Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 133 - Chapter 28

Chapter 133 - Chapter 28

"Grabe ka talaga mang-asar Van eh, parang di kita kaibigan tsaka saan ba punta natin?!" Sambit ni Fatty Bim habang nagtataka itong tumingin sa likod ni Van Grego.

"Di ko pala nasabi sa'yo, pupunta tayo sa Dragon Cliff, balita ko ay may nakita daw na blood ore mine doon eh. Hindi ko alam pero ganon ang nabalitaan ko sa mga batang cultivators na naririto." Sambit ni Van Grego. Totoo ang sinasabi nito dahil halos karamihan ay pumupunta roon, mabuti na lamang at medyo malapit lamang ito sa kinaroroonan nila.

"Blood Ore? Weh, di nga? Napakamahal ng ore na ito eh. Sa katunayan nga eh medyo malaking bagay ito kapag pinalit sa origin stone lalo na kapag Pure Blood Ore, 1:100 ang palitan nito ng essence stone." Sambit ni Fatty Bim. Kahit siya ay namamangha sa mga Blood Ore na ito, mas puro ang essence energies na nasa loob nito. Kahit piraso lamang ng Blood Ore ay siguradong yayaman ay masaya na siyang makakuha nito.

"Oo nga, tsaka bahala ka diyan!" Sambit ni Van Grego habang mabilis na nagplaipat-lipat ng lokasyon paabante. Halatang naiinis na kay Fatty Bim. Ayaw niya kasing paulit-ulit na sinasabi niya ito.

"Hoy, Kaibigang Van, huwag mo kong iwan!" Sambit ni Fatty Bim habang tinodo nito hanggang sa limitasyon ang kaniyang movement technique. Mabuti na lamang at nasusundan niya ang mga tinatapakan ni Van Grego at kita niya ang likuran nito.

Maya-maya pa ay narating nila ang Dragon Cliff. Mataas ang Dragon Cliff na ito ngunit hindi ito pangkaraniwan dahil ang sa ilalim nito ay hindi bangin kundi isang malawak na patag at may mga matataas na puno na nakatanim dito. Nakita nilang maraming naghuhukay na mga batang Martial Artists na naririto.

Makikita na palihim at mabilis nilang tinatago  ang mga piraso ng Blood Ore na kanilang makikita. Maya-maya pa ay nagsalita ang isang batang lalaki na kabilang sa Bat Race at binulyawan ang isang batang cultivator na isang tao.

"Haha, tingnan mo nga naman, akala mo ay hindi ko nakita na tinago mo ang isang Pure Blood Ore. Paano kaya kung ibigay mo na lamang sa akin!" Sambit nito habang nakangisi. Makikita sa nagpupulahang mata nito ang ganid habang tinitingnan ang interspatial ring ng batang human race.

Halos mamutla naman ang batang lalaki habang tinago nito ang kanyang kanang kamay kung saan ang kaniyang interspatial Ring at nagwika.

"W-wala ak-akong na-nakuhang Pu-pure B-blood O-ore. Na-nagkakamali ka!" Nangninginig na sambit ng batang human race. Halatang natakot siya sa batang bat race na kaharap niya ngayon.

"Anong wala ha? Ibibigay mo sakin o ako mismo ang kukuha ng Pure Blood Ore?!" Galit na pagkakasabi ng batang Bat Race habang mabilis nitong inilabas ang isang mahabang espada.

"W-wala t-talaga sa-sakin ang hi-hinahanap m-mo. To-totoo a-ang ak-aking si-sinasabi!" Hindi mapigilang mapataas ng boses ang batang human race habang mas nanginig pa ito habang nangangatog ang tuhod.

"So, sinasabi mong sinungaling ako?! Dahil hindi mo binigay sakin ay ako na mismo ang sapilitang kukuha ng Blood Ore at lahat ng pag-aari mo sa iyong Interspatial Ring!" Galit na pagkakasabi ng batang bat race habang mabilis niyang hinawakan ang kanyang espada at mabilis na sumugod sa batang human race. Ayaw na ayaw nila sa mga human race. Hybrid sila at mortal na kaaway nila ang mga tao. Napangisi siya habang naiimagine niya na mapapatay ang isang batang human race.

"Lalabanan mo ba ko o puputak ka pang diyan na parang manok! Laban na!" Mapanghamong sambit ni Van Grego habancg nakangiti.

"Yan pala ang gusto mo ha? Puwes bibigyan kita ng agarang kamatayan!" Galit na sabi ng batang lalaking bat race habang mabilis na pinulot ang kanyang espada at gumawa ng skill.

"Fire Skill: Blazing Fire Rain!" Sigaw nito habang mabilis na pinaulan ng nagbabagang apoy ang lokasyon ni Van Grego.

Itinaas ni Van Grego ang kaniyang kaliwang kamay at biglang nagkaroon ng kakaibang pwersa ang mga daliri nito.

Ang babagsak na mga apoy ay unti-unting nawala na parang bula. Nagsilaglagan ang maiitim na abo ngunit wala ng ang mga mababagsik na apoy.

Nagulat ang marami lalo na ang batang bat race na kalaban ni Van Grego.

"Hmmp! Huwag kang magpakasaya dahil hindi mo ako matatalo. Ako si Krun na pinalaki mismo sa loob ng Blazing Bat Powerhouse at ang isang katulad mo ay isa lamang anay sa aking paningin!" Sambit ni Kun habang mabilis siyang nagsagawa ng panibagong skill.

"Blazong Bat Skill: Fragmatic Meteor!" Sambit ni Krun ng pasigaw at mabilis na ibinato ang kaniyang nasabing skill.

Agad na makikita sa kalangitan ang malaking tipak ng nagbabagang bato. Mabilis itong bumulusok ito sa kinaroroonan ni Van Grego.

Agad na ipinawalang-bisa ni Van Grego ang apoy na ikinagukat ng mga nakakita nito at mabilis niyang sinipa ng walang alinlangan ang malaking tipak ng bato at tumilapon ito sa malayong direksiyon.

Nakanganga naman ang mga manonood sa naging aksyon ni Van Grego ngunit hindi sila makabitaw ng komento lalo na ng papuri. Ayaw nilang purihin ang isang hamak na human race.

Agad namang pumanzgit ang ekspresyon ni Krun ngunit madali niya itong ipinawala. May namumuong masamang plani sa isipan nito.

"Hindi ko aakalaing mayroon kang mataas na attainments sa konsepto ng apoy ngunit makakaya mo kaya ang aking susunod na atake?! Hahaha!" Sambit ni Krun habang mabilis nitong pinulot ang espada niya at gumawa ng isang pambihirang Skill.

Biglang may lumitaw na kakaibang mga rune symbols sa espada at patuloy na lumiliwanang ito ng kulay pula. Makikita ngayon ang totoong anyo ng napakagandang espada.

Nang makita ito ng isa sa mga manonood sa labanang ito ay hindi nito mapigilang magsalita.

"Nanaginip ba 'ko, hindi ako maaaring magkamali. Isa iyan sa labindalawang Enigmatic Weapons, ang hawak ni Krun ay ang Enigmatic Sword!" Malakas na sambit nito habang halos nanlalaki ang mga mata nito.

Nang masuri naman ng ibang mga batang martial artists rito ay hindi rin nilang mapigilang magkomento rin.

"Oo, tama nga ang sinabi niya! Isa itong Enigmatic Sword. Nakakamangha ang awra at kapangyarihan ng espadang iyan!"

"Lagot ngayon ang batang tao na yan, hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya!"

"Ano na kaya ang gagawin niya?! This time sigurado na kong matatalo ang batang tao na yan!"

Sari-saring komento pa ang maririnig sa lugar na ito. Pawang papuri ito sa pambihirang espada at kay Krun ang mga sinasabi nila at puri negatibo kay Van Grego.

"Tama na ang mga sali-salita, bring it on!" Sambit ni Van Grego habang naghahamon.

"Pwes, tikman mo ang kapangyarihang taglay ng aking espada! Sword Skill: Enigmatic Sword Dance!" Sambit ni Krun habang nakangising demonyo. Agad na nagkaroon ng mga maraming mga espadang katulad na katulad ng Enigmatic Sword. Maya-maya pa ay parang animo'y sumasayaw na si Krun kasama ang hawak nitong espada.

Maya-maya pa ay lumutang si Krun at mabilis na pinasugod ang mga espada na may nagbabagang apoy na bumabalot rito.

Pigil na pigil ang lahat dahil sa sobrang alab ng labanang nangyayari sa pagitan ng dalawang talentadong bata sa magkaibang lahi. Pigil-hiningang pinapanood nila ang labanan. Walang nais na kumurap man lang.

Agad na ginamit ni Van Grego ang kanyang kamay upang kontroling ang apoy ng espada ngunit hindi niya ito maramdaman man lang at ang mas nakakabahala ay napakainit nito.

Mabilis na bumubulusok ito at walang ng natitirang oras kay Van Grego upang umiwas dahil alam niyang susundan pa rin siya nito. Sword dance means to dance, to flex and to lock, kaya agad niyang pinalabas ang kaniyang apoy, ang purong apoy ng Red Fury Dragon.

"Fire Skill: Dragon Blast!"

Agad inipon ni Van Grego sa dalawang kamay niya ang Red Fury Fire at pinatama ito sa bumubulusok na mga espada. Kahit na mga sword awra lamang ito ay hindi maitatangging napakalakas nito.

"ROAR!!!!!" sigaw ng dragon sa porma ng apoy. Mabilis itong sumugod sa maraming mga nagbabagang espada.

Halos manginig ang lahat sa narinig nilang atungal ng isang dragon mula sa atake ni Van Grego. Nahintatakutan sila. Kumpara sa pambihirang espada na hawak ni Krun, walang binatbat ito sa dragon.

Ano nga ba ang dragon? O yung tunay na dragon? Kaya lang naman silang paslangin sa isang kisap-mata.

BOOM! BOOM! BOOM!

Maririnig sa paligid ang nagbabanggaang mga atake. Walang gustong magpatalo kung kaya't isang malaking pagsabog ang naganap.

BANG!!!!!

"AHHHHHH!" Malakas na daing ni Van Grego habang tumilapon siya ng ilang metro mula sa kanyang pwesto kanina. Napuruhan siya dulot ng malakas na impact ng pagsabog.

Nadaplisan si Krun dahil sa shockwave sa itaas ngunit hindi ito kalala kumpara sa natamo ni Van Grego.

Agad namang nakarekober si Krun at ginamit ang kapangyarihan ng espada upang  panatilihin siyang nakalutang sa ere. Nang mawala ang usok ay nakita niyang nakahandusay ang batang tao na kalaban niya at napangisi.

"Hindi ko aakalaing buhay ka pa matapos ko magamit ang aking pambihirang Sword Skill sa iyo, kahanga-hanga!" Sambit ni Krun habang nakangiti ngunit sa loob-loob niya ay halos manlupasay na sa galit. Hindi niya aakalaing buhay pa ang batang tao na ito na lubos niyang ikinaalarma. Medyo maraming enerhiya na ang nawala sa katawan niya kung magpapatuloy pa ito ay nangangamba siyang siya ang matatalo.

"Hindi ko aakalaing malakas ang Enigmatic Sword na pagmamay-ari mo kahit na isa lamang ito sa pinakamahinang replica. Matatakot pa sana ako kung tunay ang hawak mo" Sambit ni Van Grego habang tumatayo ito mula sa pagkakahandusay niya kani-kanina lamang. May bakas ng panghahamak sa boses nito.

Naguluhan naman ang karamihan sa sinabi ni Van Grego ngunit mababakas rin ang mangha sa kanilang mga mukha.

"Pinakamahinang replica lamang ito ngunit ganito na kalakas!"

"Kahanga-hanga paano kaya kung tunay itong Enigmatic Sword, siguradong patay na ang batang tao na yan!"

"Ang lakas ng loob ng batang tao na yan upang maliitin si Krun!"

Marami pang komento ang maririnig sa paligid. Wala pa ring naniniwala na mananalo ang batang tao kay Krun na siyang personal na disipulo sa loob ng Blazing Bat Powerhouse.

"Magaling, magaling, alam na alam mong replica lamang ito ngunit ang skill na gamit ko ay totoo. Sa oras na mapatay kita ay makakaganti ako sa iyo! Tikman mo to, Sword Pierce! Hyaahh!" Sambit ni Krun habang mabilis na binalot niya ng kakaibang enerhiya ang kaniyang katawan at espada.

Mabilis siyang sumugod sa lokasyon ni Van Grego.

Agad na nirevolve ni Van Grego ang kanyang astral energies sa katawan maging ng kanyang essence energies at soul enegies. Mabilis niyang inipon sa kanyang meridian at pinadaloy ito sa kaliwa niyang kamay.

Nang makita ito ng maraming manonood na mga Martial Artists rin ay halos lumuwa ang mata nila.

"Baliw ba siya?! Alam niya ba ang pinanggagawa niya?!"

"Isa itong pure madness! Masyado yata siyang kumpiyansa sa kanyang sarili hahaha!"

"Nabagok siguro ang ulo nito kaya pumunta sa paa yung utak niya hahaha!"

Ngunit nang masaksihan nila ang pagtagpo ng reikang espada ni Krun at ang kaliwang kamao ni Van Grego ay napatigil sila sa kanilang sinasabi.

Maya-maya pa ay kitang-kita nila na nag-pagcrack sa dulong patulis ng espada hanggang sa lumaki ito at kumalat hanggang sa hawakan nito. Biglang sumabog ito na siyang nagpatilapon kay Krun ng ilang metro.

"Aaarrccckkk!" Masakit na daing ni Krun habang iniinda ang sakit sa pagtilapon at ang pagkadamage ng kanyang soul. Nagngitngit siya sa galit ngunit hinang-hina na siya. Maya-maya pa ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay.

Nabalot ng tahimik ang lahat. Hindi nila alam ang gagawin nila kahit ang kanilang bibig ay hindi maitikab dulot ng hindi kapani-paniwalang resulta ng labanan.

Ang mga batang Human Race ay tahimik lamang na nanonood at hindi rin nagsalita ngunit ang kanilang mata ay kakikitaan ng saya. Napatunayan nilang hindi sila mahina. Ang pangyayaring ito ay hindi nila makakalimutan at gagawin nilang inspirasyon.

"Hina naman, tsaka tinulugan mo pa ko, tsk!" Panghahamak ni Van Grego habang tinitingnan si Krun. Mahinahon siya at walang bakas na anumang ekspresyon sa mukha nito.

Mabilis siyang lumakad palayo at tumalon paakyat ng puno. Mabilis niyang nilisan ang lugar na ito. Wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba pang mga martial artists dahil hindi niya ito pag-aaksayahan pa ng panahon.

Nawala siya na parang bula sa lugar na ito ngunit sa puso at isipan ng mga saksi sa labanan ay hindi nila mabubura ang mukha at lakas na ipinakita ng misteryosong batang human race, si Van Grego.