Nang makarinig si Mystica ng sunod-sunod na mga pagsabog sa mga paligid ay naalarma siya lalo pa't sigurado siyang hindi makakayanan ng buong lugar ng Ult Magna Forest ang marahas na pagpapasabog sa Iba't-ibang parte ng kagubatang ito. Sino bang hindi maaalarma dito kung wala namang tao o anumang nilalang ang gumagala rito kung kaya't plano nilang sirain ang buong lugar dito upang isagawa ang malawakang Bloodbath Rituals dito.
Agad na nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Mystica lalo pa't hindi siya makakapayag na basta-basta lamang panghimasukan ng kung sino-sino lamang ang kanyang teritoryo partikular na ng mga tagalabas na nangangahas na pumasok sa lugar na kanyang kinaroroonan. Likas na pinapahalagahan ng mga uri ng Serpyente ang kanilang kapaligiran maging ang sarili nitong teritoryo. Ang kanilang galit ay natural na instinct ng kanilang Bloodline kung kaya't ang sinumang kakalaban sa kanila ay siguradong kamatayan ang naghihintay sa mga ito.
"Aalis muna ako bata este Van pala hehe... I-wewelcome ko lamang ang aking mga mararahas na bisita." Sambit ni Mystica habang nakangiti ng matamis ngunit hindi nawawala ang nakakubling killing intent o murderous aura nito sa katawan. Maging si Van ay kinakabahan sa kung paano makipaglaban ang isang Serpent Beasts.
"Kung yan po ang gusto niyo Binibining Mystica hehe..." Sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng kanyang batok. Sa mababang Cultivation Level niya ay siguradong hindi niya mapipigilan kung magigjng marahas man ito. Siguro ay mabait at kaakit-akit na nilalang si Binibining Mystica ngunit alam niyang malahalimaw ang lakas nito maging ang killing intent nito ay napakatindi. Sino siya para pumagitna sa laban ng mananakop at ng tagapagbantay ng Interstellar Palace maging ng Hyno Continent? Ang kahihinatnan niya ay siguradong napakalala o agarang kamatayan. Kapag naiisip pa lamang ito ni Van Grego ay nanindig ang kanyang mga balahibo sa katawan. Walang magmamatapang na labanan ang isang Earthen Fate Realm Experts lalo pa't isa itong Warrior Beasts.
"Sa ngayon ay kailangan kong manatiling buhay sa anumang oras lalo pa't hindi ko iaasa ang lahat sa iba lalo pa't hindi basta-bastang nilalang lamang ang maaaring masagupa ko. Ang tanging magagawa ko lamang ay magpalakas pa lalo na't maaaring ang aking emosyon ang magtutulak sa aking kapahamakan o kamatayan." Sambit ni Van Grego lalo pa't inaalisa niya ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kanya noon maging sa kasalukuyang problemang kinakaharap niya. Naisip niyang malaking sakuna ang magaganap sa kontinente ng Hyno kung magiging maawain siya. Isa itong digmaan kung Kaya't isa lamang ang kahihinatnan nito, maaaring tagumpay o kamatayan lamang na siyang natural na pangyayari sa konsepto ng digmaan maliit man ito o malaki.
"Binibining Mystica nais ---- huh?!" Nagsasalita pa lamang si Van Grego nang mapansin niyang wala na rito si Binibining Mystica. Nakita niya lamang itong lumilipad sa hangin palabas sa bungad ng Interstellar Palace.
Maya-maya pa ay nakatanggap si Van Grego ng hindi inaasahang mensahe galing kay Binibining Mystica na siyang ikinaluwa ng kanyang mata. Tinatawag itong mind link kung saan ay konektado ang pag-iisip ninan Binibining Mystica at ni Van Grego. Maituturing na isa itong epektibong abilidad para sa malayuang distansya at agad na natatanggap ang mensaheng gustong iparating ng tapagapadala ng mensahe o sender.
"Alam ko ang iyong sinasabi bata, hindi ako ulyanin o bingi. Sa kasalukuyan kong lakas ay kaya kita dalhin sa tarangkahan palabas ng teritoryo ng Three Great Continents ngunit sa labas nito ay hindi ko alam kung makakayanan kong labanan ang mga malalakas na Guardian maging ang mga Supreme Beasts na walang sinusunod na Master. Ayokong isugal ang aking buhay o ang ipahamak ka. Wala akong galit o anumang hinanakit sa iyo pero iyon ang katotohanan, wala akong sapat na lakas para ligtas kitang maihatid sa labas. Maraming malalakas na mga halimaw na mas mataas pa ang antas kaysa sa Earthen Fate Realm Beasts o maging ang mga Martial experts nanaghihintay ng mabibiktima kung kaya parang hinatid ko ang ating buhay sa bunganga mismo ng kamatayan." Sambit ni Binibining Mystica kay Van Grego na may mababatid ang lungkot sa boses nito. Hindi ito sobrang exaggerated na pangungusap ngunit ito ang katotohanan. Maraming mga bantay maging mga halimaw na gumagala lalo na sa mga karagatan kaya nga walang nais na maglakbay sa labas ng mga tarangkahan at guamgamit lamang ng mga Transmission Array na may long distance capabilities o isang Teleportation Array na kayang ilipat ang katawan ng isang Cultivator sa isang lugar papunta sa isang malayong lugar. Ito ay upang masigurado silang ligtas sila sa paglabas o pagpasok sa isang lugar at upang maiwasan ang pagtawag ng atensyon ng publiko. Ito ang istilo ng karamihan ngunit nangangailangan ito ng malaking kayamanan.
"Pero mayroong isang paraan para makalabas ka sa teritoryo ng Three Great Continents at ito ay walang iba kundi ang Interstellar Palace!" Akangiting sambit ni Binibining Mystica na siyang ikinatuwa ni Van Grego.
"Ngunit paano po Binibining Mystica?!" Naguguluhang sambit ni Van Grego halatang wala siyang ideya sa kung paano siya makakaalis sa teritoryo ng Three Great Continents.
"Yun nga ang malaking problema natin lalo na ako. Dapat ay mayroong malakas na bagay ang masasagap nito upang magising ang Teleportation System ng Interstellar Palace. Sa totoo niyan ay hindi din ito ang aking orihinal na tirahan, aksidente lamang akong nakapunta dito kung saan ay pinagtagpo ang landas natin bata." Sambit ni Binibining Mystica sa matapat nitong pagkakasabi. Ayaw niya ring magsinungaling lalo pa't ramdam niyang hindi ito ipagsasabi ng batang si Van Grego.
"Pero bakit napadpad ka rito? Sinabi mong aksidenteng napadpad? Nagkaroon ka ba nang malaking suliraning kinakaharap noon na gusto mong takasan?" Sunod-sunod na tanong ni Van Grego na may halong pagtataka at kuryusidad sa sinabi ni Binibining Mystica.
Isang mahabang katahimikan ang namuo sa kanilang dalawa lalo na si Binibining Mystica. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Bumalik sa alaala ni Mystica ang napakasalimuot na pangyayari noong nakaraang mga dekada na hanggang ngayon ay ramdam niya ang mga alaalang halos ikipanlulumo ng kanyang loob. Maging siya ay hindi alam ang naging kinahinatnan ng mga pangyayaring iyon na sariwa pa rin sa kanyang memorya.
"Hindi ko nais ikwento sa iyo ang aking nakaraan. Magpalakas ka muna bata, abutin mo ang mataas na lebel ng Martial World. Dahil hindi mo pa alam ang naghihintay sa labas ng Three Great Continents. Kapag may sapat ka nang lakas ay saka ko lamang sasabihin ang lahat ng pangyayaring aking naranasan o nasagupa maging sa kung paano ako napadpad rito. Inaasahan kong magiging malakas kang Martial Arts Experts sa hinaharap." Sambit ni Binibining Mystica kay Van Grego ng malumanay ngunit halatang may kondisyon at paalala siyang sinabi kay Van Grego.
Nabalot muli ng katahimikan lalo na si Van Grego. Naisip nga niyang napakahina pa rin niya pala kahit na may tulong ng seal. Sa oras na bumalik ang kanyang totoong ranggo ng Cultivation ay siguradong napakahina niya na. Angdapat niyang gawin ngayon ay magpalakas at makaligtas sa anumang sakuna. Sa ngayon a kailangan niya ng masasandalan sa katauhan nina Binibining Mystica at ang malakas na Fire-Type Martial Spirit na si Alfero.
"Hindi ko maipagkakailang na magiging malakas o napakalakas ko sa hinaharap ngunit pipilitin kong labanan ang mga pagsubok na aking masasagupa at magpapalakas ako upang hindi ako magiging pabigat kahit kanino man." Buong pusong pagkakasabi ni Van Grego kay Binibining Mystica gamit ang mind link. Naglalaman ito ng paninindigan niya bilang Martial Artists na lubos na nagpahanga kay Binibining Mystica. Naniniwala siyang hindi lahat ng mga Martial Artists ay mayroong matibay o malakas na paninindigan dahil marami sa mga ito ay kayamanan at kapangyarihan lamang ang hanap o gusto.
"Magaling, gusto ang iyong paninindigan ngunit mapanghahawalan mo ba ang iyong sinasabi sa hinaharap? Panahon lang ang makapagsasabi kung magtatagpo ang ating landas o hindi. Asahan mong ang kontinenteng iyong kinalakihan na siyang kinamulatan mo ay magiging ligtas laban sa kaaway na mananakop kagaya ng Serpien Continent." Sambit ni Binibining Mystica nang may mga pangangatwiran sa kaniyang sinasabi. Sa lakas niya ay kayang-kaya niyang protektahan ang Kontinente ng Hyno na siyang nagpabunot ng tinik sa lalamunan ni Van Grego. Ang kailangan niya ay magpalakas at lumakas.
"Paalam bata!" Sambit ni Binibining Mystica nang bigla niting putulin ang kanilang mindlink.
Napahinga na lamang si Van Grego ng malalim lalo pa't wala siyang ideya kung ano ba talaga ang kanyang gagawin para maactivate ang sinasabi daw na Teleportation System sa loob ng Interstellar Palace.
Agad na naghanap ng paraan si Van Grego sa paligid at maraming kabaliwan siyang ginawa.
Mayroong naghanap siya ng malaking palakol si Van Grego sa kanyang Interspatial Ring at pinupokpok ang bawat estraktura na kanyang makita ngunit walang naging epekto maski gasgas man lang.
Merin ding magpapatawa siya na animo'y pasayo at nagbigay ng Jokes.
"Anong hayop ang lakas maka-butterfly kong gabi?!" Normal na boses ni Van Grego
"Ano?!" Inipit na boses ni Van Grego.
"Edi hulaan mo?!" Normal na boses ni Van Grego
"Hindi ko mahulaan eh, pass!" Iniipit na boses ni Van Grego.
"Edi ipis hahahahahahahahahahaahahahahahahahaha!" Sambit ni Van Grego sa normal na bose nito ngunit hindi niya mapigilang mapatawa sa kanyang joke.
Hinintay ni Van Grego kung may epekto ang kanyang joke ngunit umabot na ang ilang minuto ay walang naging senyales ng activation.
"Hays, ano ba yan!" Sambit ni Van Grego na may iritasyon. Akala niya ay may epekto na ang kanyang ginawa ngunit nagmukha lamang siyang tanga, umasa at baliw.
"Huwag ko na ulit gagawin yun, kakahiya tong ginawa ko." Sambit ni Van Grego na humahagikgik lalo na't napagtanto niyang mukha talaga siyang baliw sa inakto niya.
Ngayon ay nag-iisip siya ng ibang paraan at ito ay ang paggawa ng Formation Technique sa pamamagitan ng kanyang mga natutunan.
"Formation Technique: Berserk of the Constellations, Tenth Layer!" Sambit ni Van Grego sa kanyang ipinagmamalalaking Offensive Formations Technique. Agad niyang pinakawalan ang pinakamalakas niyang atake nang makompleto niya ang formation. Mula sa itaas ng Interstellar Palace ay makikita ang Astral Attribute na walang iba kundi ang mga nagniningning na mga Constellations sa kalangitan. Sa mukha pa lamang ng atakeng ito ay siguradong nakakamatay ito.
Unti-unting bumalot sa loob ng Interstellar Palace ang ginawang malakas na atake ni Van Grego na siyang nagdulot ng malakas na pagyanig sa loob ng Interstellar Palace. Unti-unting nagkaroon ng mga di pangkaraniwang tunog ang Interstellar Palace na siyang bagong bagay lamang kay Van Grego.
Ngunit isang hindi kanais-nais na pangyayari ang biglang nangyari kay Van Grego.
"AHHHHH!" Palahaw ni Van Grego nang maramdaman niyang parang hinahati ang buong tiyan niya partikular na ang kanyang meridian maging ang biglaang paglabas ng kusa ng napakalaking vortex sa Myriad Painting maging sa kanyang katawan. Unti-unti niyang nakita ang kabuuang itsura nitona halos hindi niya na makilala pa.
"Wag naman ngayon pakiusap!" Sambit ni Van Grego nang biglang may narinig siyang nagsalita na parang system. Ikatutuwa niya sana ito ngunit nanlumo siya ng marinig ang sinabi ng Interstellar Palace System.
"Interstellar Palace 4195368 is now scanning... Detecting the Host Completed. Threat!" Sambit ng Interstellar System nang bigla itong nakaramdam ng panganib dahil sa lumitaw na bagay na siyang maituturing nitong kaaway.
"Punishment: Prototype Heavenly bolts of Thunder!" Sambit ng Interstellar System na animo'y walang emosyon.
Walang ano-ano pa ay nagulantang si Van Grego sa biglaang paglitaw ng maraming mga nagniningning na mga boltahe ng kuryente at masasabing napakadelikadong heavenly thunder ito lalo pa't kulay ube ito. Hindi niya aakalaing mayroong bagay na kayang magproduce ng isang Heavenly Thunder kahit na isa itong prototype ba specimen ng Heavenly Thunder.
"Ano ang gagawin ko, wala nang consciousness ang pasaway na Vortex na ito. Siguradong m----" pag-aanalisa ni Van Grego sa mga bagay-bagay na kanyang naoobserbahan.
"Target detecting.... Target lock, disintegrate!" Sambit ng Interstellar System habang mabilis nitong natapos ang detection at pag-lock sa host nito.
"Hindi maaari------AHHHHH!" Sambit ni Van Grego nang makita niyang natamaan ang napakalaking vortex na nasa katawan niya. Isang Heavenly Thunder ito laban sa vortex na namuo na siyang konektado kay Van Grego na siyang nagpasuka ng sariwa at masaganang dhgo sa bibig ni Van Grego.
Hindi mabilang na mga boltahe ng Heavenly Thunder na siyang prototype lamang ngunit ang lakas nito ay Hindi nagkakalayo sa lakas ng totoo o orihinal na Heavenly Thunder.
Hindi mabilang na sigaw ng daing at sakit ang maririnig mula sa bibig ni Van Grego maging ang ilang beses nitong pagsuka ng dugo sa napakagarang sahig ng Interstellar Palace. Namumutla na si Van Grego sa Sobrang kawalan ng dugo. Mistulang pinipino ng Heavenly Thunder ang estraktura ng vortex. Nagkaroon ng pagbabago paunti-unti sa vortex lalo na ang kulay nito ay paiba-iba mula sa abong kulay ay unti-unting nagiging kahel at naging kulay pula dulot ng priksiyon maging ng presyur na nililikha ng kapangyarihan o lakas ng Heavenly Thunder.
Mula sa napakalaking estruktura ng Vortex ay mabilis na lumiliit ng lumiliit ito sa bawat hagupit ng Heavenly Thunder. Nagmistulang kaawa-awa ang kalagayan ng noo'y hindi mapapantayang lakas ng Vortex lalo pa't wala na ang consciousness nito o ang abilidad na makasagap ng panganib.
Ilang minuto pa ang nagtagal at patuloy na paghagupit ng Heavenly Thunder ay siya ring patuloy na pagdurusa ni Van Grego. Hindi maipagkakailang kalunos-lunos ang sinapit ng batang ito na hindi alam ng kahit na sinuman maging si Mystica na ang atensyon ay nasa mga kalaban na patuloy na nagpapasabog sa lupain ng Ult Magna Forest.