Agad na pinag-aralan ni Van Grego ang Divine Aquatic Scroll na tinatawag na Water Whirlpools Four Ensignia. Dito ay nakita na may limang sections yung Divine Scroll na ito. May dalawang benepisyo ang Divine Aquatic Scroll at ito ay ang pagpapataas ng comprehension sa Concept of Water at kapag natapos mong pag-aralan ang buong primary concepts na may kabuuang limang sections. Hindi lamang simpleng Water-Type Skill ito dahil limang skills ito. Ang nasa silangan ang rising waves na isa sa offensive skills, Sa kanlurang bahagi ang Tidal Wave Walls na may kakaibang water attribute effects na isang defensive skill. Sa Hilaga naman ang Water Whirlpool na siyang isang Escape Technique, Sa Timog naman ang Water Nullifier na isang nullifying skill. Ang sa gitna ang kakaiba, hindi pa alam ni Master Vulcarian kung ano ang effects nito dahil hindi ito activated. Ang nakikita lang kasi ay ang pure droplet symbols at ang komplekadong linya na kumukonekta sa apat na direksiyon ng apat na sections.
"Hmmm... Bata, nirerekomenda kong unahin mo ang hilagang direksiyon ng limang sections ng Divine Aquatic Scroll. Ito ang pinakasimpleng skill na maaari mong magamit dahil wala ka pang kakayahang magamit ang defensive at offensive skill ng Divine Scroll na ito, at mas lalong hindi mo maaaring piliting pag-aralan ang nullifying skill o ang center/ core section ng Divine Aquatic Scroll kung gusto mo pang mabuhay." Mahabang salaysay ni Master Vulcarian halatang may babala at paalala ang bawat salitang sinasabi niya.
"Opo, tatandaan ko po iyan Master, tsaka alam ko rin ang aking sariling limitasyon." Tapat na sabi ni Van Grego habang magalang na nagsalita ito. Nagtataka nga siya na parang bumait at hindi na masyadong agresibo ang kanyang master lalo na sa pagbibigay ng paalala ngunit isinawalang-bahala na lamang niya ito. Mas mabuti nga ito kaysa makatikim siya palagi ng seryom at panghahamak.
...
Dalawang araw na walang tigil sa pagcomprehend ang dalawang batang Cultivators na narirto sa mga batuhan. Kung nakikita ng mga nakakatandang mga Martial Artists ang puspusang pagcomprehend ng alimang konsepto ng Apoy at Tubig ay mapapanganga ang mga ito at mapapasabing sino ang tunay na monster freak?!
Sa lugar na kinaroroonan ni Fatty Bim ay mayroong kakaibang pangyayari ang masasaksihan. Hindi man kapani-paniwala ngunit mula sa isang kapirasong pambihirang binhi ay malaki ang naging ani niya sa pagcomprehend ng konsepto ng apoy. Sa katunayan ay mas sobra pa sa inaasahan nitong benepisyo.
Labis ang saya ni Fatty Bim sa kanyang naging pag-unlad sa larangan ng konsepto ng apoy.
"Nakakamangha ang aking progreso sa konsepto ng apoy ngunit hindi lamang iyon dahil mayroong skill akong nakuha mismo. Masubukan nga, Dragon Fatal Wing Strike!" Sambit ni Fatty Bim habang binitawan ang isang pambihirang atake.
[A/N: Mayroong pagkakaiba sa comprehension ng bawat Martial Artists kaya ang lahat ng kanilang pag-unlad ay nakasalalay sa kanilang sarili. Ex. Fatty Bim is specialize in Wing Attack kaya ganon. Si Van Grego ay weaponless kaya usually Claw or fist ang specialization niya.]
Agad na namuo ang isang dambuhalang pakpak na gawa sa apoy ng Red Fury Dragon. Walang ano-ano pa ay biglang pumagaspas ito at lumikha ng tatlong kulay pulang fire strikes papunta sa kalupaan ngunit agad itong dinesperse ni Fatty Bim dahil siguradong lilikha ito ng napakalaking komosyon o usapin sa maraming Martial Artists na naririto na siyang ayaw niyang mangyari. Agad niyang tiningnan ang kinalalgyan ng halos kaedad niyang si Van Grego na nalaman niyang mas bata sa kanya ng ilang buwan. Maglalabing-apat na siya sa susunod na mga buwan kung kaya't hindi kataka-taka na itinuring niyang parang kapatid na rin ang bagong kaibigan niya na si Van Grego.
Agad niyang tiningnan ang kalagayan ni Van Grego. Nagulat siya sa naging pag-unlad nito lalo na ngayon ng makita niya na unti-unting lumitaw ang mga simbolo sa buong katawan ni Van Grego.
"Water Phenomenon?! Dalawang araw lamang ang kanyang ginugol pero ganito na kalaki ang kaniyang pag-unlad? Akala ko ay henyo na ako pero sa harap ni Van Grego, magmumukha kaming payaso haha!" Manghang sambit ni Fatty Bim habang pinagmamasdan at nasaksihan ang isang monster freak na nakaupo sa isang sulok ng batuhan. Dumadaloy ang mumunting mga simbolo ng tubig sa katawan nito na animo'y mga isdang masaya at malayang lumalangoy.
Ilang sandali pa ay may nahinto sa pagdaloy ang mga mumunting water symbols at naging mga munting droplets. Sa dami nito ay halos balutin nito ang buong katawan ni Van Grego.
Nang makita ito ni Fatty Bim ay halos lumuwa ang mata niya.
"W-water S-symbol C-condensation?! Totoo ba ito? Pero totoo nga, kung uunlad ng mabilis si kaibigang Van ay siguradong magtatagumpay siya nito." Sambit ni Fatty Bim habang kinukusot pa rin ang mata nito na halatang hindi siya makapaniwala.
Lumipas pa ang isang araw at nagkaroon ng pagbabago sa mga droplets na unti-unting tumitipon sa ilalim ng paanang kinauupuan ni Van Grego. Nakaupo pa rin ito sa posisyong nagcucultivate. Ilang araw na itong nakaupo habang pinag-aaralan ang pambihirang skill na ito.
Habang nagkakaroon ng pagbabago kay Van Grego ay nagcucultivate at nagsasanay pa rin si Fatty Bim habang ini-lock nito ang kanyang divine sense kay Van Grego upang i-monitor ang pagbabagong nagaganap dito.
Maya-maya pa ay nagulat si Fatty Bim lalo na ng makitang lumaki ang tubig sa ilalim ng paanan ni Van Grego at unti-unting nag-disintegrate ang katawan nito na animo'y nalulusaw. Labis na nagimbal si Fatty Bim sa pangyayaring ito at nangamba. Halos mangiyak-ngiyak na siya dahil maraming masasamang bagay kanyang naiisip na nangyari kay Van Grego.
"Astig ba Fatty Bim?!" Sambit ng isang boses sa likurang bahagi mismo ni Fatty Bim.
Halos mapatalon sa gulat si Fatty Bim sa kanyang puwesto at agad na ni-revolve ang kanyang fire energies habang naka-fighting position ito habang hinarap ang kanyang likuran. Aatake na sana siya ngunit nakita ang pamilyar na mukha, ang mukha ni Van Grego.
"Hala, grabe oh hahahaha!" Sambit ni Van Grego na natatawa.
"Ginugulat mo ako kaibigang Van, parang aatakehin ako sa puso sa gulat sa'yo eh!" Sambit ni Fatty na animo'y naiinis na natatawa.
"Ikinagagalak kong batiin ka sa iyong pagtagumpay sa paggamit ng skill, pansin ko rin ang mabilis na pagtaas ng attainments mo sa konsepto ng tubig. Asitg!" Sambit ni Fatty Bim habang mabilis na papalapit kay Van Grego. Mabilis nitong inihagis ang katawan nito kay Van Grego.
"Hephep! Wag mo kong daganan!" Sambit ni Van Grego habang nakikita ang katawan ni Fatty Bim na papunta sa kanya sa mabilis na paraan.
Agad niyang ginamit ang Water Whirlpool upang i-manifest ang kanyang sarili para ikubli sa loob ng whirlpool.
Nang makita ni Fatty Bim ito ay agad siyang nagsagawa ng skill.
"Rubber Bouncing body!" Sambit ni Fatty Bim habang nanlalaki ang mata.
Biglang lumaki ang katawan nito. Bigla siyang tumalbog-talbog sa mga batuhan.
"Hahahahahahahahahaha!!!!hindi ko aakalaing may ilalaki ka pa Fatty Bim!" Sambit ni Van Grego na halos kapusin sa hininga dahil sa anyo ngayon ni Fatty Bim. Hindi lamang iyon dahil walang tigil itong tumatalbog-talbog sa mga batuhan.
"Huhuhuhu... Kasalanan mo to Van eh, kung hindi ka umalis saa piwesto mo." Sambit ni Fatty Bim na animo'y sinisisi si Van Grego.
"Luh, ako pa sinisi mo eh basta-basta mo nalang ihahagis ang mataba mong katawan sa akin hahaha..." Sambit ni Van Grego na natatawa habang nagkakamot ng kanyang ulo.
Biglang tumalbog si Fatty Bim ng napakataas. Mas lumaki ang bilugang mata nito dahil alam niyang nawala na ang epekto ng skill na ito.
Nang bumalik ang anyo ni Fatty Bim sa dati ay nanlalaki ang mata nitong nakatingin kay Van Grego.
"Kaibigang Van, tulungan mo ko!" Sambit ni Fatty Bim sa histerikal na boses.
Agad namang isinagawa ni Van Grego ang pagsagawa ng Water Whirlpool sa lokasyong babagsakan ni Fatty Bim.
"Ayan na, hindi!!!!!!------" sambit ni Fatty Bim ngunit nilamon na siya ng whirlpool sa ilalim ng lupa. Maya-maya pa gumalaw ang whirlpool papunta sa may pinong lupa a t biglang may inluwa ito. Isang matabang bata ang basang-basa ang kasuotan ang makikita sa lupa. Walang duda, siya ay si Fatty Bim.
Agad na umubo ito at niluwa ang tubig na nainom nito. Masama itong tumingin ito kay Van Grego.
"Papatayin mo ba ko sa nerbyus Van? Sambit ni Fatty Bim habang namumula ang pisngi nito sa inis.
"Haha, sorry naman Fatty Bim, eh alam mo namang bagong skills lang to eh. Pasensya na!" Sambit ni Van Grego habang nababahalang nakatingin kay Fatty Bim.
"Hmmm... Hahahahahaha!!!! Hindi ka naman mabiro eh, ayos ba ang acting ko?!" Sambit ni Fatty Bim habang natatawang nakatingin kay Van Grego.
Nang marinig ni Van Grego ang sinabi ni Fatty Bim ay halos magulantang si Van Grego.
"Humanda ka sakin Fatty Bim kapag naabutan kita hahaha!" Sambit ni Van Grego na may malademonyong ngisi habang bumubuo siya ng maliliit na whirlpool sa dalawang kamay niya.
Nang makita ni Fatty Bim na mayroong munting whirlpool na namuo sa kamay ni Van Grego ay nagulantang siya.
"Wahhh! Level 1 ka na pala eh tsaka yang whirlpool na yan, para sakin ba yan?!" Sambit ni Fatty Bim habang nagtataka ngunit nagulat na lang siya ng batuhin siya ni Van Grego ng maliliit na Whirlpool.
"Uy, ah tama na Van bakit naman ako ang tatamaan mo yan wahhhh tama na!" Sambit ni Fatty Bim habang takbo-talon siya sa mga batuhan. Alam niya na kung ano ang ginagawa ni Van Grego, gagawin siyang test subject nito na ayaw na ayaw niya.
"Wahhh! Yun pala ha, tikman mo din ang bago kong natutunan sa konsepto ng apoy hehe!" Sambit ni Fatty Bim habang nakikita ang pigura ni Van Grego na papunta sa direksiyon niya kasama ang maliliit na whirlpool.
Kung makikita ng mga Martial Artists ang brutal na paghahabulan ng dalawang batang ito na nagbabatuhan ng elemento ng apoy at ng tubig ay tatakas na sila dito dahil kahit saang lugar na ito ay umuulan ng mga atake. Mabuti na lamang at kayang i-withstand ng mga batuhan ang mga mga atakeng ito.
Pero para kay Van Grego at Fatty Bim, isa lamang itong sparring at laro pero sa iba? Huwag na nating isipin.
Kasalukuyang nagcucultivate ang dalawang bata sa isang batuhan. Waalng iba kundi si Van Grego at ang matabang kaibigan niya na si Fatty Bim. Dalawang araw ulit ang nakakalipas dulot ng kanilang pag-eensayo at mas hinasa nila ang kanilang sariling pag-aaral sa konsepto ng apoy at tubig.
"Hayst, sigurado ka na Van na pupunta tayo sa Dragon Mountain?! Hayst, napakadelikado doon eh baka mapano tayo!" Nahihintakutan na sambit ni Fatty Bim habang nagsisisi siyang sinabi niya pa ang delikadong bundok na iyon kay Van Grego.
"Kung ayaw mo, dito ka nalang at hintayin mong pumuti ang maitim na uwak. Kung tutunga tayo dito ay wala tayong mapapala. Tsaka parang matagal na yata ng huli akong sumuong sa panganib." Sambit ni Van Grego habang nakangiti.
"Ewan ko sa'yo kaibigang Van, di ko alam kung baliw ka bang tunay o pure madness yang sarili mo. Matanong nga kita, kailan ka huling sumuong sa "panganib?!" Sambit ni Fatty Bim habang ngumunguya ng prutas na nakita niya noong nakaraang mga araw sa loob ng Black Phantom Mystic Realm.
"Nito lang nakaraang mga ilang araw sa labas ng Black Phantom Forest." Kasuwal na sambit ni Van Grego habang nakapikit pa rin dahil nagcucultivate ito.
"Hmmm... Wag mong sabihin na ikaw yung blue-cloth na bata na nagnakaw ng Adult Four-Armed White Ape?!" Sambit ni Fatty Bim habang nagtataka.
Nang nakita ni Fatty Bim na hindi sumasagot si Van Grego ay halos lumuwa ang mata niya at dali-daling nagsalita.
"Hala, hindi ko aakalaing ikaw yung nagnakaw ng pambihirang beasts na iyon. Astig naman nun, turuan mo ko Van ng ganong mga moves na yun." Sambit ni Fatty Bim habang nagniningning ang bilugang mata nito.
"Tigilan mo nga ako sa bakulaw mong mata Fatty Bim, tsaka nakaw? Hindi ko ninakaw yun noh. Ang sabihin niya ay wala siyang abilidad para hulihin ako o mapasakamay ang Adult Four-Armed White Ape. Para sa iyo naman, hindi kita tuturuan, manigas ka!" Sambit ni Van Grego habang nakangisi.
"Hayst, hindi talaga gumagana ang aking natural na charm eh. Hayst, ang laki mong bully Van!" Sambit ni Fatty Bim habang lumulubo ang pisngi nito at nakanguso.
"Tsk! Wag mo kong maganyan-ganyan Fatty Bim ha, wag mong ibahin ang usapan. Akala mo ay makakalimutan ko ang naging usapan natin kahapon. Tsaka kung papaiwan ka dito ay mas mabuti, wala akong kahati sa pambihirang mga kayamanan lalo na ang dragon bone wings na matatagpu----!" Sambit ni Van Grego ngunit agad na sumagot si Fatty Bim.
"Hayz hindi ka mabiro Kaibigang Van eh, halina umalis na tayo!" Sambit ni Fatty Bim habang waalng pang ilang segundo ay nakabalot na lahat ng gamit niya na kanina ay nakakalat.
"Wow, grabe talaga yan tenga mo noh. Parang nakarinig lang ng pakpak ng dr-----!" Sambit ni Van Grego habang nakapikit pa rin.
"Ano ba Van, magpapaiwan ka ba dito o ako nalang ang pupunta sa Dragon Mountain par----!" Sambit ni Fatty Bim na animo'y naiinis na.