Ang mga ito ay kinikuwento nina Breiya at Fatty Bim kay Van Grego. Nagmistulang narrator at pantas ang magkapatid. Masasabi ni Van Grego na hindi nagsisinungaling ang mga ito. May kakaibang enerhiya ang lupa na maski siya ay hindi matukoy ito dahil ang nararamdaman niya lang ito at hindi niya mapag-aralan. Nagtataka siya kung ano ang mga ito.
"Kahanga-hanga, ang magkaroon ng dalawang pormasyon ng bundok na ito na gawa sa itim na mga lupang ito ay masasabing suwerte ito para sa mababang mundong ito." Sambit ni Master Vulcarian kay Van Grego gamit ang mindlink.
"Paano niyo po nasabi Master?! Sinasabi mo bang totoo ang mga haka-haka at alamat na sinasabi ng ilan rito?!" Sambit ni Van Grego na may pagtataka.
"Tama sila na delikado nga ang bawat sulok ng tinatawag na Twin Black Mountain ngunit mayroon ding mga suwerteng sa bawat delikadong lugar kahit ang itim na lupang ito ay isang suwerte!" Sambit ni Master Vulcarian ng makahulugan.
"Tama nga ang sinasabi mo Master pero nagtataka ako sa huli mong sinabi." Labis pa ring nagtataka si Van Grego habang naghihintay ng sagot muka sa master niya.
"Hindi pa oras upang alamin mo ito. Ang baba pa ng Cultivation Level mo. Sa antas mo ngayon na 1st Diamond Life Destruction Stage ay na pagpasok mo palang sa loob ng mga dangerous areas ng Twin Black Mountain ay baka maging abo ka nalang. Ang pressure at ghostly auras pa lamang na nakakalat maging ang delikadong miasma na makikita sa kapaligiran ay baka ma-corrode na ang iyong mortal na katawan. Kaya kahit malaman mo ito ay wala pa rin iyong silbi. Hayaan mong lumakas ka at ito mismo ang bubukas ng daan para sa iyo." Makahulugang sambit ni Master Vulcarian habang may kasama ito paalala sa batang si Van Grego.
Agad namang natakot si Van Grego sa narinig niya. Para sa labintatlong taong gulang na katulad niya ay nakaramdam pa rin siya ng pangamba. Ang miasma ay kakaibang kemikal na nalilikha sa mga delikadong lugar. Kapag malakas ang miasma o mas grabe yung density levep nito ay kaya itong humalo sa hangin at kung mahina ang iyong protective essence ay magco-corrode ito dahil sa corrosive properties nito na kayang tunawin ang iyong katawan o ang mga nasa paligid nito.
"Ganon ba Master, pagsisikapan kong mapataas ang aking Cultivation Level at ibang antas ng aking sariling kakayahan." Sambit ni Van Grego ng nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa itim na itim nitong mga mata.
...
Pagkalipas ng ilang oras na paglalakbay nila, sa wakas ay nakarating na sila sa Soaring Light Province. Ang buong Western Region ay binubuo ng labinwalong probinsya at bawat probinsiya ay kasinlawak ito ng dalawampong pinagsamang bayan. Nahahati sa dalawang sect ang bayan kung kaya't mayroong 36 Sects. Labingwalo sa mga ito ay Sect para sa iba't-ibang mga Races / Hybrid Sect at ang labingwalo naman ay para sa Human Sect. Sa 36 sects ay labing-anim ang sumusunod sa Devil Path Cultivation (9 Hybrid Sect & 7 Human Sect) at dalawampo naman ang lumalakad sa Righteous Path (9 Hybrid Sect & 11 Human Sect). Nalaman ito ni Van Grego nang tinanong niya ang dalawang magkapatid.
Ang kaniyang paglalakbay na ito ay marami siyang natutunan at hindi naging boring.
Agad namang nagpunta sila sa registration Area kung saan maraming mga Martial Artists ang pumipila. Kalahating oras silang pumila at nakapagregister na.
"Sa wakas ay nakasali na tayo sa Martial Junior Tournament na ito. Gusto ko nang subukan kong gaano ako kagaling!" Sambit ni Fatty Bim habang gumagawa siya ng fighting moves sa hangin na siyang ikinalingon at ikinatawa ng mga nakapaligid sa kanya.
"Kuya Bim, wag mo ngang ipahiya sarili mo tsaka 'wag mo kaming idamay ni Kuya Van. Magseryoso ka muna tsaka wag puro pasikat baka mautakan at malaman ng iyong magiging kalaban ang mga galaw mo, ikaw din?!" Sambit ni Breiya habang may nakakalokong ngisi.
"Sus, hindi naman iyon ang mga galaw ko eh. Lalampasuhin ko ang aking makakalaban hehe." Nakangising sambit ni Fatty Bim.
"Magtigil ka nga Kuya Bim. Hayst!" Sambit ni Breiya habang nakabusangot.
"Oo na nga!" Sambit ni Fatty Bim habang nakataas ang napakataba nitong dalawang braso't-kamay.
Maya-maya pa ay bigla silang sinalubong ng isang grupo ng mga lalaking nga Martial Artists. Anim na katao ang bilang nila.
"Bago lang ba kayo rito? Kung ako sa inyo ay umalis na kayo rito dahil hindi kayo nababagay sa paligsahang ito mga totoy at Neneng!" Sambit ng isang lalaking nasa gitna. Siya ang lider ng grupo nila.
"O, saan kami nababagay? Kayo ba, nalaman niyo ba kung saan kayo lulugar? Mga pangit!" Sambit ni Breiya sa pasupladang boses. Walang takot na makikita sa pares na mata nito.
"Sinong tinawag mong pangit? Walang pangit samin at waalng lampa at tabatchoy! Miss Beautiful, pwede namang dito ka sumama sa amin at magpakasaya ka sa aming piling!" Sambit ng lider habang labas dila pa ito at nagtawanan ang mga kasamahan nito.
Nang makita ito ng lahat ng mga nakapaligid na batang Martial Artists ay nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid.
"Patay, napagtripan sila ng Pitt Boys!"
"Lagot sila ngayon lalo pa't tatlo lang sila!"
"Bago kasi kaya napagtripan!
"Kawawa naman sila, ganda pa naman ng babae!"
Marami pang ugong ng mga salita na maririnig sa paligid lalo pa't hindi kalayuan kaya rinig na rinig ng karamihan ang sinasabi ng ibang Martial Artists.
Hindi naman tanga sina Van Grego at Fatty Bim para hindi malaman na sila ang tinutukoy ng grupo na ito.
"Diba, wala namang patakaran na bawal sa lugar na ito dahil maya-maya pa naman ang kompetisyon?!" Sambit ni Breiya habang tinatanong ang lider ng grupo.
"Oo, wal-----! Sambit ng lider ngunit mabilis siyang binigyan ng malakas at mabilis na suntok ni Breiya.
"Poowww!"
Agad na tumulo ang dugo sa ilong ng lider nito. Pinahid naman nito ang dugong lumabas sa ilong nito.
"Para sa babaeng katulad mo?! Para sa isang ordinaryong diamond Rank ay malakas ka hahaha!" Mabilis na sambit nito at susuntukin sana nito si Breiya ngunit may kamay na biglang humawak at pumigil sa kamao nito.
"At talagang ang kapatid ko pa ang sasaktan mo?!" Galit na pagkakasabi ni Fatty Bim at mabilis na binalibag ang kamay ng lider ng Pitt Boys.
"Croookk...!"
Tunog ng butong nababali ang maririnig sa paligid na ikinasinghap ng lahat.
"Ahhh!" Sambit ng lider ng Pitt Boys ng biglang bitawan ni Fatty Bim ng marahas ang kamay ng lider.
"Ang sakit ng kamay ko. Lintik lang ang walng ganti! Patumbahin niyo at turuan niyo ng leksiyon ang matabang batang iyan!" Sambit ng lider sa kanyang kasamahan. Isa siyang 6th Star Martial Knight Realm pero natalo siya ng isang matabang lalaki. Nagpupuyos siya ng galit. Ang mga alagad niya ay puro 1st-3rd Star Martial Knight Realm Expert kaya sa dami nito ay alam niyang mahihirapan ang matabang bata.
Agad na sumugod ang limang kasamahan nito at sabay-sabay na umatake. May iba't-ibang armas ang mga ito kagaya ng palakol, espada, lance at maliliit na kutsilyo. Lahat ng ito ay papunta kay Fatty Bim.
Agad namang pinagana ni Fatty Bim ang kanyang movement technique at mabilis na sinipa, sinuntok at tinadyakan sa iba't-ibang parte ng katawan ng mga ito.
Sa loob ng isang minuto ay halos nabugbog at napinsala niya na ang limang alagad ng lider. Biglang pumalahaw sa sakit ang limang mga ito tanda na napinsala sila at iniinda ang sakit na kanilang naramdaman dulot ng malakas na atake.
"Ang lakas niya!"
"Ang bangis kumilos ni taba!"
"Putik, grabe yung fighting style niya, napatumba niya ang lima sa loob ng isang minuto!"
Puro positibong komento ang natanggap ni Fatty Bim dahil sa ipinakita nitong husay sa pakikipaglaban.
"Ayos ba?!" Sambit ni Fatty Bim nang bigla itong humarap sa direksiyon ni Van Grego at Breiya.
"Konting galaw lang, yumabang na!" Sambit ni Breiya halatang nang-iinis.
"Fatty Bim, huwag kang magpasikat at gagawin yun ulit. Masyado mong ipinakita ang iyong fighting style. Tandaan mong mas maraming talentadong batang martial artists ang naririto at nakakubli sa paligid rito." Paalala ni Van Grego gamit ang kanyang divine sense. Makikita sa boses nito ang iritasyon at hindi pagsang-ayon sa padalos-dalos na desisyon ni Fatty Bim.
"Pasensya na Van, si Breiya kasi eh. Napaka-amazona nito. Tinulungan ko lang ang kapatid ko." Sambit ni Fatty Bim habang nakayuko.
"Sorry po Kuya Van, medyo nabastusan lang ako sa sinabi ng lalaking iyon kaya pinatulan ko na." Malungkot na saad ni Breiya. Nalaman niyang medyo naging agresibo siya sa kanyang aksyon.
"Ano pa ba ang magagawa ko o natin pero basta ay mag-ingat tayo at umiwas sa gulo. Sigurado akong masama ang intensyon ng Pitt Boys at kung may mga tao pa nasa likod nito." Sambit ni Van Grego. Sana lang ay walang mangyayaring masama at makakapasok silang magkasama sa loob ng Soaring Light Sect.
Tango na lamang ang ginanti ng magkapatid habang makikita ang lungkot sa kanilang mata. Kahit sabihin okay lang para kay Van Grego ay alam nitong marami ng factor ang na-involve rito. Maraming "crouching tiger hidden dragon" sa grupo o tumpok ng mga batang Martial Artists.
Agad na nilisan nila Van Grego ang lugar na ito upang hindi na makatawag pa ng malaking atensyon.
Agad silang naghanap ng malapit na cabin na pwede nilang tirahan pansamantala. Isang linggo ang itatagal ng kompetisyong ito. Ayaw nilang makampante at imbes na magcultivate pa lalo ay pinapatibay nial ang kanilang pundasyon sa katawan at nag-ensayo ng mga malalakas nilang atake. Mag-aral din sila ng konsepto ng apoy at tubig.