"Teka Van, saan tayo pupunta?!" Sambit ni Fatty Bim habang naglalakbay sila. Hindi niya alam kung saan gustong pumunta ni Van Grego.
"Sumunod ka nalang dami mo pang tanong." Sambit ni Van Grego habang mabilis na lumiko sa isang medyo may kasukalang parte.
Nanahimik na lamang si Fatty Bim. Naisip niyang wala siyang magagawa pa. Agad na siyang sumunod sa direksiyong tinatahak ni Van Grego.
Maya-maya ay huminto si Van Grego. Medyo sa isa silang paanan ng isang nakakatakot na bundok.
"Ano ang gagawin n------!" Sambit ji Fatty Bim ngunit mabilis siyang sinuway ni Van Grego.
"Sshhhh, wag kang maingay." Mahinang sambit ni Van Grego habang pinapatahimik niya si Fatty Bim.
Agad namang nanahimik si Fatty Bim. Naisip wag ng magsalita pa dahil baka iwan siya dito o kaya ay hindi na siya isama ni Van Grego sa kanilang paglalakbay. Ayaw niya itong mangyari. Napag-isip-isip niya rin na masyado siyang madaldal at palagi siyang napapahamak dahil dito.
Agad namang naglakad-lakad sila sa paanan ng nakakatakot na bundok. Ayaw sanang manatili ni Fatty Bim rito ngunit ayaw naman niyang iwan ang kaibigan niyang si Van Grego. Alam niyo yung pakiramdam na gusto niyang umalis pero hindi niya rin gusong umalis mag-isa, ganon ang pakiramdam ni Fatty Bim.
Maya-maya pa ay huminto si Van Grego na siyang ikinahinto at ipinagtataka ni Fatty Bim.
"Andito na tayo!" Mahinang sambit ni Van Grego.
Naintindihan naman ito ni Fatty Bim. Ang tanging nakikita ni Fatty Bim ay isang malaking lagusang papunta sa loob ng bundok na ito.
Maya-maya pa ay pumasok sa loob si Van Grego habang si Fatty Bim ay nakatayo lamang at animo'y nanginginig ang mga tuhod nito. Mabuti na lamang at mahigpit ang yakap sa likod ng natutulog na batang Purple Rain Lion na si Firin.
Agad namang lumingon si Van Grego sa direksiyon ni Fatty Bim. Nakikita niyang nanginginig ito sa takot.
"Huwag ka ngang duwag Fatty Bim, andito naman ako eh. Ang duwag mo talagang kaibigan. Para sabihin ko sa'yo ay may maraming kayamanan sa loob ng Dead Mountain na ito." Sambit ni Van Grego.
"Talaga ba?! Kung sinabi mo agad kaibigang Van edi sana kanina pa tayo pumunta rito!" Masayang sambit ni Fatty Bim habang makikita ang galak sa mata nito.
" Hahaha, o siya, sumunod ka sakin. Mag-ingat ka ha!" Sambit ni Van Grego habang maingat siyang lumalakad sa kanyang dinaraanan.
Nang makapasok sila sa loob ay namangha silang dalawa lalo na si Fatty Bim. Nakita niya ang mga malawak na lugar na ito na puno ng mga nagpupulahang mga Blood Ore, o mas mabuting sabihin na mga malalaking piraso ng mga Pure Blood Ore.
"Ano to? Namamalikmata lang ba ako sa aking nakikita ngayon?! Pakihampas nga ako?!" Sambit ni Fatty Bim habang mabilis siyang nilapitan ni Van Grego at binigyan ng malakas na hampas. Halos mangudngod naman si Fatty Bim pailalim. Mabilis na lumipat si Van Grego sa malayong distansya habang tumatawa.
"Grabe ka kaibigang Van, sabi ko hampas hindi hambalusin!" Naiinis na tugon ni Fatty habang mabilis niyang inayos ang kanyang sarili. Lumubo ng malaki ang pisngi niya.
"Haha, ganon rin yun eh. Para di ka na mainis paano kaya kung paramihan tayo ng kuha. Kapag natalo mo ko ay magluluto ulit ako ng maraming mga Martial Beasts!" Sambit ni Van Grego habang nangunguha na ng mga Pure Blood Ore na makikita sa kaniyang paligid.
Agad namang nagliwanag ang mukha ni Fatty Bim at nagwika.
"Promise yan ha tsaka hoy, huwag kang mauna hoy tigil mo yan Van! Daya mo alam mo yun?!" Sambit ni Fatty Bim habang mabilis ring kumukuha ng mga Blood Ore.
"Aba aba, nahiya ako sa bilis mo Fatty Bim ah. Masyado ka atang mabilis kumuha ng mga Blood Ore, sanay na sanay ah?!" Sarkastikong sambit ni Van Grego habang naghihimutok. Gusto niya sanang bawiin ang kanyang sinabi o pinangako pero mas binilisan niya ang pangunguha ng mga Blood Ore. Tinodo niya sa limitasyon ang kanyang movement technique.
"Ang daya mo talaga Van, di ako papatalo sa'yo!" Sambit ni Fatty Bim habang sineryoso niya ang kompetisiyong ito. Hindi niya muna kaibigan si Van Grego ngayon, agad niyang tinodo rin ang kanyang movement technique. Halos maubos nila lahat ng mga Pure Blopd Ore at maging ang mga pira-pirasong ordinaryong Blood Ore. Hukay dito, hukay doon. Halos maging minahan na ang buong lugar na ito.
Hindi nila namamalayan na halos dumadami ang tambak-tambak nilang nakolekta maging ang bawat daraanan at mahukay nila ay simot na simot, walang tira-tira.
Ilang oras silang naghuhukay at halos hindi nila namamalayan na palalim bg palalim ang kanilang pagpasok sa loob ng animo'y underground mine na ito.
Mabilis lumipas ang oras at masayang naghuhukay pa rin sina Van Grego at Fatty Bim nang biglang lumindol ng malakas sa loob ng underground mine na ito.
"Grrrooollllccckkkk"
Malakas na atungal ng isang misteryosong nilalang na sa pinakaloob mismo ng underground mine na ito. Mabilis itong pumalapit sa kanila ni Van Grego. Hawak-hawak pa niya ang isang malaking Blood Ore. Si Fatty Bim naman ay napahinto sa kanyang ginagawang paghuhukay at mababakasan ng takot ang kanyang mukha.
"Umatras ka Fatty Bim!" Paalala ni Van Grego habang ito ay nakatayo pa rin habang naka-fighting stance.
"Umatras ka o ikaw ang lumaban sa misteryosong nilalang? Pumili ka?" Inis na inis na sambit ni Van Grego. Mababakasan ng pag-aalala sa mata nito habang nakatingin sa parang bolang katawan ni Fatty Bim.
"Ah eh eto na nga, hindi mo agad sinabi eh. Iche-cheer nalang kita mula sa malayo hehe!" Sambit ni Fatty Bim habang mabilis na umatras palayo dito gamit ang kanyang movement technique.
"Baliw!" Mahinang sambit ni Van Grego na animo'y pabulong. Mabilis niyang itinuon ang kanyang sarili sa maaaring maging laban. Alam niyang dambuhala itong nilalang at dapat seryosohin niya ito.
Bawat minuto ay palakas ng palakas ang pag-uga ng lupa. Mabuti na lamang at matibay ang pundasyon ng lupa kung hindi ay baka kanina pa ito gumuho.
Agad na lumitaw sa madilim na parte ang napakapulang malaking mata ng isang halimaw. Nang makita ito ni Van Grego ay nakaramdam siya ng pagkabahala.
Agad na lumipad ito papunta kay Van Grego. Dito ay bumungad sa kay Van Grego ang isang napakalaking bettle. Hindi siya makapaniwala na mayroong ganito kalaking halimaw.
"Grrrooollllcccckkkl!!!!
Malakas na umatungal muli ang malaking bettle at sinugod si Van Grego. Hindi naman niya ito hinayaan na makalapit sa kanya. Ginamit niya ang Falcon Wave Movement Technique at nag-iba siya ng direksiyon. Mabilos niya ring pinaulanan ng atake ang dambuhalang halimaw.
"Bang! Bang! Bang!"
Tunog ng mga atake ni Van Grego. Nang makita ni Van Grego ang naging resulta ng kaniyang atake ay halos lumuwa ang kanyang pares na mata.
"Paano? Isa lamang itong dambuhalang bettle ngunit ang depensa nito sa kanyang katawan ay kamangha-mangha ngunit nakakatakot rin." Sambit ni Van Grego sa kanyang isipan.
"Hoy bata, wag kang magsayang ng lakas dahil hindi yan layunin na saktan ka, tikman mo ang hawak mo!" Sambit ni Master Vulcarian habang naiinis.
"Huh? Bakit naman, isa lang naman tong Pure Blood Ore. Ano ba ang kakaiba rito?!" Sambit ni Van Grego habang labis itong nagtataka.
"Bobo ka talaga bata, ang aking sinasabi ay gusto ng Martial Beasts na yan ang hawak mong malaking Pure Blood Ore. Isa lang naman yang Black Mining Bettle. Kita mo ang sungay niyan? Siya lang naman ang drill ng malaking lagusan na ito na animo'y isang underground mine hole tsaka kahit anong gawin mong atake diyan ay hindi mo masisira yan, kahit Earthen Realm Martial Artists ay hindi niya masisira ang depensa nito." Sambit ni Master Vulcarianhabang pinaalalahanan ang estudyante nitong si Van Grego.
"So ano'ng ibig mong sabihin? Ano ang gagawin ko po Master?!" Sambit ni Van Grego habang nag-iisip.
"Edi pakainin mo at nang makita mo!" Sambit ni Master Vulcarian habang mabilis na winala ang mindlink tsaka winala ang kanyang divine sense.
"Masterrrr! Ang daya mo talaga. Tsk!" Nagpipigil sa inis na saad ni Van Grego. Mabilis pa sa ninja ang master niya na hindi niya alam kong matatawa siya o maiiyak.
...
"Ano ba naman to Van? Alam mo bang nagsasayang ka ng kayamanan? Ang dami na ng kinain ng dambuhalang bettle na to eh di pa nabubusog!" Nanghihinayang na sambit ni Fatty Bim habang pinapakain ang halimaw. Ilang balde na ng Blood Ore ang kinain nito ngunit hindi pa nabubusog. Bawat pagkain ng itim na bettle sa piraso ng ordinaryong Blood Ore ay parang dinurugo ang kanyang puso ngunit ayaw niyang suwayin si Van Grego.
"Wag kang rereklamo diyan, akin naman yang Blood Ore na kinakain ng halimaw na yan eh! ako nga hindi naghihinayang ikaw pa kaya na walang ibinigay sa kaawa-awang nilalang na ito?!" Sambit ni Van Grego hanbang inis na nakatingin kay Fatty Bim. Pero sa totoo lang ay dumurugo na ang puso ni Van Grego dulot ng malayang pagpapakain niya sa pinaghirapan niyang hukayin ng Blood Ore ngunit gusto niyang kumpirmahin ang sinabi ng kaniyang Master.
Maya-maya pa ay hindi na ito kumakain. At nagpahinga ang Black Mining Beetle.
"Aba aba kala ko pa naman ay hindi ka na titigil kakakain eh, buti naman!" Sambit ni Fatty Bim habang napahinga siya ng maluwag. Akala niya ay kakain pa ito ng mga Blood Ore eh." Sambit ni Fatty Bim habang mabilis nitong inilagay sa gilid ang baldeng may laman ng Blood Ore.
Tiningnan niya pa nag Martial Beasts na ito, kahit ngayon ay natatakot pa rin sa itsura at laki nitong hindi pangkaraniwan.
Agad na lumapit si Van Grego sa kinaroroonan ni Fatty Bim at ng dambuhalang Black Mining Beetle. Nakita niyang nagpapahinga na ito.
"Ano ang napala mo kaibigang Van?! Sayang lang yung pinakain mo sa halimaw na yan!" Sambit ni Fatty Bim ng malakas. Alam niyang naghirap at pinaghirapan ito ng kaibigan niyag si Van Grego.
Hindi nagsalita si Van Grego dahil tama ito. Maya-maya pa ay nakarinig sila ng malakas ingay na nagmumula sa Black Mining Beetle.
"POOOOOTTTTT!!!!!!!!" Malakas na tunog mula sa puwet ng Black Mining Bettle.
"Kadiri naman tong halimaw na 'to, matapos pakainin ay nagdumi pa talaga sa harapan natin, ew!!!" Sambit ni Fatty Bim habang nakatakip ang ilong nito at animo'y diring-diri.
Maya-maya pa ay nakita na lamang ni Fatty Bim na may hawak si Van Grego ng isang ordinaryong pala na gawa sa iron. Mabilis itong naghukay sa dumi ng halimaw.
"Kadiri yan Kaibigang Van wala kang mapa---- hala, namamalikmata ba ko?! Blood Ore Essence?! Blood Ore Essence nga!" Sambit ni Fatty Bim habang namamangha.
"Ito ba?! Blood Ore Essence ba 'to? Tsaka parang nagningning ang inis na inis mong mata?!" Pambabara ni Van Grego habang mabilis niyang kinuha ang medyo malapot na kulay pulang bagay mula sa dumi ng Black Minig
"Oo, blood Ore essence iyan. Mas lubhang mahal ang Blood Ore Essence kaysa sa Pure Blood Ore kasi purong Essence energy na ito at mas malapit sa liquid form na mas epektibo kung gagamitin ng mga cultivators sa kanilang isinasagawang cultivation.
"Pwes, akin 'to eh! Kung magalit ka kanina sa Black Mining Beetle eh parang wala ng bukas tapos ano?!" Pambabara niya sa nagniningning pa rin na pares mata ni Fatty Bim.
"Ano ba pinagsasabi mo Van, sa katunayan nga eh napamahal na sakin ang cute na nilalang na to. Kung sinabi mo palang isa itong maalamat na Black Mining Beetle edi sana hindi ko napintasan ang nilalang na 'to." Sambit ni Fatty Bim habang animo'y niyayakap niya ang Black Mining Beetle ngunit hindi niya magawang mahawakan ito ng buo dahil ang iksi rin ng matatabang braso't-kamay niya.
"Aba, nagtanong ka ba?! Naalala ko pa nga na halos sigawan mo na sa inis ako at ang Black Mining Beetle tsaka ang -----!" Sambit ni Van Grego habang pinapaalala nito ang naging reaksiyon at ekspresyon ni Fatty Bim habang pinapakain nito ang Black Mining Beetle na animo'y nasawi sa pag-ibig o nahulog sa napakalalim at katakot-takot na bangin.
"Aba, ginawa ko lang yun dahil alam mo namang wala ako sa katinuan nun at medyo nanghinayang lang ako eh. Pero alam ko namang ikakabusog yun ng Black Mining Beetle habang kapit-tuko pa rin siya sa nagpapahingang dambuhalang halimaw.
"Ikakabusog, 'wag mo nga kong utuin Fatty Bim kundi di na kita isasama sa paglalakbay ko. Rerekla-reklamo ka pa kanina eh. Tsaka mabuti na yan at may may magawa ka." Sambit ni Van Grego ng makahulugan.
"Ang yung sinabi mo sa huli? Huhulaan ko, gagawin mo kong taga-pakain ng dambuhalang halimaw na ito?! Saan ang bayad? Ano'ng makukuha ko?!" Sambit ni Fatty Bim habang animo'y ang kaninang kwelang Fatty Bim ay napalitan ng isang business minded na matabang bata na ga-bola ka laki.
" Aba aba, kung bawiin ko na lang kaya si Firin tapos iyo na yang Black Mining Beetle, payag ka ba?!" Sambit ni Van Grego habang papalapit kay Firin na natutulog lamang sa likod ni Fatty Bim.
"Oh sige, pero hoy! Huwag mo kong utuin Kaibigang Van. Hindi ako mangmang noh, pano ko bubuhatin ang halimaw na to? Baka ilang taon pa ko dito ay baka hanggang ilang metro ko lang tong guguyudin." Sambit ni Fatty habang pinag-iisipang mabuti ang sitwasyon. Agad siyang lumayo kay Van Grego upang ilayo si Firin. Hindi niya kayang ipagpalit ito sa dambuhala at nakakatakot na itsura ng Black Mining Beetle.
"Madali lang naman ako kausap eh. Tsaak ikaw magpapakain sa kanya hindi yung kain ka lang ng kain. Parang gusto mo ata tumaba hanggang sa puputok na lang yang katawan mo, you need exercise at angkop ang pagpapakain sa Dambulahang Black Mining Beetle para mabawasan yang taba mo sa katawan." pang-aasar ni Van Grego ngunit may kasama ring paalala.
"Oo na, pero paano mo madadala ang halimaw na to? May ipapakain ka ba dito?!" Sambit ni Fatty Bim habang nagtataka.
"Aba, aba oo naman. Pag madala ko to sa labas ng Mystic Realm ay ikaw ang pLaging magpapakain siyempre bibigyan kita ng sampong porsyento ng ilalabas nitong essences." Sambit ni Van Grego habang may mapanghamong boses.
"Oo ba! Tingnan lang natin kung ----- ano yan?! Wahhhh!" Sambit ni Fatty Bim habang namamangha at naaalarma.