Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 125 - Chapter 20

Chapter 125 - Chapter 20

Agad na ginamit ni Van Grego ang Water Whirlpool upang salagin ang atake ay nagtagumpay siya ngunit tumalsik siya sa malayo.

"Kaya mo pa bata? Kung magpapatuloy ito ay baka mapinsala ka ng malaki." Sambit ni Master Vulcarian habang nag-aalala.

"Kaya ko pa Master. Hindi siya kasing lakas ng Black Terra Spiders noong nakalaban ko!" Buong tapang na sabi ni Van Grego habang pinapahid ang dugo nitong umaagos sa gilid ng bibig nito.

"Hmmp! Black Terra Spiders?! Hindi maaari! Alam mo bang makapangyarihan silang nilalang?! Pero bakit di ko alam iyon?" Takang-taka na sambit ni Master Vulcarian lalo na't wala siyang naalalang ganon. Sigurado siyang nasa bingit ng kamatayan ang bata iyon noong nawalan ng bisa ang kanyang divine sense dahil sa misteryosong puwersa.

Hindi na nagsalita pang muli si Van Grego dahil umaatakeng muli ang halimaw. Walng tigil nitong sinusugod si Van Grego ng kanyang nagtatalimang mga kuko. Mistulang wala na ito sa sarili nito.

Gamit ang Falcon Wave Movement Technique ay naiiwasang mabuti ni Van Grego ang atake ng halimaw.

"Kung ganito lang ako ng ganito ay mapapagod ako ng mabilis kaysa sa halimaw. Ang Astral energies na nasa aking katawan ay unti-unti ng nasasaid." Sambit ni Van Grego sa kanyang isipan habang patuloy pa rin siyang umiiwas sa nagtutulisang mga kuko ng Purple Rain Lion.

Maya-maya ay mabilis na lumayo si Van Grego ng ilang distansya at nagwika.

"Hindi kita mapapantayan sa lakas ngunit tikman mo ang aking atake!" Sambit ni Van Grego habang nakangisi.

Ang kaninang mabangis na halimaw ay bigla na lamang napatigil at nakaramdam ng ibayong sakit partikular na rito ang sugat na natamo nito.

Ang maliit na Water Whirlpool ay biglang lumaki ng lumaki sa sugat ng halimaw. Nagmitula itong suction force na pinipilit na pinapalaki ang sugat ng halimaw. Unti-unting dumudugo ito at doon ay napuno ng ibayong sakit ang Purple Rain Lion.

Roar! Roar! Roar!

Maririnig ang palahaw ng Purple Rain Lion. Pilit nitong pinipigilan ang Water Whirlpool sa pagbutas ng kanyang tagiliran kung saan ang sugat nito na patuloy na lumalalim at lumalala.

"Bata, tama na yan. Ramdam kong halos naabot mo na ang iyong limitasyon. Kailangan na nating tumakas at lisanin ang lugar na ito!" Paalala ni Master Vulcarian kay Van Grego.

"Opo Master!" Sagot ni Van Grego. Mabilis siyang nagsagawa ng movement Technique at pumunta sa bangin. Agad siyang tumalon dito. Maya-maya pa ay nawala ang katawan ng batang si Van Grego.

Ang pangyauaring ito ay nakita ng nakaitim na maskara na labis na namamangha at nagtataka.

"Anong klaseng Technique iyon?! Delikadong kalaban ang batang iyon! Tsaka natakasan niya ang halimaw at lubhang nasugatan niya ito. Hindi maaari!" Sambit ng nakamaskarang bata habang mabilis ring nawala sa lugar na ito kasama ang mga alagad nito. May mangha at takot rin siyang nararamdaman dito. Alam niyang nasa Black Gold pa lamang ang misteryosong batang iyon ngunit natakasan nito at nasugatan ang halimaw. Maituturing na kapag lumakas ang misteryosong batang iyon ay walang makakapigil dito. Ayaw niya na ring ituloy ang kanyang planong hulihin pa ito. Maghahatid lamangito ng malaking delubyo sa kanila kung magiging kalaban niya ito.

Ang mga alagad nito ay nakaramdam rin ng takot. Nasaksihan nila kung paano harap-harapang nilabanan ng isang misteryosong bata na mukhang ordinaryo lamang ang isang sugatang Warrior Beasts. Kung sila iyon ay baka mangisay na sila sa takot. Kahit sugatan ang halimaw na iyon ay malakas pa rin iyon na sa kalahating porsyento. Ang naging resulta ng laban ay tumatak sa kanilang isipan na hindi nila makakalimutan habang nabubuhay sila.

Kasalukuyang nagcucultivate si Van Grego sa isang madamong lugar. Halata pa rin ang mga pamamaga ng kanyang katawan maging ng kanyang mga sugat. Masuwerte siya at mabilis siyang nakahanap ng ligtas na lugar na ito dahil ramdam niyang may nakasaksi ng kaniyang naging laban sa Purple Rain Lion. Wala siyang magagawa kundi pahinain  pa lalo ang halimaw na iyon upang makatakas.

Ilang oras pa ang nagtagal at halos maayos na lagay ni Van Grego. Bigla na lamang nagsalita si Master Vulcarian.

"Oras na para pataasin ang Cultivation Level mo! Inumin mo ng dahan-dahan ang Purple Astral energies sa loob ng Purple Astral Stones!" Sambit ni Master Vulcarian habang nagbibigay ng instruction kay Van Grego.

"Opo Master!" Magalang na sagot ni Van Grego. Agad niyang ipinalabas ang limang Purple Astral Stones. Malalaki ang mga ito at mayroong kabigatan.

Nagsagawa rin siya ng Iba't-ibang klaseng mga maliliit na formation arrays (defensive, concealing, awra controlling at iba pa)

"Van, butasan mo lamang ng konti ang isang Purple Astral Stones sa itaas na bahagi nito para walang masayang na kahit katiting na patak ng Purple Astral Liquid. Kumuha ka ng isang baso lamang habang iinumin mo ito. Dito ay titiisin mo ang bawat sakit na iyong nararamdaman sa iyong katawan." Seryosong paalala ni Master Vulcariaon.

"Hmmm..." Tanging sambit ni Van Grego habang kinuha ng maliit na baso na gawa sa kahoy. Binutas niya ng kaunti ang isang parte ng Purple Astral Stones at doon ay nalanghap ni Van Grego ang masaganang Astral Energies na nasa loob ng Purple Astral Stones. Namangha siya at nagalak dahil totoong pambihirang bagay ito na lubhang kailangan na kailangan niya.

Dahan-dahan ininom ni Van Grego ang Purple Astral Liquid na agad niyang pinadaloy ito sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan lalo na sa acupoints niya. Sa una ay nakaramdam siya ng medyo malamig hanggang sa napalitan ito ng sobrang init na animo'y pinapaso ang bawat kalamnan niya lalo na ang mga ugat-ugat sa katawan niya. Dito ay nagdulot ng hindi komportableng pakiramdam kay Van Grego.

"Krrrrkkttt!" Tunog ito ng nagkikiskisang mga ngipin ni Van Grego habang tinitiis ang pinaghalong init at sakit.

Agad niyang pinagana ang Divine Nine Rotations True essence at ang Divine Chronicles of Meridian Reverberations. Nagkaroon ng maginhawang pakiramdam si Van Grego ng matapos niyang masupress ang init ng Purple Astral Liquid na puno ng Astral Energies.

Ilang baso pa ng Purple Astral Liquid ang patuloy na ginagamit ni Van Grego hanggang sa nagkaroon ng pagbabago sa kanyang katawan. Nagpatuloy pa ito at umabot ng isang buwan.

2nd-Star Black Gold Rank!

3rd-Star Black Gold Rank!

4th-Star Black Gold Rank!

5th-Star Black Gold Rank!

6th-Star Black Gold Rank!

7th-Star Black Gold Rank!

8th-Star Black Gold Rank!

Patuloy pa rin sa pagcucultivate si Van Grego at kasabay nito ang pag-aaral niya din ng konsepto ng Tubig at Apoy. Nakatuntong na siya sa Level 1 ng konsepto ng dalawang elemento na ito.

Kasalukuyan siyang nagrerevolve ng Astral energies sa kanyang buong katawan. Ang kaniyang enerhiya na kulay Black Gold ay mas nangitim na animo'y kakulay ng kadiliman. Ang kanyang meridian ay nagkaroon ng pagbabago. Lumaki ito ng ilang beses dulot ng pagbabago sa Cultivation Level ni Van Grego. Sa huli ay mas kapansin-pansin na nagkakaroon muli ng pagbabago sa Astral Energies. Mas nangitim ito na siyang isa lang ibig sabihin.

9th-Star Black Gold Rank!

"Sa wakas ay nakatuntong na ako sa 9th-Star  Black Gold Rank!" Sambit ni Van Grego sa kanyang sarili.

"Huwag kang matuwa bata. Dahil nagsisimula pa lamang tayo. Ang Diamond Rank ang pinakaimportanteng Rank ng mga Dual Cultivator lalo na ng Triple Cultivators kagaya mo. Dito ay malalaman kung maaaring makayanan ng katawan mo ang bawat enerhiyang pumapasok sa katawan mo. Pinaalala ko sayo'ng magiging impyerno ang magiging ensayo mo kung gusto mo talagang maging malakas na Martial Artists. Dito masusubok kung kaya mong kalabanin ang mas mataas ng ilang beses ang Cultivation Level na magiging kalaban mo. Ang lahat ng ito ay nakasalalay sa'yo at sa'yo lamang. Ikaw ang gumuguhit ng sarili mong daan at ang tungkulin ko lamang ay gabayan ka." Sambit ni Master Vulcarian habang nililinaw ang bagay-bagay na kanilang napagkasunduan bilang Master-Disciple. Anumang aksidente o pagkakamali ay hindi niya na kasalanan pa.

"Naiintindi ko po Master. Alam ko na po ang bagay na iyon pero salamat Master!" Sambit ni Van Grego habang makikitang masaya ito sa tono ng boses.

Umalis na tayo rito at humanap ka ng mahiwagang katubigan. Mas masakit ang paraang ito na aking gagamitin sa iyo. Ito ay ipaliligo mo ang buong Purple Astral Liquid sa loob ng isang Purple Astral Stone!" Seryosong pagkakasabi ni Master Vulcarian.

"Pero Master, tutustahin mo ba ko? Alam mo namang napakainit ng Purple Astral Liquid tsak-------!" Mabilis na sagot ni Van Grego habang halos lumuwa ang mata nito.

"Walang pero pero bata, mahalaga ang bawat oras. Ito lamang ang paraan upang maging matibay at malakas ang iyong pangangatawan lalo na ang parteng balat mo. Huwag kang mag-alala, hindi mo naman ikamamatay ito hehe!" Sambit ni Master Vulcarian habang halatang nakangisi ito ng malaki sa huling sinabi nito.

Halos magtayuan naman ang lahat ng balahibo sa katawan ni Van Grego ng marinig niya ito. Hindi na siya nagtanong pa dahil baka hindi siya makaalis sa kahindik-hindik na balak ng kanyang Master.

"Pumunta ka ngayon din sa Silangang bahagi. Mayroon doong pambihirang bukal na angkop para sa gagawin natin." Maawtoridad na sambit ni Master Vulcarian. Isa rin itong indikasyon na ayaw niya ng tanong o reklamong maririnig mula kay Van Grego.

Agad na naglakbay si Van Grego papunta sa silangang bahagi ng Dragon Mountain. Tahimik niyang binabaybay ang bawat daang kanyang dadaanan kung saan ay maraming nakakalat na mga iba't-ibang anyong tubig. Karamihan sa mga ito ay ordinaryong lawa at meron ding may mga pambihirang enerhiya na nakahalo sa tubig ngunit lahat ng iyon ay walang nakapukaw ng atensyon kay Master Vulcarian.

"Pumasok ka Van Grego sa masukal na parteng iyon, nararamdaman kong iyon nga ang pambihirang bukal na aking naramdaman kani-kanina." Paninigurado ni Master Vulcarian habang tinturo ang isang masukal na kagubatan.

"Okay po Master, masusunod po!" Magalang na sambit ni Van Grego. Punong-puno pa ng enerhiya ang buong katawan niya. Isang buwan siyang puro ensayo at cultivate kung kaya't magandang mayroon siyang makalabang nilalang na siyang mapagbubuntunan ng kanyang pagkabagot nitong nakaraang buwan.

Sa pagpasok ni Van Grego sa masukal na parteng ito ng Dragon Mountain ay wala siyang nakita o nakasalubong na nilalang na mga halimaw. Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang bupng paglalakbay ni Van Grego. Maya-maya pa ay narating ni Van Grego ang isang napakalaking bukal. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong kalaking bukal. Mukha na itong balon.

"Mali yata ang napuntahan ko Master, Mukhang may balon dito ----!" Sambit ni Van Grego habang tinatanaw ang malaking bukal.

"Bata, hindi ka ba nag-iisip? Paano magkakaroon ng balon dito? Okay ka lang? Mayroon bang iigib ng tubig dito?" Sarkastikong sambit ni Master Vulcarian habang nagpipigil ito ng inis.

"Hala, oo nga noh Master, pasensya na po ah hehe!" Sambit ni Van Grego.

Agad na naglakad si Van Grego papunta sa bukal. Nakita niyang napakaganda ng tubig at malinaw na nakikita niya ang repleksyon niya na siyang ikinatuwa niya.

"Lumayo ka sa tubig bata!" Babala ni Master Vulcarian na agad namang ginawa ni Van Grego. Tumalon siya paatras ngunit sumunod ang galamay ng isang misteryosong halimaw.

Agad na ginamit ni Van Grego ang kanyang natutunan sa konsepto ng apoy.

Agad niyang pinaapoy ang kaliwang kamay niya lalo na ang kanyang kamao. Agad niyang pinatama ito sa galamay ng misteryosong halimaw!"

Fire Skill: Fire Burning Fist!

(Ito ang Level 1 Skill ng Concept of Fire : Manifestation. Kaya niyang gamitin ang apoy upang gawing pang-atake laban sa kanyang kalaban. Pwede niyang gamitin ito sa iba't ibang parte ng kanyang katawan kagaya ng kamao, paa, tuhod at iba pa.)

Dalawang magkaibang apoy ang humahalo sa atakeng ito (Red Fury Fire at ang Silvery White Alchemy Sacred Fire) na siyang biglang tumama sa galamay ng halimaw.

" Ssshhhhkkkk!" Tunog ng misteryosong halimaw sa ilalim ng tubig.

"Lumayo ka Van, lilitaw na ang malaking pugitang iyan. Isang Batang Fiery Water Octopus!" Sambit ni Master Vulcarian.

Bigla na lamang tumalon ang halimaw mula sa tubig at pinaulanan ng maiitim na tinta si Van Grego.

FWO Skill: Tint Rain!

Mabilis na iniwasan ni Van Grego ang maraming mga tintang umuulan papunta sa kanya. Hindi ito normal na tinta dahil kahit ang batong tatamaan ng mga tinta ay nalulusaw. Masasabing Highly Corrosive ang tintang ito.

"Ako naman! Water Whirlpool Skill: Expansion!" Sambit ni Van Grego habang kinokontrol niya ang Water Whirlpool sa kanang kamay niya. Biglang lumaki ang Water Whirlpool na siyang tumakip sa kabuuang katawan ni Van Grego at sa kinaroroonan niya. Ang kanyang magaling pagkontrol na ito ay dulot na rin ng walang tigil na pag-eensayo niya ng Water Whirlpool lalo na sa konsepto ng Tubig na nakatapak na siya ngayon sa Level 1 nito.

"Oras na para ibalik ito sa'yo ang dumi mo pangit na pugita, Water Whirlpool: Release!" Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang ni-reverse ang kanyang skill.

Ngayon ay baliktad na ang laban, si Van Grego na ang nagpapaulan ng atake na siyang ibinato sa kanya ng halimaw kani-kanina.

Ang halimaw ay nagulat dito ngunit hindi na siya nakaalis sa puwesto niya ng tumapak siya sa lupa. Babalik pa sana ito sa loob ng bukal ngunit pinaulan na siya ni Van Grego ng sariling tinta ng halimaw. Agad na tumama at bumaon ang mga tinta sa halimaw. Sa dami ng tinta na tumama sa katawan nito ay bumagsak ang halimaw. Namatay ito sa mabilis na paraan. Kaya nitong magproduce at bumuga ng makamandag na tinta ngunit hindi ibig sabihin nito ay gawa sa tinta ang katawan nito maging ang galamay nito. May lakas itong Martial Lord Realm ngunit namatay ito ng agaran dahil sa kumpiyansa nito sa kanyang sarili.

"Lutuin mo ang pugitang iyan bata, mayaman ang karne nito sa astral energies. Makakatulong ito upang i-stabilize ang iyong  pundasyon. Magluto ka muna diyan at kumain ng marami bago pa magbago ang isip ko!" Sambit ni Master Vulcarian nang may mapagbantang boses.

"Opo Master!" Masayang sambit ni Van Grego. Na-miss niya ring kumain ng pagkain. Puro nalang mga medicinal herbs kinakain niya kung kaya't gusto niya ng kumain ng ibang pagkain kagaya ng karne ng Martial Beasts.

Agad na namutol si Van Grego ng puno ng kawayan at tinuhog ang dambuhalang pugita. Nilinisan niya ito ng maayos.

Agad siyang gumawa ng mga Arrays upang ikubli ang mga enerhiya at pangyayaring nagaganap rito.

Agad niyang nilambitin ito sa dalawang magkabilaang puno at tsaka niluto gamit ang dalawang klaseng apoy.

Agad na malalanghap rito ang nakakatakam na amoy. Mabuti na lamang at nahihigop ng Water Whirlpool ang tumatakas na amoy at pinapasok ito sa loob nito upang maiwasan ang pagkagambala at pagsugod ng mga mababngis na halimaw.

"Mukhang magaling ka sa pagkontrol ng apoy bata at dalawang magkaibang apoy ito. Hindi na masama para sa baguhan. Sambit ni Master Vulcarian. Halatang napabilib siya dito ngunit alam nitong ayaw niyang lumaki ang ulo ng batang si Van Grego.

"Naintindihan ko Master."