Wala ni isang tumikhim man lamang at nagpatuloy na magsalita laban kay Shiro. Dito makikita ang agwat ng kapangyarihan ng Elder kaysa sa mga ordinaryong mga Elder ng mabababang mga puwesto ng Opisyales.
"Tama ang sinabi niya, tayo ay mga Bat Race at kalaban natin ang mga tao. Dahil sa treaty ay namumuhay tayo kasama sila ngunit hindi ibig sabihin noon ay pantay tayo sa kanila. Ipinanganak tayong malakas at hindi isang mahinang katulad ng purong tao!" Sambit ni Elder Klim sa malakas na boses. Ginamit niya rin ang kaniyang posisyon bilang Elder.
"Oo, tama ka diyan Elder Klim. Ano ba ang ginawa ng bastardong bata na ito upang gaitin ka ng ganito? May ginawa ba siya?!" Sambit ni Elder Droon sa nakangiting boses.
"Oo, sinira niya lang naman ang aking pinahiram na Enigmatic Sword sa aking estudyante na si Krun. Alam niya ba kung gaano kamahal ang espadang iyon?!" Sambit ni Elder Klim sa galit na boses. Halatang nanghihinayang ito sa kaniyang espada.
Nang marinig ng madla ang sinabi ni Elder Klim ng Blazing Bat Powerhouse ay halos lumuwa ang mga mata nila. Ano nga ba ang Enigmatic Sword? Isa lang naman ito sa 12 Enigmatic Weapons na nasa pangangalaga ng iba't-ibang malalakas na Powerhouse sa kontinenteng ito. Labis ang pagtataka at pagkamangha nila ng marinig nila na nasira ito.
"Masyado mo yatang dinamdam tanda ang pagkasira ng iyong sandata. Sino ba gumamit nun at gusto akong paslangin? Diba ang estudyante mo? Ginamit ko lang naman ang kamao ko upang sirain yun. Hindi rin kalakasan ang espadang iyon dahil isa lamang iyong pinakamahinang replika ng Enigmatic Sword na mabibilang sa Middle-Low Grade Human Step Treasure." Mahinahong sambit ni Van Grego. Hindi alintana ang reaksiyon ng iba.
Napasinghap naman ang marami sa sinabi ni Van Grego. Kahit replika lamang ito ay siguradong malakas rin ito. At ang mas nakakamangha ay nasira niya ito gamit ang kamao? Isa itong hindi kapani-paniwala lalo pa't mayroong soul intent ang replika na siyang hindi basta-basta masisira o sasabog.
Nagkaroon ng mga bulung-bulungan sa paligid lalo na sa pambihirang taglay na lakas ng isang diamond rank.
"At sumasagot ka pa bata ha?! Alam mo bang kawalang respeto iyon sa aming posisyon at katungkulan bilang Elder?! Ako mismo ang paparusa sa iyo! Hyaahhhh!!!!" Sambit ni Elder Klim habang galit itong nakatingin kay Van Grego. Mabilis niyang binunot ang kaniyang mahabang espadang nasa baywang niya at mabilis na sumugod sa pwesto ni Van Grego.
"Lumayo ka Fatty Bim!" Sambit ni Van Grego. Mabilis namang naintindihan ni Fatty Bim habang mabilis nitong ginamit ang water whirlpool technique at napunta sa malayo. Ayaw niya ring maging pabigat kay Van Grego na alam niyang mahihirapan rin ito.
Agad na ginamit ni Van Grego ang kanyang skill.
"Whirlpool Technique: Whirlpool Shield!"
Agad na lumitaw ang isang shield na gawa sa tubig na animo'y solidified.
"Akala mo mapipigilan ako ng shield na iyan, Hyaahhhh!" Galit na sambit ni Elder Klim habang mabilis nitong sinipa ang Shield. Isa siyang Martial Lord Realm Expert kung kaya't sa pagtapak pa lamang ng paa sa Whirlpool Shield na ginawa ni Van Grego ay mabilis itong sumabog.
Agad na tumilapon si Van Grego sa di kalayuan. Sa atake palang na natamo ni Van Grego na iyon ay halos sumakit ang buong katawan niya at sumuka ng sariwang dugo sa kaniyang bibig. Sumakit din ang likod niya dulot ng impact nito sa kanyang katawan.
Agad na nakaramdam si Van Grego ng bigla siyang makaramdam ng panibagong atake mula sa isa pang tao, ang Elder na si Elder Droon.
"Buhay ka pa bata? Puwes papatayin kita ngayon din mismo!" Nanggagalaiting sambit ni Elder Droon. Hindi siya nangangamba na makaabot pa ito sa matataas na opisyales. Alam niyang may tinatago ang katawan ng batang ito.
Mabilis niyang pinaulanan ito ng mga atake.
Agad na ginamit ni Van Grego ang Water Whirlpool Escape Technique. Mabilis siyang naglaho sa lugar na kaniyang kinatatayuan.
Medyo malayo na siya sa lugar niya ng bigla siyang makaramdam ng atake na tumama sa kanya. Agad na nawasak ang Water Whirlpool na kinaroroonan niya at iniluwa siya nito.
"Ahhhhh!" Malakas na sigaw ni Van Grego dulot ng masakit na atakeng kanyang naramdaman.
"Huli ka bata! Akala mo ay makakatakas ka sakin hehehe...!" Sambit ni Elder Droon habang malademonyong nakangisi kay Van Grego habang makikita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Van Grego. Punit-punit ang dmait nito at tumutulo pa ang mga sariwang sugat nito.
Mabilis na ginamit ng batang si Van Grego ang kanyang Movement Technique. Mabilis siyang nakalayo sa dalawang humahabol sa kanya. Ngunit ang malaking distansya ay lumiit lalo pa't ang kanilang Cultivation Level ay sapat na upang habulin ang batang si Van Grego.
"Sumuko ka na bata, mahahabol at mahahabol ka namin!" Sambit ni Elder Klim habang hinahabol niya si Van Grego na walang tigil sa paglayo.
"Ipapatikim ko sa iyo ang aming galit! Ibigay mo ang kayamanang meron ka!" Sambit ni Elder Droon habang nagngingitngit sa galit.
Agad na lumayo si Van Grego at nagpasikot-sikot sa mga kagubatan. Halos malapit na siyang makapasok sa innerpart ng Black Phantom Forest.
Samantalang sila Elder Droon at Elder Klim ay pinipilit nitong habulin ang batang si Van Grego.
Maya-maya ay may biglang lumitaw na lalaking middle aged na nakaputing roba. Makikita ang mapait nitong ekspresyon sa mukha habang tinitingnan ang dalawang elder na papunta sa direksiyon niya.
Agad namang napahinto ng ilang metro ang daawang nagngingit sa galit na mga elders na sina Elder Droon at Elder Klim. Mayroon ding sumusunod sa kanilang mga grupo ng mga Martial Artists na halos puro Bat Race lamang.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?! Ang lakas ng loob niyong magpasimuno ng gulo laban sa mga Human Race!" Sambit ng lalaking nakaputing roba habang galit na nakatingin kina Elder Droon at Elder Klim.
"Anong pakialam mo ha? At sino ka? Isa kang White Crow ngunit ang iyong kinakampihan ay ang mga Human Race, saan ka ba talaga kumakampi, sa amin na hybrid katulad niyo o sa mahihinang tao?!" Pagalit na sambit ni Elder Droon na sinang-ayunan naman ni Elder Klim.
Tahimik lamang na nanonood ang ibang mga Martial Artists.
"Ang inyong aksyon ay nagpapatunay lamang na lumabag kayo sa Treaty ng Tao at ng ating lahing mga Hybrid Race. Hindi niyo alam ang sinasabi niyo. Sa oras na malaman ito ng Human Race Highest Officials ay kayo mismong mga Bat Race ay mapupuksa ng tuluyan." Sambit ng nakaputing roba sa mapagbantang boses.
Halos mapasinghap naman ang lahat sa narinig ng mga ito. Bakas sa kanilang mukha ang takot. Agad na ipinakita nito ang White Badge niya upang patunayan na isa isang opisyales rin at mas mas kumpara sa Elder. Isa siyang Treaty Officials.
Agad namang namutla sina Elder Droon at Elder Klim. Hindi nila alam na mayroon palang nakakatakot na organisasyon silang nabababangga. Ayaw nikang mawala sa kanila ang kanilang posisyon maging ang kanilang mga ari-arian.
Si Van Grego ay tahimik lamang na nagmamasid sa pangyayari. Nakita niya kung paano matakot ang dalawang Elders sa nakaputing roba na kung hindi siya nagkakamali ay nagmula ito sa White Crow Race.
Agad na lumipad pataas ang nakaputing roba. Makikita ang nakakamanghang awrang nakapalibot sa kanya. Kung paano umilaw ang katawan nito. Namamangha at natatakot si Van Grego sa pangyayaring ito. Hindi niya alam kung mabuti o masama ang lalaking nakaputing roba.
"Isang Martial God Realm Expert!" Napasinghap si Elder Droon sa kaniyang nalamang ito. Makikita ang takot sa buong mukha nito.
"Isang Martial God Realm nga!"
"Ngayon lamang ako nakakita ng isang tunay na Martial God Realm Expert!"
"Hindi ako makapaniwala na pumunta ang isang Martial God Expert sa lugar na ito!"
Ilan lamang ito sa mga maririnig sa paligid. Hindi nila alam ngunit namamangha at nagtataka sila kung bakit biglang lumitaw ang isang Martial God Realm Expert dito.
"Ako si Vice Commander Elgor ng White Crest Powerhouse. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ako narito, ito ay dahil sa batang iyon!" Sambit ni Vice Commander Elgor kay Van Grego.
Napasinghap ang lahat dahil dito. Wala silang ideya kung ano ang dahilan ng lahat ng ito. Nanatili lamang silang nakatikom ang mga bibig at inoobserbahan ang pangyayari.
"Ano naman ang kailangan niyo sakin Vice Commander Elgor? Bakit kayo naparito upang hanapin ako? May nagawa ba kong krimen?!" Sambit ni Van Grego habang nagtataka.
"Hahaha... Marahil naguguluhan ka sa pangyayaring ito pero gustong kong hilingin sa'yo na mag-aral ka sa White Crest Powerhouse. Maibibigay namin ang lahat ng pangangailangan mo maging ang iyong seguridad. Alam kong ikaw ay may Diamond Vajra Body." Sambit ni Vice Commander Elgor.
"Ang maalamat na Diamond Vajra Body?! Kaya pala sobrang lakas niya!"
"Kaya pala nasira niya ang replika ng Enimatic Sword gamit ang kamao niya lamang!"
"Hindi ko aakalaing nagtataglay ng pambihirang katawan ang batang yan kahit na tinamaan na siya ng atake ay hindi pa rin ito naaapektuhan!"
Maraming mga pahayag ang bigla na lamang umalingawngaw sa paligid. Puro positibong pahayag ito mula mga madla.
"Hindi ko alam kung bakit mo nalaman na mayroon akong Diamond Vajra Body. Salamat sa inyong alok Ginoong Elgor ngunit hindi ako maaaring sumama at mag-aral sa inyong powerhouse. Tsaka mayroon na rin akong Master na nasa seklusyon.
Napasinghap naman ang marami na siyang naglikha muli ng bulung-bulungan.
"Tinanggihan niya ba ang alok ng isang Martial God Realm Expert?! Kung ako yun ay papayag ako!"
"Masyado siyang mapagmataas. Kahit na talentado siya ay kailangan niya pa rin ng background at resources na mapagkukunan."
Halos lahat ay hindi natuwa sa sinabi at desisyong pagtanggi ni Van Grego.
"Ah ganon ba?! Kung yan ang iyong desisyon ay hindi kita pipilitin. Sana ay makabisita ka man lamang sa aming lugar, sa White Crest Powerhouse. Bukas ang aming pinto para sa iyo!" Sambit ni Vice Commander Elgor ng nakangiti ngunit may lungkot sa mata nito.
"Paumanhin po Ginoo, pero maaari ko po bang irekomenda ang aking kaibigan?! Napakatalentado rin po nun kaso nga lang ay medyo malaki ito." Makahulugang sambit ni Van Grego.
Mula sa malayo ay biglang sumigaw si Fatty Bim.
"Ano'ng malaki ang sinasabi mo, normal lng yung size ko Van!" Sambit ni Fatty Bim habang nagsagawa ito ng skill.
"Dragon Fatal Wing Strike!"
Agad na nabuo ang isang malaking pakpak ng dragon at pinaulanan si Van Grego. Halos hindi magkandaugaga si Van Grego sa pag-iwas ang ibang Martial Artists ay umalis rin sa lugar na tinatamaan ng fire skills ni Fatty Bim.
Matapos nito ay bigla na lamang nagsalita si Vice Commander Elgor.
"Siya ba ang kaibigang tinutukoy mo? Napakalakas ng Wing Strike niya, kung sa amin siya mapupunta ay siguradong pagkakaguluhan siya ng mga opisyales!" Sambit ni Vice Commander Elgor habang namamangha. Nakita niyang nasa threshold na ito ng Level 2 Concept of Fire.
"Sinong mataba Van ha?! Ito sayo!
"Water Skill: Dragon Wing Armaggedon Strike!"
Nawala ang apoy na pakpak at napalitan ito ng isang tunay na butong pakpak ng dragon na mayroong kombinasyon ng konsepto ng tubig.
"Uhm, umalis na tayo rito Ginoong Elgor. Nagalit na si Fatty Bim at sigurado akong kahit ikaw ay mapipinsala!" Sambit ni Van Grego habang may problemadomg ekspresyon sa mukha.
"Tunay na butong pakpak ng flood dragon iyan?! Umalis na tayo rito!" Malakas na sigaw ni Vice Commander Elgor ng pautos.
Agad namang lumayo ang lahat sa lugar. Maya-maya pa ay nakita nila ang isang lumutang dambuhalang pakpak na halos tabunan ang buong lugar na ito. Maya-maya pa ay bigla itong nagbitaw ng isang maliwanag na enerhiya sa ilalim.
Nagkaroon ng matinding pagyanig sa lugar na ito dahil sa biglaang pagsabog ng lupa na animo'y hinati sa dalawa. Takot na takot ang mga Martial Beasts sa paligid maging ang mga nakasaksi sa pambihira at napakalakas na skill.
Maya-maya pa ay biglang nawala ang usok maging ang matabang batang lalaki. Si Van Grego ay wala rin.
"Buwiset!" Sambit ni Vice Commander Elgor habang mabilis na naglaho sa lugar na ito. Bakas ang matinding galit dahil sa pangyayaring ito.
Sina Elder Droon at Elder Klim ay agad na nilisan ang lugar habang kasa-kasama ang kanilang mga disipulo na sina Krun at Shiro.
Tahimik na umalis ang mga madla na mga Martial Artists rin kasama ang kanilang mga disipulo.
Ang pangyayaring ito ay nakapagtataka pero isa lang ang sigurado rito, nakatakas ang dalawang batang human race.