Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 123 - Chapter 18

Chapter 123 - Chapter 18

Agad na napamulat ng mata si Van Grego at tumayo.

"Aba aba, pinagloloko mo ba ko Fatty Bim?! Ako yata ang nakaisip ng ideyang iyon kanina, pinagloloko mo ba ko?! Tsaka sobrang bilis mo yata ngayon ah, excited na excited eh noh?!" Pambabara ni Van Grego kay Fatty Bim na animo'y pina-reyalisa niya dito ang kaninang naging tugon nito na salungat sa kasalukuyan nitong desisyon.

"Aalis na ba tayo o hindi? Daming dada pa eh !" Sambit ni Fatty Bim habang nagsisimula ng maglakad palabas sa mga batuhan. Namumula na ang pisngi nito sa inis at nagpapadyak pa ng paa nito.

"Oo na nga, ito na!" Sambit ni Van Grego habang sinusundan na si Fatty Bim. Sikreto siyang napatawa sa ugali ni Fatty Bim. Hindi niya talaga matatanggihan ang kayamanan lalo na pag may kinalaman sa pakpak ng dragon o ng mga malalakas na halimaw dahil especialization niya ito lalo na sa atake. Naisip niyang magpapaturo siya kay Fatty Bim kung paano palalakasin ang atake gamit ang pakpak lalo pa't susubukan niyang gumawa ng sariling skill na may kaugnayan sa phoenix wing strike. Agad niyang ipinawala ang mga iniisip niyang ito at pinukos ang sarili sa kasalukyan.

Matagal silang naglakbay ng buong pag-iingat para makaiwas sa mga kapwa nila kalahok. Agad nilang sinuong ang direksiyon papunta sa Dragon Mountain.

Hindi nagtagal at natagpuan nila ang kanilang sarili sa paanan ng isang mataas na bundok.

"Heto na ba ang Dragon Mountain?!" Sambit ni Van Grego habang nagtataka.

Bagot naman siyang tiningnan ni Fatty Bim.

"So pinagdududahan mo ako Kaibigang Van?  Kahit sinong Cultivator na nakatapak sa Martial Realm ay mararamdaman agad ang energy fluctuations dito na may kasamang mumunting awra ng dragon." Kasuwal na sambit ni Fatty Bim habang binibitawan ang bawat impormasyon upang patunayan na inosente siya este tama ang kanyang sinasabi na ito na ang Dragon Mountain.

Tumango na lamang si Van Grego at maya-maya pa ay umakyat siya sa bundok na ito na sobrang sukal. Si Fatty Bim ang nasa unahan dahil siya ang nakakaalam ng impormasyon ukol dito habang nakasunod lamang si Van Grego. Ksalukuyan silang nasa timog na parte ng kabundukan.

"GRROOOOWWWLLLLL!" Isang nakakabinging ungol ng isang halimaw.

Agad na tinanaw ni Fatty Bim at Van Grego ang nasabing lugar. Nagmumula ito sa malapit sa tuktok ng dragon Mountain. Agad namang pumangit ang timpla ni Fatty Bim dahil dito.

Agad na ginamit ni Fatty Bim ang kanyang divine sense upang kumonekta kay Van Grego.

"Hindi ko alam na maraming susugod upang pumunta sa pinakatuktok nito. Kaya pala medyo wala tayong nakikitang malakas na halimaw dito at mukha papunta pa ang mga mababangis at agresibong halimaw sa lugar na iyon. Kailangan nating mag-ingat." Sambit ni Fatty Bim habang nakatingin pa rin sa direksiyon na may mayroong malaking kaganapan.

"Oo na, aalis na tayo sa lugar na ito baka daanan pa tayo ng mga beasts hordes dito eh." Sambit ni Van Grego habang maririnig niya ang mahinang pag-uga ng lupang tinatapakan nila.

"Sundan mo ko Kaibigang Van!" Sambit ni Fatty habang nagsasagawa ng movement technique. Agad namang sinundan ni Van Grego ang naging kilos ni Fatty Bim.

Ngunit bigla na lamang silang nakaramdam ng atake mula sa di kalayuan.

Umiwas sila ng umiwas ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay...

"Arrgghhhh!" Sigaw ni Fatty Bim ng bigla siyang matamaan ng dalawang palaso sa  kaliwang paa at sa kanang braso nito. Dito ay agad na napalingon si Van Grego kay Fatty Bim.

Agad na hinagip ni Van Grego si Fatty Bim sa isang mabilis na paraan at ginamit ang Falcon Wave Technique.

Agad na lumitaw ang isang lalaki na nakamaskarang itim habang nakasunod ng mahinahon kay Van Grego at nagwika.

Sa tingin mo ba ay makakatakas ka sa grupo namin? Dahil hinatid niyo ang sarili niyong buhay dito ay dito na rin ang inyong libingan!" Sambit ng nakaitim na maskara.

Hindi man nakikita ni Van Grego ang mukha ng sa likod ng maskara ay alam niyang malademonyo itong nakangisi sa kanila. Batid niya na hindi nagbibiro ang lalaking nakamaskara. Sa tingin niya ay mga Martial Warrior ang mga ito at kailangan niyang mag-ingat. Kung lalabanan niya ito ay mapapagod lamang siya at ang malala ay mamatay dahil sa sarili niyang kumpiyansa kung kaya't mas tinodo ni Van Grego ang kanyang movement technique sa limitasyon niya. Dito ay nagkaroon ng malaking agwat sa puwesto nila.

Maya-maya pa ay umulan ng napakaraming mga palaso mula sa likuran ni Van Grego mabilis siyang umiwas dito ngunit natamaan siya ng isang palaso sa balikat.

"Ahhh!" Sambit ni Van Grego dahil sa sakit na nararamdaman ngunit hindi pa rin siya bumabagal lalo pa't alam niyang kunting maling galaw niya lamang ay kamatayan ang kahihinatnan nila.

"Ako na ang bahala sa kanila Van basta ba, akin na lamang yung dalawang Red Fury Profound Seedlings?!" Sambit ni Master Vulcarian habang nakangisi.

"Manahimik ka nga diyan Master, alam ko na yang sinasabi mong tulong, may kapalit eh pero ayoko pa rin!" Matigas na pagkakasabi ni Van Grego. Hindi niya gustong ibigay ang pambihirang binhi na iyon. Alam niyang pambihirang binhi iyon patunay lamang na gustong makamit ito ni Master Vulcarian.

"Hmmp! Bahala ka nga diyan!" Masungit na sambit ni Master Vulcarian habang nawala ang presensya nito na parang bula.

Hindi na pinansin ni Van Grego ang sinabi ng kanyang master habang patuloy siyang tumatakbo ng mabilis gamit ang kanyang movement technique.

Ngunit ng makita ng nakamaskarang itim ang nasa harapan mismo ng tinatakbuhan ng kapwa niya batang lalaki na bitbit ang isang matabang bata ay nagalak siya. Sa hindi kalayuan ay isang malaking pader na gawa sa bato ang makikita.

"Hahaha! Isang kang hangal! Wala ka ng matatakbuhan pa dahil napapalibutan ka na namin!" Masayang pagkakasabi ng nakamaskarang itim kay Van Grego.

Imbis na tumawang muli ay hindi niya nagawa dahil ang batang lalaki na bitbit nito  ang matabang bata ay hindi tumitigil sa pagtakbo na siyang nakikita niyang parang baliw ito.

"Hah?! Bakit para atang mangmang ang batang iyan, kita na ngang wala na siyang pag-asang makatakas ay hindi pa rin siya tumitigil hmmp!" Sambit ng nakamaskarang itim sa kanyang isipan.

"Paulanan niyo ng napakaraming palaso ang mga iyan!" Sambit ng nakamaskarang itim sa maawtoridad na boses.

"Masusunod po Young Master!" Sambit ng maraming mga nakaitim na damit sa magalang na boses.

Agad na umulan ng napakaraming palaso na siyang mabilis na bumubulusok sa direksyon mismo nina Van Grego at sa sugatang si Fatty Bim.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nawala ang katawan ni Van Grego at ni Fatty Bim. Ang mga pana ay tumama sa ibat ibang bagay sa lokasyong ito kung saan ay siyang ikinapagtataka ng nakamaskarang itim at ng mga alagad nito.

"Hindi maaari! Anong klaseng technique iyon? Ang nakita ko lamang ay umiikot na tubig, imposibleng mas malakas at magaling sila kaysa sa akin pagdating sa konsepto ng tubig! Hindi!!!!!" Sambit ng nakamaskarang itim sa galit na galit na boses. Hindi niya alam na kayang-kaya siya utakan ng mga mabababang nilalang kagaya ng mga tao. Ayaw na ayaw niya sa mga tao dahil na rin sa hindi nila ito kalahi. Nabibilang sila sa monster race at mortal na kaaway nila ang mga tao ngunit hindi nila maaaring baliwalain ang puwersa ng mga tao dahil malalakas silang mga nilalang kapag nagsimula silang magcultivate.

"Masuwerte kayo ngunit sa susunod, kikitilan ko agad kayo ng buhay!" Sambit ng nakamaskarang lalaki habang napakapakla ng mukha nito dulot ng hindi magandang resulta sa kanya.

Agad na ring umalis ang nakamaskarang nilalang kasama ang mga alagad nito. Ayaw niya ng mag-aksaya pa ng oras dito dahil wala siyang mapapala pa. Alam niyang magtatagpo din ang mga landas nila sa hinaharap.

...

"Talagang akala mo sa palaso Van eh parang stick lamang noh? Talagang binibigla mong bunutin ng walang pasabi!" Puno ng inis na sabi ni Fatty Bim habang maluha-luha ito dulot ng sakit ng palasong bumaon kani-kanina lamang. Hindi niya pa rin malilimutan iyon hanggang ngayon.

Nandito sila ngayon sa isang tagong parte na nay mumunting espasyo na nahaharangan ng mga nagkakapalang baging. Hindi rin masyadong makakalikha ng ingay sa labas kapag sumigaw ka rito. Nadiroto pa rin sila sa timugang parte ng Dragon Mountain.

"Ang OA mo ha, pasalamat ka at walang lason yun. Pasalamat nga tayo at minamaliit tayo ng mga yun at hindi nilagyan ng lason ang mga palaso, baka nangingitim at nangayayat ka na sana!" Sambit ni Van Grego ng seryoso.

Nang marinig ito ni Fatty Bim ay halos masindak siya. Naiimagine niya na buto't-balat siya at nangingitim. Parang bigla na lamang siyang nabalisa.

"Grabe ka na Kaibigang Van ha, tinatakot mo ko. Paano na ako pag-aagawan ng mga babae niyan. Mawawala na tong mataba kong pisngi na paborito nilang pisilin huhu!" Pagdadrama ni Fatty Bim.

"Wag kang magdrama diyan. Ewan ko ba sa'yo kung paano mo nasasabi ang bagay na yan. Halos mapuruhan ka na, babae pa rin iniisip mo. Kung wala kang lakas, di ka rin papansinin ng mga babae at lalong magiging kawawa ka lamang sa huli!" Seryosong sambit ni Van Grego habang pinagsasabihan si Fatty Bim.

"Hay, ang seryoso mo talaga Van, parang hindi bata kaharap ko pero may punto ka sa sinabi mo. Lakas nga ang kailangan natin. Ewan ko ba, kain lang ako ng kain eh. Hindi ko kasi mapigilan hehe!" Sambit ni Fatty Bim habang pahina ng pahina ang boses nito dahil sa sobrang hiya.

"Halata naman sa katawan mo eh hahahaha!!!!" Sambit ni Van Grego habang hindi mapigilang mapatawa.

"Ikaw talaga Van eh. Palagi mo nalang nakikita tong katawan ko. Daya!" Sambit ni Fatty Bim habang nakanguso.

"Wag kang gumanyan Fatty Bim, mukha kang matabang kuhol. Magcultivate nalang tayo para ma-recupate ang mga sugat natin. Huwag kang kain ng kain ng mga pills ha baka maipon yang impurities sa katawan mo at mahirapan kang magbreakthrough kaya wag kang tatamad-tamad kung ayaw mong ma-stock sa ranggo mo ngayon!" Paalala ni Van Grego. Ayaw niyang tatamad-tamad ito ngayong bata pa sila. Ito ang panahon kung saan malakas pa ang kanilang potensyal upang umunlad. Kapag hindi sila nagsikap ay siguradong wala silang magandang kinabukasan.

"Oo na, alam ko na yun okay!" Sambit ni Fatty Bim habang umupo ng maayos at nagsimula ng magcultivate.

"Hmmm..." Tanging nasabi ni Van Grego habang pinagpapatuloy ang kanyang Cultivation.

Halos magtatakip-silim na ng biglang nakaramdam si Van Grego ng napakasagang enerhiya na umiipon sa hindi kalayuan sa kanyang puwesto. Agad siyang napamulat ng mata. Nakita niya ang enerhiyang mabilis na hinihigop ng katawan ni Fatty Bim. Maya-maya pa ay nagliwanag ang katawan nito. Ang awra nito ay ibang-iba na kumpara dati. Napangiti naman si Van Grego dahil sa pangyayaring ito.

"Binabati kita Fatty Bim sa iyong tagumpay na pagbreakthrough. Ngayon ay nasa 3-Star Martial Knight Realm ka na!" Sambit ni Van Grego habang ramdam niya ang pagtaas ng produksiyon ng Essence Energy sa katawan ni  Fatty Bim.

"Salamat kaibigan, marami ang naitulong mo sa akin lalo na sa pag-aaral ng konsepto. Kaya Salamat!" Sambit ni Fatty Bim habang nakangiti.

"Walang anuman Fatty Bim! Hehe... Siya nga pala, gawin mong mahinahon ang mga mararahs na enerhiya sa katawan mo upang ma-stabilize mo ang foundation mo sa katawan. Maaaring makasama iyan kung patatagalin mong ganiyan ang kondisyon ng iyong katawan." Paalala ni Van Grego habang ipinagpatuloy nito ang kanyang Cultivation.

...

Magbubukang-liwayway na ngunit patuloy pa rin sa pag-absorb ng astral energy sa katawan niya ang batang si Van Grego. Maya-maya pa ay kinausap siya ni Master Vulcarian.

"Bata, malapit na ring ma-stabilize yung pundasyon mo sa Cultivation level mo na 1-Star Black Gold Realm. kailangan mong magpalakas pa lalo. Kailangang maghanap ka ng paraan upang mabilis kang makapag-breakthrough. Masyado ka ng naiiwanan ng iyong edad kaysa sa iyong Cultivation Level. Kapag ganito kabagal ang iyong progreso ay kalimutan mo nang makakatapak ka pa ng matataas na Realms." Nababahalang sambit ni Master Vulcarian habang malungkot itong nagsasalita.

Nakaramdam naman ng lungkot si Van Gregosa pangyayaring ito. Alam niya ito lalo pa't naapektuhan siya ng mga pangyayari noong nasa Hyno Continent siya maging sa misteryosong seal nito. Ngayon, ang kailangan niya ay maghanap ng pambihirang bagay upang mapataas ang kanyang Cultivation Level.

"Fatty Bim, magpagaling ka muna jan ha. Aalis muna ako at dalawang buwan akong mawawala. Iiwan ko dito ang Aquatic Divine Scroll at pag-aralan mo ang Escape Technique. Babalik ako, pangako!" Ito ang isinulat ni Van Grego sa isang piraso ng lumang papel. Agad niya itong ginamitan ng sariling enerhiya upang lumutang sa hangin upang makita agad ni Fatty Bim ito.

Agad na umalis si Van Grego. Mahigit apat na buwan na lamang ang natitira. Hindi magandang ideya kung isasama niya si Fatty Bim dahil halatang wala itong kasanayan sa pakikipaglaban. Kailangan niyang makatapak sa Martial Knight ng mabilis dahil natatakot siyang baka dito na siya tumigil. Lahat ng kanyang pinaghirapan ay mapupunta lamang sa wala.

Agad na ring nilisan ni Van Grego ang lugar na ito.

"Saan tayo pupunta Master?!" Sambit ni Van Grego.

"Sa panahon na ito, tutulungan kita upang mapataaas ang Cultivation Level mo. Ayoko munang dumagdag sa problema mo. Nararamdaman ko lang na nagkakaroon ng pagbabago sa Heavenly Dao Law Patterns sa kalangitan.. Isa itong masamang pangitain para sa lahat ng nilalang. Hindi ko pa alam ang sanhi nito ngunit kailangan mong lumakas dahil sa'yo nakasalalay kung makakabalik ba ko sa mataas na mundong aking kinabibilangan." Sambit ni Master Vulcarian sa seryoso nitong boses.

"Naiintindihan ko Master, kahit itanggi ko ang aking sarili sa suliranin niyo pero alam kong sakop ako nito o lahat kaming naninirahan dito. Naiintindihan ko po Maater. Hindi ko kayo bibiguin." Magalang na sambit ni Van Grego. Alam niyang malaking problema ang pinasok niya ngunit hindi niya pa ito alam kung ano ito ngunit kailangan niyang lumakas.

"Oh siya, kasalukuyan tayong nasa hilagang parte ng Dragon Mountain, kailangan nating pumunta sa hilagang parte ng kabundukang ito. Kasalukuyang nagkakaroon ng labanan ang dalawang Warrior Beasts. Ang kailangan mo lang gawin ay kunin ang dalawang pambihirang bagay na nasa loob ng tirahan ng malakas na halimaw na ito." Seryosong sambit ni Master Vulcarian sa isip ni Van Grego.

"Opo master!" Sambit ni Van Grego habang medyo kinakabahan siya lalo pa't nalaman niyang Warrior Beasts ang mga ito. Ngunit ggagawin niya ito, tsaka kailangan niyang gawin ito.