Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 107 - Chapter 2

Chapter 107 - Chapter 2

Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay natapos na ni Van Grego ang pag-absorb ng mga napakaraming impormasyon. Agad niyang hinalukay ang mga impormasyon at pinili ang mga mas importanteng mga impormasyon o kaalaman. Marami siyang nakitang mga kaalaman ngunit ang mas nakaagaw ng atensyon niya ay ang mga ekstraordinaryong mga paraan kagaya na lamang ng Ancient Body Transformation Stages na siyang pwedeng ipagsabay sa Essence Gathering Stage dahil ito ang Kompletong paraan ng Body Transformation Stage pagkatapos ng Diamond Rank.

"Kahanga-hanga bata, sa lahat ng paunang impormasyon ko ay nakita mo ang pinakamahalagang bagay na pwedeng matutunan ng isang Martial Artists maging ang mga iba't ibang nilalang na nagcucultivate. Katulad ng mga Ancient Beast na mayroong klasipikasyon katulad ng Warrior, God, Saint at iba pa ay mayroon silang dual Cultivation. Ano lamang ang silbi ng kanilang malakas na kapangyarihan kung mahina ang kanilang katawan? Nakita mo pa kung paano katigas ang balat o scale ng isang dragon? O kung gaano katibay ang balat ng Giant Leviathan kapag nakikipaglaban? Maging ang nakakatakot na kapangyarihan at konsepto ng hangin ng Roc, gaano kaya katibay ang balahibo nito? Lahat ng ito ay dahil dumadaan sila at nageensayo ng dual Cultivation Method. Isa ito sa paraan upang upang palakasin ang kanilang pisikal na anyo maging ang kanilang lakas o enerhiyang kayang ilabas. Ang mga dual Cultivation Method ay makakatulong sa iyo upang maging malakas na nilalang, makipaglaban sa mas mataas na ranggo ngunit hindi lahat ng Cultivators ay kagaya ng ibang Cultivators na dumadaan sa Dual Cultivation dahil ang paraan na ito ay mas mahirap at nangangailangan ng hindi mabilang na Cultivation Resources at umaaksaya ng mas maraming oras. Magdu-dual Cultivation ka ba o hindi?" Mahabang salaysay ng misteryosong nilalang habang sinasabi ang mahahalagang impormasyon patungkol sa dual Cultivation Method lalo pa't hindi maipagkakailang napakahirapbawat prosesong dadaanan ng mga Martial Artists. Hindi isang simpleng bagay ang ganitong paraan, sa katunayan ay dual Cultivation Method ang paraan ng Cultivation ng misteryosong nilalang. Sa kanya ay hundi ito mahihirapan ngunit sa batang ito? Tiyak siyang hindi magiging madali ito, marami pa itong bubunuin na oras maging ng panahon idagdag pang hindi basta-bastang bagay ang pagkompleto ng Body Transformation Stages maging ang Essence Gathering Stages (Martial Knight pataas) ay nangangailangan ng hindi matutumbasanag halaga ng mga kayamanan. Ang isang Cultivator ay kailangang maglakbay at makipagsapalaran sa mga delikadong mga lugar upang subukin ang kanilang suwerte ngunit kung hindi sila papalarin ay kamatayan lamang ang naghihintay sa kanila. Isa ito sa malaking kabayaran at mapait na hahantungan ng mga nilalang na tumahak sa daan ng Cultivation/ Martial Arts.

"Gusto ko itong subukan kung makakaya kung pagsabayin ang dalawang pamamaraan ng Cultivation. Tsaka wala ring mawawala kung susubukan ko ito!" Sambit ni Van Grego sa kalmadong boses.

Nagulat naman ang misteryosong nilalang sa sinabi ng batang ito. Sa murang edad nito ay parang napakabeterano na nito sa pagdedesisyon. Alam nitong hindi niya na mababago pa ang desisyon o daang tatahakin ng bata. Wala na siyang magagawa pa.

Maya-maya pa ay nagulat na lamang ang misteryosong nilalang ng bigla na lamang nagsalita si Van Grego.

"Divine Nine Rotation True Essence, Five Revolution Soul Enhancement,  Divine Chronicles of Meridian Reverberation!" Galak na pagkakasabi ni Van Grego habang hinahalukay niya ang kanyang isipan at mabusising pinili ang mga impormasyon patungkol sa pagpapatayo ng matibay at solid na pundasyon ng kanyang Cultivation. Namamangha si Van Grego ng makita ang mga paunang mga impormasyon patungkol sa mga Martial Art Methods na ito upang patibayin ang katawan, kaluluwa maging ang true essences na nasa kanyang meridian. Sinong mag-aakalang nasa kanyang kaisipan na ang lahat ng methods at impormasyon ang mga nakakamanghang bagay na hindi mapapasakamay ng iba kahit anong pilitin nila. Makikita ang ngiti sa labi ni Van Grego habang nakapikit pa rin ito.

"Hindi ko aakalaing malakas ang iyong persepsyon maging ang iyong kaalaman. Kahanga-hanga, sasabihin ko pa sana ang mga bagay na ito ngunit sinabi mo na ang lahat ng mga Cultivation Methods na ito. Kahit na ikumpara o ipalit mo pa ito sa malalakas na Technique o Cultivation Resources ay mistulang basura lamang ang mga iyon. Kahit sa mataas na mundo na may pagkakahawig sa inyong mundo ay siguradong pag-aagawan ang mga Cultivation Methods na ito!" Buong pagmamalaki ng boses ng misteryosong nilalang na ito kay Van Grego. Sa katunayan, hindi ito isang exaggeration na pangungusap bagkus isa itong babala o paalala na napakaimportanteng Cultivation Method ito  sa kahit na sinumang nilalang.

"Naiintindihan ko po na lubhang napakaimportanteng Cultivation Methods ito na siguradong pag-aagawan ng malalakas na mga nilalang kung kaya't iingatan ko ito at mananatiling lihim ito sa sinuman lalo na sa masasamang nilalang, kanina pa tayo nag-uusap ngunit di ko po alam kung ano ang pangalan niyo o itatawag ko sa inyo?!" Sambit ni Van Grego ng patanong. Halatang naiilang siya sa kung ano ang itatawag niya dito. Ayaw niya namang mainsulto ang misteryosong nilalang na alam niyang isa itong malakas at hindi maaaring mainsulto. Sa lahat ng mga kaalaman na ibinigay nito ay siguradong hindi ito ordinaryong nilalang. Siguradong may dahilan kung bakit narito siya sa loob ng Myriad Painting at napadpad sa maliit na kontinente ng Hyno. Sa ngayon, wala siyang karapatang magtanong at kailangan niyang magpalakas dahil alam niyang kung may lakas at kapangyarihan siyang taglay ay kusang mabubunyag ang impormasyong gusto niyang malaman. Ayaw niyang pangunahan ang sitwasyon at magpadala na lamang sa agos ng buhay at kapalaran niya.

"Tawagin mo na lamang ako sa aking pangalan na Vulcarian, Master Vulcarian dapat dahil tatanggapin kita ngayon bilang aking estudyante pero kung magiging malakas ka sa hinaharap ay magiging disipulo kita pero kung hindi ka magiging malakas at mananatili kang mahina ay kalimutan mo lamang ang aking sinasabi ngayon hmmp! Basura lamang ang Talento at propesyong meron ka ngayon, wala lang akong pagpipilian dahil ikaw ang nakapulot sa Myriad Painting hmmmp!" Sambit ng misteryosong nilalang sa malamig nitong boses patunay na wala lamang siyang pagpipilian.

Natahimik naman si Van Grego dahil alam niyang napakaordinaryo lamang ang kanyang talento maging ang kaniyang propesyon bilang Formation Master ay basura lamang. Siguradong malaki at mataas ang standards ng misteryosong nilalang na ito dahil sa naging evaluation nito sa kanyang kabuuang lakas.

"Naiintindihan ko po Master Vulcarian. Nais kong matuto sa mga mahahalagang bagay patungkol sa Cultivation o Martial Arts. Sana ay gabayan niyo po ako!" Malakas na pagkakasabi ni Van Grego ngunit sa magalang na tono.

"Hindi kita bibiguin sa kagustuhan mong matuto ngunit nakasalalay lahat ito sa iyong kamay. Ang iyong kapalpakan at pagiging mahina ay isisi mo lamang iyon sa sarili mo, wala akong kinalaman doon. Hindi na kita iisturbuhin sa iyong pagtuklas ng bagay-bagay. Dapat ay patunayan mong kaya mong matutunan ang First Layers ng Divine Nine Rotation True Essence, Five Revolution Soul Enhancement,  Divine Chronicles of Meridian Reverberation. Kung hindi mo matapos ito ng isang buwan mula ngayon ay kalimutan mong magiging estudyante kita maging ang maging aking disipulo sa hinaharap. Isa ka lamang mahina na may basurang talento, wala rin akong inaasahang bagay na kamangha-mangha sayo maging anumang achievements sa hinaharap hmmp!" Kasuwal na pagkakasabi ni Master Vulcarian kay Van Grego. Ang sinabi niya ay totoo ito at gustong-gusto niyang isambit dito. Sa maliit na mundong ito na may napakahinang mga nilalang na nakatira dito, ano pa ang aasahan niya?!

Napamulat ng mata at napakuyom na lamang ng kamao si Van Grego dahil sa narinig niyang sinabi ni Master Vulcarian. Napatahimik lamang siya at ipinikit ang kanyang mata dahil nawala siya ng konsentrasyon dahil sa sinabi ng misteryosong nilalang na si Master Vulcarian. Wala siyang dahilan upang magreklamo o magrebelde dahil tama naman ang sinabi nito. Marami din siyang nalaman sa misteryosong nilalang na siguro ay nasa pinakamababang ranggo ang mundong ito. Siguradong hindi lamang si Master Vulcarian ang nagmamaliit sa kaniyang mundong kinalakihan kundi maraming nilalang.

"Lakas, kailangan ko ng lakas upang maiangat ko maski ang moral o dignidad ng mundong ito. Papatunayan kong may ibubuga rin kaming minamaliit niyo. Sa oras na lumakas ako, ipapalasap ko ang aming taglay na lakas!" Sambit ni Van Grego sa kanyang isipan. Bilang Martial Artist, mayroon silang matibay na dignidad at puso. Kung masisira ito o mawawasak lamang ay siguradong mahihirapan siyang makarekober. Katulad noon nang magkaroon ng maraming bara sa kanyang meridian at natigil ang kanyang pagcu-cultivate ay unti-unting nawawasak ang kanyang Martial Heart kung kaya't nagkaroon ng malaking epekto ito sa kanyang pagcu-cultivate nitong nakaraan ngunit ngayon ay nanumbalik na ang kanyang Martial Heart para ipagpatuloy ang kanyang Pagtahak sa daan ng Martial Arts hahayaan niya lang ang masasakit na salitang ito? Hindi ito ang makakapigil sa kanya. Marami pa siyang gustong gawin at maranasan ito ang naisip ni Van Grego.

Sinubukang tawagin ni Van Grego ang misteryosong nilalang ngunit wala na itong response sa kanyang simasabi.

Hindi na nagsayang ng oras si Van Grego at agad niyang pinag-aralan ang mga Cultivation Methods. Pinag-aralan niya ang pinakasimpleng instructions at pamamaraan upang simulan ang pinaunang proseso. Hindi niya linaktawan ang kahit anong maliliit na impormasyon maging ang mga simpleng bagay-bagay na nakapaloob sa Cultivation Method.

Ang unang Cultivation Method na pinag-aralan niya ay ang sa tingin niya ay makakatulong sa kanya sa pag-comprehend sa ibang Cultivation Methods, ito ay ang Divine Nine Rotation True Essence. Sa kasalukuyan niyang lakas at Cultivation Level ay maliit na porsyento lamang ng true essence ang napoproduce ng kanyang katawan na matatagpuan sa meridians at acupoints na siyang responsable sa produksyon ng true essence. Ito ang pinakaesensyal na dahilan kung bakit nakakagamit ng mga pambihirang skills ang isang Martial Artists. kung hindi sapat ang true essence na nasa katawan ng isang Martial Artists at nagsagawa siya ng skill ay parang pinapahiya niya lamang ang kanyang sarili at magdudulot lamang ito ng backlash sa kanyang katawan maging sa kaluluwa (soul) nito.

Ang backlash o ang epekto ng pagbalik ng skill sa katawan ng Martial ang pinakainiiwasan ng karamihan na tumatahak sa Martial Artists dahil magdudulot ito ng bara, pagka-cripple na magreresulta sa kamatayan kung hindi magagamot dahil isang permanenteng sugat ito na mahirap lunasan. Kung sapat ang true essence sa katawan ng Martial Artists kapag gumamit ng Martial Art Technique ay magiging epektibo ang pagsagawa ng atake at magkakaroon ng malakas na resulta ito.

Habang naiisip ito ni Van Grego ay lubhang nasiyahan siya lalo pa't isa itong lifetime na Cultivation Method dahil kahit maubusan siya ng true essence sa katawan ay mabilis niya itong mapapagana hindi lamang isang rotation kundi siyam na rotation. Mula sa mga ugat ng mga Martial Artists ay mayroong siyam na nakasaradong ugat na matatagpuan sa Iba't-ibang parte ng katawan ng mga nilalang na hindi alam ng karamihan na responsable sa pagpapadami ng true essence ng isang Martial Artists. Kahit na isang ugat lamang ay mayaman na ito sa pagpoproduce ng True Essences paano pa kaya kung siyam na siyang kapag nabuksan ay ito ay bubukas at magkakaroon ng rotasyon ng true essence na pino-produce nito. Kung malalaman ito ng karamihan ay siguradong magiging malakas at makapal ang kanilang true essence sa katawan kaysa sa ka-lebel nila ng Cultivation na Martial Artists.

Mabuti na lamang at mayroong mga needles na angkop para sa pagbubukas ng mga acupoints sa mga ugat sa Iba't-ibang parte ng katawan ng isang Martial Artist. Bago muna isinagawa ni Van Grego ang proseso ng pagbubukas ng limang nakakubling mga ugat sa katawan niya ay inalisa niya ang kabuuang First Layer na nakatala sa kanyang isipan.

Nang masiguro niyang wala siyang nakaligtaan ay unti-unting pinukos niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paghihiwalay ng kanyang kaisipan sa mundo o tinatawag na ethereal state. Ang tanging nasa isip lamang ni Van Grego ay ang tamang pagsasagawa ng pagbubukas ng mga siyam na ugat sa kanyang katawan. Hawak na ni Van Grego ang siyam na needle o karayom na tinatawag na acu-needles. unti-unti niyang in-inspeksyon ang kanyang katawan kung nasaan nakapuwesto ang mga nakakubling ugat. Dahil sa mga nag-uumapaw na kaalaman niya ay natukoy niya ang siyam na mga ugat. Napakaliit ng mga ito at kung hindi oobserbahang mabuti ay masasabing nakabukas ito ngunit ang katotohanan ay parang may nakabarang parang maliit na fissures sa mga ito na siyang nagfifiltrate o nagsisilbing salaan ng mga enerhiya at kinokonvert nito sa natural na dugo na sumusuplay sa katawan ngunit maraming purities ang dugong napoproduce nito.

Maya-maya pa ay agad niyang tinusok ang mga ugat na ito lalo na sa maliit na fissures na nakabara sa daluyan ng true essence. Unti-unting nakaramdam si Van Grego ng pamamanhid sa kanyang katawan. Ang totoo niyan ay kung ano ang gawin niya sa lugar na ito ng maliit na Space Domain na ito ay mangyayari rin sa kanyang aktuwal na katawan. Bawat pagtusok sa siyam na mga fissures na ito ay siya ring pamamanhid ng katawan ni Van Grego. Nakaramdam siya ng sobrang init na pakiramdam na animo'y sinusunog siya ng apoy. Ang mga ugat ay matatagpuan sa kanyang mga tuhod, balikat, paa, at kanyang bandang likod at sa dibdib  at isa sa bandang ulo niya. Sa lahat ng parte ng pinakamasakit ay ang kanyang ulo, sunod ang dibdib at likod na malapit sa kaniyang spinal cord. Unti-unting namanhid at nawalan ng malay si Van Grego dahil sa labis na sakit at exhaustion.

Maging ang kanyang true essence ay naubos na parang bula. Ngunit unti-unting nagkaroon ng pagbabago sa katawan ni Van Grego makalipas ang limang oras dahil mistulang may rumaragasang enerhiya ang bigla na lamang umiikot sa siyam na ugat. Sa katunayan ay napakasagana nito na siyang pumuno sa true essence sa meridian at mga ugat nito sa katawan na nakakonekta sa meridian. Siyam na beses na ngayon ang dami ng true essences sa katawan ni Van Grego. Sa Cultivation niya ngayon na bumababa ay siya ring pag-compress ng meridian na nasa katawan ni Van Grego na nagreresulta ng overflowing o leakage ng True Essence nito na siyang pumapasok sa mga tissues, organs at mga buto sa katawan ni Van Grego na siyang nagdudulot ng magandang epekto nito.

Habang mistulang natutulog si Van Grego ay siya namang malayang pagsilip ng misteryosong nilalang sa kalagayan ni Van Grego. Nakita nito ang pagkakaroon ng kakaibang aktibidad sa loob ng katawan ni Van Grego partikular na ang meridian nito at mga ugat nito sa katawan nito.

"Mmm... Mayroon ngang abilidad ang batang ito ngunit nakakahiya pa rin ang resulta ng kaniyang pag-aaral at pagsagawa. Sampong araw na ang inaksaya niya dahil lang sa Divine Nine Rotations True Essence ngunit masasabi kong malaki ang naitulong nito sa pag-temper o pagpapatibay ng kanyang mga kalamnan, tissues, laman-loob at buto nito sa katawan niya. Napakadaya ng ginawa ng bata na ito at talagang isinugal niya ang lahat ng posibilidad ng kanyang tagumpay dahil sa pagbaba ng kanyang Cultivation Level. Pambihira, nautakan yata ako ng bata na ito dahil nakamit niya ang first Layer ng Divine Nine Rotations True Essence pero nag-uumpisa pa lamang ang kalbaryo niya dahil napakahirap ng dalawang Cultivation Methods ang kanyang pag-aralan hahaha..." Sambit ng misteryosong nilalang sa kanyang isipan habang binibigyan ng evaluation ang pangyayaring ito. Sa katunayan ay hindi siya napabilib sa batang si Van Grego dahil natapos nito ang First Layer ng Divine Nine Rotations True Essence dahil ito ang pinakasimple at pinakamadali. Sa dalawang Cultivation Methods na natitira, dito malalaman kung makakapasa si Van Grego sa loob lamang ng natitirang dalawampong araw.

Agad na nilisan ng kaunting will ng misteryosong nilalang ang lugar ni Van Grego. Kahit na nakikita niya ang pangyayari sa batang si Van Grego sa labas ng maliit na Space Domain na nandito ay kailangan niya pa ring tukuyin ang naging improvements nito sa katawan nito kaysa panoorin niya lamang ito.

Naniniwala ang misteryosong nilalang nagngangalang Master Vulcarian na mananalo siya laban sa bubwit na si Van Grego. Hindi pumapasok sa isipan niyang matatalo siya sa napagkasunduan nilang dalawa na siya mismo ang gumawa.

...

"Ako si Master Vulcarian at kailan lang ako natalo sa anuman o alinmang bagay?!" Sambit ni Vulcarian sa kanyang isip na may pagmamalaki. Sa katunayan ay wala pa siyang anumang pagkatalo na naranasan lalo na sa pustahan maging sa mga labanan na kanyang nasagupa. Isa siyang undefeatable o undefeated.

Agad na ininom nito ang isang basong may laman ng pambihirang wine na hindi matatagpuan sa maliit na kontinente ng Hyno o maging sa alinmang kalapit na mga lugar dito. Kung makikita ito ng mga wine experts o ang mahihilig sa wine ay pagkakaguluhan ito kung makikita itong kasuwal lamang iniinom ng isang nilalang na siguradong laglag-panga ang mga ito. Ngunit kung makita man nila ito ay siguradong magiging abo lamang sila dahil hindi basta-bastang nilalang ang umiinom ng pambihirang wine o alak na ito.