Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 135 - Chapter 30

Chapter 135 - Chapter 30

Mabilis na tinutok ni Van Grego ang kanyang Interstellar Dimension sa Black Mining Beetle at binuksan ito. Nilagyan niya ng malakas suction force o nanghihigop na pwersa ang loob ng Interstellar dimension na siyang patuloy na humihigop papasok ang dambuhalang halimaw ngunit dahil sa kabusugan nito ay mabilis rin itong hinigop papasok ng Interstellar Dimension.

"O ano?!" Pang-iinis ni Van Grego kay Fatty Bim.

"Oo na, ang pangako ay pangako. Papayag din naman ako noh. May sampong porsyento ako ng essences nito. Essences? Wag mong sabihing madami kang gustong ipa-testing na mga minerals sa Black Mining Beetle na 'to?!" Gulantang na sambit ni Fatty Bim.

"Nakuha mo! Oo, mas maraming minerals at ores ay mas maganda hahah!" Sambit ni Van Grego habang humahalakhak.

"Susuportahan kita Kaibigang Van, pagdating sa negosyo, game na game ako diyan!" Sambit ni Fatty Bim na animo'y isang negosyante ito sa kasalukuyan.

"Bata, pa'no kaya kung kunin mo ang Blood Ore Source na nasa ilalim nito?! Alam mong isang pagkakataon lang mangyari to!" Sambit ni Master Vulcarian sa kasuwal na boses.

"Blood Ore Source, Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip yun?!" Sambit ni Van Grego. Mabilis siyang lumakad papasok sa underground mine hole.

"O Kaibigang Van, saan ang punta mo? Sama ako!" Sambit ni Fatty Bim habang mabilis na sinundan si Van Grego.

"Oo ba, basta wag kang gagawa ng kabulastugan. Manood ka nalang!" Sambit ni Van Grego ng may diin sa boses nito.

"Okay, sabi mo eh!" Sambit ni Fatty Bim habang nangongolekta siya ng mga nakakalat na Blood Ore sa bawat dadaanan niya.

Sinundan na lamang ni Fatty Bim kung saan pupunta ang kaibigan niyang si Van Grego.

Kalahating oras na sila naglalakbay pailalim ng underground mine hole na ito ngunit marami na ring nakolektang pure blood ore. Ewan ba niya kung saan sila pupunta ngunit napa-dense ng atmospera habang papasok sila sa malalim at madilim na parte ng underground mine hole.

Maya-mayapa ay narating nila ang nakakamanghang tanawin na lumiliwanag ng sobra.

"Hehe... Bata, natagpuan mo ang Blood Ore Vine rito. Paano kaya kung kuhanin mo ang mga gahiblang ugat nito. Tsaka kuhanin mo rin yung mga Blood Ore Source na siyang purest blood ore Sa lahat. Siguro ay medyo marami-rami din ito hehe..." Sambit ni Master Vulcarian sa masayang tono. Halatang nasisiyahan siya sa naging paglalakbay ni Van Grego. Hindi niya nga nalaman kung paano nalaman ni Van Grego na dito sa patay na bundok na ito nanggagaling ang mga Blood Ore.

"Sige po Master!" Sambit ni Van Grego habang 0

Ppp mabilis na gumalaw ang malalaking baging nito at mas lumiwanag ang kulay pulang ilaw na inilalabas ng Blood Ore Vine.

"Ssssshrrrrriiiiccccckkkkk!"

Atungal ng Blood Ore Vine habang mabilis nitong pinatulis ang mga baging papunta sa direksiyon ni Van Grego.

WOOSH! WOOSH! WOOSH!

Malakas na tunog ng mga napakaraming baging.

Dahil sa bigla ni Van Grego ay mabilis siyang nagsagawa ng panangga.

Whirlpool Skill: Whirlpool Shield!

Mabilis na nagsolidified ang ginawang Whilpool Shield. Tumama dito ang nga matutulis na baging.

BANG! BANG! BANG!...!

Sunod-sunod na pagbangga ng mga naglalakihan at nagtutulisang baging ang tumama sa Whirlpool Shield. Mas umunlad ang skill ni Van Grego kumpara dati na medyo liquified ito. Magkaganon man ay unti-unting nagkabitak-bitak at mabilis na sumabog ang Whirlpool Shield.

Tumilapon si Van Grego sa malayo. Tumulo at umagos ang napakapulang dugo sa ilong, bibig at tenga ni Van Grego. Kahit sino ay hindi maipagkakailang napakagrabeng pinsala ang natamo ni Van Grego ngunit wala siyang pakialam.

"Bata, kahit na isa lamang Martial Vine ang kalaban mo ay may natural na lakas pa rin ito. Sa palagay ko ay nasa Martial Soldier ito, wala itong consciousness ngunit buhay at may natural instinct ito upang makapagreproduce ng mga Blood Ore." Pagbibigay impormasyon ni Master Vulcarian habang mahahalata sa boses nito ang matinding pag-aalala.

"Kaya ko 'to Master, maikukumpara lamang ito sa pinakamahinang Martial Soldier Realm dahil wala rin itong consciousness." Masayang wika ni Van Grego. Kahit may pinsala ito ay hindi pa rin mawawala ang determinasyon nito upang lumaban at labanan ang Blood Ore Vine.

Magsasalita pa sana si Master Vulcarian ngunit isinarado ni Van Grego ang kaniyang isipan. Desidido na siyang talunin ang halimaw na ito at walang makakapigilsa kanya.

"Woosh! Woosh! Woosh!

Isang mabilis na atake ang bigla na lamang umulan sa direksiyon ni Van Grego. Mabilis niyang ginamit ang kaniyang Falcon Wave Movement Technique na may kasamang tubig. Mabilis niyang naiiwasan ang mga atake na animo'y sumasayaw.

Nang makita ito ni Fatty Bim ay hindi niya alam ngunit namangha siya sa movement technique ni Van Grego. Alam niyang ito pa rin ang movement technique ni Van Grego ngunit mas kakaiba at umunlad ito. Dahil sa divine sense niya ay nalaman niyang ginamit nito ang konsepto ng Tubig, ang flow like Water.

"Ang daya ni Van, nasa threshold na siya ng Level 2 ng Concept of Water pero ako? Ito, naghihirap para mahabol ka. Mas talentado ka pa sakin." Sambit ni Fatty Bim habang masayang nagwika ngunit may lungkot rin. Plano niyang magsumikap upang lumakas sa mga konsepto maging sa kaniyang Cultivation. Ayaw niya ring maging pabigat kay Van Grego sa hinaharap habang sumusuong sila sa mapanaganib o napakadelikadong lugar.

[A/N: Hindi alam ni Fatty Bim na Diamond Life Destruction Realm si Van Grego na katumbas ng Martial Knight Realm. Akala ng lahat ay ordinaryong Diamond Rank lamang si Van Grego. Ang Diamond Life Destruction Realm ay mayroong siyam na core pieces na siyang magpapahayag na kung saan na ang lakas ni Van Grego. Nasa 1-core Diamond Life Destuction Realm. Iba ang Heavenly Dao Laws na sinusunod ng katawan ni Van Grego at iba ang Cultivation System niya.]

Mabilis na nagsagawa muli si Van Grego ng skill habang pinalitan niya ng apoy ang kanyang konsepto

"Fire Skill: Fire Whip!"

Agad na nagmaterialize sa kaliwang kamay niya ang fire whip. Mas naging vibrant ito at naglalabas ng mas mainit na apoy. Mayroon pa itong special effect na paralysis dahil sa alchemy fire na taglay ni Van Grego, siguro ay dahil sa pagluluto niya ng marami noong nakaraang mga araw.

Hindi niya hinayaang mabunot pa ng Blood Ore Vine ang mga galamay nito. Mabilis niyang pinaghahampas ito ng malakas gamit ang fire whip. Halos hindi na gumalaw ang mga galamay nito sa lupa at animo'y naging lantang gulay ito na siyang ikinagalit ng Blood Ore Vine.

"Sssssshhhhhrrriiillllcccckkkkk!"

Umatungal ng malakas ang Blood Ore Vine na animo'y may pinaghalong sakit at matinding galit ngunit walang tigil na pinaghahampas ni Van Grego ang mga galamay nito hanggang sa hindi na gumalaw ang mga ito.

Hindi pa nakontento si Van Grego at mabilis na pumunta sa mismong katawan ng Blood Ore Vine. Mabilis niyang nilatigo ito hanggang sa hindi na ito gumagalaw. Pati ang bibig nito ay hindi pinalampas ni Van Grego dahil alam niyang may gahiblang mga  poisonous na baging ang bibig nito.

"Bata, hukayin mo ang nasa ilalim mismo ng Vine na iyan. Nasa ilalim ang totoo nitong katawan. Ang kalaban mo ay ang Blood Ore Flower na yan, mapangahas ngunit hindi niya ako mauuto, bilisan mo" Sambit ni Master Vulcarian sa naalarmang boses.

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Van Grego at mabilis niyang inilabas ang ordinaryong pala at mabilis na humukay.

Agad na lumapit si Fatty Bim kay Van Grego at nagtataka itong nagwika.

"Van, ano'ng hinuhukay mo?! Diba yun yung katawan ng Blood Ore Vine?!" Sambit ni Fatty Bim habang nagtakaka.

"Akala ko nga rin eh pero nalaman kong bulaklak lang pala iyan. Bilisan mong maghukay dahil maya-maya lamang ay baka makagalaw na ang Blood Ore Flower na yan!" Sambit ni Van Grego habang tinuturo sa itaas ang malaking nagliliwanag na pulang bagay.