Lumipas pa ang ilang minutong paghagupit ng brutal na kapangyarihan ng Heavenly Thunder ay nagkaroon ng pagbabago sa kabuuang itaura ng vortex na ngayon ay ibang-iba na ang itsura nito kumpara noon. Makikita na nagkaroon ito ng mga misteryosong mga guhit at kalikasan. Habang papatagal ay nagiging visible sa mata ang mga larawan ngunit hindi ito maisalarawan o makita ang aktuwal na kahulugang nakaukit. Ito ang tunay na anyo ng vortex o masasabi ng mga malalakas ang persepsyon o kaalaman na isa itong seal na ginawa ng natural na kapangyarihan ng Heavenly Thunder maging ng mga natural na enerhiya ng langit at lupa. Isang kayamanang hindi mapapantayan ng sinuman. Ngunot ito rin ang dahilan kung bakit hinang-hina na si Van Grego.
Walang ano-ano pa ay nagdidilim na ang paningin ni Van Grego patunay na papikit-pikit na ito. Sa buong buhay niya ay nasanay na siya sa matitinding sakit pisikal man o emosyonal ngunit sa pagkakataong ito ay halos hindi niya maramdaman na buhay pa siya opatay na lalo na't hindi niya maramdaman ang sarili niyang katawan.
Maya-maya pa ay naramdaman ni Van Grego na nawala ang nakakabinging ingay na dulot ng Heavenly Thunder at mayroong kung anong maliit na bagay ang nakikita niyang nalalaglag hindi kalayuan mula sa kanyang kinaroroonan. Agad na lumikha ito ng tunog ng isang kumakalansing na piraso ng metal na ang direksiyon ng bagay na ito ay papunta sa kanya. Walang makapagsasabi kung ano ito lalo pa't maging si Van Grego ay wala sa tamang kondisyon upang suriin ito. Isa lang ang masasabi sa bagay na ito. Hindi ordinaryo at hindi pa tukoy.
Isang napakalakas na tinig ng Interstellar System ang maririnig na siyang sumira sa nakakabinging katahimikan sa paligid ng napakalaking Interstellar room na ito na siyang asukan papasok sa Interstellar Palace. Masasabing hindi pangkaraniwang bagay ang bigla-bigla lamang pagtunog ng Interstellar System na siyang alam na alam ni Van Grego.
"Scanning the Interstellar Palace. Host detected... Object Detected... Scanning 100%... Detecting 100% Completed..."
Nang marinig ni Van Grego ang sinabi ng Interstellar System ay halos nagkaroon ng hindi magandang pakiramdam si Van Grego lalo pa't hindi niya alam ang kung anong kahulugan sa likod ng sinasabi ng Interstellar System ng Interstellar Palace na ito. Sino ba siya upang malaman ang patungkol sa misteryong bumabalot sa likod ng Interstellar Palace? Isa lamang siyang batang Cultivator na naligaw at masuwerteng nakita ang lugar na ito ngunit matatawag ba siyang masuwerte?! Ito nasa isip ni Van Grego sa oras na iyon. Halos wala na siyang makitang bagay-bagay sa paligid niya lalo pa't labis na hirap at pagod ang kaniyang dinaranas sa kamay ng isang artipisyal na Heavenly Thunder na noo'y naranasan niya ngunit may tulong ito ng misteryosong vortex na nasa katawan niya na alam niyang kung wala ang tulong ng misteryosong vortex ay siguradong namatay na siya pero sa kasalukuyang kinakaharap ni Van Grego ay wala siyang maaasahan na anumang tulong dahil wala rin dito si Binibining Mystica.
Tama nga kasabihan ng lahat na dapat ay huwag kang umaasa sa mga nilalang na pinaniniwalaan mong tutulong sa'yo sa pagharap mo sa alinmang pagsubok sa daan ng Martial Arts. Dapat ay mayroon kang lakas upang protektahan ang iyong sarili laban sa mananakit sa'yo. Sino siya para palaging poprotektahan ng iba? Isa lamang siyang ordinaryong Martial Artist na nilabag ang karaniwang daloy ng pangyayari sa kanyang Cultivation. Lumakas lamang siya dahil sa kapangyarihan hiram lamang mula sa seal.
Agad na nawala ang iniisip ni Van Grego ng biglang tumunog ang Interstellar System ng Interstellar Palace. Maging si Mystica ay naramdaman ang pagkakaroon ng pagbabago sa loob ng Interstellar Palace. Isang indikasyon na nagpapaatuloy sa pagbabalik ng kanyang enerhiya na nawala mula sa kanya. Dahil sa dami ng mga Cultivators kahit na mahihuna ang mga ito ngunit libo-libo ang bilang ng mga ito at patuloy pa ito sa pagdami. Ngayon ay nag-iisip siya ng paraan upang masolusyunan ang mala-dagat na bilang ng mga mahihinang Martial Artist para sa kanya.
Interstellar Palace: Object is unknown, The host is an intruder... Interstellar Alert warning begin! Transmission Array is activated in 10 seconds. 10....9....8....7....6....5.....4....3....2.....1.... Transmission Array Complete!"
Habang nagbibilang ang Interstellar Palace ay halos gapangin ni Van Grego ang kanyang sarili papunta sa labas ng malaking silid na ito. Kahit na hirap na hirap siya ay patuloy pa rin ang paggapang niya.
"Kaya ko ito!" Sambit ni Van Grego kahit na alam niyang wala siyang makitang kahit na ano ngunit patuloy pa rin siyang gumagapang kahit na sa bawat paggalaw o paggapang niya ay nagdudulot ito ng napakasakit na pakiramdam sa kaniyang tiyan maging sa Iba't ibang parte ng kanyang katawan ay sumuka ulit siya ng maraming dugo. Sa isip niya ay iyon na ang huling dugong natira sa katawan niya. Naramdaman niya din na malaking sugat ang kanyang natamo na imposible na para sa kanya na gumaling ang mga ito.
Nang walang ano-ano pa'y mayroon siyang nahawakang isang bagay na sa tingin niya ay isang malamig na piraso ng metal na hindi niya tukoy. Sa oras na ito ay wala na siyang anumang lakas o maisip na bagay dahil animo'y nasaid na ang lahat ng kanyang lakas maging ang kaniyang paniniwalang may liligtas sa kanya. Sa isip niya ay kakayanin niya ang lahat ng ito. Kung lahat ng kanyang lakas o anumang bagay ay wala na sa kanya ngunit ang puso at paninindigan niya bilang isang Cultivator o Martial Artist ay buong-buo pa rin. Isa itong kakaibang bagay na hindi lahat ng Martial Artist ay mayroong ganitong katangian na hindi ito isang bagay na mahahawakan o makikita.
Isang nakakasilaw na liwanag ang bigla na lamang bumalot sa malaking silid na kinaroroonan ni Van Grego. Maya-maya pa ay biglang nawala ang nakakasilaw na liwanag at bumungad sa harapan ni Van Grego ang napakaraming simbolong kahit sinuman ay hindi ito maintindihan kung nakikita ni Van Grego ngunit sa kasamaang palad ay nagdidilim pa rin ang paningin nito dulot ng mga kani-kanina lamang na mga pangyayari. Kung nakita niya ito ay baka magkaroon pa siya ng kakaunting mga insights o paunang kaalaman dulot ng mga simbolo ngunit sa kasalukuyan niyang kalunos-lunos na kalagayan na maski ang pagmulat ng mata ng maayos ay hindi niya magawa. Walang makikita na malakas sa kanya ngayon kundi ang kaniyang puso bilang Martial Artist lamang.
"Habang may pag-asa akong mabuhay ay pipilitin kong maging malakas. Hindi ko hahayaang magpadalos-dalos ako sa aking desisyon dahil ito ang magiging dahilan ng aking agarang kamatayan." Sambit ni Van Grego na may natutunan sa kanyang naging kilos kani-kanina lamang. Masasabi niyang isang padalos-dalos na desisyon ito na hindi iniisip ang maging resulta nito.
Hindi nagtagal ay binalot muli ng nakakasilaw na liwanag ang buong silid na bahaging ito ng Interstellar Palace. Ang buong katawan ni Van Grego ay hindi nakaligtas at sinakop ng nakakasilaw na liwanag.
Unti-unting bumalik sa normal ang lahat ngunit ang katawan ng batang si Van Grego ay hindi matagpuan sa apat na sulok ng silid. Maging ang munting bagay ay wala na rin. Ang buong silid ay mistulang walang bakas ng anumang pangyayari kani-kanina lamang. Maging ang mga bakas ng dugo ni Van Grego ay wala rin. Samakatuwid, ang buong pangyayari ay walang nakakaalam kundi si Van Grego lamang at ang silid lamang ang nakakaalam.
Talagang masasabing totoo ang sinasabi ng marami na "Nasa huli ang pagsisisi." Ngunit ito na ba ang huli na siyang katapusan niya o may panahon pa siyang maitama ang kanyang desisyon?!
...
Sa ibabaw na parte na hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ng Interstellar Palace ay patuloy pa rin sa paglaban si Binibining Mystica. Dahil sa daan-daang grupo ng mga Martial Artist o Cultivator ang biglang dumadating at dumadagdag sa puwersa na siyang hindi ikinakatuwa ni Binibining Mystica.
"Mga pesteng nilalang na ito, inuubos talaga nila ang pasensya ko!" Sambit ni Binibining Mystica sa kanyang isipan habang makikita sa kasalukuyang ekspresyon sa mukha nito na hindi niya nagugustuhan ang mga pangyayaring ito. Kahit na sabihing isa siyang Earthen Fate Warrior ay nasa mababang antas pa rin siya lalo pa't hindi pa siya nakakarekober sa lakas niya.
___________________________________
Sa Earthen Fate Realm ay mayroong walong ranggo ito. Ito ay ang Earthen Fate Warrior, Earthen Fate Soldier, Earthen Fate Captain, Earthen Fate Colonel, Earthen Fate Brigadier, Earthen Fate King at ang huli ay Earthen Fate Saint.
_________________________________________
Nawawalan na ng pasensya si Binibining Mystica dahil sa pangahas na mga Martial Artists na naririto na animo'y dagat na rumaragasa dahil sa dami. Sa ngayon ay halos nabawasan na ng dalawampong porsyento ng kanyang orihinal na lakas. Dahil sa mga pangahas na ito ay maaantala ang kanyang pagrekober ng lakas dulot ng matagal na pagkakahimbing sa pagtulog. Halos Martial Ancestor pataas ang Cultivation ang mayroon dito. Hindi niya maaaring maliitin ang mga ito dahil sa Cultivation Resources ng mga ito kundi dahil sa bilang ng mga ito.
"Sino ang namumuno dito?!" Sambit ni Binibining Mystica habang nakasimangot.
"Walang namumuno sa amin. Tanging ang pinangakong gantimpalang kayamanan lamang ang aming habol dito." Sambit ng isang Cultivator na may Cultivation Level na Blood Awakening Stage. Walang sinuman ang nangangahas na gumawa ng ingay mula sa panig ng mga mananakop. Tunay, hindi ito kilala ng karamihan ang Blood Awakening Stage na Cultivator na ito. Kalbo ang lalaking Cultivator na ito na mayroong maraming mga tattoo sa Katawan. Nakangisi iti na animo'y demonyo.
Si Dread Ronves!
Hindi ko aakalaing kasama natin si Dread Ronves!
Isa siyang Cultivator na isang Blood Awakening Stage!
Isa siyang tunay na malakas na Cultivator!
Maririnig ang mga maraming mga Cultivator na nagsasalita tungkol kay Dread Ronves. Maraming magagandang salita at papuri ang umaalingawngaw sa paligid na siyang nagdadagdag sa ngisi ni Dread Ronves.
"Oh, so ikaw pala ang napakalakas na nilalang dito kung gayon ay ibibigay ko sa iyo ang kayamanan ng lugar ng Ult Magna Forest."
"Oo, at walang sinuman dito ang maaaring makapantay sa aking lakas at kapangyarihan bwahahaha!!!!" Sambit ni Dread Ronves nang may pagmamamyabang.
Ang iba ay gustong umalma sa sinabi ni Dread Ronves. Ang totoo niyang ay parang pinatay na nila sa loob ng kanilang isip si Dread Ronves ng makailang beses. Sa reyalidad ay hindi nila maisaboses ang kanilang mga mura at salitang laban kay Dread Ronves. Nanatili lang silang tahimik habang nakikinig at nag-oobserba sa paligid nila partikular na kay Dread Ronves at sa nilalang na nakaroba na hindi makita ang mukha nito dahil nakatakip ang mukha nito partikular na ang mata at ilong nito.
Dahil walang kumontra sa kanya ay nagkaroon ng mahabang katahimikan ngunit agad din itong nabasag dahil nagsalita ang nakatakip na mukha na nilalang na walang iba kundi si Binibining Mystica.
"Kung gayon ay sa iyo ko ibibigay ang kabuuang kayamanan ng Ult Magna Forest." Sambit ni Binibining Mystica sa kalmadong boses. Agad na ikinumpas ni Binibining Mystica ang kanyang kamay at mula sa kawalan ay biglang lumitaw ang tatlong malalaking kahon. Mararamdaman mula sa labas pa lamang ng kahon maging ang awrang inilalabas nito na patunay na maraming mga kayamanang nakapaloob mula sa malaking kahon.
Bakas sa mukha ni Dread Ronves ang pagkagulat at mangha nang maramdaman niyang mga purong kayamanan ang nasa loob ng malalaking kahon maging ang mga iba't ibang masaganang enerhiyang nasasagap niya ay nagpapatunay lamang na mayroong iba't ibang klaseng kayamanan ang loob ng tatlong malalaking kahon.
Kasabay nito ay siya ring pagkakaroon ng malaking interes sa lahat ng nakapalibot na Martial Artist. Bakas ang mangha at ganid sa mukha nila sa hindi mapapantayang kayamanang nasa harapan nila. Kung mapapasakamay nila ito ay siguradong aangat ang kanilang estado at posisyon sa kani-kanilang mga kinabibilangan na angkan o maliliit na sect.
"Akin ang lahat ng kayamanan na ito at walang sinuman ang pwedeng makapantay sa aking lakas!" Hambog na pagkakasabi ni Dread Ronves bakas ang ganid sa mga mata nito. Bilang isang Cultivator ay pinapahalagahan niya ang kayamanang ito na siyang makakatulong sa kaniyang pagpapalakas. Naniniwala siyang malalampasan niya ang sinuman at magiging malakas siyang pinuno sa hinaharap. Ito ang mataas na ambisyon ni Dread Ronves na matagal niya ng pinapangarap.
Nang marinig ito ng sariling mga tenga ng mga hindi mabilang na Martial Artists ay mababakasan ng murderous intent ang kanilang awra. Hindi sila makakapayag na angkinin lamang lahat ng ito ni Dread Ronves. Lahat sila ay naghirap ngunit si Dread Ronves lamang ang makikinabang? Mali ito at hindi ito nagustuhan ng halos lahat na mga Cultivator na naririto.
Maraming Martial Artist ang bigla na lamang nag-usap sa pamamagitan ng kanilang isip. Hindi man ito kasing lakas ng mindlink ni Binibining Mystica ngunit dahil magkakalapit lamang ang mga ito ay kaya nilang mag-usap gamit lamang ang kanilang true essence.
"Pagtulungan natin ang ganid na si Dread Ronves, akala niya ay siya lamang ang maaaring mamuhunan sa lahat ng ating pakikipaglaban at pakikipagsapalaran sa kontinenteng ito!"
"Hindi maaaring wala tayong gawin sa bagay na ito. Punong-puno ng kayamanan iyon at maaaring magpalakas sa ating Cultivation Level sa atin maging ang estado natin sa ating mga angkan ay siguradong tataas!"
"Ganid talaga si Dread Ronves, sa una pa lamang ay hindi na siya pumunta dito pero ngayon ay abot kamay niya na ang lahat ng mga kayamanang hindi mapapantayan ang halaga!"
Maraming mga sinasabi ang mga hindi mabilang na mga Martial Artists sa kanilang true essence ngunit hindi ito nakaligtas sa kapangyarihang taglay ni Binibining Mystica. Sa Cultivation Level niya na Earthen Warrior Realm ay lumalakas pa ito, ano ang maitatago ng mga hindi mabilang na Martial Artists na may mabababang Cultivation Level.
Napangisi na lamang si Binibining Mystica na hindi nalalaman ng sinuman. Marami pa siyang nabasa ngunit para sa engradeng pasabog niya na siyang ikakasabog din ng puso ng Martial Artists ay siguradong hindi nila palalampasin ang bagay na ito.
"Kunin mo na ang lahat ng malalaking kahon na ito Dread Ronves at umalis na rin kayo sa lugar na ito. Kita niyo naman na walang anumang bagay na naririto kundi kapatagan na lamang na may mumunting mga halaman na bagong tubo pa lamang. Ano ang mapapala niyo dito? Talaga bang tinitingnan lamang kayo ng mga nag-utos sa inyo na parang sunud-sunuran sa inyong gusto? Parang hindi naman tama iyon, hindi ba?!" Sambit ng nakarobang nilalang na si Binibining Mystica.
Nang marinig ito ng mga Cultivators ay halos manggalaiti sila sa galit at parang nagising sila sa pagkahibang mula sa mga kontinente nilang ginawa lamang silang mga utusan. Nagkaroon ng pagbabago ang gunuhit sa mukha ng mga hindi mabilang na Martial Artists na naririto.
Ginawa din ito na pagkakataon ni Dread Ronves para buhatin ang isa sa tatlong malalaking kahon nang walang kahit na sinuman ang humarang o humadlang sa ginagawa niya.
Nang biglang makarinig ang ibang mga Cultivator ng isang kakaibang tinig ngunit pamilyar sa kanila.
"Oh mga kagalang-galang na mga Cultivators na naririto ngayon. Ang masasabi ko lamang ay ang malalaking kahon na nasa harapan niyo ay ang aming kabuuang kayamanan. Ngunit kung inaakala niyo lamang na ordinayong mga kayamanan lamang ang nakapaloob sa malalaking kahon ay nagkakamali kayo. Mayroong mga bagay o kayamanang nakapaloob dito na kayang baguhin ang inyong kapalaran maging ang inyong estado sa lipunan maging sa inyong angkan. Hahayaan niyo bang kunin at kamkamin lamang ito ng isang Dread Ronves ito na hindi niyo kilala? Kung magtutulong-tulong kayo ay siguradong makakaya niyong kitilan ng buhay ang Blood Awakening Stage na lalaking ito." Sambit ng misteryosong tinig ngunit alam nilang ang nakarobang nilalang nasa kanilang harapan ang nagsasalita.
Nang marinig ito ng halos lahat ng mga Cultivators ay halos nagkaroon sila ng mga plano tungkol sa mga bagay na ito lalo na sa mga grupo ng mga Cultivators o Martial Artists na naririto. Mayroon silang gustong kamtin ngayon at ito ay ang kayamanan. Isa na rito ay ang grupo ng limang mga Martial Artists. Kung naririto si Van Grego ay siguradong kilala niya ang mga ito. Walang iba kundi ang mga Elders ng Grego Clan na hindi rin makikilala ang kanilang kaanyuan dahil sa kung anong naranasan ng mga ito.