Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 136 - Chapter 31

Chapter 136 - Chapter 31

Nahintatakutan naman si Fatty Bim habang tiningnan ang higanteng bulaklak daw ng Blood Ore Vine. Mabilis niyang iniiwas ang kanyang paningin rito at mabilis na naghukay. Maya-maya pa ay nakita nila ang mga kumikinang na mga bagay sa ilalim.

May dalawampong piraso ng malaking hugis bilog na nakatumpok sa mga ugat.

Makikita sa mukha ni Fatty Bim at Van Grego ang mangha. Agad namang dinampot ni Van Grego ang limang piraso at binigay kay Fatty Bim. Agad namang dinampot ni Van Grego ang labing tatlong piraso upang itago sa Interstellar Dimension.

Masayang-masaya naman si Fatty Bim dahil napakalaking halaga na ito na magkaroon ng limang Blood Ore Source na siyang pinakabihira lamang na mangyari. Para sa kanya ay napakabait na ng kaniyang kaibigan na bigyan siya nito.

Agad na kumuha si Van Grego ng sampong mga maliit na kulay pulang mga ugat ng Blood Ore Vine. Hindi naman ito kinwestiyon ni Fatty Bim, sigyro ay gagawing remembrance o collection lamang ito ni Van Grego.

"Ano ang gagawin mo sa dalawang Blood Ore Source?!" Sambit ni Fatty Bim habang nakits niyang hindi ito ginalaw ni Van Grego.

Agad na may lumitaw na isang kitsilyo sa kamay ni Van Grego at mabilis na hinati sa sampong piraso ang bawat isang Blood Ore Source. Dalawampo ang bilang ng maliliit na piraso at inilagay ni Van Grego ito sa bawat pwesto ng dalawampong mga Blood Ore Sourcem

"Alam mong matagal pa bago magreproduce ang Blood Ore Vine na ito ngunit kung pwede naman itong magreproduce kahit konti-konti sa una ay bubuo ng kusa ang dalawampong mga Blood Ore Source na ito." Sambit ni Van Grego habang masaya ang mga mata nito.

"Kaya idolo kita kaibigang Van eh, hindi ka katulad ng ibang mga Martial Artists na basta may makuhang kayamanan ay sisimutin ito kahit na ang kahulugan nito ay ang pagkapuksa ng pinagmumulan nito." Sambit ni Fatty Bim habang namamangha sa ginawa ng kaniyang kaibigan. Alam niyang hindi ito abusado at ayaw nitong may inaagrabyadong kahit na sinuman.

"Hindi ako yung abusado kundi ikaw haha... Dalian mo dahil gagalaw na ang halimaw na yan!" Sambit ni Van Grego habang nakangising demonyo at mabilis na ginamit ang kaniyang movement technique.

"Van!!!!!! Hintayin mo ko!!! Wahhhhh!!!!" Sambit ni Fatty Bim habang mabilis siyang sumunod sa direksiyon ni Van Grego kung saan ang labasan ng Underground Mine Hole na ito. Ayaw niyang matikman ang bagsik at glait ng Blood Ore Flower.

...

"Van naman eh, alam mong halos himatayin ako sa pinanggagagawa mo kanina!" Nakangusong sabi ni Fatty habang lumulubo ang mukha nito.

Kasalukuyan silang nakabalik sa kanilang taging lugar na tinitirhan nila sa kasalukuyan.

"Oo ba, niloloko lang kita. Kahit mawala ang paralysis effect ay matatagalan namang magfuction ang katawan nito dahil manghihina pa ito hahaha!" Sambit ni Van Grego habang tumatawa.

Napag-isip-isip naman ni Fatty Bim ang bagay-bagay na sinabi ni Van Grego at nalaman niyang mas epektibo ang paralysis sa mga flexible na mga nilalang kagaya ng mga baging, hayop lalo na sa mga halaman. Halos tadyakan niya ang sarili sa bagay na ito.

"Ahhh! Bakit di ko naisip yun! Hmmp!" Inis na inis na sambit ni Fatty Bim lalo na sa kanyang sarili. Hindi niya inisip ang mga bagay-bagay. Ewan niya ba, pagkasama niya si Van Grego parang naging bobo na siya.

"See? Hindi ka kasi nag-isip at nagpadaig ka sa takot mo. Kapag ganon ay hindi ka magiging malakas niyan" Sambit ni Van Grego kay Fatty Bim sa nag-aalalang boses.

Naintindihan naman ni Fatty Bim ito dahil alam niyang kailangan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa at hindi umasa sa tulong ng kaibigan niya. Ayaw niyang maging pabigat at dumating sa oras na kailangan niyang harapin ang mga pagsubok na siya lamang mag-isa.

...

"Bata, natuwa at namangha ako sa mahigit apat na buwang paglalakbay mo rito! Hindi ko aakalaing nalampasan mo ang aking ekspektasyon. Kaya binabati kita!" Sambit ni Master Vulcarian habang nagcucultivate si Van Grego.

"Salamat Master, siya nga po pala, ano ang gagawin ko sa mga hiblang ugat ng Golden Soil Vine at Blood Ore Vine? Hindi ko alam magtanim nito at hindi ko alam kung mabubuhay ito.

"Wag kang mabahala Van, ibigay mo sakin at itatanim ko ito sa loob ng Myriad Painting sa isang quadrangle na malapit sa lugar na pinag-eensayuhan mo!" Masayang sambit ni Master Vulcarian.

"Oo nga po Master noh, bakit di ko naisip yun?!" Sambit ni Van Grego. Alam niyang mainam ang Myriad Painting sa pagpapalaki ng mga halaman dahil sa napakayaman ng enerhiyang nakakalat sa hangin maging sa lupain dito.

"Pero Master, sabi mo ang Golden Soil Vine ay sa mga ground Faults o sa malapit ss bulkan tumutubo." Dagdag ni Van Grego habang iniisip niys ang posibilidad.

"Oo nga noh, don't worry bata dahil ay malaking bulkan sa Myriad Painting na angkop para pagtaniman ng Golden Soil Vine.

"Sige po Naster, aasahan ko po yan. Pero naalala kong sarado pala ang dantian ko pero ano ang magagawa ko para maibigay ito sayo?!" Sambit ni Van Grego habang namomroblema.

"Medyo bukas ang Myriad Painting dulot ng pagbreakthrough mo noong nakaraang buwan. Ibigay mo sakin ang mga ga-hiblang ugat ng Golden Soil Vine at Blood Ore Vine." Sambit ni Master Vulcarian.

"Opo Master!" Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang kinontrol ang mga gahiblang ugat upang ipasok sa maliit na lagusan papasok sa Myriad Painting.

Matagumpay namang nakuha ito ni Maater Vulcarian.

"Ah Master paano nga pala ang napakaraming Golden Soil? Anong gagawin ko rito?!" Sambit ni Van Grego haabng nagkakamot ng kaniyang batok.

"Sige ipasok mo lang dito sa loob ng maliit na lagusan ng Myriad Painting." Masayang sambit ni Master Vulcarian.

"Sige po!" Mabilis na sambit ni Van Grego habang hinubad niya sa kanyang daliri ang dalawang na singsing na mayroong cube shape, ito ang Interstellar Dimension. Kinontrol niya ito maingat ngunit nang malapit na ito sa lagusan ay bigla na lamang nawala ang kaniyang kontrol maging ang kaniyang blood contract ay nawala. Nakita niya kung paano unti-unti pumasok sa loob ng kaniyang dantian ang dalawang singsing na walang iba kundi ang Interstellar Dimension.

"Ahhh! Naramdaman ni Van Grego na nakaramdam siya ng matinding sakit na siyang biglang pagsuka niya ng sariwang dugo.

"Van, anong nangyari sa'yo?!" Nag-aalalang boses ni Master Vulcarian sa kanilang mindlik. Medyo napalakas ang boses nito.

"Master, biglang nawalan ako ng kontrol sa Interstellar Dimension.Naramdaman kong nasira ito! Pasensya po Master!" Sambit ni Van Grego habang mababakasan ng lungkot at panghihinayang sa boses nito.

"Wag kang mag-alala, sigurado akong nasira iyon. Mabuti na lamang at ganon lamang ang pinsalang iyong natamo. Wag kang mag-alala dahil magkakaroon ka rin naman ulit ng gabundok na Golden Soil dahil naitanim ko na ito maging ang sampong  gahiblang ugat ng Blood Ore Vine.

"Salamat po Master!" Sambit ni Van Grego. Hindi pa rin niya mapigilang manghinayang sa mga bagay at nilalang na nasa loob ng kanyang dalawamg Interstellar Dimensions.

...

Lumipas ang araw ay nag-eensayo pa rin si Van Grego sa kanyang cooking skills lalo na sa pagperpekto niya sa Roasting skill niya.

Nawala na rin sa isip niya ang panghihinayang sa kaniyang dalawang Interstellar Dimension. Mas itinuon niya ang kanyang atensiyon sa pagpapaunlad sa kaniyang sarili.

Siyempre ay palaging busog na busog silang tatlo ni Fatty Bim at Firin. Todo ensayo rin si Fatty Bim lalo na sa mga basic fighting skills.

Hindi nila namalayan na dumating na ang araw na kanilang pag-alis sa Mystic Realm na ito.

Binigay rin ulit sa kanya ni Fatty Bim ang Divine Aquatic Scroll dahil hindi niya rin ito gustong matutunan. Masyadong mahirap ang skills, mas gusto niya pang kumain kaysa pag-aralan ang napakakomplikadong technique na ito. Lubos naman ang saya ni Van Grego kaya mas dinamihan niya ang niluto niyang Martial Beasts na siyang ikinatuwa at ikinabusog pa lalo ni Fatty Bim.