Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 143 - Chapter 38

Chapter 143 - Chapter 38

Tanghali na at isa rin itong indikasyon na magsisimula na ang kompetisyon. Maraming mga manonood ang nakaupo. Ang mga ito ay mga true disciple na ng Soaring Light Sect. Sila ni Van Grego, Fatty Bim at Breiya ay pumunta sa mga upuan ng mga participants para lumaban sa Elimination Round na gagawin ngayon.

Mayroon silang mga numerong natanggap nang magpa-register sila. Kay Fatty Bim ay 876, kay Van Grego ay 877 at kay Breiya naman ay 878. Ang kanilang makakalaban ay by Random numbers na matatapat sa kanilang numero. Istrikto din ang magiging rules ng laban, una na rito ay bawal mandaya at gumamit ng mga Devil Skills/Technique lalo pa't isang Righteous Human Sect ang Soaring Light Sect. Walang nakakaalam kong ano at paano sila magrerecruit ng disipulo.

Mayroong dalawang libong participants ngayon. Hindi rin kataka-taka ang bilang na ito dahil may labingwalong sect kung kaya't nahahati ang bilang ng mga bata. Nakakaapekto rin ang pagpili ng mga batang Martial Artists sa gusto nilang sect na gustong salihan. Ang Soaring Light Sect ang pinakahuli at pinakamahinang Human Sect kung kaya't konti lamang ang sumasali rito.

Agad na lumitaw ang mga naglalaban-laban at random itong nabubunot. Marami ng naglalaban-laban at maya-maya pa ay lumitaw ang numero ni Van Grego at siya na ang unang lalaban sa kanilang tatlo.

877 vs. 1026

Agad na lumakad si Van Grego ng mahinahon papuntang entablado samantalang ang kanyang kalaban ay lumulutang sa hangin haabng mayroong maliit na ipo-ipo sa ilalim ng dalawang paa nito. Walang duda, isa itong konsepto ng hangin na level 1. Ang kalaban niya ay isang lalaki na may maamong mukha at may kahabaan ang buhok nito. Maycultivation level ito na  9th Star Martial Knight Realm.

Nang magkaharap si Van Grego at ang kanyang kalaban ay nakangisi ang kalaban nito at nagwika.

"Kung ako sa'yo ay sumuko ka na, tsaka ang payat mo ha. Isang hamak lamang na diamond Rank ay hindi nararapat sa aking abilidad at kapangyarihan." Sambit nito habang gumagawa ng munting ipo-ipo sa kamay nito na animo'y isa itong laruan. Hindi niya nakikitang seryosong labanan si Van Grego.

"Magpapaalala ka na nga lang ay tinakot mo pa ko. Pwede mo naman akong labanan ng buong kaya mo baka matalo ka ng dahil sa kayabangan mo." Pambabara ni Van Grego sa kaniyang kalaban. Ayaw niya sa lahat ay mayabang dahil parang tinakot pa siya nito.

Agad namang nagdilim ang ekspresyon sa mukha ng kalaban ni Van Grego.

"Hmmp! Pinakiusapan kita ng maayos ay gaganituhin mo ko?! Puwes magbabayad ka!" Sambit ng batang lalaki.

Mabilis itong nagbato ng mga maliliit na ipo-ipo at unti-unting lumalaki ito habang patungo ito sa direksiyon ni Van Grego.

Mabilis namang gumawa si Van Grego ng apoy at ipinasok ito sa loob ng ipo-ipo na gawa sa hangin. Unti-unting nagkaroon ng kulay pula ang ipo-ipo. Nakaramdam ng pagkapaso ang kalaban nito at pinawalang-bisa niya ito.

"Magaling, naloko mo ko dun ah. Pwes, tikman mo ang aking skill!" Sambit ng kalaban niya at biglang inilabas nito ang kanyang mahabang espada.

"Wind Skill: Devouring Wind Strike!"

Biglang umihip ng malakas ang hangin. Merong namuong makapal na enerhiya ng hangin sa espada nito na animoy binalot ito ng kakaibang kapangyarihan.

Agad namang gumawa si Van Grego ng "Fire Skill: Fire Fusion Whip!" Unti-unting nagmaterialize ang latigong gawa sa apoy ilang segundo lamang ang nakakalipas.

"Hahaha! Tingin mo ay makakaya ng apoy ang hangin?! Isa kang hangal! Pwes, tikman mo ang aking kapangyarihan!" Sambit ng kalaban niya habang nakangising demonyo.

"Sino sa atin ang hangal, totoo ngang malakas ang hangin dahil mayroong properties ito sa alinmang primary elements pero Level 1 ka palang. Ang paggamit ng konsepto ng alinmang elemento ay lumabag sa heavenly dao laws dahil nagcucultivate tayo." Sambit ni Van Grego ng mahinahon. Kahit na hindi ito marahas sinabi ay nalaman ito ng kalaban niya na isa itong panghahamak.

Agad namang sumugod sa kanya ang kanyang kalaban. Mabilis ito kung kaya't biglang ginamit ni Van Grego ang kanyang movement technique at umatras ng umatras sa kanyang pwesto.

Boom! Boom! Boom!

"Isa ka palang duwag. Atras ka ng atras. Mas mabuti pang sumuko ka na lamang!" Sambit nito kay Van Grego habang nakangisi. Kung magpapatuloy ang pag-atras nito ay mananalo na siya.

"Pwes, ihanda mo ang iyong sarili dahil ako naman ang aatake!" Sambit ni Van Grego at mabilis na ginamit ang kanyang Falcon Wave Movement Technique sa limitasyon.

Mabilis siyang nakarating sa kanyang kalaban at nagulat naman ito. Pagkahampas niya ng kanyang latigo ay mabilis naman itong sinangga ng kanyang kalaban.

Napaatras ang kanyang kalaban ng ilang metro. Nagulat naman ang kalaban niya sa lakas ng pagkahampas ng latigo sa kanya. Halos manginig ang espadang kanyang hawak.

"Para sa isang Level 1 Concept of Wind mo ay maituturing kang henyo ngunit makakaya mo kaya ang aking mga atake?!" Sambit ni Van Grego bang mapanghamak. Hindi kailanman niya gustong hinahamak siya o minamaliit. Gusto niya ring turuan ng leksiyon ito.

Maya-maya pa ay lumitaw si Van Grego sa likod ng kalaban niya. Mabilis niyang hinampas ito ng kanyang latigo sa balikat.

"Anong ginawa mo sa akin? Bakit hindi ako makagalaw?!" Sambit ng kalaban ni Van Grego habang may takot sa mata nito. Ang parteng likod niya ay hindi niya maramdaman.

Mabilis at marahas siyang sinipa ni Van Grego sa kanyang likod na siyang ikinatilapon niya sa malayo.

"877 Win!" Sambit ng announcer.

Masakit namang tiningnan ng batang lalaki si Van Grego. Hindi niya mawari na natalo siya ng ganon-ganon lamang. Hindi siya natalo sa lakas kundi ay nautakan siya nito. Nalaman niyang paralysing effect pala ang tumama sa kanyang likod gamit ang latigo.

Gusto niyang  magprotesta lalo pa't hindi niya nagamit ang kanyang tunay na lakas ngunit hindi niya nagawa pa ito.

"Sorry kuya, better luck next time. Huwag mo kasing maliitin ang kalaban mo dahil yan mismo ang magpapahamak sa'yo." Mahinahong sambit ni Van Grego ngunit bakas rito ang pagpapaalala sa kanya.

Tumango naman ang kalaban niyang batang lalaki na medyo matanda sa kanya ng dalawang taon. Natamaan siya sa sinabi ni Van Grego. Masyado niya itong minaliit at hinamak pero hindi naman siya nito napuruhan. Naging mabait pa sa kanya si Van Grego dahil sapat lang ang pagsipa nito upang ma-out siya sa linya. Hindi niya lubos maisip na masyado siyang na-over confident sa kanyang sarili. May dalawa pang laban kung kaya't gusto niyang manalo roon. Ayaw niyang masayang ang kaniyang pagkakataong ito.

...

Matapos ng kanilang laban ay marami pang sumunod. Maya-maya pa ay si Breiya na ang lalaban.

878 vs. 1442

Ang kalaban ni Breiya ay isang babaeng medyo kaedad niya lamang. Kung susumahin ay maganda ito ngunit mas lubhang litaw ang kagandahan ni Breiya. Hindi siya katulad ni Fatty na kain ng kain. Slim ang pangangatawan niya at nakalugay palagi ang kanyang mahaba at maalon nitong buhok.

Ang kaniyang kalaban ay makikita ang iritasyon sa mukha nito ng makita ang itsura at pagmumukha ni Breiya. Na-insecure siya sa ganda nito. Pero ayaw niyang ipahalata. Isa siyang 8th Star Diamond Rank kaya hindi siya makakapayag na hindi siya mananalo sa kompetisyong ito.

"Tatalunin kitang kutong-lupa ka. Ang damit mo ay pangbasahan kaya sigurado akong ang talento mo ay isa ring basura!" Marahas na pagkakasabi ng batang babae na kalaban ni Breiya.

"Kutong-lupa? Basahan at Basura? Tinutukoy mo ba ang sarili mo?!" Mahinahong sambit ni Breiya ngunit halatang sarkastiko itong pananalita.

"Ikaw?! Hmmp! Ayaw kong mag-aksaya ng aking oras upang labanan ka, paano kaya kong sumuko ka na lamang?!" Sambit nito habang nakangiti ngunit bakas ang pagbabanta sa boses nito.

________________

Normal lang sa mga Martial Artists ang maging mayabang at mapagmataas dahil ayaw nilang maliitin ang kanilang sarili at ayaw nilang iyuko ang kanilang ulo kahit kanino. They feel superior and powerful upang mapanatili nilang malinis at puro ang kanilang Martial Heart upang tahakin ang cultivation path upang maging malakas na eksperto sa hinaharap.

________________

"Sumuko? Sumali nga ako rito para masubukan ang aking lakas at makapasok sa  Soaring Light Sect. Ikaw nalang sumuko, wag mo kong idamay kung ayaw mong pumasok." Pambabara ni Breiya.

"Hmmp! Talagang ginagalit mo ko! Tikman mo ang aking atake! Galit na galit na sambit nito habang mabilis na gumawa ng skill.

"Water Skill: Grevious Water Needles!" Sambit nito at bigla na lamang lumitaw sa harapan niya ang mga karayom na gawa sa tubig. Bigla itong tumungo sa direksiyon ni Breiya.

"Ice Skill: Ice Shield!"

Sambit ni Breiya matapos niyang gumawa ng panangga na gawa sa tipak ng yelo. Agag namang nalusaw ang matalim na Water Needles na siyang natunaw at bigla nalang sumabog ang Ice Shield.

"Ahhh! Paano ito nangyari?!" Sambit ni Breiya habang sumuka ito ng sariwang dugo mula sa kaniyang bibig.

"Boba! Hindi mo ba alam na Level 2 na ko sa Concept of Water?! Siyempre may special effects ang aking tubig na ginagamit." Singhal nito kay Breiya habang nakangisi. Gusto niyang ipagyabang ang kaniyang achievements sa konsepto ng tubig. Gusto niyang mapanatili ang kaniyang kagandahan at kabataan kaya ito ang napili niyang konsepto.

"Hahaha... Tingin mo ay malakas ka na niyan?! Pwes, ako naman ang aatake!" Sambit ni Breiya ng nakangisi at mabilis na lumitaw sa harap ng kaniyang kalaban.

Makikita sa kanyang kamay ang kakaibang yelo. Mabilis niyang inilagay ang  kaniyang mga daliri sa mga acupoints ng kaniyang kalaban.

Huli na nang maka-react ang batang babae habang mabilis itong naestatwa sa kinatatayuan nito.

"Anong ginawa mo sakin?!" Sambit nito habang kinakabahan na.

"Susuko ka ba o ako mismo ang magdadala sa'yo palabas. Siyempre magkakabali lang naman ang mga buto mo sa katawan at magagasgasan ang iyong mga balat at ----!" Pagbabanta ni Breiya.

"Suko na 'ko!" Sambit ng batang babae habang makikita ang takot sa kanyang mga mata.

"878 win!" Sambit ng announcer sa malakas na boses.

Agad namang umalis si Breiya sa loob ng malawak na entablado. Walang hiyawan ang nangyari. Parang normal lang at walang nakakabilib na pangyayari para dito.

Agad namang napawalang-bisa ang ginawa ni Breiya sa batang babae na kalaban niya. Halos maglupasay sa galit ang babaeng kalaban ni Breiya ngunit wala itong nagawa kahit pa pukulin niya ng napakatalas na tingin si Breiya ay wala itong nagawa.

...

Maya-maya pa ay si Fatty Bim naman ang sasabak sa laban para sa Elimimation Round.

876 vs. 324!

Mahinahong pumunta si Fatty Bim sa malawak na entablado habang ang kalaban niya ay isang batang lalaki na kasing taas at kasing payat ni Van Grego. Ang Cultivation Level nito ay 8th Star Martial Knight Realm.

Nakangisi naman itong nakatingin kay Fatty Bim na nanghahamak.

"Im Roi, junior apprentice greets a pig monster hahahaha!" Sambit nito kay Fatty Bim.

Halos umusok naman ang ilong ni Fatty Bim ngunit mabilis niya ring ikinalma ang kanyang sarili.

"Aba, hindi ko alam na pwede pala dito ang stick man, bakit di ako na-inform. Baka bilbil ko palang tatama sa'yo iiyak ka na. Boy Iyakin!" Mapang-asar na sambit ni Fatty Bim habang nakangisi.

"Sino'ng stickman, kadiring kalaban bakit kasi ikaw pa Boy Baboy ang nakalaban ko!" Pasinghal na sambit ni Roi habang tinatakpan ang ilong na animo'y sukang-suka.

"Puro ka daldal, ako muna ang aatake!" Sambit ni Fatty Bim at mabilis na nagsagawa ng skill.

"Rubber Bouncing Body!"

Agad na tumalon si Fatty Bim at mabilis na tumalbog ang katawan nito sa iba't-ibang direksiyon na ikinatawa naman ng lahat.

Pumunta sa direksiyon ni Roi ang katawan ni Fatty ngunit walang naramdamang sakit. Isa, dalawa, tatlo ngunit wala siyang naramdaman kundi kiliti. Alam ni Roi na siya na ang mananalo kapag nagpatuloy ito.

Dahil sa labis na kahambugan at di pagseseryoso ni Roy ay hindi niya alam ang nakaambang panganib sa kanya.

"Wing Dragon Meteoric Strike!"

Agad na nag-iba ang awra ng katawan ni Fatty Bim. Aalis pa sana si Roi nang bigla siyang daganan ni Fatty Bim. Ang tanging nagawa niya lamang ay i-release ang kaniyang protective essence para protektahan ang kaniyang sarili.

BOOM!

Isang malakas na tunog ang bigla na lamang umalingawngaw dulot ng pagsabog na siyang naglikha ng makapal na usok sa paligid nito.

Ilang minuto ang nakalipas at nawala na rin ang usok. Makikita sa entablado ang isang malalim na hukay. Dito ay nakita nilang nakatayo na si Fatty Bim at nakahiga si Roi na makikitaan ng mga sugat sa katawan dulot ng impact ng atake ni Fatty Bim.

Maya-maya pa ay nawalan ng malay si Roi. Hindi siya makapaniwala na natalo siyang ng isang matabang batang lalaki.

"876 win!" Sambit ng announcer ng malakas.