bawat pagbuo ng kaniyang core patunay lamang na umuunlad siya ng mabilis ayon kaniyang sariling kakayahan at enerhiyang tinataglay habang tumataas ang kaniyang lebel ng kapangyarihan.

Maya-maya pa ay,biglang lumiwanag ang katawan ng batang si Van Grego. Kaiba ito sa naunang tatlong pagbuo ng core at medyo may pagkakatulad sa ikaapat na pagbuo noon ng kaniyang core ngunit hindi maipagkakailang sobrang lakas ng enerhiyang inilalabas ang katawan ni Van Grego. Ang liwanag na ito ay nagpapatunay na nagtagumpay siya sa kaniyang pag-breakthrough.

"Sa wakas ay nakaapak na rin ako sa 5th Core 1st Life Destruction Realm. Mas malakas ako ng di hamak kaysa noong dating pagbreakthrough ko!" Sambit ni Van Grego ng malakas habang nakapukos pa rin ang kaniyang atensyon sa pagpapakalma at pagbalanse ng kaniyang enerhiya sa kaniyang katawan. Makikitang ang kaniyang 360 acupoints ay hinihigop ang natirang enerhiya sa paligid nito dulot ng pagbreakthrough.

Nakita ni Van Grego kung paano mas naging matibay ang kaniyang katawan at nadagdagan ang kaniyang enerhiya sa katawan dahil sa ikalimang core. Mas nakakamangha pagmasdan ang kaniyang pisikal na anyo dahil pumuti siya ng di hamak at natunaw ang lahat ng impurities na naipon sa kaniyang katawan dulot ng samo't saring paggamit ng mga pills. Ito ang masamang epekto ng pills dahil nagdudulot ito ng impurities sa katawan na siyang pinoproblema ng karamihan. Kapag hindi stable ang pundasyon ng katawan ng martial artists ay kahit ilang breakthrough pa ang kaniyang maabot at maranasan ay siguradong maiipon lamang ang impurities nito sa katawan at habang tumatagal ay katawan na nito mismo ang pipigil sa kaniyang pag-unlad at matitigil na ang kaniyang pagtahak sa daan ng martial arts at ito ay ang isa sa kinatatakutan ng maraming martial artists.

Maya-maya pa ay bumalik na sa normal ang lahat maging ang katahimikan ng lugar na ito sa lawa. Maging ang daloy ng enerhiya sa paligid ay naging matuwasay na rin.

"Hmmp! Masyado ka atang natuwa bata pero alam mo bang masyado mong pinagtuunan ang konsepto ng tubig nitong mga nakaraang buwan at medyo napapabayaan mo na ang iyong pag-aaral o pagpapaunlad sa konsepto ng apoy. Kung ganyan lamang ang iaasal mo ay maaaring mawala sa iyo ng tuluyan ang konsepto ng apoy na siyang magiging kasiya-siyang pagkakataon para sa akin hehe." Paggalit na sambit ni Master Vulcarian kay Van Grego habang mahahalatang may pagkasarkastiko ang hulihang pangungusap nito.

"A-anong i-ibig m-mong sabihin m-master?!" Sambit ni Van Grego na animo'y hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaniyang master. Ang pagkawala ng konsepto ng apoy ay mawawalan rin ng saysay ang kaniyang pagpapaunlad ng kaniyang sarili sa larangan ng alchemy at sa iba pang mga propesyon na maaari niyang gamitan ng apoy. Soguradong masasayang lamang ang kaniyang taglay na sacred flame. Kung wala ang tulong ng konsepto ng apoy ay hindi niya maaaring mapalakas pa ng tuluyan ang kaniyang natural na enerhiyang apoy na nasa kanyang katawan. Para sa isang alchemy at martial chef na katulad niya ay isa itong malaking dagok na maaaring maging mental demon niya habang nabubuhay siya. Kung hindi man ay siguradong ang kaniyang pagtahak tungo sa matataas at pinakamataas na cultivation lebel at dulo ng martial arts ay isang suntok lamang sa buwan.

"Hinayaan lang kita bata dahil alam kong nasa threshold ka na ng Lebel 3 sa konsepto ng apoy at tubig ngunit maayado mong ipinukos lamang ang iyong sarili sa gusto mong pag-aralan at masyado mong itinuon ang sarili sa iyong pagpapataas ng iyong cultivation level at sa konsepto ng tubig kung kaya't napabayaan mo na ang konsepto ng apoy. Kung magiging ganyan lamang ang iyong pag-uugali ay maaaring may makaligtaan ka na mga baagy na maaaring magdulot sa iyo ng tuluyang pagbagsak. Panahon at oras ang kalaban mo bata kung kaya't maipapayo ko lamang sa iyo ay humakban ka lamang ng paisa-isa hindi yung tatalon ka sa mas mataas pero di mo alam kung ano ang babagsakan mo. Kaya wag mong i-pressure ang iyong sarili dahil makakaapekto lamang ito sa'yo ng malaki." kalmadong pagkakasabi ni Master Vulcarian. May parte man sa kaniya na gustong sumbatan at paggalitan ang batang si Van Grego ngunit hindi niya ginawa dahil ang kailangan nito ay isang mabuti at tunay na gabay ng isang master kahit na napilitan lamang ito. Sa oras na ito ay isang masinsinang usapan ito ng isang master at isang disipulo. Isang katawa-tawa sa kaniyang parte bilang master kung magiging mahina lamang ang kanyang magiging disipulo. Bilang isang martial artists, napakaimportante ng lakas at kapangyarihan maging ng respeto at dignidad. Alam naman niyang medyo naging grabe yung pagtrato niya sa batang si Van Grego ngunit ayaw niya lang na maligaw ito ng landas o kaya naman ay hanggang dito lamang ang magiging kapabilidad niya kahit na may kondisyon ang lahat ng ito lalo pa't pabor ito sa alinman sa kanila ni Van Grego.

"Sorry po Master, masyado po ata akong naging pabaya sa aking kilos. Medyo nainggit lang kasi ako sa ibang mga batang martial artists. Ang aking cultivation level ay hindi angkop sa aking edad idagdag pang naiisip kong masyado akong mahina hanggang ngayon. Paano kong may mangyaring hindi maganda, paano kung darating ang araw na kahit sarili ko ay hindi ko maprotektahan paano pa kaya ang ibang taong mahalaga sa akin?!"malungkot na saad ni Van Grego. Bumalik ang isip niya noong nakalipas na panahon kung saan ay walang-wala siyang makakapitan maging ang kawalang-pag asa maging ang takot.

"Alam ko ang iyong nais ipunto bata ngunit ang mga pangyayari sa ating kapaligiran ay isang natural na pangyayari lamang na walang kahit na sino ang may kontrol nito. Kahit napakamakapangyarihan at napakalakas mo ay hindi ibig sabihin nito ay kayang-kaya mo ng kontrolin ang sinuman. Oo, maaaring maging panginoon ka ng lupain, pagsisilbihan ka ng lahat, makakaya mong kontrolin ang buhay ng iba ngunit hindi iyon nangangahulugan na makapangyarihan ka talaga. Darating din ang oras kung saan ang tadhana mismo ng bawat tao ang kikilos at wakasan ang alinmang bagay rito. Kung may siyam na hadlang at isang oportunidad ay hindi ibig sabihin noon ay mangyayari at papanigan ka ng swerte. Hindi iyong mahuhulaan dahil tayo mismo ang may hawak nito. Kagaya ng mga naranasan mo, maaaring naging swerte ka ngunit ang iba'y hindi. Ang lahat ng bagay ay may dahilan kaya wag mong sisihin ang iyong sarili, hindi mo iyan ikauunlad at ikakalugmok lamang iyan ng iyong sarili." Mahabang paliwanag ni Master Vulcarian. Ang totoo'y naaawa siya rito. Hindi niya nga masasabi kung suwerte ba ang batang disipulo niya o hindi kumpara sa lahat ng nabubuhay rito. Halos lahat ng masasamang karanasan na maaaring mangyari sa iba ay sa kaniya ito nangyari. Bilang isang mapagmataas at makapangyarihang nilalang na kagaya ni Master Vulcarian ay ngayon lamang siya humanga rito ngunit hindi niya lamang ipinapahalata. Sa totoo niyan ay naaawa siya rito. Nagdududa na nga siya kung isa itong purong tao dahil sa sekretong itinatago ng katawan nito.

"Salamat po Master. Di ko po alam kong pupurihin ko kayo sa sinabi niyo o matatawa dahil sa pagkakakilala ko sa inyo ay hindi naman kayo yung master na mabait o may puso pero salamat po master. Alam ko namang kahit hindi niyo ako totoong disipulo at maihahalintulad lamang sa isang gabay ng guro ay lubos akong nagpapasalamat sa inyo. Aasahan niyo po master na hindi ko kayo bibiguin at paghuhusayan ko pa po!" sambit ni Van Grego habang nakangiti. Masasabi niyang isa itong himala dahil ang pusong batong master niya na grabe kung magsalita at napakabugnutin ay magbibitaw ng napakagandang pangaral sa kaniya. Medyo naliwanagan rin siya kahit papaano at hindi niya pa masyadong nalalaman ang ibang nais ipakahulugan ng kaniyang master. Siguro ay malalaman niya rin ito habang lumalaki siya at mas marami pa ang mararanasan niyang pagsubok. Sa ganon lamang niya makakamtan ang tunay na kahulugan ng buhay. Sa ngayon ay maaaring humakbang lamang siya ng paisa-isa dahil kapag nagmadali siya ay siya lamang ang magdurusa at huli na upang magsisi.