Agad na naghanap ng lugar si Van Grego ngunit walang ni isang kabahayan ang naririto. Naglakad pa si Van Grego sa medyo malapit sa mga batuhan. Nakita niya na mayroong patag na parte sa itaas ng batuhan. Kung hindi siya nagkakamali ay isa itong plateau.
"Hindi ko aakalaing mayroong plateau rito. Ang lugar na ito ay tunay na kahanga-hanga!" Masayang sambit ni Van Grego. Halata sa boses niya ang galak lalo pa't hindi maipagkakailang napakagandang puwesto ito lalo pa't hindi ito kalayuan sa kagubatan. Hindi niya pa alam ang tawag sa masukal na kagubatang ito ngunit sa plateau ay masasabi niyang ligtas ito. Naalala niyang mayroong sibilisasyon ang piniling manirahan sa mga plateau lalo pa't hindi lamang ito mataas na lugar kundi isa rin itong proteksiyon laban sa mga Mababangis na Martial Beasts, mananakop at iba pang uri ng kapahamakan. Dahil sa plateau ay masisiguro ng mga Martial Artists ang patuloy ng kanilang pamumuhay maging ang seguridad ay masisiguro.
Ang nakita ni Van Grego ay isa lamang mini-plateau na kasya lamang ang isa hanggang tatlong ordinaryong bahay. Para sa mga ordinaryong angkan ay hindi ito mabuting desisyon kung dito sila titira lalo pa't maliit lamang na lupain ito at ang paglaki ng populasyon ay hindi maiiwasan kung kaya't nauunawaan ni Van Grego kung walang nais na tumira dito. Napakaganda ng pwesto ng plateau dahil mayroong daanan ito pataas na siyang masasabi ni Van Grego na mayroong namalagi sa plateau partikular na rito ang mga Rogue Cultivators ngunit sa lagay ng mga bato ay sigurado siyang matagal na panahon na itong pinagdugtong-dugtong. Mayroon na ring mga damo at lumot na makikita sa mga daanan papunta sa itaas na bahagi ng plateau.
Para kay Van Grego ay tamang-tama lamang ang maliit na plateau para pamalagian niya. Maya-maya pa ay naalala ni Van Grego ang mga Interstellar Rings, Sacks at dimensions ang batira sa kanyang katawan. Nagningning ang kanyang pares na itim na mata.
"Interstellar Ring is Lock. Error!"
"Interstellar Dimension is Lock, Error!"
"Interstellar Sack is Lock, Error!"
Umalingawngaw ang boses ng Interstellar Systems na bawat kagamitan na meron si Van Grego.
"Bakit naman pati ang mga ito ay nakalock. Hindi ko maintindihan." Sambit ni Van Grego. Hindi niya aakalaing wala ni isang kagamitan siyang maaaring magamit ngayon." Nakasimangot na sambit ni Van Grego sa kanyang sarili. Wala siyang maaaring magamit ngayon.
"Siguro ay naapektuhan ang mga Interstellar Rings, Sacks at dimensions dulot ng mga Space Fluctuations lalo pa't gawa rin sa space ang mga ito. Tinatawag din itong Spatial Objects o Space objects. Pasalamat ka at Top-grade Earthen Step treasures ang mga ito kung hindi ay wala ka na talagang bagay na natira sa katawan mo,hmmmp!" Sambit ni Master Vulcarian kay Van Grego habang mababakasan ng inis ang boses niya.
Naintindihan naman agad ito ni Van Grego dahil na rin sa sinabi ni Master Vulcarian. Malaki ang posibilidad nito lalo pa't nakita niyang walang mga ordinaryong Spatial Ring o sacks ang natira sa kanyang Katawan dulot ng space fluctuations.
Maya-maya pa ay biglang nagliwanag ang pares ng mata ni Van Grego. Naalala niya ang binigay ni Binibining Mystica sa kanya. Hindi niya na isinaboses ito dahil babarahin lang siya ni Master Vulcarian.
Gamit ang divine sense ni Van Grego ay tiningnan niya ang kanyang meridian at tiningnan ang lokasyon na malapit sa kanyang dantian. Nakita niya ang misteryong baging ng halaman na noon pa tumutubo sa kanyang dantian na ngayon ay halos hindi na makita ang kabuuang halaman. Tanging ang pinakadulong parte na lamang ng misteryosong halaman ang nakalitaw. Umaliwalas ang pares na mata ni Van Grego ng makita niya sa pinakadulo ng baging ang maliit na pigura ng bahay. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang eksaktong bagay ang ibinigay ni Binibining Mystica sa kanya bago siya umalis sa kontinente ng Hyno.
"Mabuti at umayon ang swerte sa akin dahil hindi ito natabunan ng aking nakasaradong dantian ang bagay na ito." Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang itong pinalabas sa lanyang katawan gamit ang kanyang true essence.
Agad na hinawakan ni Van Grego ang nasabing miniature ng isang bahay. Sa unang tingin pa lamang ni Van Grego ay hindi ito isang simpleng laruan o dekorasyon lamang. Makikita ang saya sa mata ni Van Grego.
"Hmmmp! Mukhang sinisuwerte ka bata. Hindi ko maipagkakailang binigyan ka ng ganitong kayamanan ng uod na iyon!" Sambit ni Master Vulcarian sa pasarkastiko na pagkakasabi.
"Anong uod? Serpyente si Binibining Mystica at w----!" Sambit ni Van Grego na halatang ipagtatanggol pa si Binibining Mystica laban kay Master Vulcarian.
"Pag sinabi kong uod, uod siya. Isa lamang siyang insekto sa paningin ko walang pinagkaiba sa basurang mga nilalang." Sambit ni Master Vulcarian na halatang nainis sa batang si Van Grego. Ayaw niya sa mga taong may mabubuting loob at pagtanaw ng utang na loob. Para sa kanya ay hindi ito magtatagumpay sa pagtahak sa daan ng Martial Arts.
"Siya nga pala, ilagay mo na lamang ang iyong dugo sa miniature na bahay na iyan upang makontrol mo ito sa kahit paanong paraan. Isa iyang ownerless house artifact." Dagdag na sambit ni Master Vulcarian habang walang iniwang lugar para magkaroon ng argumento sa pagitan nila. Walang kwenta kung mag-aaksaya sila ng oras sa walang katuturang usapan.
"Mmm..." Tanging tango na lamang ang ganting tugon ni Van Grego. Alam niyang naiinip na si Master Vulcarian at ayaw na nitong magkaroon pa sila ng debate patungkol dito. Napagtanto ni Van Grego na magdadapit-hapon na at delikado para sa kanya kung mananatili siya rito. Hindi niya pa alam ang lugar na ito at mas lalong hindi siya pamilyar sa kung anong klaseng Martial Beasts ang gumagala ngayon o mamayang gabi.
Agad na umakyat si Van Grego sa itaas ng mga batuhan papunta sa itaas na bahagi ng plateau. Malaki ang porsyento na ligtas siya sa itaas na bahagi ng plateau. Maya-maya pa ay nakarating na siya sa itaas na bahagi ng plateau. Hindi man ito kasing taas ng naglalakihang bundok o kasing taas ng Niraya Tree ay masasabi niyang hindi agad-agad ito maaakyat ng sinuman. Inabot siya ng kalahating oras sa pag-akyat dito. Para sa mga gumagalang Martial Beasts ay hindi magandang akyatin ang plateau na ito dahil wala silang mapapala. Isa pa ay hindi lamang sila ang gumagala sa lugar na naririto, kailangan din nilang bantayan ang galaw o kilos ng kanilang mga kalabang kapwa Martial Beasts.
Makikita ngayon si Van Grego na hawak-hawak ang kanang kamay at walang ano-ano pa'y kinagat niya ang piraso ng balat ng kanyang hintuturo. Biglang sumirit ang mala-rosas na kulay ng dugo sa parte ng hintuturo. Agad niyang itinuon at ipinatak sa miniature house artifact na nasa kanyang kaliwang kamay. Nabalot ng dugo ang miniature house artifact na unti-unting in-absorb nito ang dugo. Isa ito sa pinakaordinaryong paraan upang makontrol o mapasakamay panghabang-buhay ang isang bagay.
Unti-unting lumiwanag ang Miniature House Artifact habang lumulutang at umiikot-ikot ito sa ere. Pabilis ng pabilis ang ikot nito hanggang sa binalot ng nakakasilaw na liwanag ang paligid maging ang pares na mata ni Van Grego. Maya-maya pa ay lumitaw sa harapan ni Van Grego ang napakagandang bahay. Animo'y gawa lamang ito sa mga kahoy o mas mabuting sabihin na gawa ang bahay sa purong kahoy. Mula sa maliliit na mesa, upuan maging sa mga dekorasyon ay gawa sa kahoy na walang bakas na anumabg dumi o alikabok man lamang.
"Kahanga-hanga, hindi ko aakalaing mayroong Miniature House Artifact ang uod na iyon. Hindi na masama para sa insektong kagaya niya. Masuwerte ka bata dahil napakatibay na bahay na ito at ekstraordinaryo. Paano kaya kung maging chef ka muna upang mapaunlad mo ang skills mo sa Alchemy o maging refiner sa hinaharap. Ano sa tingin mo bata?!" Sambit ni Master Vulcarian na animo'y natutuwa sa pangyayaring ito.
"Kung iyon po ang desisyon niyo Master ay lubos ko po itong tatanggapin." Sambit ni Van Grego habang tinatago ang kanyang inis. Alam naman niyang kapag sinabi ni Master Vulcarian ang mga bagay-bagay ay tutuparin niya ito kahit na tumanggi pa siya ay siya pa rin ang matutupad. Master niya na ngayon ang misteryosong nilalang na ito at alam niyang may pagka-bossy ang ugali nito. Ano pa ang magagawa niya kung sa huli ay si Master Vulcarian pa rin ang masusunod. Wala pa siyang sapat na lakas upang magreklamo sa mga bagay-bagay na alam niyang wala pa siyang lakas o kontrol maging sa buhay niya. Ayaw niyang magpadalos-dalos ng desisyon at maulit ang mga bagay-bagay na ayaw niyang mangyari noong nakalipas na.