Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 137 - Chapter 32

Chapter 137 - Chapter 32

Nagkaroon ng pagyanig ng lupa at lumitaw ang isang lagusan. Nagpapahiwatig ito na natapos na nila ang mahigit na apat na buwang pamamalagi nila sa loob ng Mystic Realm. Mabilis na pumasok ang mga batang martial artists upang umalis na sa lugar na ito. Makikita na may bawas ang kanilang miyembro ngunit alam nilang minalas lang sila. Hindi nila ito pinansin pa at umalis na rin sa lugar na ito.

Paunti ng paunti ang bilang ng hindi pa nakarating sa lagusan. Marami na rin ang umalis sa lugar na ito.

...

Sa labas ng Mystic Realm ay kasalukuyang naghihintay ang maraming mga opisyales upang salubungin ang kanilang mga estudyante o disipulo para makumpirma kung maayos ba sila o namatay.

Marami ang hindi mapakali sa kanilang kinatatayuan at kinauupuan lalo na nang bumukas muli ang Mystic Realm matapos ang pagyanig ng lupa rito.

Woosh! Woosh! Woosh!

Sunod-sunod na lumabas ang mga batang Martial Artists. Makikita sa mukha ng mga ito ang lungkot. Ang mga ito ay mga nakasaksi sa laban. Kahit na marami silang nakuhang kayamanan ay bakas pa rin ang tamlay at lungkot sa pares ng mga mata nito. Ito ay ang mga Bat Race, isa sa mga naunang batang lumabas ay ang batang nakasuot ng maskarang itim. Ito ay walang iba kundi si Shiro.

Agad namang nakita ng isang High Elder ng Vampiric Bat Powerhouse ang kasalukuyang hindi maipintang ekspresyon nito sa mukha ni Shiro kaya't hindi niya maiwasang magtaka. Sa katunayan ay wala siyang nakikitang dahilan upang malungkot ng ganito ang batang ito lalo pa't marami rin itong pambihirang bagay o kayamanan na nakuha na pagmamay-ari nito.

"Oh Shiro, bakit para atang ang tamlay mo ata?! Ano bang problema?" Sambit ng High Elder na si Elder Droon.

"Kung sasabihin ko ay matutulungan niyo ba ako? Ang paslangin ang isang batang human race?!" Supladong sambit ni Shiro habang makikita ang labis na galit sa mukha nito.

"Aba, oo naman! Ang human race ay kalaban natin. Kaahit ang batang human race na yn ay kayang-kaya kong patayin iyan. Ano ba sa tingin mo ang importansiya ng mahinang lahi na iyan?!" Sambit ni Elder Droon sa mapanghamak na boses. Kahit siya ay labis ang galit sa mga tao.

"Mabuti naman kung gayon, Elder Droon. Gusto ko talagang maging malinis ang gagawin nating pagpaslang sa batang human race na iyon! Pinahiya niya ko sa loob ng Mystic Realm!" Galit na pagkakasambit ni Shiro habang nagsasalita ito.

"Sino ba yan ha?! Mataas ba ang ranggo nito sa cultivation o pinagsalitaan ka ng masama?!" Tanong ni Elder Droon habang makikita ang galit nito sa hindi kilalang batang human race.

Hindi na sinalaysay pa ni Shiro ang pangyayari at mabilis na nagwika.

"Pinagsalitaan niya ko ng mga mapanghamak na salita at pinahiya niya ko sa aking mga kasamahan. Dimaond Rank lamang ang batang ito at may kasama siyang lampa na matabang batang tao rin katulad niya. Sigurado akong may ginamit itong pambihirang bagay o kayamanan upang labanan kaming lahat ng walang takot kahit na mataas ang ranggo namin ng di hamak!" Naiinis na sambit ni Shiro. Nagsinungaling siya sa huling kanyang sinabi ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang magantihan ang misteryoso at hindi pa kilalang batang human race. Para makuha ang atensyon ng Elder/s o ni Elder Droon ay kailangan niyang isalita ang pambihirang kayamanan na isa lamang hula niya.

"Pambihirang bagay ba kamo na kayang labanan kayo. Isa lamang itong Diamond Rank, kung tama ang hula ko ay isa itong pambihirang bagay upang labanan ang maraming malalakas na kagaya niyo. Kapag nakuha natin iyon ay siguradong lalakas ka ng higit pa sa inaasahan mo!" Sambit ni Elder Droon habang makikita sa mukha nito ang labis na ganid. Ang bagay na tinutukoy ni Shiro sa kanya ay sigurang heaven-defying treasure.

"Mabuti pa nga Master, tsaka hindi na natin dapat hayaang lumakas ang batang iyon o makatakas man lang sa ating mga palad. Sigurado naman akong tutulong niyo ako Elder Droon diba?!" Sambit ni Shiro habang nakatingin sa mga mata ni Elder Droon.

"Oo naman, ituro mo sakin yan ng maturuan ng leksiyon. Sisiguraduhin kong makukuha natin ang pambihirang bagay na nasa katawan ng batang iyon. Ituro mo sakin kung saan siya at ako mismo ang papaslang dito!" Sambit ni Elder Droon. Ang pambihirang kayamanan na iyon ang gusto niyang makuha para umangat siya sa kanyang posisyon. Sigurado siyang malaking merit points o contribution points ang makukuha niya." Sambit ni Elder Droon habang may bakas ng paninigurado sa boses nito.

"Hindi ko siya nakita at sigurado akong mamaya pa ito lalabas. Hintayin na lang natin ang buwiset na batang human race na iyon!" Sambit ni Shiro.

Agad namang napangisi ang dalawa tanda na sang-ayon sila sa kanilang plano. Hindi siya nangangamba sa sinasabi niya dahil medyo malayo naman ang agwat nila sa ibang mga Cultivators. Nag-uusap lamang sila gamit ang divine sense.

Sa kabilang banda naman ay lumabas naman si Krun na may galit na ekspresyon sa mukha. May bahid ng asim at pait sa mukha nito habang iniisip pa rin ang hindi makakalimutang resulta ng labanan.

"Bakit ganyan ang timpla ng iyong mukha Krun? Hindi ka ba natutuwa sa naging paglalakbay mo? Tsaka saan na pala ang ipinahiram ko sa'yong replika ng Enigmatic Sword?!" Sambit ng Elder ng Blazing Bat Powerhouse na si Elder Klim.

"Yun na nga Po ang problema Elder Klim. May nakasagupa ako ng napakalakas na kalaban na iang batang human race. Dinaya ako at sinira ang Enigmatic Sword na pinahiram niyo sa'kin. Hinamak niya pa ako at ang buong Blazing Bat Powerhouse." Todo pagsisinungaling na sabi ng batang bat race na si Krun. Labis ang galit niya sa misteryosong bata na si Van Grego. Malaking kahihiyan ang inabot niya lalo pa't nasaksihan ng maraming kapwa niya Martial Artists ang kaniyang pagkatalo. Tsaka malaking kawalan na sa kanya ang mawala at masira ang replika ng Enigmatic Sword na pinahiram lamang sa kanya. Gusto niya ring mamatay ang batang human race na iyon. Hindi niya rin hahayaang lumaki pa ito at mas lumakas pa ito. Isang malaking sugal ang gagawin niya para dito.

"Aba aba, tama ba ang narinig ko? Isang human race, hindi ko aakalaing babanggain tayo ng isang batang mula sa purong lahi ng tao. Tsaka sinira niya rin ang aking Enigmatic Sword? Alam niya ba kung sino ang kinakalaban niya? Kahit na isang replika lamang iyon ay sinira niya ito, isa rin itong indikasyon na gusto niyangl khamuni at kalabanin ang ating lakas, ang ating Blazing Bat Powerhouse na pinagmulan. How bold! Sisiguraduhin kong mamamatay siya sa malagim at kalunos-lunos na paraan.

Hindi lamang si Shiro at Krun ang mayroong negatibong ekspresiyon sa mukha kundi marami. Nakuwento pa nila kung paano nandaya at naging mapangahas ang taktika ng batang human race na si Van Grego. Mas pina-exaggerate nila ang kuwento at inimbento ang ibang parte upang mas maging negatibo ang dating nito at pangahas. Hindi rin mapigilan ng maraming mga opisyales na hindi magalit laban sa misteryosong batang human race na si Van Grego. Halos mamula sila sa inis at galit sa misteryoskng batang ito.

...

Maya-maya pa ay may lumabas na dalawang bata sa loob ng lagusan. Isang slim na batang lalaki at isang matabang lalaki na animo'y malapit ng mapagkamalan na bola dahil sa taba nito.

Agad na nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid at pagkabalisa ng mga batang martial artists lalo na sina Shiro at Krun. Ngunit napangisi rin sila dahil siguradong makakaganti na rin sila.

"Humanda ka ngayon, pagsisisihan mong kinalaban mo ko" Sambit ni Krun sa kaniyang isipan. Ayaw niyang paniwalaang mas malakas ang human Race sa kanila.

"Hindi ko hahayaang makakaalis ka pa ng buhay at lumakas pa lalo!" Sambit ni Shiro sa kaniyang isipan. Labis ang galit niya sa pangyayari noong nakaraang mga araw.

...

Diba siya yung kumalaban kay Krun at tumalo sa kanya?! Hindi niya ba alam na isang hindi mapapatawad na krimen ang ginawa niya!"

"Hindi ako nagkakamali, siya ang lumampaso sa aming pito! Isang halimaw ang batang yan!"

"Siya ang tumalo kay Boss Shiro! Hindi ko aakalaing ang tapang niya at hindi siya naapektuhan sa mga presensya ng mga opisyales dito lalo na ang mga Elders."

Sari-saring pahayag ang maririnig sa paligid. Hindi maiwasan ng iba ang mamangha sa pangyayaring ito. Labis ang sama ng loob na kinakamkam nila lalo na si Krun at Shiro.

Maya-maya pa ay umalingawngaw ang isang boses na siyang ikinatahimik ng madla.

"Ikaw ba ang tumalo kay Shiro? Isa ka lamang hamak na diamond Rank pero nagawa mo ito sa kanya! Anong pmabihirang kayaman ang nasa pag-aari mo? Ibibigay mo ngayon din kung hindi ay ako mismo ang papaslang sa'yo!" Sambit ni Elder Droon sa malakas na boses. Malinaw na malinaw nitong sinabi ang mga kataga sa mapagbantang boses.

Ang mga madla na mga Martial Artists rin ay namangha at makikita ang ganid sa kanilang mata habang narinig nila ng malinaw ang salitang pambihirang bagay. Isa lamang ang naiisip nila dahil nakaya nitong labanan ng dalawang buong boundary si Shiro na maituturing na napakatalentadong batang Martial Artist sa Vampiric Bat Powerhouse. Ang gustong mangyari ng Elder na si Elder Droon ay kunin ang pambihirang bagay na ito.

Agad namang tiningnan ni Van Grego si Elder Droon habang si Fatty Bim naman ay nakikinig lamang at nag-oobserba sa pangyayaring ito. May takot rin ito sa kanyang pares na bilugang mata.

"Kasalanan ko ba kung masyadong duwag ang batang inaalagaan mo. Ni hindi nga niya ako hinarap at nilabanan. Paano ko naman siya matatalo? Siya ang kusang umalis at nagtago. Huwag mo kong pagbintangan sa bagay na hindi ko naman ginawa!" Mahinahong pagkakasabi ni Van Grego at kakikitaan ng inis at irotasyon sa boses niya. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng matandang Elder na kaharap niya.

"Eh ano naman ngayon? Pero paano ipapaliwanag na lubhang napinsala mo pitong Martial Artists. Hindi naman siguro magagawa iyon ng isang ordinaryong Diamond Rank na katulad mo? Ibigay mo ang kayamanang meron o papaslangin kita?!" Mapagbantang boses ni Elder Droon. Hindi niya papalampasin ang pambihirang bagay na pagmamay-ari ng bata. Hahanapan niya ito ng butas. Hindi niya hahayaang mapasakamay pa ito ng iba kundi siya at siya lang makikinabang rito.

"Sila ay mga nang-aambush, nangingikil at sinubukan kaming patayin? Ano, hahayaan na lamang mangyari iyon? Marami sila at ano ang gagawin mo sa sitwasyong iyon? Tsaka saan ang pambihirang bagay na sinasabi mo? Ginamit ko lamang ang aking sariling katawan upang labanan ang mga iyan. Kahit hanapin mo pa sa katawan ko ang pambihirang bagay ay wala kahit tanungin mo pa ang mga Martial Artists na nang-ambush sa amin." Mahinahong sambit ni Van Grego pilit niyang ikinakalma ang sarili. Ayaw niya talaga sa mga taong gahaman at ganid. Sa kasalukuyan niyang lagay ay ayaw niyang magkaroon ng kaaway pero sila na mismo ang lumalapit sa kanya. Wala siyang pagpipilian kundi lumaban. Ngipin sa ngipin, kamao sa kamao.

"Opo, wala po siyang armas! Nilabanan niya kami gamit ang kanyang sariling kamao, paa at siko lamang at walang anumang sandatang dala o ginamit." Sambit ng batang cultuvator habang makikita sa kaniya na determinado siyang isuplong si Shirom.

Maya-maya pa ay sumunod pa ang iba sa pagtestigo kay Van Grego. Hindi nila kasi alam ang etiquette ng mundong ito at pawang mga mura pa ang kanilang muwang o isip sa bagay-bagay patungkol sa cultivation world kung kaya't di kataka-takang magsasabi sila ng nakita nila o nasaksihan.

"Iniwan kami ng Shiro na yan, nilagay niya kami sa peligro at iniwan!"

"Napilitan lang kami upang sumama sa kaniya upang mang-ambush!"

"Siya ang kumuha ng aking nakitang pambihirang halaman na Lily pearl Herb!

"Inubos niya ang aking dalang pagkain!"

Sari-saring mga pahayag ang naglabasan. Mayroong mga pasaring patungkol kay Shiro at sa mga katarantaduhang ginawa nito. Masyado kasing naging arogante ito at mapagmataas na hindi nila kayang sikmurain ang mga ginawa nito lalo na sa pag-uuglai nito na animo'y siya na ang pinakamalakas na cultivator ng mga batang henerasyon.

"Tahimik! Hindi ko hinihingi ang opinyon niyo! Naisip niyo ba kung paano nagawang labanan ng batang human race na ito ang labanan ang pitong batang Martial Artists?! Nag-iisip ba kayo hah?!!!!" Malakas na sambit ni Elder Droon sa galit na boses. Halatang ginamit na nito ang kaniyang posisyon o estado bilang Elder ng Vampiric Bat Race.