Hmmp! Inaamin kong kailangan kita sa kasalukuyan pero hindi ko gusto ang tabil ng dila mo bata. Isa kang basura sa kasalukuyan at wala kang magagawa dahil iyon ang katotohanan. Kailangan mo ko at kailangan rin kita. Isa itong win-win situation, aangal ka ba? Dahil naiinis ako ngayon, eh kung bigyan mo ko ng magandang palabas ngayon, gumawa ka ng sarili mong Technique dahil ibabalik na kita sa aktuwal mong katawan hahahaha!!!" Sambit ni Master Vulcarian habang tumatawa. Talagang naiinis siya ngayon at kapag nainis siya ay gusto niyang makakita ng nahihirapan.
"Ang daya mo Master, Ang daya moooo!" Pahabol na sambit ni Van Grego ng unti-unting hinigop ng kakaibang puwersa ang kanyang katawan.
"Lakas mong mang-inis, buti nga sayo!" Sambit ni Master Vulcarian habang nakaupo sa isang malaking upuan na animo'y trono. Inaasahan niyang malilibang siya ngayon at mapipinsala ang batang si Van Grego. Agad nitong inisang lagok ang kanyang pambihirang wine na nasa baso, naghihintay siya ng magandang palabas.
Agad na natagpuan ni Van Grego ang kanyang sarili na lumulutang paabante sa isang space channels, ito ay ang Ancient Transmission Array na kanyang daan papunta sa ibang lugar sa labas ng Three Great Continents. Nawala na rin ang kakaiba at pambihirang protective essence na nasa kanyang aktuwal na katawan. Isang pagkakamali niya lamang ay siguradong mapipinsala siya kung may distorsyon ng space dito. Nagsimula na siyang mainis kay Master Vulcarian ngunit hindi niya maisatinig lalo pa't sigurado siyang magmumukha lamang siyang tanga. Kahit na siguro magkapira-piraso ang katawan niya ay hindi siya tutulungan nito. Nanahimik na lamang siya kaysa pag-aksayahan pa ng oras ang nilalang na iyon.
Maya-maya pa ay inobserbahan niya ang kanyang kapaligiran na puno ng mga hibla ng mga konsepto ng Space at Time. Marami siyang nakitang Space Turbulents at Space Storms sa kanyang dinaraanan. Medyo malayo pa ito ngunit ramdam na ramdam ni Van Grego ang lakas nito. Kaya pala binalaan siya ni Binibining Mystica na hindi siya maaaring magpadalos-dalos ng desisyon at inaakala niyang nagbibiro lamang siya sa kanyang sinabi na aalis siya.
"Ngayon ay napagtanto kong nagpadalos-dalos ako ng desisyon maging ang mga consequences ay hindi ko inisip ng mabuti pero paninindigan ko ito." Sambit ni Van Grego sa matapang na boses. Hindi siya susuko kahit na imposible na hindi siya magtatamo ng pinsala.
Agad niyang ipinikit ang kaniyang mata. Nalaman niyang hindi na niya maaaring magamit ang mga pambihirang skills o techniques dulot ng seal sa kaniyang katawan. Naging padalos-dalos din ang kanyang desisyon upang sirain ang seal ngunit siya rin pala ang lubos na naapektuhan nito.
Iwinaksi niya ang kaniyang mga negatibong iniisip at inalala ang galaw at kilos ng God Beast na Phoenix at dragon na may konsepto ng Space and Time.
Dahil sa mataas na persepsyon ni Van Grego ay nakagawa siya ng isang kakaibang skill. Alam niyang walang kasiguraduhan ang gagawin niya ngunit susugal siya dahil naniniwala siyang "no pain, no gain". Pain talaga mararamdaman niya kung hindi siya kikilos ngayon. Nararamdaman niya ang marahas na galaw ng Space Turbulents at Space Storms na nasa kanyang unahan. Sigurado siyang hindi simpleng gawain ito. Naiinis siya kay Master Vulcarian dahil hindi man lang siya binigyan ng oras para pag-aralan ang kanyang natutunan. Imbes na magreklamo ay nanahimik na lamang siya.
Agad na tumayo si Van Grego, nakapikit siya na animo'y bulag, tanging ang ginagamit niya ay ang kanyang pandama at pandinig.
Agad niyang isinagawa ang kaniyang Technique na binuo mula sa konsepto ng Space and Time.
"Phoenix Wing Strike!" Sambit ni Van Grego habang winawasiwas niya ang kanyang kamay. Mayroong minor fusion ng Space and Time ang kanyang ginawang atake. Sampong wasiwas ang kanyang ginawa upang bumuo ng ganitong self-created skill.
Nagkaroon ng mga distorsyon na namuo sa space storms at space Turbulents ngunit nanatili pa rin itong buo at mabilis na pumupunta sa direksiyon ni Van Grego.
Ngunit kalmadong nakatayo pa rin si Van Grego. Hindi niya kailangan ng mata upang matukoy ang kinaroroonan ng mga Space Turbulents at Space Storms dahil patungo lang naman ito sa kaniyang direksiyon.
Agad namang siyang nagsagawa ng panibagong self-created skill. Pinagana niya sa limitasyon ang Divine Nine Rotations True Essence, Divine Chronicles of Meridian Reverberation at Five Revolution Soul Enhancement ng sabay-sabay maging ang kaniyang Alchemy Flames ay hinaluan niya ng kanyang natutunang konsepto ng Space and Time. Biglang umapoy ang buong katawan ni Van Grego na kulay Silvery White. Ito ang kabuuang lakas niya at umaasa siya sa magiging mapaminsalang atake na ito. Isinama niya rin ang Concept of Vibration mula sa huni ng dragon.
"Isusugal ko ang lahat sa atakeng ito, Twin Shattering Roar!" Sigaw ni Van Grego. Lumabas ang asul na ugat sa noo niya.
Agad na lumitaw sa likod ni Van Grego ang hindi malinaw na imahe ng dragon at Phoenix. Sabay silang sumigaw ng napakalakas.
ROAR!!!!
Agad na lumabas sa bunganga ni Van Grego kaniyang Sacred Flame na may kasamang mga iba't ibang konsepto ng Space, Time at Vibration at ng first layer ng tatlong Cultivation Methods.
Kasabay ng pagsagawa ng kanyang self-created skill ay siya ring pagtilapon niya paatras dulot ng shock waves.
Agad na minulat ni Van Grego ang kaniyang mata at bakas ang mangha sa kanyang mata.
Nawasak ang mga nadadaanan ng Twin Shattering Roar. Ang mga delikadong distorsyon at fluctuations ng Space Turbulents at Space Storms ay nawasak at sumabog dulot ng collisions ng kanyang self-created skill. Maging ang space cracks na kanyang dadaanan ay naayos. Nalaman niyang humigit-kumulang tatlong kilometro ang naabot ng kanyang ginawang skill na Twin Shattering Roar.
Hindi siya nagpakampante sa nakita niya dahil gamit ang kanyang divine sense ay mayroong mas malalakas na Space Turbulents, Space Storms at Space Tornadoes. Marami ding malalaking Space Cracks ang makikita sa mga paligid ng mga ito.
Agad na iwinala ni Van Grego ang kanyang divine sense at agad niyang ibinalik ang kanyang isipan sa kaniiang kasalukuyang lagay. Halos maubos ang lahat ng kanyang true essence sa kanyang katawan dahil sa atakeng iyon. Kaya agad siyang nag-isip ng paraan upang hindi maging ganito ang kanyang kalagayan. Naisip niya ang gamit na konsepto ng dragon at Phoenix. Naisip niya ang konsepto ng hangin ngunit impossible iyon sa kaniya dahil hindi niya pa ito natutunan. Isa lamang ang kanyang naiisip, ito ay ang gumawa muli ng isang convenient na Technique na maati niyang gimitin ngunit naisip niyang mapapawalang-bisa niya ang mga Space Turbulents, Space Storms, at Space Turbulents ngunit ang Space cracks ay siguradong ikakamatay niya ito. Ang naiisip niyang paraan ngayon ay magsagawa ng bagong self-created skill na may mahinang consumption rate ng kaniyang true essence.
Upang bumuti ang lagay ni Van Grego ay kumain siya ng isang Tier-7 Recovery Pill at nagmeditate.
Isang oras ang nakakalipas at narating na ang 3-kilometer boundary na hangganan ng skills kanina ni Van Grego. Nakikita na ni Van Grego ang magulong energy fluctuations ng Space Turbulents, Space Storms at Space Tornadoes. Mas marahas ang space distorsyon dito na mayroong abnormal na konsepto ng oras dito. Ang mga Space Tornadoes at Space Storms ay palipat-lipat ng lokasyon.
Ngayon ay mas nangamba si Van Grego ngunit nang ginamit ni Van Grego ang kanyang divine sense ay nakita niya na limang kilometro na lamang ang layo ng labasan ng Ancient Transmission Array na ito. Agad na nag-isip si Van Grego ng malakas na atake gamit ang konsepto ng time and Space. Dahil sa Soul Transformation Pill ay mas tumaas ang kaniyang abilidad patungkol sa mga konsepto at Laws na siyang makikita sa kapaligiran. Kabilang na rito ang komprehensibong abilidad ng Space at Time. Maging ang Soulfource niya ay mas naging marami at dahil na rin ito sa pagbukas ng Space Channels sa kaniyang kaluluwa.
"Twin God Beasts Energy Blast!" Sambit ni Van Grego habang isinasagawa ang self-created Technique. Agad niyang nilagyan ng lahat ng 90% na kanyang true essence kasama ang mga konsepto ng Space at Time. Alam niyang hindi din makakatulong ang ibang konsepto kagaya ng hangin kung kaya't ang apoy lamang ang ginawa niyang bagay upang i-attach ang true essence at mga laws and concepts ng Space and time.
Biglang lumabas muli ang sacred flames ni Van Grego sa kanyang katawan. Animo'y isa siyang Fire God dahil sa lumalakas ng lumalakas ang mga apoy. Kakaiba ito dahil na rin sa mayroong imahe ng dragon at Phoenix ang bigla na lamang pumorma sa Sacred Flames. Masasabi mong mas malakas ito kumpara sa huling atake niya na Twin Shattering Roar na ginamit ang sub-concept of wind na konsepto ng Vibration.
"Break for me!"
Biglang ibinato ni Van Grego ang kanyang self-created skill papunta sa kanyang harapan sa puno ng mararahas na enerhiya ng Space at Time.
Animo'y may sariling buhay ang anyong apoy na Dragon at Phoenix dahil mabilis nilang sinugod ang mga enerhiyang nakakalat dahil sa marahas na kapaligiran na ito. Bawat daanan ng skill na Twin God Beasts Energy Blast ay animo'y natunaw at napalitan ng mapayapang galaw ng enerhiya maging ang mga Space Turbulents Space Storms at Space Tornadoes ay nawala na parang bula. Isa itong frontal attack ngunit wala itong nagawa ng lamunin ito ng self-created skill ni Van Grego. Ngunit mayroon pa ring mga mumunting mga Space debris ang naiwan dulot ng puwersa ng Twin God Beasts Energy Blast ngunit iniwasan na lamang ito ni Van Grego. Dahil hindi na rin ito sobrang delikado ay todo-iwas pa rin si Van Grego. Hindi niya pa rin ibababa ang kaniyang depensa dahil alam niya ang katakot-takot na epekto ng Concept of Time and Space dahil kaya nitong apektuhan ang mga nilalang na sa kaniyang paligid sa oras na madampian o matamaan sila ng maski gahiblang enerhiya nito. Halimbawa na rito ay ang babawasan ang iyong edad o bigla ka na lamang tatanda dahil sa epekto ng Concept of Time. Ang Concept of Space naman ay maituturing na pinakamatalas na sandata na kayang hatiin ang sinuman o anumang bagay na kanyang matatamaan.
Ilang oras na pag-iwas ang ginawa ni Van Grego sa mga Space Debris na may kasamang konsepto ng oras. Alam niyang sa oras na tamaan siya nito ay siguradong hindi simpleng epekto lamang ang matatamo niya kundi mas malaki. Mabuti na lamang at walang Space Shards o Space Monsters ang naririto sa Ancient Transmission Array dahil siguradong mababa ang tsansang mabuhay siya.
Halos limang oras pa ang ginugol ni Van Grego upang matanaw ang lagusan palabas ng Ancient Transmission Array. Nakita niya ang mumunting liwanag sa dulo na siyang ikinapangangamba niya. Dahil sa hindi siya pamilyar sa lugar na kanyang babagsakan. Sinubukan niya ngang gamitin ang kanyang Pakpak ngunit nalaman niyang nasira na ito dulot ng Space Turbulents at Space Storms habang wala siyang malay maging ang mga Technique o Skills na natutunan niya noon ay wala na rin dahil nasira na ang mga jade slips at scrolls. Hindi pa iyon na-master at hindi niya nauunawaaan ang kompletong Technique nito. Kahit na subukan pa ni Van Grego ay alam niyang walang epekto iyon. Ang totoo niyan ay para magamit ang kaunting piraso ng skills ay kailangan lagyan ng Cultivator ng True Essence mark ang nasabing jade slip o scroll isama pang hindi pa siya nakakatapak sa Essence Gathering System na walang iba kundi ang Martial Knight Realm pataas. Sa pagkasira ng scroll ay siya ring pagkawala ni Van Grego ng pundasyon sa pagsagawa ng mga ito.
"Kaya pala sinabihan ako ni Master Vulcarian na pag-aralan ko ang Concept of Space and Time dahil wala na talaga akong Skills o Techniques na natira maging ang Formation Technique ko ay nawala rin ngunit dahil sa palagi kong ginagamit ko iyon ay mayroon pa rin akong kaunting kaalaman patungkol dito. Kung maaari ay gagawa ako ng self-created Formation technique. Hmmm... Kakainis si Master kasi naman hindi man lang ako pinaghanda ngunit dahil na rin sa desperasyon na makaligtas sa mga Space Cracks, Space Turbulents, Space Storms at Space Tornadoes ay nakagawa ako ng tatlong self-created skills." Sambit ni Van Grego sa kanyang isipan lamang. Nalaman niyang lumabas ang kanyang potensyal sa pag-iisip kung paano mabuhay o survival.
Maya-maya pa ay narating na ni Van Grego ang dulo ng Ancient Transmission Array. Nakita niyang nasa labas siya ng isang masukal na kagubatan. Makikita niya na mayroong napakamisteryosong awra ang nakapalibot dito ngunit masasabi niyang napakaganda ng lugar dito.
Dahil sa taka ni Van Grego kung anong lugar ito ay bigla siyang napatanong kay Master Vulcarian.
"Saan ba tayo napadpad Master? Anong lugar ito?!" Tanong ni Van Grego na puno ng pagtataka at kuryusidad. Halatang wala siyang pagpipilian kundo magtanong kay Master Vulcarian gamit ang kaniyang isip.
"Sa pagkakaalam ko ay nasa Kontinente tayo ng Arnigon, ang tinatawag na Land of Bat Race." Kasuwal na sambit ni Master Vulcarian gamit ang isip. Agad niyang natukoy ang lugar na ito dahil na rin sa amoy na iniwan ng mga Bat Race.
"Kontinente ng Arnigon?! Bat Race?! May ganon bang mga lahi?" Takang tanong ni Van Grego na puno ng pagtataka.
"Hmmp! Kinikuwestiyon mo ba ang aking kaalaman batang paslit? Ako ay matagal na panahon ng nabubuhay at halos may alam ako sa bawat lugar lalo na sa mga lugar ng Lower Realms. Kumpara sa Higher Realms at divine Realm ay mas maliit ang lugar na ito para sa amin. Ang Kontinente na ito ay totoong pinamumugaran ng mga Bat Race. Kapag sinabi kong Bat Race ay mayroong mga Iba't ibang lahi na may kinalaman sa mga Bat Martial Beasts. Mayroong mahihina at mayroong mga ordinaryo o average na lahi o angkan at mayroong malalakas na mga Bat Race. Mayroong mga blood variations sa bawat lahing kinabibilangan nila at mas malakas na Bat Blood Essence density ay mas malakas. Sinusunod nila ang batas ng kagubatan. Sa ibang impormasyon ay konti lamang ang alam ko dito." Sambit ni Master Vulcarian sa kasuwal na boses. Halatang hindi niya nilalagay sa mata niya ang lugar na ito.
"Hmmm, ligtas po ba ang lugar na ito?!" Sambit ni Van Grego. Marinig niya palang na mga lahi ng mga Bat Race ay kinakabahan na siya, may variation pa daw. Bilang bata ay kinakabahan pa rin siya.
"Siyempre naman. Huwag kang mag-alala dahil hindi lang naman Bat Race ang naririto. Marami ring ibang lahi ang naririto kagaya ng mga Elf Race, Imp Race, Dragon Race, Black Oak Race at Human Race. Bali tinawag lamang itong Bat Continent dahil ang Kontinenteng ito ay korteng paniki. Pinaniniwalaang lugar ito ng mga Bat Race noong unang panahon. Masuwerte ka dahil ang lugar na ito ay sakop ng Human Race kung kaya't hindi masyadong delikado pero huwag kang pasisiguro." Sambit ni Master Vulcarian habang nagbibigay ng impormasyon habang may kasamang pagbabala.
"Mabuti naman kung ganon. Salamat po Master Vulcarian sa napakahalagang impormasyon na iyong binahagi sa akin." Sambit ni Van Grego sa magalang na boses.
"Siyempre opisyal na kitang estudyante at simpleng bagay lamang ang sinabi ko sa iyo. Nakadepende pa rin ang lahat sa'yo. Ang ginagawa ko lamang ito ay upang tuparin ko ang aking ipinangako at wala pa rin akong tiwala sa'yo na magiging malakas ka sa hinaharap." Sambit ni Master Vulcarian sa prangkang boses. Halatang hindi siya yung taong gagamit ng mababngong salita para hindi saktan ang damdamin ng iba.
"Mmm" tanging pagtango na lamang ang ginawa ni Van Grego. Alam niyang wala sa mood si Master Vulcarian sa mga bagay-bagay ngayon.