Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 139 - Chapter 34

Chapter 139 - Chapter 34

"Van, bakit tayo umalis roon? Basta-basta mo lamang akong sinabihan gamit ang divinse mo na atakehin ikaw at lahat ng nasa ilalim ng aking napakalakas na atake, para saan yun?!" Nagtatakang turan ni Fatty Bim

Kasalukuyan silang nasa loob napakaliit na espasyo sa isang nagkakapalang mga baging. Napakadilim at halos pinagkakasya lamang nila ang kanilang sarili rito. Mayroong nakalagay na mga mumunting formation arrays dito upang masiguradong ligtas sila sa lugar na ito laban sa labas.

"Mabuti at nagawa mo iyon, muntik na ako o tayong mapahamak!" Sambit ni Van Grego ng makahulugan. Agad na huminga ng malalim si Van Grego at makikitang naging komportable na ito.

"Bakit mo naman iyon nasabi kaibigang Van?! Diba, napakalakas ng Nakaputing roba na iyon. Narinig ko ang buong pag-uusap at pangyayari na yun pero di ko talaga naintidihan kung bakit tumanggi ka?!" Sambit ni Fatty Bim na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin. Hindi niya maintindihan si Van Grego.

"Hindi mo ba naisip na paano pupunta ang isang Martial God Expert sa Black Phantom Forest? Tsaka bakit niya ako ni-recruit eh hindi niya naman ako kilala. Isa pa ay isa akong tao, ang kanilang mga Skills ay may kinalaman sa kanilang lahi na White Crow at  mas lalong wala silang human inheritances." Sambit ni Van Grego habang isinalaysay ang kanyang obserbasyon.

Halos lumuwa ang mata ni Fatty Bim sa pangyayaring ito. Agad na napaisip siya dahil sa sinabi ni Van Grego. Totoo nga sinabi nito na halos walang dahilan ang lalaking iyon para i-recruit siya. Ang mga hybrid katulad ng mga Black Crow, White Crow, Bat Race at iba pa ay hindi gustong makihalubilo sa mga tao at iwas sila rito. Nakikita nila ang sarili nilang mas mataas sa mga human race.

Agad na may namuong assumption sa isip ni Fatty Bim.

"So sinasabi mo sa'kin ngayon kaibigang Van na may masamang balak ang lalaking iyon?!" Sambit ni Fatty Bim habang pinahayag niya ang kaniyang hinuha sa buong pangyayaring ito.

"Oo, nakuha mo ang sagot ngunit alam mong damay ka na dito Fatty. Lalo na't alam niya noon pa lang paglabas mo ay nasa iyo ang anak ng Purple Rain Lion. Kitang-kita ko kung paano tumingin sa iyo o kay Firin si Commander Elgor o kung si Commander Elgor man ito." Sambit ni Van Grego habang pinagtagpi-tagpi ang bagay na ito. Nakita niya kung paano nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Vice Commander Elgor habang may galit ito sa mata ngunit bigla nitong iwinala. Hindi iyon nakatakas sa mapanuring mata ni Van Grego lalo na at may Keen Ability siya dahil naka-activate ang konsepto ng tubig dahil sa kanyang movement technique.

"So sinasabi mo na ako ang totoong target ng lalaking iyon at si Firin? At hindi ang iyong Diamond Vajra Body?!" Sambit ni Fatty Bim habang nanginginig ang garalgal na boses nito. Makikitaan ng takot sa kanyang mga mata.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Alam kong may kinalaman ito sa Purple Rain Lion. May hula na ko kung sino siya pero hindi ko pa napatutunayan. Ang kailangan natin ay mag-ingat lalo pa't gumagala ang taong gustong kumitil sa buhay natin." Sambit ni Van Grego sa nababahalang boses. Hindi niya tinatakot si Fatty Bim at kasalanan niya rin dahil hindi niya napaalalahanan si Fatty Bim tungkol sa Purple Rain Lion.

"Natatakot ako kaibigang Van sa iyong sinasabi pero alam kong damay na rin ako. Hindi ko alam ang buong istorya pero sana ay malampasan natin ito. Hindi ko ibibigay so Firin at alam kong hindi rin ako iiwang buhay ng lalaking iyon o kung may kasama ito." Sambit ni Fatty Bim. Kailangan niyang tanggapin sa sarili niya na tapos na ang maliligayang araw niya at kailangan niyang magpalakas.

"Dumito muna tayo ng isang buwan. Kailangan nating magcultivate ng maigi at ihanda ang ating sarili. May lugar ako kung saan ay maaari tayong manirahan. Kaibigan kitang tunay kaya hindi kita pababayaan!" Masayang sambit ni Van Grego. Nababahala rin siya dahil dito. Ginawa pa siyang alibi ng Vice Commander Elgor na iyon upang masila sila sa inihanda nitong bitag.

"Salamat kaibigang sa mga naitulong mo sakin pero ang kapatid ko ay iniwan ko sa isang kuweba doon, marami naman kaming naiimbak na pagkain doon pero baka matunton siya ng mga kalaban o nakasagupa siya ng mga halimaw." Nababahalang sambit ni Fatty Bim. Nangangamba siyang baka nahuli na siya.

"Ganon ba, edi puntahan na natin siya doon. Babae pa naman ang kapatid baka mapano pa siya doon." Sambit ni Van Grego.

Agad namang tumango si Fatty Bim. Mabilis nilang nilisan ang lugar na ito. Maingat pero mabilis nilang nilakbay ang mga bundok, lawa maging ang ilog. Sa wakas ay nakarating sila sa isang kuweba. Medyo may kalakihan rin ito. Nakita nilang may mga mababangis na Black Poison Wolves ang nasa labas ng kuweba. Dito ay naalarma si Fatty Bim. Nakita niya ang kanyang kapatid sa isang sanga ng puno sa itaas malapit sa kuweba. May mga dugo rin sa katawan nito at sariwa pa ito. Halos maiyak sa kalunos-lunos na sinapit ng kanyang kapatid.

Agad namang nagpakita si Van Grego sa mga Black Poison Wolves. Dito ay agad naman siyang hinarap ng mga Black Poison Wolves.

GRRRRR! GRRRRR! GRRRRR! ...!

Dalawampong Black Poison Wolves ang nandirito at nakatingin na mismo kay Van Grego habang nakalabas ang kanilang mga pangil habang nanginginig ang mga bibig nito. Ang tingin nila kay Van Grego ay natatakam. Dahan-dahan ang mga itong pumunta sa kinaroroonan ni Van Grego.

Agad namang nagsagawa si Van Grego ng skill.

"Whirlpool Skill:Expansion!"

Agad namang natigilan ang mga Black Poison Wolf sa kanilang kinaroroonan. Mabilis ang pangyayari dahil bigla silang hinigop ng napakalaking whirlpool.

GRRRROOOOOWWWWLLLL!

Malakas na sigaw ng mga Black Poison Wolves habang isa-isa silang pumasok sa loob ng Whirlpool.

"Dalian mo Fatty Bim, Kunin mo ang kapatid mo at pumunta sa ligtas na lugar!" Sigaw ni Van Grego habang patuloy pa rin niyang hinihigop ang mga Black Poison Wolves.

Agad namang tumango si Fatty Bim at mabilis na pinuntahan ang kaniyang kapatid at dinala sa isang mataas na puno kung saan ay kaya silang suportahan nito.

"Agad namang nakaramdam ng ibayong sakit si Van Grego lalo na ng maramdaman niyang masisira ang kanyang ginawang Whirlpool na winawasak ng sampong Black Poison Wolves.

Agad namang napaluhod si Van Grego ngunit pilit niya pa ring kinokontrol ang Whirlpool. Mabilis namang sumugod sa kanya ang sampo pang mababangis na lobo. Kitang-kita nilang nasugatan si Van Grego kaya hindi nila ito papalampasin.

Agad namang kinontrol ang Whirlpool na gawa sa tubig at mabilis nitong ibinagsak sa sampong Black Poison Wolves na paparating sa kaniyang puwesto.

Kahit sugatan siya ay mabilis niyang iwinala ang Water Whirlpool at nagsagawa ng panibagong skill.

"Fire Skill: Fire Fusion Whip!"

Agad na nagmaterialize sa kamay ni Van Grego ang isang mahabang latigo.

Makikita ang takot sa mata ng mga Black Poison Wolves. Ang kanilang kahinaan ay apoy at kahit sino man sa mga halimaw ay karamihan sa kanila ay takot sa apoy dahil sa bayolente o marahas na enerhiya nito.

Ngunit hindi aatras ang mga Black Poison Wolf lalo pa't halos wala silang pinsalang natamo at sugatan na ang batang si Van Grego.

Agad na pinalibutan siya ng dalawampong mga mababangis na halimaw na lobo. Kapwa takam na takam sila sa batang si Van Grego. Halatang gutom na gutom ang mga ito dahil tumutulo ang kanilang mga laway at nakalabas ang kanilang mga matutulis na pangil sa kanilang bibig.

Agad namang binalot ni Van Grego ang kaniyang katawan ng dalawang magkahalong apoy  ng Red Fury Fire at ang kaniyang Alchemy Sacred Fire.

Takot na takot namang lumapit ang mga Black Poison Wolves dahil sa kakaibang init at pakiramdam ng apoy na inilalabas ng katawan ng batang si Van Grego.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Van Grego at mabilis na hinampas ang bawat isang Black Poison Wolf na makita niya. Dahil sa paralysing effect nito ay halos manigas ang katawan ng mga lobo at agad naman itong pinagsipa-sipa ni Van Grego na siyang pagtilapon ng mga ito.

Hindi na nag-aksaya pa si Van Grego at umalis sa lugar na ito.

...

"Buwiset! Hindi gumana ang aking taktika laban sa mga batang iyon! Siguro ay alam na nila ang ating mga plano, kasalan mo 'to Shiba!" Galit na galit na sambit ni Vice Commander Elgor habang kaharap si Shiba.

"At ako pa ang sinisi mo?! Diba plano iyon ng ating organisasyon? Hindi mo ba alam na nababahala rin ako, Master?!" Sambit ni Shiba habang galit rin ito.

"Huwag mo kong matawag-tawag na Master! Alam mong delikado ang ginawa mo ngayon,  isa lamang kitang secret disciple!" Paalala ni Vice Commander Elgor.

"Oo na po, Vice Commander Elgor. Okay na ba?!" Sarkastikong sambit ni Shiba habang mabilis nitong tinugga ang wine na nasa kanyang basong hinahawakan.

"Isa nalang talaga Shiba at malilintikan ka sa'kin! Alam mong seryosong problema ito at hindi ko aakalaing nakuha ng isang matabang human race ang anak ng Purple Rain Lion. Ano'ng masasabi mo ukol dito?!" Sambit ni Vice Commander Elgor.

"Ayon sa nakalap kong impormasyon sa mga ispiyang ipinadala ko at mga tapat kong alagad ay nagkaroon ng matinding sagupaan ang Adult Purple Rain Lion at ng Adult Diamond Tail Scorpion. Mukhang sinamantala ito ng dalawang batang iyon. Nalaman kong 1st Black Gold Rank pa lamang ang batang iyon pero nagbreakthrough ito dahil siguro nakuha nito ang Diamond Vajra Fruit na sa pangangalaga ng Diamond Tail Scorpion. Talagang mga tuso at pinlano ito lahat ng dalawang batang iyon. Ano ang gagawin ko sa sitwasyong ito?!" Sambit ni Shiba habang nababalisa. Noong una niyang malaman ang impormasyong ito ay nagulat talaga siya. Hindi niya alam ngunit naalarma siya dito.

"Hmmp! Hindi ko aakalaing hindi lamang simpleng bata ang mga iyon. May dahilan na tayo upang tugisin sila ng palihim. Alam mona ang gagawin mo Shiba, ang dispatyahin ang dalawang batang iyon. Kapag pumalpak tayo ay tayo ang babalikan ng mga lider ng ating organisasyon. Kahit ako ay hindi ka mapoprotektahan sa galit ng mga ito." Nababahalang sambit ni Vice Commander Elgor. Nangangamba siya na kapag lumabas ang impormasyong ito ay magiging katatawanan sila sa harap ng kanilang organisasyon at paparusahan sila. Napakabigat ng parusang binibigay ng mga ito. Ayaw niyang mangyari ito.

"Masusunod po Mas--- este Vice Commander Elgor!" Sambit ni Shiba habang umalis ito. Mayroong galit ang namumuo sa kanya, galit sa sumira sa plano nila. Alam niyang hindi maaaring buhayin ang mga batang iyon.

"Humanda kayo!" Sambit ni Shiba habang mabilis nitong nilisang ang sikretong lugar na ito na kanilang pinagpupulungan.

...

"Hmmp! Mga walang kwenta kayong lahat! Binabayaran ko ang inyong mga serbisyo sa akin. Impormasyon nga lang pero wala kayong maibigay?! Mga Inutil!!!!" Galit na galit na pagkakasabi ni Shiba habang nakatingin sa nakahanay na mga espiya na kanyang alagad.

"Paumanhin po Boss Shiba, talagang nawala na parang bola ang dalawang batang iyon. Napakailap nila." Sambit ng isang nakaitim na roba habang pinipilit nitong wag manginig habang nagsasalita.

"Paumanhin?! Ganyan ba ang gusto kong marinig?! Inutil! Binabayaran ko kayo para hanapin siya, hanapin niyo siya kahit saang lupalop pa siya nagtatago!" Sambit ni Shiba sa marahas na boses. Umiinit ang ulo niya dahil sa pangyayaring ito. Walang impormasyon paano niya ito marereport sa kaniyang Master, sigurado siyang siya ang pagbubuntunan ng galit ng mga ito.

Wooosh! Wooosh! Wooosh!

Biglang dumating ang isang espiya na alagad ni Shiba. Agad itong nagpakita ng galang.

"Speak!" Sambit ni Shiba habang makikita pa rin ang pangit na ekspresyon nito sa mukha.

"Boss Shiba, mayroon akong nakalap na impormasyon. Mayroong nagaganap sa isang kuweba malapit rito, nangangamba akong ang batang iyon ang hinahanap mo. Dalawa daw ito at may kasamang batang babae. Paumanhin po!" Sambit ng lalaking espiya kay Shiba.

Napangiti naman si Shiba dahil sa impormasyong ito.

"Mabuti ka pa at hindi ka katulad ng mga inutil na ito, pakiramdam ko ay sila nga iyon. Dahil sa iyong katapatan at pagiging masipag sa pangangalap ng impormasyong aking kailangan ay bibigyan kita mamaya ng gantimpala!" Masayang sambit ni Shiba. Isa ito sa pinakagusto niya sa isang tao, ang tapat at masipag sa mga pinapagawa sa kanila.

"Salamat po Boss Shiba!" Sambit ng espiya ng nakangiti.

Ibinigay nito ang lahat ng impormasyong kaniyang nakalap kay Shiba maging ang lokasyon ng kuwebang kinaroroonan nila Van Grego at Fatty Bim.

"Sumama kayo sa'kin upang pumunta sa kuwebang iyon, dapat ay mapatay na natin ang mga batang iyon!" Sambit ni Shiba habang mabilis itong sumipol.

*Whistle

Agad na lumitaw sa harap ni Shiba ang sampong assassins. Mayroong Cultivation Level ang mga ito na Martial Soldier Realm hanggang Martial Chief Realm.

"Mabuti at nandito kayong lahat dahil may pupuntahan tayo." Sambit ni Shiba at mabilis na lumipad papunta sa direksiyon kung saan ang kuweba.

Agad namang sumunod sa kanya ang sampong assassins.

...

"Buwiset, natakasan tayo ng mga batang paslit na mga iyon, haluhugin niyo ang buong lugar na ito sigurado akong di pa sila nakakalayo!" Galit na pagkakasabi ni Shiba habang nagbibigay ng utos. Hindi niya alam na napakatinik ng mga batang paslit na iyon.  Nanalot siya ng frustrations niya at siguradong madi-disappoint sa kanya ang master niya.

Agad namang kumilos ang mga assasins at naghanap ng mga maaaring mga bakas ng mga batang paslit. Hindi naman nabigo ang assassins dahil may nahanap silang tela na may bakas ng dugo.

"Boss, ito po! Baka makatulong ito upang matunton natin ang mga batang iyon dahil sariwa pa ang mga dugo nito!" Sambit ng isang assassin na may kapayatan.

Agad naman nitiong binigay kay Shiba ang kapirasong tela na may bakas ng sariwang dugo at tinanggap naman ito ni Shiba.

"Hahaha, mabuti. Sa wakas ay mahuhuli ko ang mga batang iyon sa aking mga kamay!" Sambit ni Shiba habang makikita ang galit sa kanyang mga mata. Hindi niya hahayaang mabuhay at lumakas ang mga bstang iyon.

"Puputulin ko na mismo ang sariling ugat bago pa lumaki at mamunga ang mga ito!" Makahulugang sambit ni Shiba sa kanyang isipan.