Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 108 - Chapter 3

Chapter 108 - Chapter 3

Nagpatuloy ang pagbabago sa katawan ni Van Grego lalo na ang mga tissues, buto at kalamnan maging ang mga laman-loob nito ay nagkakaroon din ng transpormasyon na siyang mabuting epekto ng nasabing Cultivation Methods ng Divine Nine Rotations True Essence at walang tigil itong nagkakaroon ng pagbabago dahil sa mga leakage na nagdudulot ng overflowing sa kanyang meridian patungo sa iba't ibang parte ng katawan ni Van Grego.

Ilang oras pa ay nagkaroon na ng malay si Van Grego mula sa pagkawala ng kanyang malay ngunit nagulat na lamang siya nang maramdaman niyang parang nagkakaroon ng pagbabago sa kanyang katawan partikular na rito ang kanyang buto at iba pang parte ng kanyang Katawan.

"Sa wakas nagtagumpay ako, akala ko ay nagkamali ako ng pagsasagawa ng Divine Nine Rotations ngunit hindi pala. Ang mas nakakagulat ay nagbenipisyo pa ng mas malaki ang aking katawan dahil sa mga nag-uumapaw na true essence sa aking katawan at bukas na rin ang apat na ugat na siyang acu-points sa aking katawan." Sambit ni Van Grego ng malakas.

Mayroong nakaukit na malaking ngiti sa kanyang mukha ngunit ng maalala niyang sampong araw na pala ang ginugol niya ay mayroong lungkot sa kanyang isipan at sigurado siyang hinahamak naman ng misteryosong nilalang ang kanyang talento. Tuwing iniisip niya ito ay hindi galit ang kanyang nararamdaman kundi saya lalo pa't may pag-asa na siyang maging malakas na Martial Expert sa hinaharap. Iisipin niyang paunang pag-eensayo pa lamang ito upang sanayin o hasain ang kanyang talento bilang isang Cultivator/ Martial Artist.

"Dapat ay wala na kong sasayanging oras. Kaiangan kong matapos itong pagsubok na ito kung hindi ay dito na magtatapos ang aking pangarap upang maging malakas upang protektahan ang mga mahahalagang tao sa akin maging ang paghahanap ko sa aking magulang o kung may magulang nga ako?!" Sambit ni Van Grego sa kanyang isipan lalo na at wala siyang pagpipilian kung matatapos niya ito o hindi dahil dalawang resulta lamang ang kanyang pagpipilian. Ito ay ang pagtatagumpay o kabiguan dahil wala ng patas dito.

Hindi na nag-aksaya ng oras ang batang si Van Grego at agad nitong pinag-aralan ang Five Revolution Soul Enhancement at ang Divine Chronicles of Meridian Reverberation. Nahihirapan si Van Grego sa mga komplikadong Cultivation Method na ito dahil na rin sa magkaibang-magkaiba ito sa Divine Nine Rotations True Essence lalo na ang Five Revolution Soul Enhancement. Kaya ang inuna niyang pagtuunan ng pansin ay ang Divine Chronicles of Meridian Reverberation. Kung ang Divine Nine Rotations True Essence ay para buksan ang siyam na nakakubling mga ugat ngunit ang Divine Chronicles of Meridian Reverberation ay ang pugbukas ng isang daang porsyento ng katangian ng Meridian.  Samakatuwid, ang dalawang Cultivation Methods na ito ay nagko-complement ito sa isa't-isa. Mataas ang pag-asa niyang matapos ang pag-aaral sa First Layer ng Five Revolution Soul Enhancement.

Isinantabi na muna ni Van Grego ang Five Revolution Soul Enhancement at ipinukos ang kanyang pag-aaral sa Divine Chronicles of Meridian Reverberation. Nalaman niyang para mabuksan ang First layer nito ay kailangan niyang buksan ang bawat nakasaradong parte ng Meridian niya. May apat na saradong parte ang Meridian niya. Sa hilaga, silangan, timog at kanlurang parte ng meridian matatagpuan ang apat na nakasaradong parte na ito.

Napakatigas ng apat na parteng ito na animo'y gawa sa matigas na bagay

Nalaman niya mula sa kanyang isipan na maihahalintulad sa Top Grade Armor ang mga nakasaradong parte ito. Sa pamamagitan ng puwersahang pagtutulak ng true essences lamang tuluyang lalambot ito ngunit ng unang subukan ni Van Grego na itulak ang true essence ay ni walang epekto sa

Lumipas ang walong araw at nangangalahati pa lamang ang napalambot na bahagi ng apat na Meridian. Dahil apat na salitang pinalalambot ni Van Grego na parte ng meridian niya ay hindi mapagkakailang napakahirap gawin ito ngunit nagsusumikap si Van Grego dahil ito ang nakasaad sa instructions ng Divine Chronicles of Meridian Reverberation. Dahil kung iisa-isahin niya ang pagpapalambot sa parteng matitigas ng meridian ay siguradong hindi magiging epektibo ang pamamaraan na ito at baka magresulta pa ng masamang epekto sa kanyang Cultivation sa hinaharap. Impormasyon at instructions lamang ang nakalagay hindi kagaya sa mga jade slip o mga Cultivation scrolls na may nakatalang mga karanasan at mga pointers ng isang Martial Artist na nagsagawa nito. Imbis na magreklamo o magmaktol si Van Grego ay ginawa niya ang dapat niyang gawin alinsunod sa nakalagay sa instructions.

Hindi siya nag-aksaya ng oras para magpahinga o maglakwatsa dahil alam niyang walong araw na ang kanyang inilaan dito. Mayroon siyang nahalukay noong ikaapat na araw na isang True Essence Technique para sa breathing exercises. Alam niyang kabaliwan ang iniisip niya ngunit pinag-aralan niya ito dahil mayroon siyang planong gagawin ngayon na kahit sinong makakakita sa kanya ay parang aakalain siyang baliw.

"Wala na akong oras na maaaring aksayahin pa, kabaliwan man ito para sa iba ngunit desperado na ako para tapusin ang aking pagsubok na ito. Isa pa, ito ang aking unang eksperimento. Tsaka, isa pa lamang ang aking natapos, desperado na kung desperado, baliw na kung baliw dahil wala akong paki!" Sambit ni Van Grego sa kanyang isip lamang ayaw niyang ipagsigawan po o sabihin ng literal dahil baka tuluyan nga siyang maging baliw kung kakausapin niya lamang ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung matatawa siya o hindi.

Naging seryoso siya sa gagawin niyang eksperimento na ito. Agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata at iwinala ang kanyang iniisip upang makamit ang Ethereal State. Agad niyang sinimulan ang breathing exercises sa normal hanggang sa paunti-unting isinama niya ang Divine Nine Rotations True Essence kung saan ay nagkakaroon ng rotasyon ng true essences sa kanyang meridian na siyang nagkakaroon ng pagtaas ng true essence na humahalo sa hangin pataas hanggang sa lumabas sa ilong ni Van Grego hanggang sa unti-unting siyang huminga papasok patungo sa meridian niya.

...

Kung sa normal na nilalang kagaya ng mortal na tao ay mula sa lungs ay nagfifiltrate ang hangin dadaan sa ibang mga organs (bumubuo sa Respiratory System) na responsable sa paghinga palabas o papasok sa loob ng katawan. Ngunit iba ang breathing exercises ng Martial Artists o ng taong nag-aaral ng Martial Arts dahil isa itong uri ng pagcucultivate maging sa pag-gather ng mga essences o Energy origins sa kapaligiran. Ang paghinga papasok at palabas ng katawan ay diretso sa Iba't-ibang organs hanggang sa pumasok ito sa meridians na matatagpuan sa bandang tiyan kalapit lamang ng lungs at diaphragm.

...

Ilang oras ang ginugol ni Van Grego sa pagsanay sa kanyang katawan ng ganitong aktibidad. Nakikita niya ang ilang mga impurities sa loob ng kaniyang meridian ay nasasama kapag nag-eexhale siya habang naglalaho ito sa hangin ngunit hindi ito ang layunin ni Van Grego dahil ang layunin niya ay nagsisimula pa lamang na isagawa.

In-activate na ni Van Grego sa kabuuang limitasyon ang Divine Nine Rotations True Essence sa kanyang mga ugat malapit sa meridian. Mula sa pag-enhale niya ay nagcocompress ang mga enerhiya na siyang nanunuot sa bawat sulok ng kanyang meridian na nagkakaroon ng kaunting epekto sa matitigas na parte o sulok ng meridian niya. Agad na nag-exhale si Van Grego. Ni-reverse ni Van Grego ang presyur ng normal na breathing exercises. Imbes na sa exhale ang pinakamalakas na presyur ay in-apply niya ito kapag nag-inhale siya.

Malakas na presyur ang in-apply ni Van Grego sa kapag nag-enhale siya at iniipon niya ito ng matagal upang magproduce ng impact sa matitigas na parte ng meridian niya. Sa unang subok niya ay napakahirap dahil Reverse Breathing Exercises ito. Kung normal na mortal o nilalang lamang na hindi Martial Artists ay siguradong mahihirapan ang mga ito sa paghinga o magkakaroon ng komplikasyon ang kanilang Respiratory System partikular na rito ang kanilang baga, puso at diaphragm.

Sa ginagawa ni Van Grego ay nahihirapan siya ngunit tinitiis niya lalo pa't nakita niya ang mabuting epekto nito sa pagpapalambot ng meridian kumpara sa brutal nitong pamamaraan at salitang pagbibigay ng presyur sa matitigas na parte ng meridian.

Ngayon ay alam niyang dalawang araw ngayon ay matatapos niya ng mapalambot ang parteng ito ng kanyang meridian na kasingtigas ng Top Grade Armor. Lumipas ang dalawang araw ay napalambot niya na ang matigas na parte ng meridian ng Siyamnapu't-siyam na porsyento ngunit may napansin siyang isang fissure sa bawat parte ng meridian na katulad na katulad sa fissures na nakita niya sa siyam na nakakkubling ugat ngunit ang laki nito ay mas malaki kumpara sa fissures na nasa ugat noon maging ang hugis nito at kulay ay mas kapansin-pansin. Pabilog ang fissures na ito maging ang kulay nito ay napakaputi na siyang animo'y nakadikit sa bawat sulok ng meridian na animo'y tumatapal sa pinakasulok na bahagi.

Nang maanalisa ni Van Grego ang bagay-bagay na ito ay sigurado siyang mahihirapan siya ngunit dahil sa laki at kapal ng fissures na ito ay siguradong mahihirapan siya kung simpleng pamamaraan lamang ng Reverse Breathing Exercises o ang pag-activate ng Divine Nine Rotations True Essence ang gagamitin niya. Naninirahan siyang kaya niyang matanggal ang malaking fissures na ito ngunit may katagalan nga lang ngunit oras ang kalaban niya ngayon. Dalawampong araw na ang naigugol niya sa isang buwang palugit ng misteryosong nilalang. Gulong-gulo ang isip ni Van Grego ngunit agad siyang nanghalukay ng True Essence Offensive Technique.

Ilang oras ang ginugol ni Van Grego sapaghahanap sa kanyang isipan ng nasabing Technique at hindi niya namamalang gabi na pala ngayon kung hindi tumunog ang Space Domain Clock na nakasabit sa isang Space Wall. Agad na nahanap ni Van Grego ang isang

Low-grade na True Essence Technique na pang-opensa para mawasak niya ang mga fissures na kasing laki ng kuko sa hinlalaki at sobrang kapal. Maya-maya pa ay pinag-aralan ito ni Van Grego. Nagmeditate muna siya upang bawiin ang nawalang lakas sa kanya. Maya-maya pa ay sinimulan niya na ang True Essence Technique na tinatawag na Tidal Force Essence Technique na isang manipestasyon ng isang rumaragasang tsunami na animo'y maghahatid ng kalamidad sa sinuman o anumang bagay na madaanan niya.

Ilang minuto ang makalipas ay agad na isinagawa ni Van Grego ang Tidal Force Essence Technique. Pinagana ni Van Grego ang Divine Nine Rotations True Essence na siyang nagproduce ng mayayamang true essences na siyang magpapalakas sa kwantidad na gagamitin sa low-grade Essence Technique. Mula sa pagkaroon ng kakaibang porma na imbes na rotasyon lamang ay unti-unting naging naging porma ng mataas na tubig. Nagkaroon din ito ng kakaibang tunog habang tumitipon na animo'y isang tunay na tsunami sa karagatan. Agad na pinagana ni Van Grego ang kanyang Offensive Essence Technique.

Gamit ang breathing exercises ay nag-exhale muna siya hanggang sa maramdaman niya ang bayolente at napakayamang true essences sa kanyang ilong. Pinigilan niyang wag lumabas sa ilong niya.

"Tidal Force!" Sigaw ni Van Grego nang makita niyang sapat na ang naipon niyang true essence sa paggawa ng rumaragasang animo'y tsunami ngunit gawa sa true essences.

Binitawan ni Van Grego ang lahat ng kanyang lakas upang ibundol ito sa unang fissures na nasa bandang timog na hindi niya aakalaing malaking presyur at force ang kanyang nailagay na siyang hindi niya nakontrol. Agad na nanginig ang fissure na nasa timog na siyang unang natamaan ng rumaragasang tsunami na gawa sa true essences. Madali itong nabasag at nadurog dahil sa presyur at force na inilagay ni Van Grego.

Sumuka ng sariwang dugo si Van Grego nang biglang binundol pailalim ang true essences kahit na nawasak na ang nasabing fissures. Nagkaroon ng paggalaw at marahas na paggalaw ng Meridian ni Van Grego na animo'y may malaking bagay na bumubulusok paibaba.

Van Grego grit his teeth, agad niyang pinadaloy ang kaniyang enerhiya sa katawan at kinontrol ang nasabing Tidal Force Essence Technique. Ipinikit niya ang kanyang mga mata kahit na makikitaan ng sariwang dugo ang kanyang labi.

Maya-maya pa ay biglang nagkaroon ng absolute control si Van Grego sa bayolenteng rumaragasang true essence. Agad niyang pinaliko ang rumaragasang enerhiya sa bandang kanluran na siysng nawasak rin ang fissures at mabilis niya itong pinaliko sa hilaga ngunit kahit na mayroon siyang absolute control ay sumuka pa rin siya ng dugo dulot ng bayolenteng pagbangga ng rumaragasang enerhiya na may absolute pressure at force.

Kahit na sugatan siya sa kanyang kaloob-looban partikular na sa meridian ay agad niyang pinatama sa huling bahagi na nasa bandang Silangan. Mabilis niyang pinatama ito sa fissures na siyang nawasak rin agad. Mabilis niyang pinawalang bisa ang nasabing Essence Technique na "Tidal Force" ngunit ng bumagsak ito ay sumuka pa rin ng masaganang dugo si Van Grego dulot ng pagbagsak pailalim ng true essence sa bahaging may sugat na nasa bandang timog. Mayroong hapdi at paghilab na nararamdaman si Van Grego dulot nito. Ilang oras ding tiniis ni Van Grego ang sakit na nararamdaman niya na siyang masasabing napakasakit na pakiramdam kung ikukumpara sa sugat na kanyang natamo sa kanyang balat.

Ilang oras ang nagtagal at nagkaroon ng pagbabago sa meridian ni Van Grego na siyang ikinamangha niya. Himalang nawala ang sugat at mayroong namuong parang transparent fluctuations na parang harang na nagsisilbing sisidlan ng mga true essence sa katawan ni Van Grego.

"Ito ang resulta ng First Layer ng Divine Chronicles of Meridian Reverberation,nagtagumpay ako!" Masayang sambit ni Van Grego na pasigaw. Masasabing hindi niya aakalaing nagtagumpay siya dahil nagkaroon siya ng pinsala ngunit himalang nawala ito dahil na rin sa enerhiyang inilalabas ng transparent fluctuations.

...

Sa malawak na Space Domain na kaiba kumpara sa kinaroroonan ni Van Grego ay makikita ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng misteryosong nilalang.

"Hmmp! Sinisuwerte ka lang bata dahil pagkatapos ng isang buwan, sa akin ang huling halakhak hahahaha!!!!!" Nangising sambit ng misteryosong nilalang na siyang umalingawngaw sa bawat sulok ng malawak na Space Domain na ito.

Naniniwala siyang ang pinakamahirap sa lahat ng Cultivation Method ay ang Five Revolution Soul Enhancement. Kung ikukumpara ang Divine Nine Rotations True Essence at ang Divine Chronicles of Meridian Reverberation ay walang binatbat ang mga ito. Kung bakit? Hindi niya din ito isisiwalat.